Chapter 76

1398 Words

Chapter 76 ELAYZA Nakarating kami ni Arc isang parte ng parke kung saan may malawak na grass at mga puno sa paligid. Pareho kaming napatigil kasi ang ganda ng lugar. Lalo pa't sinasalubong ang mga pagod namin na katawan dahil sa katatakbo ng malamig na simoy ng hangin. Pero ang nagpaganda sa lugar ay ang sunset na noon ay nagsisimula ng lumukob sa paligid. Hingal na tumigil kami sa isang puno at naupo doon. Nilingon niya ako saka hinawakan ang mukha ko. Mula sa kung saan ay mabilis na pagsiil ng halik ang ginawa niya. Nabigla ako sa ginawa ni Arc. Muli kong naitigil ang pahinga ko kahit hinihingal pa ako sa pagtakbo. "I missed you so much, baby... " bulong niya sa pagitan nang malalalim na hininga. Muli niya akong hinalikan. Sa pagkakataon na iyon ay mas malalim iyon. Mas sabik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD