Chapter 4

1721 Words
ELAYZA Nang makababa ako ng hagdan ay kinalma ko ang sarili. Humugot ako ng malalim na hininga. Kaagad kong iwinaksi sa isip ko si Sir Arc. Ayokong isipin at ayokong masira ang unang araw ng trabaho ko dahil sa kanya. Hinawakan ko ng maigi ang plastic kung saan naroon ang maduming damit ng amo ko. Iginala ko ang tingin sa paligid para hanapin si Ate Lara. Nang hindi ko siya mahanap sa sala ay dumeretso ako sa maid's quarter. Binuksan ko ang pinto at doon ko siya. May pinaplantsa siyang mga damit na hula ko ay mga damit ni Ma'am Beverly. "Oh? Kumusta? Ano 'yan?" puna ni Ate Lara sa hawak ko. Tiningnan ko ang hawak ko bago muling tumingin sa kanya. "Ahm, madumi pong damit ni Sir Arc." "Nakilala mo na pala siya. Gwapo ng batang 'yon 'no?" nakangiting sabi ni Ate Lara. "Teka... ba't parang nanginginig ang mga daliri mo?" Bahagya akong nabigla at tiningnan ang sariling kamay. Oo nga, nanginginig parin ang mga kamay ko dahil sa nangyari kanina. Hindi kasi iyon dahil sa nakakita ako ng hubo't hubad na babae kundi dahil sa mga titig ni Sir Arc na sobrang nakaka-intimidate sa pakiramdam. Idagdag pa pagbabalandra niya ng mala-Adonis na katawan sa harapan ko. Kulang na lang talaga alisin niya ang tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya at jusko! napailing ako ba't ko ba iniisip ang itsura ng lalaking 'yon! "Hoy!" Halos mapatalon ako nang pagulat na hawakan ni Ate Lara ang balikat ko. Natawa si Ate Lara sa reaksyon ko tsaka muling bumalik sa pwesto niya para ipagpatuloy ang pamamalantsa. "Tulala ka agad diyan. Nakakita ka lang na gwapong binata eh," pagtutukso ni Ate Lara sa akin habang nakangiti. Napangiwi ako. Hindi ko na kinontra si Ate Lara sa sinabi niyang gwapo si Sir Arc kasi gwapo naman talaga ang lalaking 'yon. "Hindi lang po kasi ako makapaniwala s-sa n-nakita ko." Napaisip si Ate Lara kapagkuwa'y humagikhik. "Ahh... alam ko ang ibig mong sabihin. Huwag kang mag-alaala. Ngayon lang 'yan. For sure masasanay ka rin. Ganyan din ang naramdaman ko noong una salta ko dito pero... inisip ko na lang na siguro talagang pilyo lang ang batang 'yon. Kaya nasanay na rin ako sa pagdadala niya ng iba't ibang babae dito." Kumunot ang noo ko. "Iba't ibang babae?" "Opo. Kaya ngayon palang dapat masanay ka na. Lalo na't nakatoka ka sa itaas sa paglilinis ng kwarto nila." "Hindi po ba siyang pinapagalitan nina Sir Arnold sa pagdadala niya ng mga babae sa bahay na ito? Ayos lang sana kung girlfriend pero kung basta babae lang mali na po ata 'yon. At saka kahit girlfriend hindi naman po ata pwede na gumawa sila ng milagro kasi hindi pa naman sila mag-asawa." Napatigil si Ate Lara sa mga pinagsasasabi ko. Nang mapagtanto ko rin ang mga salita na nilabas ng bibig ko ay nakagat ko ang labi ko. Narinig kong napahalakhak si Ate Lara at kinuha ang huling hanger at hinanger ang damit na pinaplantsa niya. "Parehong pareho talaga tayo ng reaksyon noong unang beses na umuwi 'yan si Sir Arc galing ibang bansa at may dinalang babae dito. Pero kinalaunan nasanay din ako kaya alam kong masasanay ka rin." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Ate Lara. "Akin na pala 'yang hawak mo. At ng masabay ko na sa paglalaba mamaya." Ibinigay ko sa kanya ang hawak kong plastic. Ilang sandali ay tinuro sa akin ni Ate Lara ang mga mahahalagang gamit sa bahay ng mga Silvestre. Isa na doon ang intercom na nakakabit kusina at kwarto ng aming quarter. Iyon daw ang signal namin kung gusto kaming utusan sa itaas. At dahil ako ang nakatoka maglinis sa itaas expect ko daw na ako ang palaging tatawagin sa intercom. At dahil day off ng isang katulong namin na nakatoka sa kusina ay tinulungan ko naman si Ate Lara sa pagaayos ng hapag kainan. "Actually, kapag tapos na ako sa paglalaba at wala na akong ginagawa ay tinutulungan ko talaga si Manang Gigi. Mahirap kasi kapag solo sa kusina lalo na't kapag bumaba na ang mga amo natin para kumain. Good thing nariyan ka na. Bihira lang din naman kasi sila magpalinis ng kwarto kaya panigurado dito ka madalas sa kusina para tulungan si Manang Gigi." Tumango ako at saka ngumiti. "Wala pong problema. Mas gusto ko nga sa kusina kasi mahilig din akong magexperiment sa pagluluto." Natawa si Ate Lara. "Pero hoy, huwag kang mag-experiment dito baka mapagalitan ka. Nagsasabi kasi sila ng gusto nilang klase ng pagkain." "Iyon nga po eh. Dibale tutulungan ko na lang si Manang Gigi. Ilang taon na po ba si Manang Gigi?" "Ahh, 50 na 'yon. Pero beterano na 'yon dito. Ok lang na tawagin natin siyang Manang Gigi kasi nasanay na din siya dito na tawagin na ganoon. 30 years na siyang naninilbihan dito. Simula pa noong buhay pa ang mga magulang nina Sir Arnold." Tumango-tango ako. Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang mga hakbang pababa sa hagdan. "Ok na ba, Ate Lara? Gutom na ako eh. Ang haba ng biyahe namin," sabi ni Ma'am Beverly sa malamyos na boses. At nginitian si Ate Lara. Grabe ang amo ng mukha niya. "Kawawa naman ang asawa ko." narinig kong bulong ni Sir Arnold dahilan para mapatingin ako sa kanila at nakita ko kung paano niya niyapos sa bewang ang asawa. Nahuli ako ni Sir Arnold na tumitingin sa kanya. Bahagya akong napatigil. Lalo na nang ngitian niya ako. Namula ako. Ano ba naman 'yan. Baka isipin niya na chismosa ako masyado. Pero hindi ko mapigilan kiligin sa pagngiti sa akin ng crush ko. "Ayos ka lang ba diyan, Elayza?" tanong ni Sir Arnold sa akin. "Ah-Ahm... opo," sagot ko saka kiming ngumiti. "Tinuturuan mo na ba si Elayza, Ate Lara?" tanong ni Ma'am Beverly. "Opo Ma'am. Mabilis naman siya matuto." "That's good to hear!" "By the way, dumating na ba si Arc?" tanong ni Sir Arnold kay Ate Lara makalipas ang ilang sandali. "Yes Sir. Kanina pa po," sagot naman ni Ate Lara. "Ok, ahm... Elayza," tawag sa akin ni Sir Arnold. Tumingin ako sa kanya nang deretso. Kahit medyo intimidating na makipag-eyes to eyes kay Sir Arnold ay pinilit ko na kasi baka mahalata niya na crush ko siya. "Yes, po?" "Pumunta ka sa kwarto ni Arc. Sabihin mo kakain na." "Ahm, sir!" Pagsegunda ni Ate Lara habang hawak ang isang mangko ng sabaw at nilagay sa gitna ng lamesa. "May kasama po pala si Sir." "Who? Natalie?" kunot-noong tanong ni Sir Arnold. Tumango si Ate Lara at saka ngumiti ng pilit. "Opo." Bahagyang napahilot ng noo si Sir Arnold habang si Ma'am Beverly naman ay hinagod ang likod ng asawa. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon bigla ang tinuran nila. "Elayza, please tell na kakain na at sumabay na sila sa amin." "Sige po." Agad naman akong tumango at tumalima para tahakin ang hagdan. "Kahit kailan talaga sakit sa ulo sa akin ang batang 'yan." Narinig kong sabi ni Sir Arnold habang tinatahak ko hagdan. Kumunot ako pero pinigilan ko ang sarili ko na huwag lumingon. Baka magmukha akong chismosa. "Malay mo nagbago na ang anak mo. Look, parang matagal na sila ni Natalie," wika ni Ma'am Beverly. "I don't think so..." Hindi ko na narinig pa ang pinaguusapan nila dahil nakarating na ako sa second floor. Nasa kalahati na ako ng hallway nang may marinig akong ingay mula sa kwarto ni Sir Arc. "I want you, Arc. Please don't do this to me." Kumunot ang noo ko. Halatang nag-aaway sila kasi naririnig ko ang gigil sa boses ni Sir Arc. Dideretso pa ba ako? Baka kasi ako lang ang masinghalan nila? Pero inuutusan ako ni Sir Arnold eh. Kailangan ko siyang sundin. Dumeretso ako sa paghakbang at kumatok sa pinto ng kwarto ni Sir Arc. "What the f*ck! Who's that?!" narinig kong sigaw ng babae dahilan para mapaatras ako. Kinabahan ako. Tatalikod sana ako nang bumukas ang pinto. "Yes?" kaswal at kunot-noong tanong ni Sir Arc na siyang bumukas ng pinto. "Ah-Ahm... bumaba na daw po k-kayo... sabi ni S-Sir Arnold para magtanghalian." "Who's that?" Hinawakan ni Natalie ang braso ni Sir Arc para tingnan ako nang deretso. Nang makita niya ako ay bahagya siyang natigilan pero agad din na umirap. "Tsss, muchacha," pagiirap na sabi niya. Bigla akong nainis sa tinuran niya pero pinigilan ko na lamang siya. After all, masyadong mataas ang level niya para patulan ko siya. Paniguradong ako lang ang magiging kawawa sa huli. Idagdag pa na ang ganda-ganda niya. Sobrang kinis ng katawan at halatang galing sa mayaman na angkan. "Sige, bababa na lang kami," sabi ni Sir Arc. "Hey, wait!" wika ni Natalie sa akin nang akma akong tatalikod para umalis. "Kumuha ka ng panlinis sa baba at linisan mo 'yong dumi sa sahig." utos niya sa akin. "Ah-ahm opo." "Bilisan mo." Tumaas ang kilay niya. "Nandiyan ang mga gamit ko ah? Siguraduhin mong wala kang kukunin ni isa diyan. Tandaan mo na may CCTV ang buong bahay na ito." Napatingin ako nang deretso kay Natalie. Iniisip niya ba na pagiinteresan ko ang mga gamit niya? Tumayo ako nang deretso at tumingin sa kanya. "Hindi naman po ako ganoon. Hindi po ako kumukuha ng hindi sa akin kasi pinalaki po ako ng magulang kong tama." Tumirik ang mga mata ni Natalie. "Huwag mo nga akong sinasagot! Gawin mo na lang trabaho mo, ok?" "Let's go Natalie." Iyon lamang ang sabi ni Sir Arc na para bang hindi niya narinig ang sinabi ni Natalie. Sumunod sa kanya si Natalie pero bago 'non ay hinagod pa ako mula ulo hanggang paa bago pairap na umalis. Mariin kong nakagat ang labi ko sa sobrang gigil. Anong karapatan ng babaeng 'yon na husgahan ako? "Ang sama ng ugali!" anas ko sa mahinang boses. Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sir Arc para tingnan kung nasaan ang dumi para bago ko kunin ang panglinis ay hindi ko na hanapin pa. Pero bahagya lang akong napangiwi kasi ang dumi na pinapalinis pala sa akin ay suka ng tao at hula ko ay galing iyon kay Natalie since amoy na amoy sa buong kwarto ang alak nito na naamoy ko rin sa bunganga niya. Ahh... kadiri! ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD