Chapter 5

1647 Words
Chapter 5 ELAYZA "Oh? Anong ginawa mo sa itaas?" tanong ni Ate Lara nang makarating ako sa Maid's Quarter. Inilagay ko lalagyan ang map na pinanglinis ko. "Nilinis ko lang po 'yong sahig na pinagsukahan ni Natalie." Napangiwi si Ate Lara. "Ewww!" Kapagkuwa'y napailing. "Tsk, tsk... kahit kailan talaga walang magandang nagagawa ang babaeng 'yan sa kapag nandito sa bahay ni Arc." "Ayos lang po 'yon. Parte naman talaga ng trabaho natin ang maglinis ng kinalat nila," nakangiting sabi ko. "Pero bisita lang si Natalie. Hindi siya ang nagpapasahod sa atin kaya dapat mahiya naman siya sa ginagawa niya," naiiling na sabi ni Ate Lara. "Ok lang po 'yon," kapakuwa'y wika ko na lamang. Ilang sandali ay kumain na rin kami ni Ate Lara. Winaksi ko na lang talaga sa isip ko ang nilinis ko kasi baka mawalan lang ako ng ganang kumain. Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami sa lamesa ng mga Silvestre para linisin ang mga pinagkainan nila. Lumipas ang maghapon na wala na din naman silang inutos kaya nagsimula na akong magpahinga. Bukas na lang daw ako maglinis na itaas pag punta ng mag-asawa sa opisina. Umalis na rin pala si Natalie pagkatapos mananghalian. Sinundo siya ng isang magarang kotse. At habang tinitingnan ko si Natalie na papasok sa kotse ay hindi ko mapigilan na makita ang pagiging classy niyang babae. Pinapayungan pa kasi siya ng driver niya habang papasok ng kotse. Tanghaling tapat at talagang matindi ang sikat ng araw. "Ang yaman talaga ng babaeng 'yan kaya ganyan ang ugali. Anak ba naman ng CEO," naalala kong sabi ni Ate Lara nang makalabas ang kotse sa malaking gate ng pamilya Silvestre. Nahiga ako sa double bed na higaan para magpahinga. Napatitig ako sa kawalan at bumuntong hininga. Bigla kong naalala sina Mama at si Carlo. Kinuha ko ang cellphone na keypad na pinahiram pa sa akin ni Aling Lorna para daw makontak ko man lang sina Mama at Carlo sa number niya. Nakita ko na may 15 missed calls na doon. At galing iyon kay Aling Lorna habang 5 unread messages naman na galing parin sa kanya. Iisa lang ang gusto sa sabihin sa akin ng mga mensahe niya. Gusto daw akong makausap ni Mama para kumustahin at kung tatawag daw ako magtext muna ako para makapunta siya sa bahay at maibigay niya 'yong cp niya kay Mama para magkausap kami. Tinext ko agad si Aling Lorna na tatawag ako. Ilang minuto ay nag textback siya na tamang-tama daw at nandoon si Mama sa tindahan niya at hinihintay talaga akong magtext. Nagpasya akong tawagan kaagad si Aling Lorna. Mabuti na lang at may load ang sim card na ito for 3 days kaya tatlong araw kong makakamusta si Mama. "Hello, anak?" Unang bungad palang ng boses ni Mama sa kabilang linya ay naiiyak na ako. Pinigilan ko lang talaga kasi baka iba ang isipin ni Mama. Hindi pa ako nag-iisang araw sa bahay na ito pero parang gusto ko ng umuwi para makita si Mama. Pero syempre ayokong paboran ang homesick ko. Kasi kailangan kong trabahuhan ang inutang kong advance na pera sa pamilya Silvestre. Iyon na siguro ang tinatawag nilang sakripisyo. Ilang minuto din kaming nagkausap at nagkamustahan ni Mama. Hindi ko sinabi kay Mama ang ginawa ni Natalie bagkos ay binida ko na lamang ang kabaitan nina Sir Arnold at Ma'am Beverly. Ilang minuto ay nagpaalam na din si Mama kasi may gagawin pa daw siya. pag-endcall niya ng tawag ay napatutop ako para pigilan ang boses ko sa paghagulgol. Kasi napatigi ako nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Ate Lara na bagong ligo. Balot ng tuwalya ang buong katawan niya at may nakapulupot din na maliit na towel sa buhok niya. "Tapos na ako. Ikaw naman maligo habang tulog na sinda Sir at Ma'am." Tumango ako at mabilis na umiwas ng tingin. Pasimple kong pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko. Iniready ko ang tuwalya na dala ko at binigay naman sa akin ang ni Ate Lara ang personal na gamit ko. Nasa isang lalagyan na iyon kaya binitbit ko na agad patungo sa CR. Mga 20 minutes ang nakalipas bago ako matapos maligo nang maalala ko na hindi ko pala nadala 'yong isusuot kong damit sa banyo. Hindi kasi ako sanay na tuwalya lang ang suot ko sa pag lumalabas ng banyo. Ok lang naman sana kung si Ate Lara lang ang makakakita na nakatapis lang ako ng tuwalya pero baka kasi lumabas sina Sir Arnold. Nadadaanan kasi nila ang Maid's Quarter kapag pumupunta sila sa garage. "Hindi naman siguro sila lalabas kasi sabi rin ni Ate Lara na natutulog sila kapag hapon." sabi ko sa sarili ko. Tama. At saka ilang hakbang lang naman ang agwat ng kwarto sa CR kaya mabilis akong makakapunta doon. Pinangpunas ko muna 'yong nagiisa kong tuwalya sa buhok ko. Nang maabsorb nang kaunti ang tubig sa buhok ko ay iyon na rin ang ginawa kong pangtapis sa katawan ko. Binuksan ko ang pinto ng CR pero ganoon na lamang ang gulat ko nang bumukas rin ang pinto na nagdudugtong sa sala ng aming Amo at maid's quarter iyon ang pinto na ginagamit nila kapag gusto nilang pumunta sa garahe ng bahay. Saktong napatingin sa akin si Arc na siyang lumabas sa pinto. Gusto kong kumaripas ng takbo ngunit para nadikit ang mga paa ko sa sahig at bahagya akong natulala sa kaniya. And yeah, nagkatitigan kami. Nakita ko kung paano unti-unting bumaba ng tingn ang mga mata ni Arc sa katawan ko. Mas lalo akong nalito pero ayaw makipag cooperate ang katawan ko. Nagfucos saglit ang mga tingin niya sa dibdib ko bago siya umiwas ng tingin at naglakad para pumunta sa labas-sa garahe. Ako naman ay mabilis na humakbang para tumungo sa aming kwarto. Yukong-yuko ako sa hiya pero dapat hindi ko iyon pinahalata. "Wait." Napatigil ako. Maging ang paghinga ko ay naitigil ko rin. "Elayza, right?" Parang may kung anong bumundol sa puso ko nang marinig ko mula sa kanya ang pangalan ko. Pinilit kong humarap sa kanya kahit pakiramdam ko ay hinuhubaran na ako ng mga tingin niyan. "Y-Yes po?" Muli niyang tinitigan ang katawan ko na lihim ko rin kinainisan. Bakit masyadong bulgar magpakita ng kamanyakan ang lalaking ito? "Kunin mo nga 'yong sponge at sabon na pinapanglinis ko sa aking motor." Kaagad din akong tumango at pumunta sa maliit na bodega kung saan naroon ang mga gamit na pinapanglinis sa sasakyan nila. Good thing naituro ni Ate Lara sa akin kung nasaan ang mga iyon. Bahagya akong yumuko upang kunin mula sa sahig ang mga gamit ni Sir Arc para sa motor niya. Nang umayos ako nang tayo ay nay kung anong matigas na bagay na tinamaan ang pwet ko. "Ay, kabayo ka!" pagulat kong sabi nang humarap ako kasi naroon pala si Sir Arc nakasunod sa akin. Teka... a-ano 'yong tumama sa puwetan ko habang nakatalikod ako? Dahil sa gulat ko ay napaatras ako. Dahilan para maapakan ko ang isang maliit na container. Napapikit ako kasi alam kong na-a-out balance ako nang bigla kong maramdaman ang isang matitigas na bisig na pumulupot sa aking katawan. Unti-unti kong iminulat ang nga mata ko. Saglit kaming nagkatitigan ni Sir Arc. Pakiramdam ko ay may mga daga na biglang naghabulan sa loob ng aking tiyan nang mapasadahan ko ng tingin ang mukha ng aking gwapong amo. Shet! Hindi ko mapigilan titigan ang matangos niyang ilong. Lalong-lalo na ang makinis niyang mukha at ang ma mula-mula niyang mga labi. Manang-mana talaga siya kay Sir Arnold. Pakiwari ko ay si Sir Arnold lang ang tinititigan ko. Umangat ang sulok ng labi ni Arc. "Are you trying to tease me?" "P-Po?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa dahilan para umayos ako ng tayo. "S-Sorry po." Siguro nahalata niya na masyado kong tinitigan nang matagal? Dahil sa hiya ay agad akong naglakad para lampasan siya at tinungo na ang kwarto namin para magbihis. Nakita ko doon si Ate Lara na busy magbasa ng pocketbook. Hindi niya ako pinansin kaya naman dali-dali akong nagbihis. Nang makapagbihis ako ay isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Elayza." Nagkatinginan kami ni Ate Lara. "Si Sir Arc 'yon. Bilis! Baka may iuutos sa 'yo." Hindi na ako nagsalita pa at kaagad din na lumabas ng kwarto. Nakita ko si Sir Arc na nasa garahe na kaya naman pumunta agad ako doon. "Y-Yes po?" wika ko nang makalapit ako sa kanya. Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago nagsalita. "Ang bilis mo magbihis ah?" Alangan naman? Edi mas lalo kong nakita ang kamanyakan sa mga mata mo?" pero syempre sa isip ko lang iyon. Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. "Anyway, halika dito at tuturuan kita kung paano maglinis ng aking motor." Hindi naman ako nagatubili na lumapit sa kanya. Pinakita niya sa akin kung paano sabunin ang racer motor niya. "Siguraduhin mo na hindi mo 'yan magagasgasan habang nililinisan. Tandaan mo. Mahal pa 'yan sa buhay mo." wika niya. Isang pagtango lamang ang nagawa ko kahit bahagya akong natense sa sinabi niya. "Oh, ikaw naman. Para alam mo kung paano paliguan ang motor ko." Binigay niya sa akin ng sponge. Kaagad ko naman iyon kinuha at bahagyang pinahid sa kanyang motor. "Lakasan mo naman. Parang wala kang kinain eh," may bahid na pagrereklamo ni Sirc Arc sa paglilinis ko ng motor niya. "Paano maaalis ang dumi niyan kung hindi mo nilalakas?" Nakagat ko ang labi ko. Huwag kang sumagot Elayza. Kahit anong mangyari huwag mong sasagutin ang amo mo kasi unang araw mo palang ngayon sa kanila. "Ang bagal mo naman kumilos!" Inis na sabi ni Sir Arc "S-Sorry po," hinging paumanhin na sabi ko. Feeling ko ay maiihi na ako sa shorts kasi hindi ko halos magawa ng tama ang iniuutos niya. "Tsss! Ganito lang 'yan, ok?" Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya kung paano malinisan ng tama ang kanyang motor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD