Chapter 6

1760 Words
ELAYZA Hindi ko namalayan ang mga araw na nagdaan. Siguro ay dahil naging busy na ako sa paglilinis sa bahay ng mga Silvestre. Pero kahit pagod masilayan ko lang si Sir Arnold ay buo na ang araw ko. Pag naaamoy ko ang pabango lang ang pabango niya na nagkalat sa buong kwarto nila ay hindi ko mapigilan kiligin. "Elayza... pakilagay naman ng atache case ko sa kotse, oh." utos ni Sir Arnold saka ngumiti. Hay! Magtatagal talaga ako sa bahay na ito kasi nakakawala ng pagod ang mga ngiti ni Sir! Kinuha ko atache case na hawak niya. Bahagyang sumagi ang kamay ko sa kamay niya pero pinigilan kong huwag magreact kasi baka mahalata niya ako lalo pa't nasa likod niya lang si Ma'am Beverly. "Thank you." wika niya saka muling ngumiti. "You're welcome, Sir." pagtango ko. Nang tumalikod ako ay napapapikit kasi gusto kong tumili nang malakas. Pinipigilan ko na lang talaga. Sana huwag dumating ang araw na mapatingin sila sa akin kasi bigla-bigla na lang ako tumilis kilig. Nang imulat ko ang mga mata ko upang tahakin ang hagdan ay napatingin ako sa ibaba kung saan naroon si Sir Arc nakatingala. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa kwarto ni Sir Arnold kung saan ako galing Wait... nakita niya kaya ang reaksyon ko? Mariin kong nakagat ang labi ko. Mabilis na pinamulahan ako ng pisngi kaya naman kaagad na yumuko ako at nagpasyang maglakad pababa ng hagdan. Nagsimula din siyang umakyat. Nang magkasalubungan kami ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nilingon ako ni Sir Arc. Pero hindi ko iyon pinansin. "Ahm... wait." Napatigil ako sa sinabi ni Sir Arc at nilingon siya. "Pagkatapos mong mailagay 'yan sa kotse ni Daddy. Pumunta ka sa kwarto ko." Ayokong bigyan ng ibang meaning ang sinabi ni Sir Arc pero bakit parang bigla akong kinabahan sa huling sinabi niya. Tumango ako at mabilis na winaksi ang nasa isip ko. "Opo." "Good." Dumaan sa paningin ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Pero hindi ko mapigilan mapatanga nang ilang segundo sa ginawa niya. Pareho kasi sila ng Daddy niya. Kopyang-kopya niya ang bawat expression na ginagawa ng Daddy niya at hindi ko maikakailang ang gwapo niya kapag ganoon. Inilagay ko ang atache case sa kotse matapos kong ngitian si Kuya Ofel. Siya kasi ang driver ngayon ng aking amo. Iba iba kasi ang driver nila at si Kuya Ofel lang ang kilala ko. Dumeretso ako sa itaas para pumunta sa kwarto ni Sir Arc. Nang makaakyat ako ay saktong lumabas si Ma'am Beverly sa kwarto nila. Ang ganda ng suot ni Ma'am Beverly. Nakapang opisina siya ngayon and usual naman na suot niya tuwing working days. Super light lang ang makeup niya pero sobrang nakakatomboy titigan ang mukha niya. "Ahm, Elayza. Pwede bang pakisabihan mo si Manang GiGi na pagtimpla ako ng kape? Ilagay niya na rin sa tumbler ko. Hinatayin ko siya sa kotse," nakangiting sabi ni Ma'am Beverly. Tumango naman agad ako. "Sige po, Ma'am." "Pakibilisan lang ah? Kasi bababa na si Arnold." Tumango ulit ako. "Opo, Ma'am." Bumaba ako at sinabihan si Manang Gigi na timplahan ng kape si Ma'am Beverly. Habang sinasabi ko 'yon ay narinig ko na bumaba na ng hagdan si Ma'am Beverly para pumunta sa kotse kaya naman sinasabihan ko si Manang Gigi na bilisan ang pagtimpla niya ng kape. "Elayza. Nasaan ka na? I said pumunta ka sa kwarto ko." Narinig kong boses mula sa intercom na nakakabit sa kusina ng aming amo. Muntik na akong magulat kahit ilang beses ko ng naririnig ang pangalan ko sa intercom na iyon para utusan ako pero kasi 'yong mga oras na iyon ay halatang inip na inip na si Sir Arc sa akin. "Sige na, pumunta ka na sa itaas. Ang bilis pa naman uminit ang ulo ng batang 'yan." Tumango na lamang ako sa sinabi ni Manang Gigi at halos takbuhin ko na ang hagdan para makapunta agad sa kwarto ni Sir Arc. "What took you so long?!" inis na sigaw ni Sir Arc pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng kwarto niya. Nabigla agad ako sa pagbungad niya kaya naman hindi ko mapigilan kabahan. "A-Ahm... m-may inutos lang po kasi si Ma'am Beverly." "I don't care! Hindi mo ako dapat pinaghihintay ng matagal!" inis na sabi niya sa malakas na boses na para bang gusto na akong lamunin ng buhay. Napayuko ako. "S-Sorry po." Pakirawari ko ay maiiyak na ako sa lakas ng boses niya. Narinig ko na bumuntong-hininga siya. "Oh eto. Ilagay mo 'yong punda ng unan ko. Tapos ayusin mo bedsheet ko." utos niya at umalis sa kama niya at naupo sa study table niya. Agad naman akong kumilos para sundin ang inuutos niya. Ayokong bigyan ng malisya pero sa gilid ng mga mata ko ay alam kong tinitingnan niya ako. Lalo nang yumuko ako at doon ko napansin na nakikita na pala ang cleavage ko sa suot kong sando. Napatingin ako kay Sir Arc at hindi nga ako nagkamali. Nakatingin nga siya sa akin. Wala siyang ginawang moves para umiwas ng tingin bagkos ay mas tinitigan pa ako. Hindi ko mabasa ang iniisip niya pero isa lang talaga ang pumasok sa isip ko. Ang manyak ng mga mata niya. Ang sumunod na pagyuko ko habang iniipit ang bedsheet sa kama ay tinatakpan ko na clevage ko ng isa ko pang kamay. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Arc. "It's not that big for you to hide it." he said napatigil ako pero pinigilan ko ang sarili ko na lingonin si Sir Arc baka kasi pag ginawa ko 'yon ay masapak ko lang siya. Binilisan ko ang pag-aayos ko ng kama niya. "Ok na po." Tumayo siya at muli akong hinagod ng tingin. "Sir Arc." tawag ko sa pangalan niya kasi parang hindi niya ako narinig. Nakatutulog lamang ang tingin niya sa akin at sa katawan ko na kanina ko pa talaga kinaiinisan. Malapit na... malapit ko na talagang malagyan ng black eye ang magkabilang mga mata ng lalaking ito. "Sir, may ipaguutos pa po ba kayo?" tanong ko muli para madistract ang mga mata niya. "How old are you?" mula sa kung saan ay tanong niya. "A-Ahm... Nineteen na po." Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. "Oh? Really? Akala ko magkasing-edad lang tayo." Kumunot ang noo ko. "Bakit? Ilang taon na po ba kayo, Sir?" wala sa loob na tanong ko. "I'm already 21 years old." "Ahh..." pagtango-tango kong sabi. "I really thought that we're on the same age because your body says that you're not that young." Napaglapat ko nang mariin ang mga labi ko. Hindi ko na kaya 'to! Naiinis na ako sa mga sinasabi niya. "Sir? May problema po ba kayo sa katawan ko?" Bahagya siyang natigilan sa tanong ko. Kapagkuwa'y bahagyang tumawa. Lumitaw ang mapuputi at mala-perlas niyang mga ngipin na nagremind na naman sa akin sa itsura ni Sir Arnold. "Wala... wala naman akong problema. Sige you may go now. Ah, wait. Itapon mo na rin pala 'tong basura." Itinuro niya ang baso na nasa tabi ng study table niya. Hindi na ako nagsalita at kinuha ki na lamang ang plastic na nasa sahig. Sa pagyuko ko ay dumaan si Sir Arc sa likuran ko dahilan para bahagyang mabundol ng binti niya ang puwetan ko. Napatigil ako ast napatingin sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Bagkos ay sumampa siya sa kanyang kama na para bang walang nangyari. Napapikit na lamang ako at mabilis na tinungo ang pinto para lumabas. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkalabas ng pagkalabas ng kwarto ng m******s kong amo. *** "Elayza. Pakilinisan mo nga ang motor ko. May race ako mamaya." Utos sa akin ni Sir Arc mula sa intercom. "Copy sir." wika ko. Sakto at tapos na akong tulungan si Manang Gigi sa paghuhugas ng pinagkainan ni Sir Arc. Siya lang naman kasi ang kumakain tuwing tanghali pag weekdays. At kapag linggo sabay-sabay silang kumakain nina Sir Arnold at Ma'am Beverly kasi off ng mag-asawa sa pag-oopisina. At dahil dakilang tambay si Sir Arc, kaya buong maghapon nasa bahay siya at gabi naman kung saan-saan na galaan pumupunta. Mabuti na lang at may sarili siyang susi ng gate at bahay kaya hindi na kami na-iistorbo pa kung anong oras siya uuwi. Kinuha ko agad ang panlinis sa motor niya at lumabas. Nagpapahinga na sa kwarto sina Manang Gigi at Ate Lara. Masyadong nakakabagot ang hangin at init na sumalubong sa akin sa labas. Medyo napagod din ako sa pagtaas-baba sa hagdan kanina kasi late na rin umalis sina Sir Arnold. Habang hawak ko ang maliit na balde kung saan naroon ang mga gamit na panglinis sa motor ni Sir Arc ay inalis ko muna ang tinatakip sa motor. Ngunit habang inaalis ko iyon ay bigla na lang may tumalon na palaka sa akin. "Ay palaka!" Bigla kong sabi dahilan para mabitawan ko ang hawak ko. Nagkalat ang mga gamit na panglinis sa sahig. Hinanap ko ang palaka na noon ay tumalon-talon na paalis. "Pambihira. Dito mo pa talaga nagawang magpahinga," panenermon ko sa palaka na para bang maiintindihan naman ako. Hindi naman ako takot sa palaka. Takot lang talaga ako kapag tumatalon na siya papunta sa akin. Iginilid ko muna ang pinagtakip na sa motor ni Sir. Saka ko ibinalik sa balde ang mga gamit sa paglilinis ng motor. Habang nililigpit ko ang nagkalat na gamit ay napansin ko na may bitak sa ang bunganga ng maliit na balde. "Saan naman galing ang bitak na 'to?" wala sa loob tanong ko sa sarili. Mabilis na pumasok sa isip ko ang pagkakatapon ko ng balde dahil sa gulat sa palaka. Sa ideya na iyon ay bigla akong kinabahan. Unti-unti akong napatingin sa motor ni Sir Arc. At doon tumambad ang malaking gasgas na nasa motor ng amo ko! "Ay jusko po!" wika ko kasabay ng pagsinghap. Mabilis kong pinunasan ang motor ni Sir gamit ang kamay ko sa pagbabakasaling dumi lang. Pero... Mariin kong nakagat ang ibabang parte ng labi ko. "Naku po... lagot ako kay Sir Arc!" Iyon pa naman ang unang rule na sinabi niya sa akin noong tinuruan niya akong magwashing ng motor niya. "What? Anong lagot?" Saktong bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sir Arc. Napasinghap ako at mabilis na tumayo. Mabilis na tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa kaba at takot. Syete! Lumabas pa siya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD