Chapter 7

1410 Words
ELAYZA Mabilis akong tumayo at humarap kay Sir Arc. Pinilit kong takpan ng likod ko ang gasgas ng motor niya. "Ahm, Sir. W-Wala po." Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko sa kanya. Napatitig siya sa akin. "Weird..." he said in a low voice. "Hindi ka pa ngumingiti sa akin ng ganyan." "Ha? Ah-Ahm... ba't naman ako hindi ngingiti. Amo kita at gusto ko ang trabaho ko." Hindi ko alam kung tama pa ba ang mga sinasabi ko kay Sir Arc. Muli akong ngumiti. Shemay! Pakiramdam ko eh lalabas na sa ribcage ko ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k niyon. Naningkit ang mga mata ni Sir Arc na nagbigay na naman ng plus point sa kagwapohan niya. "You're hiding something," he said. Kapagkuwa'y hinawakan ako sa balikat at pinatabi. "Ah-Ahm... Sir!" Hindi na ako nakapagsalita pa. Napayuko na lamang ako nakagat ng mariin ang labi ko. "What the f*ck!" sigaw niya na dumagundong sa buong mansyon. Galit na tiningnan ako ni Sir Arc. "Anong ginawa mo sa motor ko?" "S-Sorry po... a-aksidenti lang po nangyari. May tumalon kasi na palaka sa akin t-tapos na tapon ko 'yong balde eh hindi sinasadyang tumama pala sa motor mo, Sir," paliwanag ko sa kabila ng kaba at takot dahil sa lakas ng boses ni Sir Arc. "S-Sir ano pong nangyayari dito?" tanong ni Manang Gigi pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Nasa likuran niya si Ate Lara at halatang kabado sa tinuturan ni Sir Arc. Hindi niya pinansin si Manang Gigi. Bagkos ay mas lumapit pa sa akin at galit na dinuru-duro ako. "You know what? Ang simple-simple ng ipapagawa ko sa 'yo palpak ka pa! Ngayon mababayaran mo ba ang paggasgas mo sa motor ko?" he said with an angry tone voice. "S-Sir-" "Hindi! Hindi mo 'yan mababayaran! Kasi kulang pa nga ang sahod mo diyan!" sigaw niya. "S-Sorry po sir... aksidente lang po talaga." Hindi ko na mapigilan umiyak sa inaasta sa akin ni Sir Arc. Grabe talaga siya kung sumigaw. Panigurado kung may tao sa labas talagang napapatingin na sa amin. Mabuti na lang at mataas ang bakod ng bahay pati ang gate kaya sina Ate Lara at Manang Gigi lang ang nakakaalam na pinapagalitan ako ni Sir Arc. "Sir... kumalma po kayo. Hindi naman po sinasadya ni Elayza ang nangyari," mahinahon na pakiusap ni Manang Gigi. Lumapit naman si Ate Lara sa akin para aluhin ako sa pag-iyak. "I warned her, Manang! Kaso hindi niya ako sinunod." Tumingin siya akin. "You know what? Kung wala karin palang gagawing tama sa trabaho mo mas mabuti pang umalis ka na lang. You're fired!" Nahigit ko ang paghinga ko sa sinabi ni Sir Arc. Magsasalita pa sana ako nang tumalikod siya para pumasok ng bahay. Tuluyan na lang akong napaiyak sa sinabi ni Sir Arc. Paano na 'to? May utang pa ako sa kanila. Mababayaran ko kaya iyon kung paaalisin niya ako dito? *** "Hindi aalis si Elayza. Hindi siya mawawalan ng trabaho." Napaangat ako ng tingin nang magsalita si Sir Arnold. Alas otso na nang gabi. Katatapos lang nilang maghapunan nang tawagin ako para kausapin. Nakatayo lamang ako habang nakaupo naman sila sa bilog na lamesa. Naroon din si Sir Arc at halatang nabigla sa sinabi ng Daddy niya. "What? But Dad! Ginagasgasan niya ang motor ko!" reklamo ni Sir Arc dahilan para makagat ko ng mariin ang ibabang parte ng labi ko. "It was an accident, son. At mababaw na rason iyon para tanggalin mo siya sa trabaho niya." "I don't care. I don't want to see her face anymore! Kaya dapat lang sa kanya na umalis dito!" sigaw ni Sir Arc at saka galit na tiningnan ako. Napaglapat ko nang mariin ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero napapatanong ako sa sarili ko. Ano ba ang ginawa ko kay Sir Arc para mamuhi siya sa akin ng ganoon? At saka si Sir Arnold na mismo ang nagsabi na masyadong mababaw na dahilan iyon para tanggalin niya ako sa trabaho. "If you don't want to see her face then huwag mo siyang utusan. Mayroon tayong ibang maid dito. Sila ang utusan mo. After all, I am the one that hire Elayza not you. So ako lang ang pwedeng magpaalis sa kanya sa trabaho niya." derektang sabi ni Sir Arnold. Sa kabila ng hiya at kaba na nararamdaman ko ay hindi ko mapigilan maramdaman ang kakaibang saya sa puso ko sa sinabi na iyon ni Sir Arnold. Talagang pinagtatanggol niya ako sa anak niya. At ayaw niya akong umalis na lang basta-basta. Gigil at padabog na tumayo si Sir Arc. "Arc!" saway sa kanya ni Sir Arnold sa malakas na boses dahil sa tinuran niya. Pero hindi siya pinansin ni Sir Arc at tuloy-tuloy na tinahak niya ang hagdan para pumunta sa itaas. "Hayaan mo muna si Arc, hon." malumanay na sabi ni Ma'am Beverly nang akmang tatayo si Sir Arnold para puntahan ang anak. Isng malalim na buntong-hininga nag pinakawalan niya. Tumango na lamang si Sir Arnold at tumayo. Tumingin siya sa akin. "Take some rest now, Elayza. Huwag mo na lang pansinin ang mga sinabi ng anak ko." seryosong sabi ni Sir Arnold. Tumango ako. "S-Salamat po, Sir. Kasi hindi niyo ako pinaalis." "Hindi naman pwedeng mangyari 'yon. Alam kong kailangan mo ng trabaho para sa pamilya mo." Parang hinaplos ng mga salita ni Sir Arc ang puso ko. Muli akong tumango. Ang bait talaga ni Sir Arnold. Sobrang taliwas sa ugali ni Sir Arc. Hindi ko talaga alam kung kanino nagmana si Sir Arc. Parehong mabait ang mag-asawa para maging demonyo ang ugali ng lalaking 'yon. Pumunta na sila sa itaas habang ako ay naiwan naman sa kusina. Pagkapunta sa itaas ng amo ko ay saktong bumukas ang pinto mula sa maid's quarter at nilapitan ako nina Ate Lara at Manang Gigi. "Oh? Kumusta? Anong balita?" sunod-sunod na tanong ni Ate Lara. "Paaalisin ka na daw ba dito sa mansyon?" tanong ni Manang Gigi. "Naku, huwag naman sana," wika ni Ate Lara. Ngumiti ako. "Hindi naman po ako pinaalis. Ayaw akong paalisin ni Sir Arnold." Napahinga nang maluwag ang dalawa. "Naku, salamat naman kung ganoon." *** Lumipas ang ilang linggo pa at natanggap ko ang unang sahod ko sa Silvestre. "Dalawang libo lang ang binawas ko sa advance mo, Elayza," nakangiting sabi ni Ma'am Beverly nang abutin niya sa akin ang sahod ko sa isang buwan na pagtatrabaho ko sa kanila. "P-Po? p-pero..." "Opss... huwag ng magpero-pero... I know na kailangan mo 'yan para sa pamilya mo. Saka ko na lang dagdagan ang ibabawas ko sa buwanang sahod mo kapag nakita ko na nakapag-adjust ka na dito sa bahay." Ngumiti ako. "Naku... thank you po talaga, Ma'am Beverly. Panigurado matutuwa si Mama kapag inabot ko ito sa kanya." "Ibibigay mo ba sa kanya ng buo ang sinahod mo?" tanong ni Ma'am Beverly. Tumango ako. "Opo, pampaayos kasi ito ng bahay namin. Hanggang ngayon kasi wala pa po sa tamang katayuan ang bahay namin gawa ng bagyo na dumaan." Tumango-tango si Ma'am Beverly. "Pero siguro mas mainam na magtira ka pa rin sa sarili mo para kapag may emergency eh may makukuha ka." "Ok lang po. Wala naman po akong pinaglalaanan ng perang ito kundi ang pamilya ko at ang bahay na tinitirhan nila." Muling ngumiti si Ma'am Beverly. "Ang bait mo naman na anak..." "Hindi po, Ma'am. Kayo po ang mabait kasi pinasahod niyo parin ako kahit may in-advance na ako sainyo. Akala ko nga wala na akong makukuhang pera ngayon." "Sus! Bakit naman wala? Syempre meron!" sabi ni Ma'am Beverly kapagkuwa'y tumawa. "Oh, sige kayo na muna bahala dito ah? Baka malate ako sa opisina." "Ah, sige po Ma'am. Thank you po. Ingat po kayo." Ngumiti si Ma'am Beverly. "Thank you." Nang makaalis ang kotse kung saan nakasakay si Ma'am Beverly ay pumunta agad ako sa kwarto para tawagan si Mama. For sure matutuwa 'yon na magpapadala na ako sa kanila ng pera. Habang dina-dial ko ang numero ni Aling Lorna ay napatingin ako sa sobre na hawak ko. Mula sa kung saan ay namuo ang luha sa mga mata ko. Bigla ay naging thankful ako sa sarili ko kasi maraming nangyari sa isang buwan ko dito sa bahay pero hindi ako sumuko ng ganoon-ganoon lang. At ngayon hawak ko na ang pinaghirapan ko. Panigurado, matutuwa 'yon si Mama. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD