Chapter 74 ELAYZA Hindi ko alam kung ilang minuto umikot sa isip ang katagang iyon na lumabas mula sa bibig ni Sir Arnold. Bakit parang mas masakit 'yon sa lahat? I mean, mas masakit iyon kumpara sa mga sinabi sa akin ni Miss Hilda. Kahit halos pareho lang sila ng mga salitang binibitawan. Pero iba 'yong dating sa akin ng sinabi ni Sir Arnold. Ahh... siguro ay dahil akala ko iba ang magiging tingin niya sa akin o sa katayuan ko. Siguro ay dahil akala ko hindi nila ako mamatahin gaya ng lantarang ginagawa akin ni Miss Hilda. Mula sa kung saan ay isang nakakainsultong tawa ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung ba't ko 'yon ginagawa sa harap ni Sir Arnold pero kasi... hindi ko maiwasan magpanting ang tenga ko sa mga sinabi niya. "Alam ko naman ho kung bakit. Dahil hindi po ako ka

