(14) Eyes on You

2416 Words
EVEION ANASTASIA’S POV Buong hapon akong nakahilata sa kama dahil ang sakit ng buo kong katawan. Hindi ako makabangon at parang lalagnatin ako. Kaya habang sinusuot ko ang sapatos ko ngayon, hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kagabi. Habang inaalala ko ito ngayon, hindi ko magawang paniwalaan ang sarili ko dahil nakaya ko ‘yon. Sinampal ko ang aking pisngi sabay iling ng ilang beses para tanggalin iyon sa isipan ko pero hindi ko magawa. The unknown man surely knows what he’s doing. Napalunok ako nang naalala ko ang bawat halinghing naming dalawa at ang pag-iisa ng aming katawan. Ang bawat paghalik niya sa akin, paghaplos ng aking katawan, at pagmura nito sa tuwing— “EVEION!” Napaigtad ako at mabilis na napatayo nang biglang may kumatok ng malakas sa labas ng aking pinto. “Eve! Halika na!” Napalunok ako atsaka mabilis na kinuha ang aking bag. Naputol pa ang pagnanasa ko nang dahil kay Krizza. “Oh, ba’t ang pula ng mukha mo? Hindi na naman ba maganda ang pakiramdam mo?” Kunot-noong tanong nito matapos kong buksan ang pinto ng aking apartment sabay hawak sa aking noo. “Ayos lang ako,” tugon ko sabay lock ng aking apartment. "Tara? Mahuhuli na tayo sa birthday celebration ni Miks," aniya sabay hawak sa aking kamay atsaka kami umalis. Miks is Krizza's cousin. Minsan ko na itong nakita nong bumisita ito sa flower shop para bumili ng bulaklak para sa nilalagawan nito noon. Since then, I never saw him again. Nalaman ko na lang mula kay Krizza nitong mga nakaraang araw na birthday niya at inimbitahan niya kaming dalawa. "Sure ka bang ayos lang 'tong suot ko?" Tanong ko sa kanya matapos naming bumaba sa isang taxi. "Oo naman, tsaka sabi ni Miks wala siyang masyadong inimbita ngayon kaya ayos lang." Tumango na lang ako bilang pagtugon atsaka kami pumasok sa isang malaking bahay. Galante at galing sa marangyang pamilya ang ama ni Miks, while his mother who, is Krizza's aunt, came from a humble family. Pero gayunpaman ay mabait naman si Miks, ganon din ang kanyang ama. Nalaman ko 'to galing kay Krizza. "Krizza." Tawag ko sa kaibigan ko sabay hatak nito papalapit sa akin. "Akala ko ba konti lang ang inimbita niya? Bakit parang isang batalyon ata ang andito?" Bulong ko dito habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng kaedad ko. All of them dressed well according to the theme. Sobrang ganda ng mga babae rito tsaka halatang galing din sa marangyang pamilya. Their dresses are so tight and short, revealing their perfect legs and flawless. "Ano ka ba, ayos lang 'yan! Ayaw mo 'to? Ang raming pogi oh." Nakangiting bulong nito sa akin habang pinagpipiyestahan ng mga mata nito ang mga binatang nasa gilid. Mik's house is indeed huge, kasinglaki ng sala nito ang sala ng mansyon namin, but the backyard? It's massive. The heart of the party is at the backyard, kaya mula rito sa aking pwesto, kitang-kita ko ang ilang grupo ng mga kabataang sumasayaw doon at halatang nag-eenjoy. "Iza!" "Miks!" Napalingon ako sa aking kanan nang marinig ko ang isang boses ng lalake. I saw how my friend, Krizza, ran towards the man with an open arm. "Happy birthday, Miks! Namiss kita!" "Thank you, Iza, namiss rin kita. Buti at nakadalo ka, magtatampo talaga ako kung hindi ka dumating." Both of them laugh and I smile when I saw how happy they are. Kung tutuosin, parang magkakapatid na ang dalawang 'to at hindi magpipinsan. They looked inseparable. Siguro dahil sabay rin silang lumaki noon. Minsan na rin kasing nakwento sa akin ni Krizza noon na tumira sila sa bahay nina Miks nong mga bata palang sila. "Is this Eve?" Deretso akong napatingin kay Miks nang marinig kong banggitin niya ang pangalan ko. Awtomatiko akong ngumiti sa kanya nang lapitan niya ako. "Wow, hello. I thought you're Iza's new friend kasi hindi kaagad kita nakilala." Manghang wika nito habang nakatingin sa akin. "Kahit nga ako eh, akala ko maling apartment ang binulabog ko kanina nong nakita ko siya." Natatawang saad ni Krizza. Oo nga pala, pabigla ang pagbabago ko ngayon. Now that I realized I have to bring my old self back, I immediately do it right away. "Please enjoy the party." Wika ni Miks matapos naming mag-usap ng ilang sandali habang kinakamusta ang isa't-isa. "Eve, it's nice seeing you again." Dagdag pa nito habang deretsong nakatingin sa aking mga mata. "Ganon din ako. Happy birthday ulit sa'yo, Miks, salamat sa pag-imbita," tugon ko sa kanya. "Thank you." And with that, he left while waving a hand at me. Sa paglingon ko sa aking tabi, hindi ko na nakita si Krizza kaya nagkandahaba kaagad ang aking leeg, mahanap lang siya. Ibang klase talaga ang babaeng 'yon, ang bilis nawala. Iniwan ba naman ako rito na nag-iisa? "Excuse me, makikiraan," saad ko sa mga taong nakakasalubong ko. Isa lang ang lugar na alam ko kung saan ko pwedeng makita si Krizza. Nakatingin na ako sa isang mesa kung saan may mga pagkain kaya don ako dumiretso kaagad. Pero bago pa man ako tuluyang mawala sa dagat ng tao rito sa likod ng bahay nina Miks, bigla na lang akong natigilan nang may humarang sa akin. "Tignan mo nga naman kung sino ang andito." Awtomatiko akong napatingin sa babaeng ayaw na ayaw kong makita. "Candice," wika ko habang nakatingin sa kanya. "Hindi ako nagpunta rito para makipag-away sa'yo, Candice." Inunahan ko na ito dahilan upang tumaas ang isang kilay nito atsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Talaga? Are you sure about that, Eveion? Hindi kaya..." Bigla niyang hinawakan ang aking dulo ng aking buhok atsaka ito pasimpleng binitawan kaagad. "... nagpunta ka rito at nagpaganda para makuha si Dave?" Natatawa niyang saad dahilan upang tignan ko ito gamit ang seryoso kong mga mata. "Eveion, huwag mong masyadong galingan. Napaghahalataan ka na," Sarkastiko niyang saad dahilan upang palihim kong naikuyom ang aking kamao. "Tsaka isa pa, hindi ako iiwan ni Dave para lang bumalik sa isang babaeng katulad mo. Ang boring mo kaya." Tuluyan na itong napatawa na tila ba isa lang akong bagay na hindi kailangang pagtuonan ng pansin. But then, she's bored so she decided to pick on me for fun. Lumapit siya sa akin atsaka ako muling tinignan mula ulo hanggang paa bago ito may ibinulong sa akin. "Seeing you dress up like this doesn't even budge me a bit... it made me pity you even more." And with that, she pulled away to see my reaction. Pero nang hindi niya nakuha ang gusto nitong reaksyon mula sa akin, ako na naman ang nagsalita. "Tapos ka na ba?" Nakangisi kong saad sa kanya dahilan upang mas lalong tumaas ang kilay nito. Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin ito sanay sa ugaling pinapakita ko sa kanya. I was once the shy and timid member of the family. "Sinasayang mo kasi ang oras ko Candice, so if you'll excuse me, I need to find my friend." Muntikan ko na itong irapan matapos ko siyang bigyan ng isang pekeng ngiti. Now that Candice is back in attending parties like this, I guess her injury is now healing. I should've told the unknown to make it worst. "Ah!" Napadaing ako sa sakit nang bigla niyang hilahin ang buhok ko dahilan upang mapaatras ako. "Bastos ka talaga e noh?" "A-Aray! Ano ba?!" The music is so loud so some of the people didn't notice our fight. Pero nang mas lumala na ito, don na kami isa-isang pinagtitinginan ng mga tao rito sa bakuran ng bahay ni Miks. "Candice! Bitawan mo nga ako!" "Who invited you here anyway? Akala ko ba tuluyan mo nang tinalikuran ang pagiging isang Perez mo, Eveion? Or maybe it was all for a show." Mas lalong humigpit ang pagkakasabunot niya sa aking buhok dahilan upang mapapikit ko ng madiin habang nkahawak sa kamay niya. "Should I post something about you to give you the attention you wanted?" "Bitawan mo 'ko Candice!" Pansin kong isa-isa nang nagsilabasan ang mga cellphone ng mga tao sa paligid namin atsaka kami kinuhanan ng litrato o video. The humiliation immediately takes over me, especially when Candice dragged me while holding my hair. Hindi siya nahihiya sa ginagawa niya ngayon dahil sa pagkakataong ito, siya ang may kapangyarihan sa aming dalawa. She got the upperhand-- and she's loving it. "Candice?!" Boses ni Dave ang narinig ko pero hindi ko ito gustong lingunin. I already know he's here the second I saw Candice. Dahil kung nasan siya, andon din si Dave. "Bitawan mo 'ko, ano ba?!" "Okay, sabi mo eh." Napasinghap ako nang bigla niya akong itulak sa pool. My body immediately met the cold water of the pool. My heart beats so fast because I know myself that I couldn't swim, but my panic immediately fades away when I realized it wasn't deep. Kaagad akong napahawak sa gilid ng pool atskaa napaubo dahil nakainom din ako ng tubig. Basang-basa na ako mula ulo hanggang paa atsaka ko dahan-dahan na tinignan si Candice na ngayon ay nakangising nakatingin sa akin. The flashes of these people's phones made me close my eyes and look away. "Eve!" Kaagad akong nilapitan ni Krizza nang tuluyan na akong umahon mula sa pool. Awtomatiko naman akong napayakap sa aking sarili dahil sa lamig. Men's lustful gaze turn to me when they saw my soaking wet body. At dahil basang-basa ako, bumabakat na ang suot kong bra at underwear. Parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. "Tuwalya, g-gamitin mo 'to bilis." Tarantang saad ni Krizza atsaka ako niyakap nang mabilis gamit ang tuwalyang nakita niya sa tabi. When my gaze shifted to Dave, I saw how he just looks at me with disappointment in his eyes before looking away and holding Candice on his hand. Mas lalo kong naikuyom ang aking kamao nang wala man lang itong ginawa. At siya pa talaga 'tong may ganang madismaya dahil sa kahiya-hiyang sitwasyon na nangyari sa akin ngayon. "Eve, halika na, umalis na tayo." Buong pag-aalalang wika ni Krizza sa akin atsaka ako mabilis na iginiya papasok ng bahay. Sinusundan parin ako ng tingin ng mga tao kaya nanatiling nakayuko ang aking ulo. "Iza, anong nangya-- Eve? A-Ayos ka lang ba? Anong nangyari?" Sunod-sunod na tanong ni Miks sa amin nang madatnan niya kami rito sa loob. "Pasensya ka na, Miks, pero kailangan na naming umalis ni Eveion." "What? Pero kakarating niyo lang." "Ganon na nga, kakarating lang namin pero heto kaagad ang bumungad sa kaibigan ko. Miks, bakit hindi mo sinabi sa akin na inimbita mo si Candice?" Bakas ang irita sa boses ni Krizza nang mag-usap silang dalawa dahilan upang hawakan ko ito sa braso. Alam ni Krizza ang tungkol kay Candice at Dave dahil wala namna akong ibang pagsasabihan tungkol sa buhay ko kundi siya lang. Dahil mula nong umalis ako sa amin, siya na ang palagi kong nakakasama. "Krizza, hindi kasalanan ni Miks 'to. A-Ayos lang ako, kailangan ko lang talagang umalis para hindi na lumaki pa ang away." Pagpapaliwanag ko, tsaka isa pa, wala na rin akong mukhang ipapakita sa mga taong narito sa party ni Miks ngayon. Hiyang-hiya na ako sa mga nangyari. Kung masamang tao lang talaga ako, baka tuluyan ko na ring tinulak si Candice sa pool-- pero hindi eh. Hindi ko talaga 'yon kaya. Hindi ko kayang magpahiya ng isa tao sa harap ng marami. "I'm really sorry, Eve, hindi ko alam. Kung alam ko lang talaga edi san--" Hindi natapos ni Miks ang sasabihin niya nang bigla kaming napatingin sa isang babaeng tumatakbo paalis ng bakuran. Nang lingunin ko ito, nakita ko si Candice na halos hindi na maipinta ang mukha. Awtomatikong kumunot ang aking noo lalo na't sinundan kaagad siya ni Dave papalabas ng bahay. What's happening? Bakit parang sa isang idlap lang ay tila may nangyaring hindi maganda? "Oh my god, totoo ba 'to?" "Hey guys, check your phones. May nagtrending bigla." "Wait... is this Candice mom?" "Huh? Patingin!" Kaagad kaming nagkatinginan ni Krizza matapos naming marinig ang pinagsasabi ng mga taong nakapalibot sa amin ngayon. When we both look at Miks, he is now holding his phone while scrolling on its screen. Nakita ko kung paano ito tumigil sa pagsscroll atsaka kumunot ang noo bago mabilis akong nilingon. "Have you seen this?" He asked before showing his phone at me. Kaagad namang nakiusyoso si Krizza atsaka tinignan din ang nakalagay sa screen. Cathy Benidez-Perez, a gold-digger scammer? Napakurap ako atsaka binasa ang buong content ng artikulo. Cathy is new in the elite society, at kaagad itong naging kontrobersiyal dahil siya ang bagong asawa ng papa ko. Wala naman akong narinig na balita tungkol sa kanya mula nong kinasal sila ni papa, ngayon lang. At hindi ko alam kung bakit ito nagtrending bigla. Scammer? What did Cathy do? "Kaya pala nagkandaugagang umalis ang maldita mong kinakapatid, Eve." Komento ni Krizza sa aking tabi matapos niyang ibalik ang cellphone ni Miks. "Ha! Buti nga sa kanya." Dagdag pa nito pero ako ay nanatiling nakatulala lang habang kunot ang noo. Napatingina ko kay Krizza nang bigla niyang ibigay sa akin ang maliit kong bag-- buti na lang at siya ang may dala nito kanina dahil kung hindi, baka pati ito ay tuluyan nang nabasa. "May nagvibrate sa loob, cellphone mo ata," aniya dahilan upang kunin ko ito kaagad. I immediately took out my phone and revealed the unknown's new text message. Hindi ko pa ito binubuksan pero alam ko na ang loob nito. My heart started to beat faster this time as I open the message. Unknown: Have you heard the news, angel? I did that. Napalunok ako. Hindi na ako nagulat pa, dahil alam kong kagagawan mo 'to... Eveion: Oo, alam ko na, pero paano mo ginawa 'yon? I thought he's gonna hurt her physically, just like what he did to Candice. Unknown: It's a secret... Napalunok ulit ako. Bakit ang dami niyang alam? Hindi nagtagal ay muli itong nag-iwan ng text dahilan upang tuluyan akong mapatingin sa screen. Unknown: Trust me this one, angel, it's gonna be fun... but do you know what's more exciting? Eveion: Ano? Unknown: The activity we did last night. Biglang nanindig ang balahibo ko sa batok kasabay nang pag-init ng aking pisngi. Unknown: By the way, you better head back home and change your wet clothes, angel. I don't like how those men look at my angel. Muntikan na akong mapasinghap nang mabasa ang huli niyang text. A-Andito ba siya?! How could he be everywhere?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD