(15) Casa De Blanco

2267 Words
EVEION ANASTASIA'S POV Habang inaayos ko ang mga kagamitan dito sa coffee shop ng pangalawa kong trabaho, hindi ko maiwasang mapatingin sa isa kong kasamahan sa trabaho kung saan nagsosocial media. Kasalukuyan siyang nakabreak kaya pwede siyang magcellphone. Nang makita ko ang binabasa niyang post, hindi ko maiwasang mag-iwas ng tingin kaagad atsaka muling bumalik sa trabaho. It's been several days already but the issue is still there. 'Have you heard the news, angel? I did that.' Ano na kaya ang nangyari kay Cathy? "Excuse me, can you take my order?" Napakurap ako at hindi maiwasang mapatingin ng deretso sa aking harapan. "Yes! What can I do for you, miss?" Kaagad kong sagot para matakpan ang pagkatulala ko kanina. Imbes na isipin ang mga bagay na hindi ko na dapat pinoproblema, mas nagfocus na lang ako sa pagtatrabaho dito sa coffee shop. At habang nililinis ko ang isang mesa dito sa gilid, hindi ko naman maiwasang mapatingin sa isang bakanteng mesa na nasa kabilang dulo nito. It's been days as well since the last time I saw Elie. Nong nagpunta siya rito sa coffee shop, iyon din ang una at huling beses na nakita ko ito rito. Mula non ay hindi na ito nasundan pa. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung bakit sa tuwing magkikita kami ng hindi inaasahan, may kaakibat talagang gulo. First was when I saw him sitting on the street after my shift. May sugat ito sa labi at pasa sa pisngi dahil naglayas at nanakawan. Pangalawa, ay yung ako naman ang nasa peligro na kung hindi pa siya dumating, ay ewan ko na lang kung buhay pa ako hanggang ngayon. Napabuntong-hininga na lang ako... Bakit ko ba hinahanap-hanap ang isang taong wala namang ambag sa buhay ko? Elie is a great company, mabait naman itong bata tsaka mukhang masarap maging kaibigan. But for now, we're just merely acquaintances. Ganon lang. Ang dapat kong pagtuonan ng pansin ay ang lalakeng kilala ko sa pangalang 'unknown'. He's the one helping me achieve what I truly wanted. Justice and revenge. Masama na kung masama, pagod na rin naman akong maging mabuti palagi. Magiging mabuti na lang ako sa taong mabuti rin sa akin. Awang-awa na ako sa sarili ko kaya mas mainam na rin 'to. From now on, I just need to stick with the unknown man for as long as it takes... And my decision is final. "EVE, alis ka na?" "Oo, alis na ako. Mag-iingat kayo sa pag-uwi!" "Sige, ikaw rin!" Kumaway ako sa mga katrabaho ko atsaka nagsimula nang maglakad paalis ng coffee shop. As usual, maaga natapos ang shift ko ngayon kaya heto at napagdesisyonan kong lakarin ang apartment mula rito. Nakakatipid pa ako sa pamasahe. *Ring* Awtomatiko kong naikapa ang aking bulsa nang tumunog ang cellphone ko. Nang makita ko ang pangalan sa screen, kaagad ko itong sinagot. "Hello?" [Eveion, kamusta?] "Atty. Biajez, napatawag po kayo?" [Oo, gusto ko lang ipaalam sa'yo na naaprubahan na ang mga papeles.] Nang sabihin niya iyon, kaagad akong natigilan atsaka napangiti ng malawak. Tila naibsan ang dala-dala kong problema nang dahil sa kanya. [Congratulations, Eve, you have another property under your name.] Halos mapunit na ang ngiti sa aking labi nang marinig ko pa iyon. This only means one thing... sa wakas ay mapoprotektahan ko na ang mga bagay ba napag-iwanan ni mama. All her precious belongings will be taken care of from now on. "Salamat po, attorney! Maraming salamat po talaga!" [Don't mention it, Eve. Ngayong ayos na ang isang property mo, ano na ang sunod mong hakbang?] "Tuloy po ang orihinal kong plano," sabi ko dahilan upang sumagot kaagad ito sa kabilang linya. [Alright, if you need assistance, just call me right away. Tsaka isa-isa ko na rin palang pinroseso ang iba mo pang properties Eve para wala ka nang poproblemahin pa.] Muli akong nagpaasalamat sa kanya, pero bago ko pa binaba ang tawag, kaagad niyang sinabi sa akin na pinadala na niya ang susi ng property sa apartment ko. According to him, I can do whatever I want with that property from on now that it belongs to my name. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at piniling sumakay nalang ng taxi para makauwi kaagad. Wala na akong ibang gagawin pa ngayong araw kaya naisipan kong puntahan ang bahay. After receiving Atty. Biajez's text about the said property's address, I immediately left my apartment. Pinuntahan ko kaagad ito at hindi maiwasang malito kung tama ba talaga ang address na 'to. Never in my entire life I stepped in this place, kahit pa nong nabubuhay si mama. This place seems... seems like I don't belong here. Tama ba talaga ang address na 'to? "Ma'am, ano po ang hinahanap niyo?" Napatingin ako sa isang guard nang lumabas ito sa guardhouse dito sa isang subdivision na mukhang exclusive. Mula rito sa guardhouse, wala akong nakikitang bahay ni kahit isa. This subdivision looks empty. "Kuya, tama ba ang address na 'to?" Sabi ko sabay pakita sa kanya ang text message galing kay attorney. "Ay opo ma'am, dito po talaga 'yan," aniya habang nakatingin sa screen ng cellphone ko habang nakakunot ang noo. Nang mabasa niya ang buong address, kaagad itong napakurap atsaka mabilis akong nilingon. "Kayo po ba ang bagong may-ari ng bahay?" Kaagad niyang tanong na ikinakurap ko. "Parang ganon na nga, opo... ako nga ang bagong may-ari." That's weird, I never really know that my mother owns a property in this place. Talagang wala akong naalala na nagpunta kami rito. Palagi ko naman nakakasama si mama noon, pero ni kahit isang beses ay wala itong binanggit tungkol sa lugar na ito. "Pwede ko po kayong samahan ma'am, medyo malayo-layo po ang address ng bahay niyo mula rito sa guardhouse," wika ni kuya guard atsaka nagtungo sa isang golf car na nasa tabi ng gate. Wow, ito ang service nila rito? Sinundan ko siya atsaka sumakay sa golf car. Nilibot ko naman kaagad ang aking paningin sa buong paligid dahil sa unang parte ng subdivision, wala akong ibang nakikita kundi pawang mga puno lang. Pero matapos ang ilang minuto, don ko na napansin ang mga malalaking bahay dito na ikinagitla ko. Bakit mas malaki ang mga bahay dito ikukumpara sa mansyon namin? What's even surprising is that fact that the houses or I'd rather say 'mansions' are only a few. Mabibilang ko lang sila sa daliri ko. "Andito na po tayo ma'am." Sa paglingon ko sa isang mansyon kung saan kami huminto, halos malula ako sa hindi inaasahang laki nito. "Ito lang po ba ang nag-iisang bahay dito sa..." Tinanaw ko ang isang street sign sa gilid bago muling nagsalita. "...Blanco Street?" Tanong ko kay kuya guard, kung ito talaga ang property na ibinilin sa akin ni mama, parang gusto kong sampalin ang sarili ko. Totoo ba 'to? Kay mama ba talaga 'to galing? Tinignan ako ng guwardiya na tila hindi ito makapaniwala sa tanong ko. It was as if he's already doubting if I'm really the new owner of this huge mansion. "Opo ma'am, ito lang. Sa'yo po ang buong lote ng Blanco Street." Napakurap ako at hinid maiwasang mapanganga. A-Ano raw? Akin ang buong lote na 'to? Tinignan ko ang magkabilang dulo ng Blanco Street bago napalunok. Akin 'to?! "Bawat street po dito ay nakapangalan sa may-ari." Kaswal nitong saad bago ako pasimpleng ningitian atsaka bumalik sa loob ng golf car niya, habang ako naman ay nanatiling nakaestatwa sa aking kinatatayuan. "Alis na po ako ma'am, kailangan ko pang bumalik sa estasyon ko." Pamamaalam nito atsaka tuluyan ng umalis. Napakurap ako ng ilang beses bago tuluyang sinampal ang aking pisngi. Napadaing ako sa sakit pagkatapos at hindi maiwasang mapangiwi. I look back at this empty mansion and stare at it. Ang laki nga nito pero halatang pinaglumaan na ang disenyo kung ikukumpara sa mga mansyong nadaanan ko kanina. "Blanco street..." bulong ko sa aking sarili bago tuluyang napatingin sa hawak kong susi. Napatitig muna ako roon atsaka tuluyang binuksan ang isang malaking gate. Nahirapan pa ako sa pagbukas nito hanggang sa tuluyan na akong nakapasok sa loob. Napakurap ako ng ilang beses nang makita ang isang malaking fountain sa gitna bago ang main door ng mansyon. The front yard is empty with only tall grasses and fallen dried leaves from the trees. Nilibot ko ang buong front yard bago tuluyang huminto sa tapat ng main door. Kinuha ko ang isang malaking susi na sa tingin ko ay ang susing makakapagpabukas nito. When I successfully open the door, it immediately revealed all the furniture covered with white blanket. Ang una kong napansin sa pagpasok ko sa loob ay ang isang painting na nasa tapat mismo ng main door. Napakurap ako bago tuluyang inihakbang ang aking mga paa patungo sa painting na nakasabit sa pader. Tiningala ko ang malaking portrait ng isang magandang dalaga at hindi maiwasang mapatulala sa kanya. The portrait looks so old but expensive. Antique na ito kung tignan dahil sa disenyo ng frame. I don't know if this is a real gold-- but the frame is glistening in gold despite the dusts that covers it. As I stare at the beautiful painting of a woman, I can't help but to get mesmerized by her smile and eyes. Parang buhay na buhay ito dahil sa mga mata niya. Na kung hindi pa siguro ako kumurap, baka tuluyan na itong gumalaw. My eyes shifted down to the details of her dress until I noticed something at the bottom part of the painting. Naningkit ang aking mga mata atsaka ko inilapit ang aking mukha nang may nakita akong letra. I wiped off the dust against the golden frame and noticed a name engraved against it. "Maria... Elena... Blanco..." Isa-isa kong bulong sa nakaukit dito. "1972..." Dagdag ko pa nang may makita akong taon sa dulo ng kanyang pangalan. Maria Elena? Siya ba ang magandang babae sa painting na 'to? Napalunok ako bago humakbang paatras atsaka muling napatingin sa buong mansyon. Litong-lito na ako at ang daming tanong na bumabagabag sa akin ngayon. Kung talagang kay mama ang bahay na 'to, bakit may painting siya sa isang estrangherang babae? Alam ba ni dad na may pagmamay-aring ganito si mama? Pero kung talagang may alam siya, bakit ganito na kaluma ang bahay na 'to? Parang ilang dekada na siyang hindi napuntahan ng tao. Tsaka isa pa--- Natigilana ko saglit nang maalala ko ang sinabi ni kuya guard sa akin kania. "Bawat street po dito ay nakapangalan sa may-ari." "Blanco street." Mabilis akong napatingin ulit sa painting atsaka tinignan ang babae. "Maria Elena Blanco..." bulong ko sa sarili ko. She was the owner of this house... not my mother... So why? Why do I have this key? Why does my mother have these keys? Napapikit ako atsaka napaatras hanggang sa tuluyan akong umalis at kumaripas ng takbo. Nang dahil sa pagmamadali, nakalimutan ko na itong ilock atsaka dumiretso sa gate. Sa aking pagtakbo at pagmamadali, aksidente kong nabangga ang isang taong dumaan sa tapat ng mansyon. "Ah!" Napadaing ako nang tumama ako sa matigas na bagay bago tuluyang nawalan ng balanse. When I look back, I saw a man who is now already looking at me. Siya ang nabangga ko pero parang hindi man lang ito natinag, tsaka isa pa... ang tigas ng katawan niya! "Miss, ayos ka lang ba?" Tanong niya atsaka ako tinulungang mapatayo. The man is surprisingly good-looking, but he seems older than me. Maybe more than a decade older than me. "A-Ayos lang ako, pasensya ka na, hindi kita napansin." Pagrarason ko pero ang totoo niyan ay bigla lang talaga akong natakot sa loob dahil baka nagtresspassing ako. Baka mali ang naibigay na susi ni attorney at maling address din, dahil napakaimposible at ang hirap paniwalaan na ang malaking mansyon na ito ay pagmamay-ari ni mama. "It's fine, I'm alright. Next time, look where you're heading to avoid yourself getting hurt." Kaswal nitong saad dahilan upang mapatingin ako ng deretso sa kanya. Maliban sa mukha nito, kapansin-pansin din ang medyo mahaba niyang buhok na nakatirintas. His hair looks so healthy and shiny, halatang inaalagan. At ang mukha niya? Walang kapores-pores. May matangos na ilong, medyo mamula-mulang mga labi at mga matang nakakalunod sa tuwing tititigan mo ito ng matagal. Matangkad din itong lalake. "Kuya Atlas!" Sabay kaming napalingon sa isang direksyon kung saan nanggaling ang isang matinis na boses. There, I saw a young lady running towards our direction who came from a black vehicle. She's holding her phone up in the air while running towards us. Kung tatantiyahin, parang nasa high school pa ang dalagang babae na ito. At base sa kanyang pananamit, halatang galing ito sa isang marangyang pamilya. "Kuya Atlas! We have to hurry na, Aiken is already calling you." Conya nitong sambit bago tuluyang napatingin sa akin. Nang magtama ang paningin naming dalawa, kaagad itong napakurap atsaka napahinto sa pagtakbo. She then shifted her gaze to the man in front of me who she called by the name 'Atlas'. "Since you're fine, I have to go now." Rinig kong wika ng lalakeng nagngangalang Atlas. "Ah s-sige, pasensya ka na ulit." He just nodded at me in return before heading towards the girl. Nang sundan ko ito ng tingin, kita ko kung paano nanatiling nakatingin sa akin ang dalagita habang naglalakad na sila pabalik sa isang mamahaling kulay itim na sasakyan. The man names Atlas helped the young lady get up in the car before getting himself in as well and close the door. Nang tuluyan ng umalis ang kotseng sinakyan nila, hindi ko maiwasang may maisip... Why does that young lady look like a little bit of Elie?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD