EVEION ANASTASIA'S POV Hindi natuloy ang biglaan kong planong sumakay sa sasakyan ng kapatid ni Elaine. May nahagip akong taxi na nagbaba ng pasahero kaya imbis na magsalita ay kaagad kong tinakbo ang taxi. Narinig ko pa itong tinawag ako pero hindi na ako lumingon pa ulit. Kaya sa pagsakay ko sa loob ng taxi ay kaagad kong sinabi sa kanya ang ospital na pinagdalhan nila ni dad. My heart is pounding so fast the entire trip. Hindi ako mapakali. My legs are shaking, and I bit my nails constantly. "Manong, malayo pa ba? E-Emergency po kasi ito kaya kung p-pwede po sana ay pakibilisan." Buti na lang at naunawaan din kaagad ako ni manong kaya mas binilisan pa niya ang pagmamaneho. Nang marating ko na ang ospital, awtomatiko akong lumabas kaagad matapos kong magbayad sa kanya. Tinak

