EVEION ANASTASIA’S POV “Salamat po,” wika ko matapos ko silang abutan ng bayad. “Walang anuman po, ma’am. Tawagin niyo lang po kami kung may ipapagawa kayo.” “Sige po, salamat ulit!” Sila parin yung mga taong tumulong sa akin na ilipat ang nga gamit ni mama mula sa bahay ng aking ama papunta rito sa bahay na minana ko kay mama. Ginamit ko ang leave sa trabaho para linisin ang mansyon na ito. I know this will take a lot of work and days to accomplish what’s in my mind but, I’ll get there. Matapos nilang umalis, kaagad kong hinarap ang malaking sala habang nakapamewang. Some of the furniture were already put in the places where I want them, at dahil sa tulong nila kanina, nagawa ko iyon. Ilan kasi sa mga muwebles dito ay mabibigat at malalaki. Talagang hindi ko kaya nang ako lang m

