bc

ENDLESS

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
fated
small town
like
intro-logo
Blurb

Isang pangako ng tunay na pag-ibig. Pangako ng isang minamahal sa kanya. Na kanyang pinanghawakan sa halos limang taong lumipas. Mabibigyan na kaya siya/sila muli ng pagkakataong magkita muli pagkatapos ng limang taong pagdudurusa nilang dalawa? Kilan kaya matatapos ang mga kasinungalingan ng mga taong nasa paligid nilang dalawa.

Ang pag-iibigang parang Sagrada na hindi matapos-tapos lumipas man ang napaka habang panahon.

_

Sina Franki at Argel tunay na nagmamahalan na sinubok ng tadhana at pagkakataon.

Original Story

by: queen-Meduza

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Mataas na ang sikat ng araw sa labas ng kanilang bahay ngunit tinatamad paring bumangon si Fanki. Nakahiga lang siya sa kanya higaan habang tinititigan ang mga litrato nilang dalawa ni Argel naka lagay sa gilid ng kanyang kama. "Kilan kaba babalik?" Tanong niya sa hangin. Hanggang ngayon naghihintay parin siya sa pagbabalik ni Argel at umaasang tutuparin nito sa kanya ang huling salitang binitawan at ipinangako nito sa kanya. Umaasa siyang babalik parin ito kahit halos limang taon na ang nakaraan simula nong huli niya itong nakita at nakasama. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung bakit bigla nalang itong hindi nagpapakita sa kanya. Lahat ng tawag at text niya rito ay wala s'yang sagot na nakukuha. Lahat ginawa na niya para makita at mahanap ito pero wala. Wala siyang na pala kahit mga pulis walang lead sa paghahanap rito. Hindi na n'ya alam ang kanyang gagawin. Kung saan pa ba niya ito dapat hanapin. Pero kahit pa nakakapagod maghintay. Hihintayin parin niya ito. Kahit pa mga pang habang buhay siyang maghintay rito. Ganon niya ito kamahal. "Franki..." "Hoy!" Sigaw ni Diana sakin. "Ano na lutang na naman tayo?" Inis na sambit nito. "Sorry." Sambit ko. "Ano kaba naman Girl! Hanggang kilan ka naman magiging ganyan ha?" Litanya niya. "Anong petsa na? Hanggang ngayon maghihintay ka parin at umaasang babalik pa yung lalaking yon?" Turan niya sakin. "Babalik s'ya." Sagot ko sa kanya. "Talaga? Talaga lang ha! Eh, limang taon na. Nasan na siya kung babalik ba talaga siya dapat noon pa. Pero girl ang tagal-tagal n'yang hindi nagpapakita s'yo. Siguro naman pwede kanang magmove-on diba?" Inis na singhal niya sakin. Umiling naman ako. "Hindi! Hindi pwede at ayoko! Nangako s'ya at pang hahawakan ko yon." Sambit ko saka lumabas ng kwarto. Hindi ko pwedeng kakimutan si Argel. Mahal na mahal ko s'ya at naniniwala akong mahal rin niya ako. Panghahawakan ko ng lahat ng pwede kong panghawakan na babalik pa siya at tutuparin pa n'ya yung lahat ng pinangako niya sakin. Ang pangako nalang nya sakin ang tangging pinanghahawakan ko na babalik siya sakin. Tangging yon nalang ang nagpapalakas ng loob ko na mahahanap ko siya at balang araw tutuparin nya ang lahat ng yon. — Franki "Aalis na ako." Paalam ko kay Diana. Taas kilay naman humarang siya sa daraanan ko. "Saan ka naman pupunta?" Usisa niya sakin. "Sa pulis station." Sagot ko naman sa kanya. "Bakit ba hindi ka talaga nagsasawang hanapin yung lalaking yon." Pagalit ba tanong nito sakin. "Dahil mahal ko siya." Sagot ko naman. "Mahal mo! Pero ikaw mahal kaba niya?" Tuya niya sakin. "Mahal niya ako kaya kahit pa anong sabihin mo hindi magbabago yung desisyon kong hanapin siya." Inis na sagot ko sa kanya . Minsan talaga hindi ko mapigilang mainis kay Diana sumusubra na kasi siya. Bakit ba hindi niya ako magawang intindihin. Bakit ba ganon nalang yung pagpigil niya saking hanapin si Argel. Alam kong galit siya kay Argel dahil sa pag-iwan nito sakin. Hindi ko rin naman siya kinukunan ng karapatang magalit kay Argel pero sana naman hayaan nalang niya akong hanapin ito. Kahit pa ilang tao pa ang tumagal wala akong pakialam ang mahalaga mahanap ko siya. Gusto kong magpaliwanag siya sakin. Kung bakit nya ako iniwan. Kung bakit bigla nalang siya nawala ng wala man lang paalam. Ayoko ring mag-isip ng masama kaya hindi ko iniisip na pahamak siya. Mas gugustuhin ko pang isiping nagkaroon siya ng malaking problema kaya hindi na siya nagpapakita sakin kesa sa isiping may nangyari sa kanyang masama. Na-iiling at natatawa naman siyang tumingin sakin. "Hanggang kilan kaba magiging bulag dyan sa pagmamahal mo sa Argel nyan ha!" Inis na singhal nito sakin. "Look at yourself sinayang mo ang lahat ng meron ka ng dahil lang sa lalaking yon at baka pati yung nag-iisa at natitirang meron ka mawala narin sayo ng tuluyan." Inis na unis na sambit nito. Nalilito naman ako tumingin sa kanya. "Ano bang pinagsasabi mo dyan?" Tanong ko sa kanya. "Wala ka talagang alam no." Sambit niya. "Kung di ka sana busy sa paghahanap mo sa kakaling yon edi sana alam mong palugi na yung pinaka iniingatan mong farm! "Anong sabi mo?" Gulat na tanong ko sa kanya. "Yan na nga ang sinasabi ko busying-busy ka kasi sa paghahanap mo sa lalaking yon. Kaya wala kang napapansin sa paligid mo. Hindi mo alam na malapit ng malugi yung farm. Halos walang kinikita yung mga tauhan mo don. Kung hindi pa dahil kay Sky baka nagkada matayan na ang lahat ng mga hayop na alaga nila don pati narin ang mga panamin don. Wala na silang perang pang gastos sa mga pangangailangan ng Farm dahil pinabayaan mona sila. Ni hindi kana nga pumupunta roon simula ng iniwan ka ng lalaking yon. Pina-bayaan mo na sila." Sumbat n'ya pa sakin. Gulat na gulat naman akong na patingin sa kanya. "Anong sabi mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Paano nangyari yon? Bakit nangyari yon? Anong ginawa ko! Yon na lamang ang natitirang alaala sakin ng Mama. Paano ko nagawang pa bayaan na lamang yung farm. "Sorry." Parang hangin na lumabas sa bibig ko. "So ngayong alam mo na ang mga nangyayari sa farm siguro naman bibisitahin mo na yon." Payo ni Diana sakin. Tumango ako sa kanya. Kailangan kong pumunta ng farm. Hindi pwedeng pati yon mawala sakin. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makabawi muli yung farm. "Alam Franki hindi naman ako tutol dyan sa paghahanap mo kay Argel pero sana alam mo kong ano ba ang mas dapat mong prayoridad dito. Hindi pwedeng puro paghahanap na lamang sa kanya ang gagawin mo. Maraming umaasa sayo tandaan mo yan." Paalala ni Diana sakin. "Sorry." Sambit ko. "Marami ng nawala at nasayang sa loob ng limang taong paghahanap mo sa kanya. Kaya sana naman itong Farm hindi mo hahayaang mawala sayo diba?" Patanong niyang sambit. Tumango ako sa kanya. "Pupunta tayo ng Farm ngayon." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin. "Good!" Masayang sambit niya. "Buti naman at natauhan kana rin sa wakas. Dali lang magbibihis lang ako sandali." Paalam niya sakin saka pumunta ng kanyang kwarto. Hindi ko naman lubos maisip ang lahat ng sinabi sakin ni Diana na nangyayari sa Farm na iniwan sakin ni Mama ng pumanaw siya. Ganon ba talaga ako ka focus sa paghahanap ko kay Argel. Hindi na pwedeng mangyari ulit to. Nong una trabaho ko, pagkatapos negosyo ko. Halos lahat ginive-up kona pala para sa kanya. Kailangan kong pagtuunan ng pansin yung Farm. Ayokong nawala ito sakin. Hahanapin ko parin si Argel pero hindi ko pwedeng pabayaan na lamang yong Farm kaya naman hahayaan kona munang mga pulis na ang bahalang maghanap sa kanya. “Wag kang mag alala mahal ko hindi ako titigil na hanapin ka. Hindi ako susuko pero sa ngayon meron lang akong dapat na unahin. pero hindi ako titigil na hanapin ka. Mahal na mahal kita.” Bulong ko sa hangin. ___ Next…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook