Chapter 4

1137 Words
Chapter 4 Diana Busy ako na pag-aayos ng mga papeles naka kalat rito sa loob ng opisina ni Franki ng biglang may tumawag sakin. "Hello, Franki?" Sagot ko sa tawag niya. "Ma'am Diana, si ma'am Franki po." Natatarantang sambit ni Mang Wealand. "Bakit anong nangyari sa kanya?" Nag-aalalang tanong ko rito. "Hindi ko po alam kung anong nangyari sa kanya. Kumuha lang po ako ng kotse sa parking pagbalik ko po sa pinag iwanan ko sa kanya wala na s'ya pero hinanap ko po siya nakita ko nalang po siya sa kalsadang umiiyak po. Hanggang sa nahimatay na po siya kay dinala ko po siya sa malapit na ospital rito sa San Isedro." "Sige pupunta na kami dyan. Wag na wag mo siyang iiwanan." Bilin ko naman sa kanya bago nagmamadaling pinuntahan si Sky sa sakahan. "Sky!" Tawag ko sa kanya. "Anong nangyari sayo bakit parang ang putla mo?" Nagtatakang tanong naman niya sakin. "May nangyari kay Franki, kailangan natin siyang puntahan sa San Isedro ngayon na." Nagmamadali kong sambit sa kanya. Gulat naman siyang tumingin sakin. "Anobg nangyari sa kanya?" Puno ng pag-aalalang tanong niya. "Hindi ko pa alam kaya kailangan na nating mag madali." Sagot ko naman sa kanya. Agad naman kaming pumunta ng San Isedro at tamang-tama namang gising na si Franki, nang dumating kami roon. Kinausap na rin ni Sky yung doctor na tumingin sa kanya at ang sabi nito ay pagod ay stress lang raw ang dahilan kong bakit hinimatay si Franki. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi nito. Pero nagtataka ako ng kung bakit sa kalsada ito nakita ni Mang Wealand at umiiyak pa. "Ana, nakita kona siya." Umiiyak na sambit nito sakin. "Sino?" Nagtataka namang tanong ko sa kanya. "Nakita ko si Argel kanina. Nakita ko siya." Ani Franki sakin. Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Sigurado kaba sa nakita mo?" Tanong ko naman sa kanya. Tumango naman siya. "Alam mo k**i, magpahinga kana muna kasi ang sabi ng doctor kanina kaya ka raw hinimatay ay dahil sa pagod at stress kaya matulog kana muna habang inaayos ni Sky ang bills mo." Payo ko sa kanya. "Hindi ka naniniwala sakin?" Sumbat nito sakin. "Totoo yung nakita ko si Argel yun!" Giit n'ya pa. "Hindi naman sa ganon pero hindi tayo sigurado sa nakita mo. Dahil kung si Argel nga yon paanong nandito lang pala siya sa San Isedro pero hindi s'ya mahanap ng mga pulis at investigator mo! Paano mangyayari yon? Kaya kailang muna nating mac onfirm kung si Argel nga yung nakita mo o namalikmata ka lamang. "Totoo yung nakita ko at hindi ako namamalikmata lamang." Giit n'ya talaga sakin. "Fine! But we need to confirm it first." Giit ko rin sa kanya. Magpahinga kana muna at tatawagan ko yung mga investigator mo. Ako na ang bahala rito kaya wag kanang mag-alala." Sky." Tawag ko sa kanya. "Yes?" Tanong naman niya sakin. "Si Franki nakita raw niya si Argel kanina sa palingke ng San Isedro. Kaya s'ya nakita ni Mang Wealand sa daan dahil hinabol siguro niya ito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya o hindi. Pero grave yung epekto sa kanya ng nakita niya, Sky." Kwento ko saa kanya. "Paano naman nangyari yon? Nahabol niya ba si Argel." Tanong niya sakin. "Hindi!" Sagot ko naman. "Tinanong ko naman sina Mang Wealand kung nakita ba niya si Argel pero hindi raw n'ya ito nakita. Si k**i lang talaga yung nakakita sa kanya. "Kung ganon kailangan nating tanungin ang lahat ng mga taong nandon." Suhesyon naman n'ya. "Kaya nga pero tinawagan kona rin ang mga investigators ni k**i para sila na ang pumunta rito." Kailangan ko rin kasing ma konpirma kong si Argel ng talaga ang nakita ni k**i kanina. Hindi ko alam kong totoo nga ang nakita niya o hindi pero sana guni-guni na lamang niya yon. "Ano nga pala ang sabi ng doctor, pwede na ba nating e uwi si Franki?" Tanong ko sa kanya. "Pwede nating e uwi si k**i. Sabi ng Dortor na tumingin sa kanya rito kailangan natin siyang pagpahingahin ng mabuti at paiwasin raw sa subrang stress. Nakakadagdag rin siguro ang farm sa stress niya sa mga stress niya sa paghahanap kay Argel. "Kaya nga paano pa natin siya mapapaiwas sa stress lalo na ngayong nakita raw niya si Argel, tingin mo titigil pa yan sa paghahanap rito." Nag-aalalang sabi ko kay Sky. "Kailangan nating siyang kausapin pero wag muna ngayon." Suhesyon naman niya sakin. Tama siya kailangan mapakiusapan namon si Franki na hayaan na lamang niya na ang mga pulis at mga investigators na lamang ang bahala sa paghahanap kay Argel. Kailangan talaga kasi niyang magpahinga lalon't sa susunod na buwan ay mas magiging busy siya lalo dahil iyon ang buwan ng pagkamatay ni Tita Hasna. Hindi pwedeng parati nalang si Argel ang nasa isip niya kailangan rin niyang alagaan ang sarili niya. Napapabayaan n'ya ang sarili dahil sa kakaisip sa lalaking yun. Wala talagang magandang na idudulot ang lalaking yon sa buhay ni Franki kundi pasakit at hirap. Naaawa nako kay k**i hindi n'ya dapat dinaranas to. Hindi n'ya deserve ang maranasan ang ganitong hirap. Kailangang mabaling na talaga sa iba ng atensyon niya para makalimutan na niya ang lalaking yon! "Hali kana sunduin na natin si k**i. Para makauwi na tayo at makapag pahinga narin siya. Ako ng bahalang kumausap sa mga darating na investigators at mga pulis rito mamaya pagkahatismd ko sa inyo sa San Jose. "Oky, pero bago ka umalis mamaya kausapin mo muna si k**i at ipaliwanag mo sa kanya kung bakit ikaw, lang ang haharap sa mga pulis." Utos ko naman sa kanya. Tumango naman siya saka kami nagpunta sa kwartong kinaroroonan ni k**i. "k**i, tara na umuwi na muna tayo." Nakangiti kong sambit sa kanya. "Dumaan muna tayo sa presinto ng San Isedro." Sambit niya samin. Tumingin naman ako kay Sky. "k**i ang sabi kasi samin ng doctor kanina kailangan mo munang umuwi at magpahinga." Sambit rito ni Sky. "Hindi pwede!" Umiiling na sambit nito. "k**i kailangan mong umuwi. Wag kang mag-aalala ako ng bahala sa lahat ako ang kakausap sa mga investigators mo at sa mga pulis narin." Paliwanag ni Sky rito. "Pero." "k**i makinig nalang tayo sa sinabi ng doctor kanina. Para tin naman sayo to." Giit ko naman. Tumango naman siya bilang pagsuko. "Sky balitaan mo ako ha." Bilin nito kay Sky. "Oo naman malakas ka kay sakin." Biro ni Sky rito. Ngumiti naman si k**i sa sinabi ni Sky sa kanya. "So tara na." Aya ko naman sa kanila. Inalalayan naman ni Sky si k**i para makababa sa kamang hinihigaan nito. Bagay talaga silang dalawa. Kung sana hindi lang bulag si k**i sa pagmamahal nito sa isang taong wala namang ginawa kundi ang pasakitan siya edi sana nakita niya kung gaano siya kahalaga kay Sky. ___ Next
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD