KABANATA 1

1029 Words
Katok sa pintuan ang nag-pabalikwas sa aking magandang managinip. Halos mahalikan ko ang sahig dahil sa pagkagulat dahil sa katok ni mommy sa pintuan. Sa sobrang lakas rinig sa buong subdivision namin. Sayang! hahalikan na ako nang prince charming ko eh! naudlot tuloy yong magandang panaginip ko, na naging isang bangungot. "Yan Yan! tanghali na malalate kana sa klase mo. Kanina pa nasa baba si Drake at hinihintay ka."Wika ni Mom. "Five minutes! give me five minutes mom. Inaantok pa po ako pakisabi kay Drake mauna na po siya, hindi na po ako papasok sa first subject ko."Sagot ko kay mom. "Inday! Kunin mo ang susi para makurot ko sa singit ang babaeng to! Aga aga hini-highblood mo kong bata ka!"Rinig kong sabi ni mom sa may pintuan. "Sige na mom maliligo na ako. Ayoko Po makurot,wag Po kayo magalit sayang ang pabuttoks niyo. Pakisabi po kay Drake wait niya ako, kong ayaw niyang hindi ko siya ilakad sa kaibigan ko."Ani ko kay mom. Kahit na tinatamad at nakapikit pa ako, pilit kong nilabanan ang antok na nararamdaman ko. Pumasok agad ako sa banyo at binuksan ang shower. Halos manginig ako sa lamig na dumaloy sa katawan ko. Eto ang literal na lamig na nakakagising nang laman. Grrrrrr! Salubong na kilay ang bumungad sa akin sa hapag bakas ang iritasyon sa gwapong mukha nang step-brother ko na si Drake. "Anong mukha yan?Malayo pa ang semana santa ganyan na ang mukha mo."Biro ko kay Drake. "Sino matutuwa sayo!, napakabagal mong kumilos naku! Kong hindi kalang anak ni Daddy iniwan na kita pasalamat ka talaga at malakas ka sakin."Sagot ni Drake. "Hoy Hellious Drake Mallari para sabihin ko sayo, alam ko talaga na hindi mo ko matitiis. Kaya wag kang feeling, buti nalang gwapo ka."Asar ko kay Drake. "Tandaan mo yang kaibigan mong si Arziel mag-hahabol din sa akin yon at kusa niyang ibaba ang panty niya sa akin."Wika ni Drake. "Naku mamatay ka nalang Drake na hindi mo matitikman kahit dulo nang daliri non, kaya sumuko kana, kasi hindi ka niya type. Galit yon sa gwapo."Saad ko sakanya. At bukod don hindi yon nag-papanty kaya walang malaglag natatawa ko pang dagdag sa sinabi ko. Step brother ko si Drake anak siya ni Mommy Nora na second wife ni Daddy. Sabay na kami lumaki ni Drake simula nang mag pitong taon ako. Criminology ang course ni Drake dahil pangarap nito maging isang magaling na pulis. Niloko nga ni Dad Minsan baka pulis na matulis ang gusto ni Drake at gamitin sa pambababae. Mabait din si Mommy Nora kahit kelan hindi niya pinaramdam sakin na hindi niya ako anak. Tunay na anak ang trato niya sa akin. Alam din ni mommy na hinahanap namin ni Dad si Marie. Isa sa dahilan kong bakit kumuha nang pulis si Drake ay para matulungan kami sa paghahanap sa kakambal ko. Matanda lang nang isang taon sa akin si Drake pero sabay lang kami gragraduate dahil huminto siya ng isang taon dahil na kick out sa school na pinapasukan dahil sa puro kalokohan ang ginagawa. Paalis na kami ni Drake, tulad ko late na siya sa klase niya kaya Hindi na kami nag-abala pa na magmadali. Sakto lang ang alis namin para sa sunod na subject na papasukan namin. Graduating student na kami parehas. Ang kursong kinuha ko ay Business Management para makatulong kay Daddy. Nang makarating kami sa eskwelahan namin dito sa Sto. Thomas ay nag-hiwalay nadin kami ni Drake. Dahil magkaiba ang building namin na pinapasukan. Napansin ko ang mga estudyante na may pinag-kakaguluhan sa baba nang building namin. Pinag-titinginan nila ang isang lalaki na akala mo naman kagwapuhan, Wala naman dating ahaysss. "Mariane, wait! hintayin mo ko."Tawag sa akin ni Arziel. "Bakit wala ka sa first subject natin hinahanap kaya kita kanina."Tanong ni Arziel. Nakasalubong ko nanaman yong hari nang demonyo. Tuwing nakikita ko siya nagiinit yong ulo ko. Bagay sa kanya ung pangalan niyang Hellious kasi dala niya ay apoy na nakakabwesit. Dagdag pa ni Arziel. "Baka kakaganyan mo kay Drake, magkatuluyan kayo. Saka ayaw no nun bukod sa apoy na nagiinit, hatid din non ay bagyo na matatangay ka sa lakas nang hangin."Pangaasar ko kay Arziel na lalong hindi maipinta ang mukha. Mukhang napikon ata sa malakas na tawa ko si Arziel at iniwanan ako sa hallway. Ang sarap niya kasing asarin lalo na pagdating kay Hellios Drake Mallari lagi ko nakukuha yong gigil niya. Kahit na ganoon siya mapikon ay hindi naman niya ako matiis. Ewan ko ba bakit galit na galit yon kay Drake, gwapo naman si Drake, mabango naman, malakas, malakas, malakas lang talaga ang hatid na hanging habagat sa katawan. Pagkarating ko sa klase nakita ko padin ang pag-kabusangot ng mukha ni Arziel. Talaga atang napikon sa hatid na bagyo ni Drake tapos dinagdagan ko pa nang malakas na pag-ulan kaya ayon super typhoon ang kinalabasan. "Sorry na, ikaw naman kasi ang bilis mo mapikon sakanya. Mabait naman yon, type kalang niya talaga asarin."Wika ko sakanya pag kaupo ko sa tabi niya. "Ewan ko ba sa mokong na yon, parang hindi kumpleto ang araw niya na hindi niya ako mabwebwesit tapos dinadagdagan mo pa. Akala ko ba kakampi tayo dahil bff's tayo pero bakit pakiramdam ko tuwang tuwa ka tuwing inaasara ako ng hinayupak na Hellious Devil na yon."Ani ni Arziel. "Sige na di na kita aasarin, pero wala ba kaunting kilig diyan na nararamdaman kay Drake.?wika ko muli kay Arziel. "Wala nga saka may iba na akong gusto, hanggang ngayon umaasa padin ako na mapansin niya."sagot ni Arziel "Naku Arziel tigilan mo yang nararamdaman at pag-asam mo. Mali yang nararamdaman mo kapatid mo yon, kahit saang daanin mali ang nararamdaman mo para sakanya. Masasaktan kalang sa huli. O baka pagpinagtuloy mo yan lalamugin lang yang puto bongbong mo at maging puto bugbog sa huli."Pangaral ko kay Arziel. "Alam ko na parehas kami nang nararamdaman, nakikita ko minsan ang mga tingin niya sa akin. Alam ko na mali pero bakit ganoon ang nakakaramdam ko sa kapatid ko."Saad ni Arziel. Niyakap ko nalang siya dahil kahit ako mismo hindi ko alam kong ano ba ang feeling na mainlove. Hindi pa naman kinikilig ang puto bongbong ko sa lalaki..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD