bc

SA IYO ITINUTOK PERO SA AKIN IPINUTOK

book_age18+
583
FOLLOW
7.8K
READ
family
HE
opposites attract
powerful
drama
tragedy
no-couple
serious
campus
office/work place
rejected
like
intro-logo
Blurb

Marianne Helenna Dela Riva Isang anak mayaman, maganda, sexy at higit sa lahat isang babaeng palaban, matapang at walang kinakatakutan at inuurungang misyon. Isang babaeng sabik sa kapatid at matagal nang naghahanap sa kanyang kakambal na ninakaw noong bata pa sila. Pumasok sa Isang organisasyon na lihim na tumutulong sa gobyerno para sa mga kasong hindi nareresolbahan nang nakakataas. Isa lang ang layunin niya Kong bakit sumali siya sa organisasyong iyon ay upang mahanap ang nawawala niyang kakambal. Sa Isang misyon kaya ang maging daan sa kanya para sa taong matagal nang hinahanap? Paano kong sa misyong ito ay makakatagpo din siya nang isang lalaki na magiging kapartner niya sa misyon at tutulong sa pagligtas sa kanyang nawawalang kakambal? Markus Draven Alejandro Isang NBI agent na malakas Ang appeal, gwapo, matipuno, at mayaman pero lalakeng allergic na sa mga babae.Sa isang misyon ay magtatagpo ang landas nila Marianne at Markus pero ang pagtatagpong ito ay para silang mga aso't pusa kong magbangayan at mahirap magkasundo. Abangan Ang kapanapanabik na kwento ng dalawang Agent na laging nangbabangayan sa misyon. Mauwi kaya ang bangayan ng dalawang ito sa pagmamahalan.? Ika nga nila na "the more you hate the more you love". Pag-ibig na namuo sa Isang misyon na hahadlangan nang isang nakaraan. Abangan Ang kwento ng "Sa iyo tinutok pero sa akin Ipinutok." Na hahadlangan nang isang taong magbabalik sa nakaraan. Ano kaya ang magiging epekto nito kay Marianne at Markus?

chap-preview
Free preview
"Prologue"
"Black Rose! Black Rose ! Sumagot ka! ano ang lagay sa ng mga biktima sa loob?"Tanong ni Lotus. This is Black Rose kailangan ko nang backup! Madaming mga tauhan dito na may malalakas na kalibre nang baril. "I NEED BACK UP NOW!" bago mahuli ang lahat. Paalis na ang mga biktima para isakay sa isang boat, kong saan sila ibebenta nang mga sindikatong to."mariin kong utos ko kay Lotus. "Copy that b***h! Makautos ka akala mo naman pinakain mo ko nang isang linggo kuripot ka naman, fishball lang pinakain mo sakin."Sagot ni Lotus na nagawa pang magbiro. Ganito kaming dalawa ni Lotus kapag nasa isang misyon na magkasama. Nasa bingit na kami ng kamatayan ay puro kalokohan pa. Isa ito sa madalas kong kasama ewan ko ba kay Boss Kiray bakit lagi kami pinagsasama nang maarte kong kaibigan.Napapailing nalang ako lagi sa kartehan nito, pero syempre kahit ganyan iyan ay mahal ko yang kaibigan ko sanggang dikit kami niyan sa lahat nang bagay kapatid na ang turingan namin. "KETIKS" ang bansag sa amin. Dahil para daw kaming kiti-kiti kapag kinikilig at may saltik sa ulo. "Hindi ka nanaman siguro na diligan nang boyfriend mo kong ano anu nanaman sinasabi mo. Dalian mo na kailangan ko nang backup pagtapos nito iinom tayo sa paborito nating bar."Sagot ko sakanya. "Sino manlilibre???Muling tanong sa akin nang kaibigan ko. "Malamang ako, kamote ka alam ko na yong pera mo nakadikit sa balat mo. Halos ayaw mong bawasan."Inis kong wika sakanya. "Alright! Copy that Black Rose your backup is all the way."Humahagikgik na wika ni Lotus. Pag ganitong nasa misyon ako, tumataas ang dugo ko, dahil sa kakaibang excitement na nararamdaman ko ewan ko ba. Ang tunog ng baril ay musika na sa pandinig ko na nagbibigay kasiglahan sa pagkatao ko. Wala na ang dating ako na iyakin at duwag na kapag inaway ay magmukmok at iiyak sa isang tabi. Binago ko ang sarili ko dahil sa isang misyon na matagal ko nang hindi padin nasosolve. Ang makita ang kakambal ko na matagal na naming hinahanap. One year old kami nang kuhanin siya sa amin nang katulong namin. Kong saan saan siya pinahanap ni Daddy pero ang siste bigo silang makita ito. Mabilis lang namin mahahanap ang kakambal ko dahil tulad ko gamit niya din ang isang mukha na kaparehas sakin. Identical twins kami nang pinanganak ni mommy. Pumasok ako sa THE HILARIOUS FLOWER ORGANIZATION hindi para baguhin ang sarili ko kundi para makita ang matagal na naming hinahanap ang kapatid ko. Malaki ang pinagbago ko nang makilala ko si Boss Kiray inalok niya ako na maging agent sa isang organisasyon na hawak niya. Mabait ang aming boss kaya lang minsan may saltik sa ulo na akala mo nag-memenopause na. Napakahilig sa babae, pero ang babae walang hilig sakanya. Member ang boss namin ng LGBT group. Hindi ko alam kong bakit siya naging ganoon. Sa kabila nang pagiging Lesbian niya natatago ang isang maganda at maamong mukha sa katauhan niya. Ang The Hilarious Flower Organization na naglalayon na bigyan ng hustisya ang mga inosente na hindi makapit ang katarungan dahil sa mga tiwali sa gobyerno. Pumapatay ang aming organization ng mga taong hindi na kayang sugpuin ng gobyerno. Mga tiwaling opisyal na masyadong gahaman sa pwesto at mga mapagsamantala. Isang tagong ahensya ang aming organization kong saan hawak ito nang isa sa mataas na katungkulan at marangal na pinuno sa gobyerno. Isang boses ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan, nasa misyon pala ako akala ko nasa bahay ako at nag muni muni. Natawa nanaman ako madalas kasi ganito qko sa misyon "LUTANG". "Black Rose! This is Carnation what is your exact location?"Wika ni Carnation. "Nasa kisame ako, hindi ako makababa dahil ang daming bantay sa baba nagkakalat ang mga armadong lalaki na may dala na malalaking armas."Sagot ko kay Carnation. Ilang minuto lang ang lumipas at narinig ko na ang palitan nang putok ng baril, sumugod na ang mga kateam ko para irescue ang mga biktima nang human trafficking. Dahan dahan akong bumaba sa pinagtataguan ko nang makita ko na wala nang bantay sa pwesto ko. Mabilis ang naging kilos ko habang hawak ko wng baril sa mag-kabila kong kamay. Nakita ko si Lotus na abala sa pag-paputok nang baril. Kita ko ang ngisi niya sa akin kasabay nang isang kindat na nakakaloko. Paglipat ko sa kabilang pwesto mabilis kong kinalabit ang baril ko dahil may kalaban na tinutukan ako ng baril. Bago niya pa nakalabit ang gatilyo nang baril ay naunahan ko na siya sapol siya sa pagitan nang kanyang mata. Pahina na nang pahina ang mga putukan nang baril. Nakita ko si Carnation na nakikipag-mano mano sa dalawang lalaki. Mabilis niyang pinaikot ang katawan niya sa ere at binigyan niya mg isang malakas na flying kick ang isang lalaking kalaban. Aray! bagsak ang kawawang lalaki na putok ang nguso. Kasabay nun ay pinag-susuntok niya ang ang kalaban, nang mapagod na siya at alam niyang wala nang laban ang kalaban niya mabilis niyang kinuha ang baril niya at pinaputukan ang dalawa. Wala nang buhay bago niya tinigilan ang mga kalaban niya. Pag-akyat ko sa kabilang bahagi nang bahay, nakita ko ang mga kababaihan na dumanas nang kalupitan sa mga armadong lalaki bago dalhin sa ibang bansa. Bakas sa mga ito ang matinding paghihirap na pinagdaanan puro pasa at may bakas nang dugo ang kanilang mga labi. Biglang sumulpot ang dalawang lalaki nang hindi ko namamalayan mula sa likuran ko. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ng katawan ko kaya mabilis ko silang napaputukan. Malakas na tilian ang narinig ko mula sa mga kababaihan na takot na takot dahil sa pagkagulat. Nakita ko na palapit na palapit na ang mga kasamahan ko sa amin. "Black Rose, akala ko hindi kana lalabas sa kisame, sayang hindi mo nakita kong paano ko pinaputukan ang mga kalaban ko, nainlove ka sana sakin."Mayabang na wika ni Satan Este Agent Santan. "Oo dapat nakita niya para napahiya ka kong paano ka pinagpasapasahan ng kalaban mo, nakakahiya ka kong hindi pa dahil kay Agent Carnation hindi mo pa mapapataob qng kalaban mo."Saad ni Lotus na pinaka prangka sa grupo. "Let's go na guys tumawag na si Boss Kiray at binati tayo sa tagumpay na mission mag papainom daw siya sa isa sa mga bar niya."Wika naman ni Carnation. Napapailing nalang ako sa mga kasamahan kong agent na kaibigan ko na din ngayon. Tiningnan ko ang mga babaeng biktima. Minsan naiisip ko na baka makita ko ang kambal ko sa mga mission ko. Hindi pa din ako napapagod na umasam na balang qraw makikita ko din siya at maibalik sa pamilya kong saan siya nararapat. Marie.......Bulong ko sa isipan ko...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook