3RD PERSON: POV Maaga pa lang, pagkatapos ng flag ceremony, habang tumutulong magwalis si Kanny ng mga dahon sa paligid… “Lola, Lola, bibili lang po muna ako ng snack sa canteen,” paalam ni Miko. Tumango si Kanny. “Sige, balik ka agad ha,” sagot ni Kanny. Kampante siya dahil nasa gilid lang ang canteen. Pagdating ni Miko sa canteen, nakapila siya kasama ang ibang mga bata. May lumapit sa kanyang lalaki, ngunit hindi iyon binigyan ng pansin ni Miko. Maya-maya, tumabi ito sa kanya. “Hi, pogi. Miko ang pangalan mo, ’di ba?” banayad na tanong ng lalaki. “Opo, bakit niyo po ako kilala?” takang tanong ni Miko. “Kasi kaibigan ako ng papa mo. Ito oh, may picture kami ng papa mo. Gusto ka raw niyang makita, inutusan niya kaming sunduin ka.” “Really?” Kinuha ni Miko ang larawan at tinitigan

