ELIZE’S: POV Gusto kong pumatay ng tao sa tindi ng galit na nararamdaman ko. Ano bang problema ng babaeng ’yon? Bakit niya dinamay ang anak ko? But I need to calm myself—hawak niya ang anak ko. “ Huminga ako ng malalim wag mong saktan ang anak ko, Shaira. Ibigay mo sa akin ang address. Magkita tayo,” kalmado kong sabi. “Good. Huwag huwag kang magkakamaling gumawa ng maling galaw! Sasabog ang bungo ng anak mo!” galit niyang sigaw.. Lumingon ako kay Mama na nakatingin sa akin naguguluhan sa reaction ko.. Agad kong binaba ang tawag. “Ma, sige na, umuwi ka na. Sabihin mo kina Papa at Chito malaman lang nila kung nasaan ako,” sabi ko habang nakatingin sa kanya.. Agad akong sumakay sa motor. Ayokong sayangin ang oras—sa tuwing naiisip ko na baka saktan ni Shaira ang anak ko, naghahalo

