Chapter(6) Pagpapa tawad.

1028 Words
Elize 'POV " Last chance muna ito, Elize!" Ilang beses ka na naming pinagbigyan ng mama mo! Pero ano ito, itong ginawa mo? Huh!" Sigaw ni Papang nana mula sa galit . " Tama na yan! Eta wala na tayong magagawa, nangyari na. Alalahanin mong buntis ang anak natin, kaya maghinay -hinay ka diyan sa ugali mong 'gusto ikaw ang laging masunod!'" sigaw rin ni mama. " Tama na po, huwag na po kayong mag-away, please . Mama, tama na po! Huhuhuhu ." Napa-hagulhol ako . Hindi ko akalain na umabot sa ganito ininom ko naman yung pill,. Paanong nabuo Ang batang to? Tanong ko sa aking isipan. Lumabas si Papang at padabog na sinara ang pintu. " Mama, hindi po ba ako mapapatawad ni Papang?" " Hindi naman sa ganun, anak. Mahal ka ng papang mo. May mga problema lang siya at mga plano na kasama ka, pero pasa-an saan ba 't mapapatawad ka rin niya.. ." Pang-aalo sa akin ni Mama. Lumipas ang oras , hapon na kaming umuwi sa bahay . Pagod akong pumasok sa kwarto . Kinuha ko ang bag na ginamit ko noon pag-uwi dito sa probinsiya. Kinuha ko ang maliit na kahon na nilagyan ng iniinom kong gamot. Nanlulumo akong natitig sa expiration date ng gamot. Expired na pala ito mula noon, pag simula ko palang uminom. Napa- yukom ang kamao ko at tumulo ang aking mga luha. " Bakit naman ganito, Lord? Hindi ko pinangarap na maging single mom. Marami pa akong pangarap para sa pamilya ko kina Mama at Papang. Sobrang hiya ako sa sarili ko. Pero hindi rin kaya ng konsensya kong patayin ang sarili kong anak na nasa aking sinapupunan. Anuman ang plano ng Panginoon sa batang ito, pilitin kong maging mabuting ina." "Knock! Knock !" tunog ng pintu. " Pasok," sabi ko. Lumingon ako at bumungad sa akin si Chito. " Umiyak ka naman ba Elize?" , alalahanin mong buntis ka. Huwag muna masyadong isipin ang papang mo. Hindi ka kayang tiisin non. matatanggap din niya ang sakit ..." " Hindi ko alam, Chito, kung paano at saan ako magsisimula . Ayaw kong malungkot si Papang. Mahal na mahal ko sila ni Mama." Lumapit si Chito sa akin at inakbayan ako. " Alam kong kaya mo 'yan, Elize. Ikaw kasi, bakit mo naman sinuko 'yan sa taong hindi mo kilala? Nakaka-inis rin .. . Matagal mo nang alam na may gusto ako sa'yo, pero nire-respeto kita at pinahalagahan dahil ganun ka kaimportant sa akin . Pero wag ka mag-alala hindi ka namin pababayaan, halika, may dala akong tinulang manok. Tama na 'yang kaka-iyak mo! Hindi mo naman maibabalik ang lahat kahit umiyak ka pa ng isang taon..." mahabang wika ni Chito. " Pag-comfort ba 'tong ginawa mo or sermon?" Erap ko sabay pahid sa aking mga luha. " Both! Ano ba, mukha no'n gwapo pa ba sa akin?" Bumigay kasi agad, eh . Hirit ni Chito, akala ko tapos na siya. "Huwag na nating pag- usapan 'yan . Ayaw kong maaalala pa. " Sagot ko at naunang lumabas , tungo sa kusina. Naabutan ko si Mama na nagha - handa . "Halika na kayo , kakain na tayo ng maaga . Tutulungan ko pa ang papang mo na ihiwalay ang mga damage na kape para maisilid na iyon sa sako. " "Eta nandiyan ka na pala. Halika na 't tayo'y maghapunan na ," aya ni Mama kay Papang. "Mauna na kayo , busog pa ako." Tanggi ni Papang at bumalik ito sa maliit na balkonahe sa labas. "Mauna na lang kayong kumain ni Chito. Elize, Puntahan ko lang ang papang mo ," sabi ni Mama sabay tapik sa aking balikat. " O, yang mga mata mo na yan. Tutulo na naman 'yang luha mo. Nasa hapag, ka Elize." Pang-babara sa akin ni Chito... Bumuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain . Pagkatapos naming kumain ni Chito, niligpit ko ang pinagkainan namin . Nagtungo ako sa labas para sana puntahan sila, si Mama, pero natigil ako nang marinig ko mula sa may pintu ang pinag-usapan nila. " Humina na ang benta ng kape. Kanny hindi ko alam kung makabawi pa tayo sa gastos. Yung naipon ko , hindi na magkasya ' yon sa pagkain natin ng ilang buwan. Kaya itigil ko na lang ang pag-inom ko ng gamot para makapag-ipon tayo para sa panganganak ni Elize . Nagpunta ako sa bangko kanina, may na tubos na raw ng lupa. Hindi ko alam kung si Mayor ba ang gumawa, pero alamin ko pa. Pagkatapos makapanganak si Elize, tuloy pa rin ang mission niya..." Lumipas ang dalawang taon. Masaya kong binihisan si Miko , ang anak, ko na super kulit. Kahit gaano ka hirap, ay nairaos ko rin na buhayin ang anak ko at natanggap na rin ni Papang ang apo niya. Subalit , hindi pa rin ako ligtas. Sinasabi ni Papang na mayroon akong misyon na dapat kong gawin . Anuman ito, handa na ako . Tapos na ako sa training at masabi kong handa na ako sa kahit anong laban... Isang taon na si Miko, ngunit kung titignan, parang tatlong taon na siya dahil matangkad siya tulad ng kanyang ama. Kuha rin niya ang simpleng ngiti nito ... " Papalo!" sigaw ni Carlo at tumakbo papunta sa pintuan . "Hmmm, ang bango ng baby namin ! Ahh at pogi..." masayang sabi ni Papang. Tumawa lang si Miko at hinalikan ang pisngi ng kanyang Lolo. " Ang lambing naman ng baby na 'to! Pero tama na ang kaka-halikan, nakakababae 'yan . Doon ka muna sa Mama ha? May pag-uusapan lang kami ng mama mo..." Nilapag ni Papang si Miko at lumapit sa akin. " Bukas ka na aalis? Tamang-tama. Naghahanap sila ng personal na yaya at ikaw ang papasok doon. " " Okay po, Papang, pero tulad ng sinabi ko sa'yo, trabaho lang ang gagawin ko doon . Ayaw kong manakit ng tao..." "Wag ka munang magsalita ng ganyan, Elize . Kaya kita sinanay dahil hindi madali ang buhay na papasukin mo at kailangan mong depensahan ang sarili mo. Kaya wag kang maging mahina. Naiintindihan mo ba?" ang sarili mo. Kaya wag kang maging mahina. Naiintindihan mo ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD