Chapter (5) Bleesing

1524 Words
Third Person: POV " Hindi ka pwedeng umurong, Elize!" Ang babaeng mahina ay talunan. Naintindihan mo ba ako? " Huh!" Sigaw ni Eta, ang ama ni Elize. "Tumayo ka diyan at mag-warm-up. Kailangan bago ka sumabak, wag mong kalimutan mag-warm-up upang maiwasan ang injury at mapabuti ang performance. Ang warm-up exercises ay dynamic stretching, jumping jacks, lunges, high knees, at squat jumps. "Manatili ka diyan at gawin mo ang warm-up. Babalikan kita dito, may kukunin ako sa bahay," bilin ni Eta sa kanyang anak, at tumalikod. Agad namang sinunod ni Elize ang bilin ng ama. Kahit hindi maganda ang pakiramdam niya, nagawa pa rin niyang mag - warm-up. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng pagpapa- lakas ng mga binti at likod sa pamamagitan ng lunges, squats, jump squats, burpees, at sprints. Lumipas ang tatlumpung minuto, nakabalik na si Eta, dala-dala ang dalawang kahoy na tig-isang dipa at may isang kahon na naka-lock. Nilapag niya ito sa sako na nasa gilid at nilapitan ang kanyang anak. " Handa ka na ba? Tingnan mo akong mabuti at sundan mo ito. Dapat kapag nasa laban ka na, maging alisto at mapagmasid ka sa paligid; talasan mo ang pang-amoy at pandinig mo. Obserbahan mo ang mga paa ko kung paano ko ito gawin. Una, humaharap ka sa direksyon kung saan gusto mong lumapag pagkatapos ng kick. "Piliin ang sipa. Magdesisyon kung sa kaliwa o kanan ka sisipa. Ikalawa, run up - tumakbo ka papunta sa target para magkaroon ng momentum. Pangatlo, jump - tumalon nang mataas para magkaroon ng taas. Pang-apat, itaas mo ang binti na sisipa habang ang isa pang binti ay nagtutulak para sumulong. I-extend ang binti na sisipa at panatilihing tuwid ang katawan. Panglima, panatilihing nakataas ang isang braso mo para magdepensa. "Dapat lumapag nang ligtas pagkatapos sumipa. Tandaan mo, maghanda ka sa pamamagitan ng pag-visualize ng flying kick bago gawin. Panatilihin ang balanse para makalapag nang maayos. Kailangan natin magsanay nang madalas para ma-perpekto ang technique. "Alamin muna ang mga basic kick, kaya bukas ang aerial kick ang aralin natin ," paliwanag ni Eta sa kanyang anak. Dumistansiya si Eta sa kanyang anak. " Elize, titigan mo akong mabuti. Max, ng takbo ko, dapat buong lakas ang ibigay mo sa pag-jump at paglipad mo. Dapat siguraduhin mong matamaan mo ang kalaban. " "1-2-3!" Tumakbo si Eta at buong lakas lumipad ang kanyang sipa sa point ng sako na may balloon. Pumutok ang isa na natamaan na balloon.. " Now it's your turn, Elize!" alam kong kaya mo ito. Mahaba pa ang training , kailangan mo pang pag aralan ang lahat ng klaseng pagtumbling. Bumuntong hininga si Elize. Hindi naman ibig sabihin na duwag siya, pero alam niyang sa ngayon ay hindi kaya ng kanyang katawan. Ginaya ni Elize ang ginawa ng ama. Buong lakas siyang tumakbo, sabay talon at sipa sa isa pang lobo. "Boom!" tunog ng lobo sabay ng pag-landing ni Elize. " Clap! Clap! That 's my girl!" Alam kong kayang-kaya mo eh," masayang wika ni Eta habang nilapitan ang anak na nakatalikod. Yumuko si Elize at nakita ang dugo na bumulatay sa kanyang binti. "Ah!" Papang sambit ni Elize kasabay ng kanyang pagbagsak . Agad naman itong nasalo ng kanyang ama. "Elize! Elize ! Anong nangyari sa'yo?" Bakit may dugo?" "God!" Tarantang wika ni Eta at binuhat ang anak. Mabilis na nilisan ni Eta ang kweba, buhat-buhat ang kanyang anak. "Kanny! Kanny! Ang susi ng motor , magdala ka rin ng kumot. Bilisan mo!" sigaw ni Eta papunta sa naka-paradang motor. Napabalikwas naman si Kanny nang makita ang asawang buhat ang kanilang anak. Agad niyang kinuha ang susi ng motor at nagdala ng kumot. "Eta , ano bang nangyari sa anak natin? Bakit mo siya binuhat?" Hingal na tanong ni Kanny sa kanyang asawa . " Hindi ko alam, Kanny. Alalayan mo muna itong si Elize at itali mo sa likuran ko't tawagin mo si Chito , at sumunod kayo sa akin sa ospital ." Malamig na bilin ni Eta. Agad sinunod ni Kanny ang utos ng asawa. Pagkatapos nito, agad pinaharurot ni Eta ang motor. Habang si Kanny ay mabilis na nagtungo sa kapehan para tawagin ang kaibigan ni Elize na si Chito. Lumipas ang dalawang oras , naka rating na si Chito at Kanny sa ospital, dala ang mga gamit. Dumiritso sila sa information area para magtanong. " Chito, hijo, ikaw na ang magtanong. Hinihingal pa ako. Bilis mong magpatakbo ng motor , para akong malalagutan ng hininga. " " Sorry naman, Tita Kanny. Nag -alala kasi ako kay Bebe loves. Bat naman kasi nagmamadali itong si Tito Eta sa training ni Elize eh. Wala namang gira na maganap. Hindi naman nagdeklara ng martial law ang bansa," biro ni Chito na may pag- aalala. " Ewan ko ba sa matandang iyon, ayaw makinig. Sige na, lapitan mo muna ang nurse at malaman natin kung nasaan si Elize." " Good morning, nurse . Nasaan po ang room ni Elize Dela Cruz?" Tanong ni Chito. " Good morning po, sir. Nasa ward room napo, sir. Hintayin niyo na lang po paglabas na ang lahat ng resulta kung anong sanhi ng bleeding niya." " Bleeding?" sabay sambit ni Chito at ni Kanny. " Yes po, nasa room 013 po ang pasyente. Puntahan niyo na lang po ," sabi ng nurse. Tinungo nila Kanny ang kuwarto at naabutan niya doon ang asawa na nakaupo sa gilid ng kama ni Elize. " Eta, kumusta ang anak natin?" agad na bungad ni Kanny sa asawa at lumapit dito. " Okay na siya, pero hintayin muna natin ang resulta ng laboratory para malaman natin kung ano ang dahilan ng bleeding niya." " Bakit nag- bleeding ang anak natin? Ano bang pinagawa mo sa kanya?" nag -aalalang sabi ni Kanny at nilapitan ang anak. "Pinasubok ko sa aerial kick at flying kick ," kalmadong sagot ni Eta. "What! Bakit mo ginawa iyon? Napakahirap ng bagay na iyon para sa mga babae." Galit na sabi ni Kanny habang si Chito ay tahimik lang nakinig sa gilid. " Walang mahirap at imposible Kanny, lahat ng kaya ng lalaki ay kaya din ng babae..." " Oo nga! Paano ngayon 'yan kung may damage sa organ ng anak natin ? Anong gagawin mo?" Hindi na napigilan ni Kanny na sumigaw. " Pwede ba Kanny, huwag kang masyadong praning, walang organ na damaged dahil sumunod ako sa tamang proseso ng pagtuturo," inis na sagot ni Eta sa asawa , na naiinis na dahil sa ingay ng asawa kaya napa-dilat ang mata ni Elize. " Papang, Mamang, nag-aaway po ba kayo?" tanong ni Elize na pagod na . Napalingon si Kanny at nilapitan ang anak. "Salamat at gising ka na . May masakit ba sa'yo?" nag -aalalang tanong ni Kanny. Sasagot na sana si Elize ng bumukas ang pintu at pumasok ang doktor. " Good morning, gising na pala ang pasyente ." Napalingon ang ama at ina ni Elize sa doktor . " Doc , kumusta po ang resulta? Ano pong nangyari sa anak ko?" Agad na tanong ni Kanny. " Chill lang po, Mrs. Isang blessing po ang nangyari pero kailangan pong mag-ingat sa pasyente dahil mahina ang kapit ng bata." "Bata?" halos pasigaw na sagot ni Eta, ni Chito, at ni Kanny. "Grabe naman ang gulat niyo. Yes, bata po, as in bata, pero hindi pa fully formed dahil 6 weeks pa ito . Kung tutuusin, dugo pa lamang pero may buhay na dapat ingatan. Kaya may reseta akong mga bitamina at gamot na pangpa- kapit ng bata. Bawal sa kanya ang maglakad ng malayo , magbuhat ng mabigat . Pwede na siyang maiuwi mamayang hapon , for now , paghinga- in muna natin siya... " Parang nabuhusan ang lahat ng malamig na tubigsa narinig nila mula sa doktor at si Elize ay may namumuong luha sa kanyang mga mata. "Kung may tanong po kayo , sabihin niyo nalang po sa nurse ," sabi ng doktor at nagpaalam. Tahimik ang lahat ngunit hindi nakatiis si Kanny at humagulhol. " Anak, bakit ganyan? Nagpasundot ka na pala? Nak ' 23 ka palang eh, diba sabi ko sa'yo, tumulad ka kay mama na 30 na bago nagpatuhog sa papa mo? Anak naman, eh, ang aga ko tuloy maging Lola nito ..." " Mama, sorry po ," sagot ni Elize na umi- iyak. " Sino ang ama?" galit na sabi ni Eta sa kanyang anak. " Papang, hindi ko po alam, lasing po ako noon ..." " Lasing? Kailan ka pa natutong maglaseng, Elize!"Pinagbigyan ka namin ng mama mong mag-aral na sangla ang lupa natin dahil doon, pero ano itong ginawa mo, nagpa-buntis ka!" " Sorry po, papang," humahagulhol na iyak ni Elize. "Ipalaglag mo ang batang yan ! Wala akong apo na bastardo!" " Eta, ano kaba! Apo natin yan." " May misyon siya kaya dapat na hindi ituloy ang batang iyan!" Bumangon si Elize at hinawakan ang kamay ng ama. " Pang please, hayaan niyo nalang po isilang ko ang batang ito. Promise ko po sa inyo, gagawin ko po ang lahat ng iutos niyo , huwag niyo lang pong ipalaglag ang anak ko , maawa po kayo,umiiyak na sabi ni Elize.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD