THIRD PERSON: POV Prenting nakaupo si Shaira sa hideout office ng kanyang ama. Knock! Knock! ang tunog ng pinto. “Come in,” sagot niya. Pumasok ang dalawang lalaking may dalang envelope. “Ang babagal niyong kumilos!” agad na sigaw ni Shaira nang bumungad sa kanya ang dalawang tauhan ng daddy niya na nagmanman sa pamilya ni Elize. “Sorry po, ma’am,” sagot ng isa. “Hindi po madaling makalapit sa bata dahil nandoon po lagi ang lola niya. Buti nga at nag-Nutrition Month parade sila. Nakakuha kami ng picture dahil nasa harapang bahagi siya, dahil ginawang Mr. Nutrition Month. Ito na po.” Kalmado niyang inilapag ang envelope. Inabot ito ni Shaira at agad niyang inilabas ang larawan ng bata nakabarong Tagalog, may sash at headband sa ulo na may disenyo ng mga prutas. “Sigurado ba kayo n

