CARLO’S: POV “Look, sweety… I’m sorry kung nasigawan kita,” mahinahon kong sabi. “Alam mo namang hindi ako mapakali dahil sa lahat ng nangyari sa atin. Ayokong mawala ka sa paningin ko, dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa’yo…” Basag ang boses ko habang naghalo ang kaba at galit sa dibdib ko. Matalim siyang tumingin sa akin. “Ilang beses ko nang sinabi sa’yo na kaya ko ang sarili ko, Carlo,” mariin niyang wika. “Naiintindihan kong nag-aalala ka, pero sana matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi natin hawak ang panahon, ang oras, at ang kapalaran. Matuto kang magpakatatag, dahil hindi natin alam ang mangyayari sa bukas. Tanging ang Diyos lang ang may alam. Kaya please lang, Carlo… be strong as a man.” Diretso ang titig niya sa akin, walang pag-iwas. “Anong ibig mong sabihin

