ELIZE: POV “Mama, thank you po sa paghatid sa akin,” malambing na sabi ni Miko sabay yakap sa akin. “Welcome, baby. Magpakabait ka ha. Makinig ka sa teacher at huwag pasaway kay Lola, okay? Basta ’yong pinag-usapan natin ka gabi, fix na tayo doon ha. Huwag na mag-MMK ulit. Malungkot din si Mama kapag malungkot ka,” bilin ko sa kanya. Ngumiti lang si Miko sabay gumawa ng salute sign gamit ang kanyang kamay. Sinundan ko siya ng tingin habang papasok siya sa kanyang classroom. Bumaling ako kay Mama na nasa tabi ko at inabot ko sa kanya ang wallet ko. “Mama, huwag mong pabayaan si Miko ha,” bilin ko. Tumango si mama, kaya sinuot ko na ang aking helmet at nilisan ang lugar. Habang binabaybay ko ang daan papuntang City Hall, napansin kong may isang puting van na tila sumusunod sa akin, per

