Pao Pov: Nagising ako kinabukasan na may ngiti sa aking mga labi pinagmasdan ko ang mukha ng babaeng pinakamamahal ko pinagmasdan ko ang kaniyang maamo at magandang mukha ng bigla siyang nagmulat at ngumiti sa akin hinalikan ko siya at niyaya ko na din na tumayo na dahil may pasok siya sa school at ako naman ay may pasok sa aking trabaho bilang isang data analyst mahirap man pagsabayin ang trabaho at ang training ko ay kinakaya ko pa naman.
Mahal halika na tumayo ka na diyan may pasok ka ngayon diba?
Yes mahal ko pero pwede bang five minutes pa.
Sige kapag hindi bumangon diyan MAHAL ikaw ang gagawin ko na breakfast ha ha ha!!
Pasaway ka talaga MAHAL hindi ko pa nga nakakalimuyan yung ginawa mo sa akin kagabi nakakahiya minukbang mo ang perlas ng sinilangan ko.
Sorry na mahal ko Prei hindi ko na uulitin iyon kung ayaw mo pero siyempre alam ko na hindi mo matitiis ang charm ng isang Paolo Khai DACENA ha ha ha!! aray ko Mahal tama na ang kakahampas ka lang naman sabay tawa ko ulit at tumayo na sa kama.
Baliw ka talaga MAHAL nahihiya na nga ako dito tapos tawa ka pa ng tawa diyan babangon na nga ako baka mamaya ano na naman maisipan mo diyan Mr DACENA ng buhay ko.
Babangon ka din pala mahal ko kailangan pala ganoon ang gagawin ko kapag gigisingin kita ha ha ha!! I love you mahal ko Prei ikaw ang babaeng ihaharap ko sa altar kaya magsisikap ako para sa ating dalawa at pagbubutihin ko pa sa training namin para sa pangarap ko na makilala bilang isang magaling na singer at dancer at maging ang aking talento sa pagsusulat ng kanta.
I love you too my man Paolo Khai DACENA salamat dahil sa lahat ng plano at pangarap mo ay laging kasama Ako
Sige Mahal ko maghihilamos muna ako at magluluto ng breakfast natin.
Sige Mahal aayusin ko lamang itong kama at susunod na ako sayo.
Mahal tapos ka na ba diyan halika na at mag-almusal na tayo malapit na ako matapos dito.
Nandiyan na mahal ko anu ba ang niluto mo?
Ito simpleng sunnyside egg at ang paborito mo na hotdog Pao hindi ka ba nagsasawa sa hotdog Mahal??halos puro hotdog ang stock mo diyan sa mini refrigerator mo.
.
Ang sarap kaya ng hotdog Mahal kahit araw -araw ko itong ulam hindi Ako magsasawa sige na Mahal aayusin ko na itong table para makakain na tayo..
Sige Mahal malapit na din maluto itong sinangag na niluluto ko.
Okay na itong table Mahal tulungan na kita diyan sana araw-araw tayong ganito Mahal ko Prei.
Alam mo na hindi pa pwede ngayon di ba Mahal kasi alam mo naman na nagpaalam pa Ako Kay Mommy na may school project kaya pinayagan Ako kagabi hayaan mo mahal kapag nakapagtapos na ako at maging legal na tayo kila Mom at Dad ay magkakasama din tayo.
Opo Mahal ko naiintindihan ko na hindi pa Tayo pwedeng magsama.sa ngayon kung Ako nga naiintindihan mo sa pangarap ko kaya susuportahan din kita sa lahat ng pangarap mo mahal ko.
Halika na Mahal at lalamig na itong mga niluto mo papasok pa Ako sa trabaho baka matraffic na naman ako kaya gustuhin ko man na ihatid ka ay alam kung hindi din pwede dahil magagalit lamang si Tita kapag nakitang magkasama tayo at ayaw ko na mangyari iyon Mahal ko..
Salamat Pao mahal sa pang-unawa at pagmamahal mo sa akin sana ay hindi ka mapagod sa relasyon natin kahit ayaw sayo nila Mom at Dad para sa akin.
bilisan mo na mahal tapos na din naman tayo kumain baka ma-late ka pa sa trabaho mo.
Sige Mahal ko maliligo muna ako hintayin mo Ako sabay na tayo paglabas at ihahatid kita sa sakayan bago ako mag-abang ng sasakyan papunta sa trabaho ko.
Sige Mahal bilisan mo baka mahuli din ako sa klase ko uuwi pa Ako sa bahay namin.
Halika na Mahal tapos na ako mag-ayos.
Naglakad kami ni Prei papunta sa sakayan pauwi sa kanila habang naglalakad kami ay nagbilin na ako sa kanya
Mahal mag-iingat ka palagi at huwag mag-skip ng meals at huwag din magpupuyat maiintindihan ko naman kung hindi makakapag reply sa akin atsaka halos araw-araw madaling-araw na ako nakakauwi dahil pagkagaling ko sa trabaho ko ay alam mo naman na diretso na ako sa training namin..
Opo mister ko masusunod po lahat ng utos mo sige na Mahal ko aalis na itong jeep mag-iingat ka din po sa trabaho mo I love you Mahal.
I love you too Mahal ko ingat sa byahe magchat or magtext ka sa akin kapag nakauwi kana sa bahay niyo hinalikan ko sa kaniyang mga labi si Prei na kaniyang tinugon din naghiwalay kami na parehas may ngiti sa aming mga labi tinanaw ko pa ang jeep na lulan si Prei at kumaway pa ito sa akin.
Nag-abang na din ako ng bus na sasakyan ko papunta sa trabaho ko mahirap man pero kakayanin ko para sa pamilya ko at para sa babaeng mahal na mahal ko.
Ilang saglit pa ay nakasakay na din ako lumipas ang isang oras nakarating din ako sa kompanya kung saan Ako ay data analyst nkarating din sa working place ko kahit mahirap pagsabayin ang trabaho at training kailangan ko dun ang trabahong ito para matustusan ko ang aking mga need at pangbaon ko na din sa training iniisip ko na din naman na tumigil muna sa trabaho ko at magfucos sa training ko tinawagan ko muna su Prei para sabihin na nakarating na ako sa trabaho ko pero nakapatay ang cellphone niya kaya nag-umpisa na muna ako sa trabaho ko.
Natapos ang maghapon ko sa pagharap sa trabaho ko at naghihintay ng tawag ni Prei pero wala akong natanggap na tawag o kahit textan lang mula sa kaniya kaya nag-aalala na ako baka kung ano na ang nangyari sa kaniya ng tinawagan ko ang cellphone ay nakapatay naman ito pagkatapos ng office hours ay pumunta na ako sa training building isinantabi ko muna ang pag-iisip ko kay Prei at iniisip ko na lamang na baka busy lamang ito kaniyang school kaya hindi ito nakatawag sa kaniya ayaw ko mag-isip ng negatibo dahil baka makaepekto ito sa trabaho at training ko.
Pagdating ko sa training building ay inabutan ko doon ang mga kagrupo at naging kaibigan ko na din s halos dalawang taon namin na magkakasama sa training ay halos kilalang-kilala na namin ang ugali ng isa't-isa alam na halos namin kapag may problema ang isa at kailangan ng karamay.
Musta kayo dito kanina pa ba kayo nag-start magtraining pasensya na kayo medyo matraffic kaya nahuli Ako ng dating sa training natin.
Hindi naman bro kakastart lang din naman namin musta Ang trabaho mo mukhang pagod na pagod ka pa pahinga ka muna tanong sa akin ni Lei Vest ang happy pill ng grupo namin.
Oo nga huwag mo naman gawin na makita iyang katawan mo bro itong practice nandito lang pero kapag nagkasakit ka mas mahihirapan magpraktis kasi kulang tayo si Kenzo ang isa din sa mga kagrupo ko.
Kumain ka na ba Pinuno ito may natira pa kami galing Kay Austin sabay na kayo ni Sho dahil kadarating niya lang din ng dumating ka bro.
Salamat sa inyo kakain muna kami dahil nakakaramdam na din ako ng gutom sa kakaisip ko kay Prei ay nakalimutan ko na magmeryenda.
Bakit anu nangyari kay Prei bro? tanong sakin muli ng mga kagrupo ko.
Kanina ko pa kasi siya hindi makontak kaya nag-aalala na ako sa kaniya.
Baka naman busy lamang sa studies niya bro alam mo naman na graduating student ang girlfriend mo kaya magiging busy talaga iyon.
Sana nga mga bro busy lang talaga siya sa studies niya natatakot kasi Ako na baka nalaman ng mga magulang niya na sa akin siya natulog kagabi kaya hindi ko maiwasan na mag-alala sa kaniya tapos na kami kumain mag start na tayo magpraktis after 15minutes mga Bro.
Nag-umpisa na kami magpraktis at makalipas ang halos mahigpit tatlong oras ay natapos din kami sa training namin nagpaalam na kami sa bawat isa at nagkanya-kanyang uwian na sa mga bahay namin Ako naman habang nasa byahe pauwi sa apartment na tinutuluyan ko ay si Prei pa din ang nasa isip ko mas lalo ako nag-aalala dahil ni isang text ay wala akong natanggap mula sa kaniya hindi ganito si Prei sa akin kahit sobrang busy niya sa kaniyang studies ay nagtetext pa din siya sa akin nakauwi Ako sa apartment muli ko na tinawagan si Prei pero talagang hindi ko na siya nakontak kaya nabuo sa isipan ko na pupuntahan ko na siya bukas sa mansion nila kahit magalit pa ang mga magulang niya ay wala na ako pakialam basta makita ko lamang si Prei naghilamos Ako at nag-ayos ng kama nahiga Ako habang pinagmamasdan sa aking cellphone ang napakagandang mukha ng aking kasintahan na kahit sinong lalaki ay mabibighani sa taglay niyang ganda at kabaitan kahit lumaki siya sa magarang pamumuhay ay napakabuti niya at hindi matapobre kagaya ng ibang mayayaman at iyon din ang dahilan kaya minahal ko siya ng sobra-sobra pinikit ko ang aking mga mata at nakatulog na.
Pagkagising ko kinabukasan ay muli ko na tinawagan ang cellphone ni Prei pero hindi ko pa din talaga ito makontak kaya nagtimpla muna ako ng kape ng biglang tumunog ang cellphone ko at unregistered number lamang sinagot ko agad ito dahil baka si Prei ito pero ng marinig ko ang boses ng mommy niya ay kinabahan na ako hello madam nasaan po si Prei?bakit hindi ko po siya makontak?sunod-sunod na tanong ko sa mommy ni Prei.
hello iho maari ba tayo na magkita itetext ko sayo ang address kung saan tayo magkikita na sana ay pumunta ka importante ang sasabihin ko sayo dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng nag-iisang anak ko na si Prei kaya kung mahal mo talaga ang anak ko makikipagkita ka sa akin iho.
Sige po itext mo po ang address na pupuntahan ko madam.
Nang matanggap ko ang address kung saan kami magkikita ng mommy ni Prei ay agad ko na inayos ang sarili ko at pumunta sa address na binigay nito sa akin kahit kabado ay kailangan ko maging matatag para sa amin ni Prei.mahal ko Prei hintayin mo lamang Ako pupuntahan kita kung nasaan ka man pagkatapos Kong kausapin ang mommy mo bulong ko sa aking sarili habang nag-abang ng aking masasakyan ng makasakay Ako ay agad naman ako nakarating sa lugar na sinasabi ng mommy ni Prei agad ko din naman siyang nakita sa loob ng isang sikat na fastfood chain kumaway siya sa akin lumapit naman agad Ako sa kanya.
Maupo ka iho nag-order na din ako by the way kilala mo naman na ako di ba iho?
Yes madam dahil ito na ang pangalawang pagkakataon na nakita ko kayo una ay noong nililigawan ko pa lamang si Prei madam diretsahin mo na po ako bakit gusto mo Ako makausap? nasaan si Prei?Bakit hindi ko siya makontak hanggang ngayon ano po ba ang nangyari sa kanya? sunod-sunod na tanong ko..
Iho maayos ang kalagayan ni Prei hindi mo siya makokontak dahil nasa akin ang cellphone niya dahil nalaman ko na sayo pala siya nakipagkita at natulog ng magpaalam siya sa akin para sa school project niya pinasundan ko siya kaya nalaman ko na nagagawa ng magsinungaling ng anak ko para lamang makipagkita sayo na dati ay hindi naman niya ginagawa kaya sige hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa iho layuan mo ang anak ko si Prei lamang ang nag-iisang anak namin at tanging tagapagmana ng lahat ng pinaghirapan namin na mag-asawa kaya nakikiusap Ako sayo iho kung mahal mo talaga si Prei lalayuan mo siya dahil baka kung ano ang gawin ng daddy ni Prei kapag nalaman niya na nagkikita pa rin kayo ng anak ko iba Ang daddy ni Prei iho baka dahil sa katigasan ng ulo niyong dalawa ay ipakasal.si Prei ng daddy niya ng maaga at ayaw ko na mangyari iyon sa anak ko.
Pero madam mahal ko po ang anak niyo at handa po Ako na ipaglaban siya sa asawa niyo..
No iho makinig ka sa akin kapag nagawa mo ang ipapagawa ko sa iyo ay hahayaan ko na kayo ni Prei..
Ano po ang gusto mo na ipagawa sakin madam?
Gusto ko na makipaghiwalay ka muna sa anak ko ngayon at after 5years from now kapag mahal niyo pa din Ang isat-isa ay hahayaan na namin kayo na magsamang dalawa sa ngayon ay hayaan mo muna na makasama ko ang anak ko dahil pagkatapos ng graduation ay aalis kami ng bansa para doon ay mag-aral muli si Prei dahil kinakailangan maging handa si Prei para sa kompanya na walang ibang magmamana kundi siya lamang sana ngayon ay naiintindihan mo na ako iho sa araw ng graduation niya ay pumunta ka at doon ka na din makipagbardagulan sa anak ko.
Paano po ba kapag hindi ko nagawa ang pinapagawa mo sa.akin madam.
Kapag hindi ka sumunod sa usapan ay mapipilitan kami na ipakasal si sa isa mga anak ng business partner namin sa kompanya at wala akong magagawa para tutulan ang magiging desisyon ng asawa ko kaya nga kinakausap kita iho para itigil niyo na ang relasyon niyo habang hindi pa ito nalalaman ng asawa ko,
Pag-iisipan ko madam pero maari ko na bang makausap so Prei habang nandito pa kayo sa bansa..
Sige papayagan ko kayo na magkita pero sana tumupad ka din na sa graduation ni Prei ay makikipaghiwalay ka na sa kaniya sige aalis na ako iho at baka hinahanap na ako ni Prei sa mansion sana ay huwag mo na din sabihin kay Prei ang pagkikita natin ngayon ayaw ko na lalong lumayo ang loob ng anak ko sa akin iho.
Naiintindihan ko po madam huwag po kayong mag-alala mananatiling lihim ang pagkikita natin na ito.
nagpaalam na sa akin ang mommy ni Prei umuwi na din ako sa apartment ko at nag-iisip kung ano ba ang magiging pasya ko sa sitwasyon namin ni Prei ngayon ay gulong-gulo na din ang isip ko kaya naisipan ko na umuwi muna sa cavite doon Ako magdedesisyon kung ano ang pagiging pasya ko sa problema namin ni Prei tinawagan ko na muna ang management namin para magpaalam na hindi muna ako makakadalo sa mga training namin maging ang mga kagrupo ko ay tinawagan ko na din ang huling tinawagan ko ay si Prei at sa wakas ay nakontak ko na din siya.
Mahal ko Prei kamusta ka anong nangyari bakit hindi ka nakatawag sa akin? tanong ko kay Prei kahit alam ko naman na ang dahilan ng hindi niya pagtawag sa akin.
Mahal pasensya ka na medyo busy talaga ako sa studies ko ngayon kaya ngayon mo lamang Ako nakontak sinadya ko din I off muna cellphone ko dahil ayaw ko ng maabala sa ginagawa ko pasensya ka na talaga mahal ko pangako babawi Ako sayo pagnagkita tayo
Okay lang Mahal ko Prei alam ko naman na busy ka talaga at naiintindihan ko iyon magpapaalam din pala Ako mahal na uuwi muna ako kila mama namimiss ko na kasi sila.
Sige Mahal mag-enjoy ka doon kila tita at sana sa susunod na uwi mo sa kanila ay makasama na ako sige na Mahal ko matutulog na ako goodnight mahal na mahal kita Mr Paolo Khai DACENA,,
I love you too Mrs DACENA goodnight my lovely future wife,
Nang matapos ang tawag ay nahiga na ako sa aking kama natulog na ako dahil kinabukasan ay uuwi Ako kila mama.
Nang magising Ako kinabukasan ay agad ako na inayos ang mga dadalhin ko sa pag-uwi kila mama pagkatapos ko mag-empake aybumayahe Ako ng halos apat na oras pauwi sa lugar namin ng makita Ako ni mama ay agad ako nito na niyakap hindi ko na napigilan ang emosyon ko umiyak na lamang Ako habang yakap Ako ni mama ng bumitaw sa pagkakayakap si mama ay tinanong niya Ako kung bakit Ako umiiyak Ang sagot ko lamang sa kaniya ay dahil namiss ko sila ng mga kapatid ko pumasok kami sa loob doon ay sinalubong din ako ng yakap ng mga kapatid ko na babae na Sila Denise at Alex nagkamustahan pagkatapos ay niyaya na muna ako ni mama sa kwarto ko at sinabihan na magpahinga na muna sinabihan niya din ako na kapag ready na ako magsabi ng problema ko ay nandito lamang siya at handang makinig sa akin pumasok na ako sa aking kwarto na halos walang pinagbago mula ng umalis Ako at magkaroon ng trabaho pati na din ang trainings ko sa pagiging boygroup nakakamiss ang kwartong ito na naging saksi sa lahat mula pagkabata ko at hanggang sa ngayon nahiga Ako na hindi ko namalayan na nakatulog pala Ako naalimpungatan lamang Ako ng marinig ko ang boses ni Mama.
Pao anak kakain na lumabas ka na diyan at nagluto Ako ng paborito mong ulam halika na baka lumamig na Ang mga niluto ko.
Opo Ma lalabas na lumabas ako dumiretso na ako sa kusina nandoon na rin ang mga kapatid ko ng makita nila ako ay niyaya na nila ako na umupo wow Mama halos puro paborito ko nga ito lalo na itong sinigang namiss ko ito Ma mukhang mapaparami Ang kain ko nito pagkatapos namin kumain ay kinausap Ako ni mama kung may problema ba Ako doon ay sinabi ko sa kaniya Ang problema namin ni Prei.
PAOLO anak Ang tanging maipapayo ko lamang sa iyo ay gawin mo ang sa tingin mo ay tama para sa inyo ni Prei alam ko Mahal na mahal mo si Prei kaya alam ko din na nahihirapan ka magdesisyon pero alam ko din na pinalaki kita na may paninindigan kaya anaman Ang maging pasya mo ay susuportahan kita anak sige na anak kung gusto mo ulit magpahinga ay bumalik ka na sa kwarto mo dahil kailangan ko din mamalengke dahil paubos na ang stock natin.
Sige po Ma salamat sa payo mo ngayon alam ko na ang gagawin ko I love you Ma.
I love you too my son.
Hindi na ako bumalik sa kwarto ko pumunta na lamang Ako sa tree house namin at doon ay nagpahinga..