Paolo
Pagkatapos ng halos isang linggo na pamamalagi ko sa kila Mama ay maisipan ko na bumalik na sa Manila para bumalik sa trabaho ko at training nakapagdesisyon na din ako sa dapat ko na gawin sa relasyon namin ni Prei
nagpaalam na ako kila Mama sumama sakin pabalik ng manila Ang bunsong kapatid ko dahil may kailangan siya asikasuhin sa Manila.bumyahe kami pabalik ng Manila na may lungkot sa aking mga mata dahil sa gagawin ko na desisyon ay alam ko na masasaktan ko ng sobra-sobra si Prei pero kailangan ko gawin ito para sa aming dalawa naalala ko na naman ang mga panahon na una ko kitang nakita mahal ko napakasimple mo kahit nagmula ka sa isang mayamang pamilya napakahinhin at napakaganda ng iyong mukha na bumighani sa aking puso noong una ay nag-aalinlangan pa Ako na manligaw kay Prei dahil nga sa napakayaman ng pamilya niya pero naglakas Ako ng loob na lumapit sa kaniya ng makita ko siya sa labas ng university kung saan siya nag-aaral first year college pa lamang siya noon at Ako naman ay graduating na sa unibersidad kung saan Ako ay scholar magkaiba ang unibersidad namin dahil siya ay nasa isang unibersidad na tanging mayayaman lamang ang nakakapag-aral kaya ng nanliligaw Ako Kay Prei ay lagi akong nag-aabang sa kaniya sa gate ng unibersidad nila akala ko nga dati ay wala akong pag-asa sayo Prei pero ng pumayag ka na manligaw Ako ay para na akong nanalo sa lotto noon lalo na ng sagutin mo Ako kahit patago lamang ang naging relasyon natin sa halos apat na taon natin bilang magkasintahan dahil nga tutol ang pamilya mo noon pa man na nanliligaw pa lamang Ako sa iyo pero alam ko na pinaglaban mo Ako kaya kahit patago ang relasyon natin ay alam ko na naging masaya tayo pareho nawala Ako sa pag-iisip ng malapit na kami sa babaan pauwi sa apartment na inuupahan ko ng makarating kami sa apartment ay tinawagan ko agad sila Mama na nakauwi na kami pagkatapos ay tinawagan ko na din si Prei para sabihin na nakauwi na kami nakailang tawag Ako ng sagutin ito ni Prei at base sa tono ng boses ay tila kagigising lamang nito.
Hello mahal mabuti naman at nakauwi na kayo maari ba Ako pumunta diyan sa weekend may sasabihin lamang Ako na goodnews sayo at sa relasyon natin.
Oo naman Mahal alam mo naman na Ikaw ang Reyna ko dito sa aking munting apartment kumusta nga din pala Mahal ko ang preparation niyo sa nalalapit na graduation niyo??
Okay naman Mahal sobrang hectic na nga ng schedule ko dahil alam mo naman na gusto nila daddy na magtatapos Ako ng may karangalan na maibibigay sa kanila ni mommy kaya kahit halos wala ako tulong noong mga nakaraan na buwan ay okay lang basta maibigay ko ang gusto nila Mom at Dad at para na din maging legal na tayo sa kanila.
Sige Mahal ko magpapahinga muna kami ni Alex dahil nakakapagod din ang byahe lalo na traffic pa kanina I love you my Wife.
I love you too kit tayo sa weekend mahal bye.
Nang matapos ang tawag ko kay Prei ay tinawagan ko din ang mga kagrupo ko na makakabalik na ako bukas sa training namin pagkatapos ng working hours ko pumasok muna ako sa aking kwarto.
Prei Pov:
Masaya ako na umuwi galing sa apartment ni Pao ng makarating Ako sa mansion ay sinalubong Ako ni mommy at hindi ko inaasahan ang ginawa niyang pagsampal sa akin humarap Ako kay Mom at nagtanong kung bakit niya Ako sinampal sinagot niya naman ako.
Nagtatanong ka pa Prei kung bakit nasampal kita alam mo ba na pinasundan kita kagabi sa isa sa mg tauhan natin kaya napagalaman ko na wala talaga kayong school project ng mga kaklase mo ginawa mo lamang iyon na dahilan sa akin para payagan kita kagabi pero bakit ka nagsinungaling sa akin Prei anak ito baang tinuturo sayo ng walanghiyang boyfriend na iyan ang magsinungaling sa amin HuH!! Prei sumagot ka,
Mom magpapaliwanag po ako and I'm sorry kung nagsinungaling man po ako dahil alam ko naman na hindi ka papayag kung malalaman mo na kay Pao Ako makikipagkita kagabi Mom mabuting tao po ang boyfriend ko kaya sana naman po bigyan niyo siya ni dad ng pagkakataon patunayan niya ang sarili niya sa
inyo huwag niyo naman po muna siya husgahan dahil kung makikilala niyo lamang po siya ng lubusan ay alam ko na magugustuhan niyo siya para sa akin Mom.
Sumasagot ka na ngayon sa akin Prei mula sa araw na ito ka muna gagamit ng mga gadget mo lahat ay grounded ka tanging sa university at mansion ka lamang pupunta hanggang sa graduation niyo naiintindihan mo ba ako Prei or baka gusto mo na sabihin ko sa Dad mo ang ginagawa mo Prei alam mo kung anong kayang gawin ng daddy mo sige na pumasok ka na sa iyong kwarto.
But Mom please huwag mo naman po gawin ito sakin Ako habang lumuluhod sa harapan ng mommy ko please mom maawa ka sa akin ibigay muna ang basbas mo sa amin ni Pao sinusunod ko naman po lahat ng gusto niyo na ipagawa sa akin ni Dad pero this time pwede na na Ako naman ang pumili ng lalaking makakasama ko sa.habang buhay.
No more buts Prei ibigay mo sa akin lahat ng gadgets mo now.
Ibigay ko ang cellphone ko at laptop kay mommy at umakyat na sa aking kwarto doon ko iniiyak ang lahat ng sama ng loob ko kila mom at Dad umiyak Ako ng umiyak hanggang sa nakatulog Ako kinabukasan ay nagising sa masakit aq na sikmura dahil sa hindi ko pagkain maghapon kahapon dahil sa sama ng loob ko Kay mommy ay nagkulong lamang Ako sa aking kwarto bumaba Ako sa kusina inabutan ko doon si Yaya Nelly ang tagapangalaga ko mula ng bata pa Ako ang lagi kong kakampi at kasangga kapag may mabigat akong problema mas malapit pa Ako sa kanya kesa kila mom at Dad.
Yaya nasaan po c Mom? at pwede mo po ba Ako ipaghanda ng makakain nagugutom na po ako.
Maaga umalis ang mommy mo IHA may aasikasuhin daw sa kompanya niyo halika na dito maupo ka para makakain ka na dahil nagluto Ako ng paborito mo na kare-kare dahil nga sa nangyari sa inyo kahapon ng mommy mo na halos sagot-sagutin mo na ang mommy mo hindi ka naman ganyan IHA anu bang nangyayari sayo?
Kasi po Yaya Nelly pinagbawalan Ako ni mommy na makipagkita kay Pao kaya nasagot ko si Mom kahapon na pinagsisihan ko na po dapat siguro ay nagpapakumbaba na lamang Ako Mom nadala lamang Ako ng bugso ng damdamin ko dahil mahal na mahal ko po ang kasintahan ko at ayaw ko mawalan sa kanya kaya sumama po talaga ang loob ko kay Mom.
IHA ang maipapayo ko lamang sayo ay makipagbati kana sa Mom mo malay mo matanggap na din nila ang relasyon niyo ng kasintahan mo Ina rin Ako kaya naiintindihan ko ang mommy kung bakit ka niya nilalayo sa lalaking iyon gusto lamang niya na mailagay ka sa tama lalo na nag-iisang anak ka nila ng daddy mo kaya pag-uwi mamaya ng mommy mo kausapin mo na humingi ka ng paumanhin sa nangyari sa inyo kahapon.
Sige po Yaya salamat po sa payo mo lagi sa akin kakain. na po muna ako nitong niluto mo na masarap na special kare-kare mo Yaya the best Yaya in town ka po talaga salamat dahil ikaw po ang naging Yaya ko.
Sige na huwag muna bolahin si Yaya kumain ka na para pagdating ng mommy mo ay makapag-usap kayo ng masinsinan at maayos kung anuman ang naging samaan niyo ng loob tawagin mo na lamang Ako kapag may kailangan ka pa dahil may gagawin pa Ako IHA.
Sige po Yaya Ako na po bahala dito hinihintayin ko na lamang si mommy pagkatapos ko kumain salamat po ulit sa napakasarap mong luto pagkatapos ko kumain ay pumunta ako sa sala para doon hintayin si mommy at ilang oras nga ang lumipas ay natanaw ko na mula sa bintana ang pagdating ng kotse ni mommy lumabas ako at sinalubong siya ngumiti sa akin si mommy sabay yakap sa akin at humingi ng tawad sa pagsampal niya sa akin kahapon.
IHA kumusta kumain ka na ba? kagabi ka pa hindi kumakain pag-alis ko naman kanina ay tulog ka pa pagpapasensyahan mo na din si mommy kahapon nadala lamang Ako ng galit dahil sa pagsuway mo sa amin ng daddy mo sana mapatawad mo si mommy sa pagbubuhat ko sayo ng kamay.
Yes mom tapos na po ako kumain pinagluto po Ako ni Yaya ng special kare-kare niya.by the way mom bakit po kailangan Ikaw pa ang humarap sa mga client natin?
Ako nga po dapat ang humingi ng tawad sayo Mom sorry po kasi naging pasaway Ako pero Mom mahal na mahal ko po talaga si Pao kaya nagagawa ko na sumuway sa inyo ni daddy Mom makikiusap po ako na sana ay bigyan niyo kami ni Pao ng pagkakataon na mapatunayan sa inyo na hindi hadlang ang relasyon namin para makamit ang mga pangarap niyo sa akin ni Dad sa halos apat na taon namin na itinago ang relasyon namin ni Pao sa inyo ni Dad ay hindi naman bumaba Ang mga grades ko sa school at ngayon nga po ay running cumlaude Ako dahil sa mga achievement ko sa school mula ng first year college Ako hanggang ngayon na graduating na ako Mom kaya sana naman po ay mapagbigyan niyo Ako ni Dad na bigyan ng pagkakataon na maipakita ni Pao na maganda Ang hangarin niya sa akin.
Kasi IHA big-time investors ang mga taong iyon kaya kinailangan na ako ang humarap sa kanila kaya maaga Ako umalis kanina IHA okay sige kakausapin ko Ang daddy mo sa kahilingan mo at maari mo na din makuha ang mga gadgets mo sa kwarto namin ng daddy mo at pumapayag na din ako na makipagkita ka sa boyfriend sa isang kondisyon mag-iingat ka lamang na hindi ito malaman ng daddy mo dahil parehas tayong malalagot Prei alam mo naman ang ugali ng daddy mo siya ang batas dito sa mansion kapag nagdesisyon na ang daddy mo ay alam mo naman na kahit anong gawin ko ay nakadepende pa rin sa kanya ang desisyon hindi ba Prei anak kaya sana maintindihan mo si mommy kung bakit ganito ako kahigpit sayo dahil ayaw ko na ipakasal ka ng daddy mo sa isa mga anak ng business partner natin kapag nalaman niya na tinuloy niyo ni Pao ang relasyon niyo kaya mag-iingat kayo sa paglabas-labas sa ngayon ay busy ang daddy mo sa expansion ng kompanya natin sa ibang bansa kaya makakapagkita kayo ni Pao..
Salamat po Mom Sabi ko na nga ba Hindi mo po ako matitiis papasok na po ako sa kwarto niyo kukunin ko ang phone ko dahil alam ko nag-aalala na sa akin si Pao dahil kahapon pa Ako hindi tumatawag sa kaniya salamat po talaga Mom tumakbo na ako papunta sa kwarto nila Mom pagkakuha ko ng phone ko ay agad ko na tinawagan si Pao na agad naman nito na sinagot ng tinanong niya Ako tungkol sa nangyari sa akin kahapon ay hindi ko na sinabi ang totoong nangyari dahil mag-aalala lamang ito sa akin nagpaalam din ito na uuwi muna sa probinsya nila sa Cavite para bisitahin Ang pamilya nito doon ng buti na lamang ay Hindi na ito nagtanong pa ulit sa nangyari sa akin at naniniwala na busy lamang Ako sa school sinabi ko na din dito na pagbalik niya galing sa probing nila ay magkita kami dahil ibabalita ko sa kaniya ang sinabi sa akin kanina ni Mom na tiyak ko na ikasasaya nito natapos ang tawag ko sa sa kanya.na may ngiti ang aking mga labi ng narinig ko ang kaniyang boses niya mahal.na mahal ko talaga si Pao kaya gusto ko matanggap na siya nila Mom at Dad
Lumipas ang mga araw at nakabalik na din si Pao sa Manila sa weekend ay magkikita kami dun ko na din sasabihin sa kaniya ang pagpayag ni mommy sa relasyon namin si daddy nalang talaga ang problema namin mabilis na lumipas ang mga araw ngayon na kami magkikita ni Pao at excited na talaga ako na makita siyang muli miss na miss ko na siya halos magdadalawang linggo din kami na hindi nagkita pero araw-araw naman niya Ako na tinatawagan pero siyempre iba pa din kapag nakakasama mas doble ang kasiyahang hatid nito sa akin tumawag muna Ako kay Pao na papunta na ako sa apartment niya sakto din pala dahil kasama niya sa pag-uwi si Alex ang bunsong kapatid niya na babae pero ang Sabi ni Pao sa akin ay wala daw ito ngayon dahil may inaasikaso din na requirements kaya si Pao lang ang nandoon makalipas ang ilang oras ay nakarating na din ako sa apartment ni Pao na agad naman ako na sinalubong ng yakap at ganoon din naman ako sa kaniya pumasok kami sa loob at mukhang nagluluto si Pao ng tanghalian namin.
Ang bango naman niyan mahal anu ba yan?
Sinigang po Mahal ko nagluto Ako kasi alam ko na gusto mo din at alam mo naman na paborito ko din ito malapit na itong maluto kaya upo ka muna diyan Ako muna ang magsisilbi sayo Mrs DACENA.
Sige na nga po aayusin ko na lamang ang mesa para pagkatapos mo diyan ay kakain na tayo pagkatapos ko ayusin ang mesa ay sakto naman na nakaluto na din si Pao kaya nag-umpisa na din kami kumain.
Nang matapos kami kumain ay nagprisinta na ako na maghugas ng pinagkainan kahit na ayaw pa ni Pao ay nagpilit Ako dahil nakakahiya naman sa kaniya na siya pa ang maghuhugas.