Deniz PoV
"A-auntie Maritess! Hehe!" Paktay sermon nanaman tayo neto.
"Aba ikaw bata ano ang ginawa mo at bakit lilipat ka huh?! Wala ka pa atang balak sabihan ako!? Nako halika nga dito bata ka!!" Sabay pingot sakin. Waaaa huhu help meee ansakit sakit mamingot ni Auntie eh!
"Ma? Mama! Kalma lang po mama! Uy ma bitawan mo tenga ni Deniz namumula na oh!" Waa ate Marieee save meeee!
"Eh eto kasing batang to iiwan na tayo eh!" Halla naiiyak na si Auntie! Sila na din kasi itinuring kong pamilya. Pero bago ako magkwento, lagot muna ako, alam niyo kung bakit?
"Araaaay ate naman iiih" nabatukan na nga ako huhu halos matanggal ang ulo ko dun ah. Huhu bakit po sila ganyan sakin.
"Ate ka jan san ka naman pupunta at iiwan mo kami?!" Hallaaa
"Pinapalipat kasi ako nung principal namin kaso bukas ko pa malalaman kung saan hehe" sabay kamot ko sa ulo ko pero guys malinis ho akong tao! Hampas lupa lang pero, huh! maarte ako sa katawan means inaalagaan ko ng mabuti!
"Eh lilipat ka lang pala bakit sabi ni mama mangiiwan ka?"
"Dorm daw anak" Auntie Maritess.
"Huh?! Dorm? San yan ha? Safe ba don? May mga damit ka ba? May kailangan ka pa ba? May allowance ka pa?" Waaaa? Ang bait bait ni ateee Marieee huhu.
"Ayos na po ate pagkatapos ko po maglaba kila tita Jenny bibili ho ako ng iba pang gamit ko hehe"
"Ay nako wag na wag na maghahanap nalang ako ng maglalaba kila tita Jenny! Halika dito! Madami akong stocks dito ng mga kailangan mo! Tsaka madami na din akong naliitan na jacket alam kong wala ka non!" Waaaa anghel!
"O sya pumasok kana muna sa bahay! Jusko kung pumayag ka lang na kupkupin na kita wala ka sanang problema ngayon! Batang to ang tigas ng ulo!" At opo, binalak napo nila yon, pero ayoko masyado na akong pabigat pag ganon!
Anyways ayun nga, pinakain nila ako tsaka ang daming binilin bilin jusko po! Binigyan ako ni ate Marie ng mga pang hygiene, mga ang gagarang damit, pants, at finally guys! Hoodies! Panay hoodies nga lang pero okay na yon! Tas bibigyan pa sana nila ako ng allowance na 5,000 pero masyado naman nang makapal muka ko non kaya diko tinanggap. Binigyan din nila ako ng maleta. Halos lahat ng dadalhin ko bigay nila! Ang babait nila!
"Maraming salamat ho Auntie, Ate, tsaka Uncle! Diko po alam gagawin ko kung wala kayo! Maraming salamat ho talaga hulog po kayo ng langit!"
"Walang anuman Deniz! Ikaw ang dahilan kung bakit laging mabango ang mga damit namin noh!" Biro ni ate Marie.
"Mag iingat ka don iha ha? Wag ka mahiya lumapit samin kung may kailangan ka o may problema ha? Pamilya ka na samin" sabi ni Uncle. Awww.
"Salamat po Uncle!"
"O sya sige na mag gagabi na magpahinga ka na at maaga ka pa bukas! Mag iingat ka ha? Mahal ka namin iha"
"Opo Auntie! Mahal ko din ho kayo! Mag ingat din po kayo lagi! Bye po! Salamat po ulit!"
Iyon lamang at umuwi na ako dahil kailangan ko pang iligpit bahay ko. Pagkauwi ko ay binuksan ko ulit yung maleta at nakita don ang 5,000, waaa ang kulit naman nila Auntie eeeh! Pero huhu ang saya naman! Kailangan ko palang bumili ng bagong mga underwear. Anong oras na ba? Hmm 8:00 pm pa lang bukas pa yung mall, mga damit at pantalon pwede pa sa ukay ukaw pero wag naman pati underwear noh!
Kaya ayon pumunta na ako sa mall para bumili ng underwear. Mabilisan lang kasi magsasara na yung mall. Pagkatapos ko bumili ng underwears sa halagang 1,000 parang gusto kong maiyak. Ang mahal talaga! Huhuhu!
Pauwi na ako ng may nakabangga ako na halos ikatumba ko sa lakas pero di ako natumba kase diba nga halos sabi ko? Duh? De joke. Natumba yung naka bungguan ko na weird looking guy! All black si kuya mo naka cap pa parang may tinataguan to eh. Di kaya celebrity siya? Omooo?
"Kuya? Ayos lang po ba kayo?" Tanong ko kase parang may iniinda siyang sakit sa tagiliran eh naka hawak don e?
"Shut the f**k up. Argggh!" Luh ang sungit naman neto!
"Sorry ha? Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Tse jan ka na nga!" Sabi ko at paalis na sana ng nagsalita nanaman siya. At binigkas ang pinaka ayaw ko sa lahat.
"b***h"
"Wait. What the f**k did you just said you fuckin asshole?" Ayoko sa lahat sinasabihan ng ganyan. I'm not a b***h!
"b***h!" Inulit pa talaga ng mokong! Tikman mo etong kanan kong kamao!
(Booooooogshhh)
"I'm not a b***h! Watch your mouth jerk!" Sabi ko sakanya pagkatapos ko siyang bigyan ng isang malutong na sapak mula sa kanan kong kamay. Whenever I use my left hand to anyone, expect them being on the hospital for a month! Because——
"f**k! Come here assholes! Left side of the mall!" Aba putanginang to matibay dapat tulog na to eh! Nagtawag pa ng back up!
"Hey mister! Nagtawag ka pa talaga ng back up mo? Ano masakit ba? Huh! Suntok ng babae tawag agad back up! Are you a gay? Lemme see your ugly face! Ha! I bet you look like——- s**t!" f**k! May itsura mga mare, I mean gwapo pero his attitude is a big no no!
"Oh you're bleeding? Halla paktay! Di mo naman sinabi agad eh! Asan na ba mga kasama mo——-"
"Don't touch me! Get out of my sight..." eh? Parang natameme naman to ? Ngayon lang ba naka kita ng dyosa? Charot!
"Okay." At iniwan ko na siya. Get out of my sight daw eh. Oh well.
"Wait! What's your name?!" This jerk.
"In your dreams loser!" Sabay belat sakanya. Bwisit siya ha. Kahit gwapo pa siya kung ganon naman ugali eh! Suplado!
Anyways ayun nga umuwi na ako at nilagay lahat sa maleta ang mga kailangan ko. Pagkatapos ay natulog nako.
+x+
"Goooodmorniiiing seeeelf!" Habang nag iistretch ulit HAHA wala nasanay na eh. Magagawa ko din kaya to sa dorm?
Nagbihis na ako ng simpleng black hoodie at skirt na checkered color black at red na bigay din ni ate Marie kahapon at syempre ang nag iisa kong sapatos! Buti nga puti eh bagay sa lahat. Pinusod ko yung buhok ko at ayan okay na ako! Ready to go wala ng kain kain kasi putek lang malelate na ako sa binigay na time ni ma'am principal.
5:50 am na! Buti nalang malapit lang school dito mga five minutes lakarin. Wooo kasi naman wala kaya akong alarm! Wala naman akong cellphone!
Pagkadating ko sa school may nakita akong van sa harap ng office ni maam, yun kaya sasakyan namin? Bakit parang layo naman ata? At bakit ang assuming ko? Baka taxi ang sasakyan mo Deniz?
Nasa harap na ako ng pinto ni maam nang marinig ko na may kausap siya sa phone siguro kase wala naman ako naririnig na ibang boses. Dahil curiosity kills naki chismis ako parang galit si maam eh.
"Ginawa kona pinapagawa mo! Asan ang bayad? Wala akong maibibigay kay Deniz! At oo nagpapasalamat nga ako at aalisin niyo na siya dito sa paaralan ko, pero sabi niyo babayaran niyo ako kung nakumbinsi ko siya?!"
Fuck. Napangisi nalang ako. So isa ka lang din naman pala sa mga taong yon. Tsk tsk tsk. Wrong move. Very wrong. Humanda ka sakin mamaya bwisit na principal! Plastik!
"Isang milyon! Yun ang usapan! Bakit kasi ayaw niyo pang ipapatay sakin yung batang yon eh! Naiinis din ako sa babaeng yun!" Talaga lang ha?
"Sige kukunin ko bayad mamaya pag anjan na kami. Maayos na usapan yan Leon." Leon pala ha. At nasa school siya na lilipatan ko? Hahanapin kita hayop ka. At ikaw Jena, hospital deretso mo mamaya.
"Ma'am! Knock knock!" Plastik ka? Mas plastik ako!
"Oh iha sakto anjan ka na! Ano tara na? Ready ka na ba?" Ulol!
"Yes naman po ma'am!" Ready ka nang patayin.
"Oh sya tara na, eto 10,000 pang bili mo ng mga libro, uniform at kung ano pang kailangan sa school. Wag ka magalala galing yan sa mga kaeskwela mo. Pamilya tayo dito." Bla bla bla. Nginitian ko nalang at tinanggap kase di ko maatim yung kaplastikan niya. Nandidiri ako!
Habang nasa byahe kami napansin kong parang sobrang mapuno ng dinadaanan namin. Tago kaya yung school? Matanong nga.
"Ma'am saan ho ba yung school? Tsaka ano pong school yun?"
"Ah ano sa gitna ng gubat. Shin University. Uhh tulog ka muna Deniz ha!" Nalaman ko kaagad ang gagawin niya kaya bago pa tumama yung kamay niya sa batok ko nagawa kong ilagan ng konti para di niya matamaan yung part na maaring ikawala ko ng malay. Pero nagkunwari padin akong nawalan ng malay. Baka kung anong gawin sakin ng baliw na to.
"Tsk pahamak! Buti nalang talaga at may mahihita akong pera dito kundi pinatay na kita!"
Share mo lang? Mukang pera. Hay buhay! Bakit kasi nangyari pa yon eh. Wala akong pinagsisihan sa ginawa ko noon at wala akong balak pagsisihan yon. Pinatay nila si——-
"Deniz? Deniz bangon na nandito na tayo" Kupal lang eh.
"Oh ma'am nakatulog po pala ako pasensya na" sabay konting ngisi ko na kinagulat niya pero di niya nalang pinansin. Tsk bakit ay? Pansinin mo tsk baliw.
Woooow ang laki ng school. Pero feeling ko puro demonyo lang nag aaral dito eh. Gubat ba naman?
"Ma'am salamat po sa paghatid pero *booogsh!* ayan ma'am iuwi mo ha! Tangina mo!" Sinuntok ko nga.
"Argh what the f**k?! You little s**t come here!" Ukininam. Gusto mo pa ha?
"Lapit dito old lady!" Lumapit nga si tanga. Salubungin mo tong mag asawang sapak!
*boogsh* blaaaag*
"Putangina mo tayo! Old lady! Nakakawala ka ng respeto! Mamatay kana!" Galit ako. Ayoko ng niloloko ako.
"Akin nalang isang milyon mo ha? HAHA hahanapin ko yang leon na yan sa school na to ciao!" Tumawa tawa pako bago pumasok sa gate.
Black na na sobrang taas grabe to eh. May nakita akong parang camera tas biglang may nag scan sakin kaya shook ako mga bes.
"Access Denied" napasimangot naman ako tapos biglang napatingin kay ma'am na nakahiga padin don sa sahig kala mo mamatay na. Sus hina hina ng suntok ko eh. Napangisi naman ako ng may maisip.