Chapter 1: HER
"Together together, uwoooohooooo you forever forever noooooo!" Malakas na pagkanta ko habang naglalaba. Kabwisit talaga may gusto kasi akong bilhin na album ng KPOP idol group pero wala akong pera kaya eto, labendera ang peg ko. Diskarte lang yan mga tsong!
Nga pala ako nga pala si Deniz Park. May lahing korean pero hampaslupa. Hahaha de joke lang. Hindi ko ginagamit yung Park kase diba ang sosyal naman tapos isa lang akong mahirap. Dzuh! Kaya ag ginagamit ko ay Dela Vega na diko alam san ko napulot kase wala naman nako magulang. Yung nga kuya ko na diko naman kilala ewan ko kung nasan. Haha kilala kaya nila ako? Bakit sila nilayo nila mama? Bakit di nila ako kilala? Masaya kaya sila? Mayaman? Nakakakain ng tatlong beses sa isang araw? Nakakatulog sa komportableng higaan? Hays kahit na iniwan nila ako or baka di lang talaga nila alam ang existence ko, gusto ko paden sila makilala. Sila nalang pamilya ko eh :(((
Anyways! Ayoko ng magdrama, ayon nga patapos nakong maglaba nakakapagod at talagang ang sakit sa likod. May pasok nanaman pala bukas hays buti talaga at iskolar ako kundi pahirapan nanaman sa paghanap ng sideline! Wala na nga ako pang kain eh! Tas gusto ko pa ng album ano? Charot lang yun mga tsong wala ako pera para don.
Ang daldal ko ba? Sensya na wala naman akong kaibigan? Hahaha kaya kayo nalang diba?
"Auntie Maritessss!!! Tapos na ho ako maglaba! Alis napo ako!" Sigaw ko para di nako pumasok kase nabayaran na din naman ako eh. 300 maliit lang pero kasya na yan sakin kahit pang isang linggo pa eh!
"O sige! Mag ingat kang bata ka ha! Nako gabi na layo pa ng tinutuluyan mo!"
"Kaya ko na ho! Sus ako pa po ba!?"
"O sya sige na"
"Bye auntie! Sa susunod po ulit ha!"
Juicecolored! Ang lamig dito pag gabi! Baguio ba naman kasi ih. Buti nalang naka tshirt ako wala kase akong pambili ng jacket ket ukay ukay eh di ko mabili kase nag titipid ako pang kolehiyo ko. Graduating na kase ako ngayon, grade 12 nako bukas!
Nako talaga naman nagpapasalamat ako sa magulang ko na matalino ako kahit papaano eh nakakapasok ako sa magandang eskwelahan! Ang hirap ng buhay ko no? Ayos lang no sanay nako mula 10 years old ako mag isa nako! Ngayon pabang 18 years old na ako?
Pangarap ko maging scientist. Pero gusto ko din magkaroon ng sariling kumpanya, gusto ko maging ceo. Laki ng pangarap ko no? Ganon talaga dream high! Don't stop dreaming, keep sleeping! De joke lang.
Malapit nako sa pang skwater kong bahay ng may makita akong mga nakatambay sa tapat ng bahay ko. Hmm ano nanaman kaya to? Aish bwisit sa buhay eh.
"Hoy Deniz! Kala moba palalampasin namin ang ginawa mo kay king!?" Boy 1. Kokorni ng mga to eh, kasalanan ko bang lampa yung leader nilabg mula namang paa.
"Gusto niyo den mahilata sa ospital ng isang buwan?" Hindi ako gangster mga tsong ha! Pang jeje lang yon eh. Sadyang marunong lang akong lumaban. Sariling training to no. Pag di ka kase marunong lumaban, patay ka.
"Ang yabang mo talaga! Di hamak na isa kalang namang mahinang babae!" Boy 2
"Kaya nga! Duwag ka naman kasi dika naman lumalaban sa underground!" Boy 3
"Oh hala! Pano ako lalaban don eh di naman ako gangster ulol ka ba? Pano ako makakapasok don gunggong!"
"Aba tarantado sumasagot kapa ha! Sugudin yan! Masyadong mayabang!"
"Amputa! Pagod pako kalalaba! Tanginang mga to! Magsilayas kayo sa harap ko!!!!" Malakas na sigaw dahil talaga namang nababanas nako! Gutom nako pucha di pako kumakain ng umagahan at tanghalian! Masamang bwisitin ako kapag gutom ako! Makakapatay talaga ako!
"B-babalikan ka n-namin! Ipaghihiganti n-namin si k-king!" Luh parang gago to aatras din lang pala.
"Ayusin mo muna pananalita mo bago moko paghigantihan ulol!" Aish bwisit. Nagsitakbuhan amputa takot!
Makakain na nga lang may nabili akong dalawang itlog tas konting bigas eh hanggang bukas na yun ng umaga para naman di ako gutom na papasok sa school. Kailangan ng pagkain ng utak syempre.
Pagpasok sa bahay, maliit na kusina sobrang liit na kwarto na kasya lang eh single bed at isang kabinet. Sobrang liit lang parang kubeta lang tong kwarto ko eh haha. Katabi ng kwarto ko ay kubeta sobrang liit lang din, maliit na kitchen, isang lutuan, kaisa isang frying pan, maliit na rice cooker, dalawang plato, isang mug, limang kutsara at limang tinidor. Yun lang, detailed ba? Hahaha syempre ah yon lang meron saken eh. Wala akong living room, walang tv, at isang upuan lang meron ako at isang maliit na lamesa. Wala din akong ref. Sabi ko senyo walang wala ako haha. Sobrang hirap ko diba? Kung tinatanong niyo kung ayos lang ako sa ganito? Oo ayos lang pero pag nagkatrabaho ako at naka ipon, papagawa ako ng masyon! Libreng mangarap.
Ayun nga sobrang daldal ko talaga, TMI na ba? Suri pu! Niluto kona yung isang itlog at sinaing ang isang cup ng bigas na hanggang bukas ng umaga haha. Pagkatapos ko mag luto ay kumain nako. Minsan iniisip ko bakit kaya ako binigyan ng gantong buhay? Pero diko nalang inisip HAHA. Pagkatapos ko gawin lahat ng dapat gawin ay natulog ako. Kapagod maglaba try niyo. Goodnight!!! zzzZZZ
+x+
"Goooooodmooorrrniiiinggg!!!!" Sigaw ko sa sarili habang nag iistreching HAHA anyways kakain nanaman ho ako ng itlog at papasok na. Nakasuot lang ako ng simpleng oversized na black tshirt at dark jeans. Ukay halos lahat ng damit ko tapos yung iba bigay ni ante Maritess bait sakin non eh tsaka yung mga damit na binibigay niya yung mga naliliitan ni ate Marie, anak ni ante. Syempre kapag mahirap ka, bawi nalang sa porma diba wag ka namang baduy HAHA joke. Iisa lang ang sapatos ang natatangi kong sapatos isang puting rubbershoes lang na regalo sakin ni Ate Marie. Buti nga at wala kami uniform sa school eh kundi problemahin ko pa pambili non tas blackshoes.
Habang naglalakad ako papasok sa Arinx University, syempre di mawawala ang mapanghusga nilang tingin sakin, pero wala naman akong pake, wala silang alam sakin. Bakit ako maapektuhan diba. Imbestigador nga yata lahat ng schoolmates ko dito eh pati ba naman bahay ko alam? Sorry naman huh squatter eh. Pang mayaman kaseng school kay di talaga ako belong dito. Pero wala naman akong choice kesa gumastos pako ulit sa ibang school.
Pagpasok ko sa room ay sakto din dating ng teacher pero kasama si Maam Principal. Bakit kaya?
"Goodmorning Students! Can I please excuse Ms. Dela Vega. Proceed to my office immediately." Sabi ni ma'am principal. Ahh excuse lang pala si Dela Vega. Ay teka Dela Vega? Tanga ako pala HAHAHAH. Lutang ka girl.
"Yes maam!" At naglakad na nga kami papuntang office at sasabihin ko senyo.... LALABAS NA ATA PUSO KO SA KABA! Tae first day palang bakit akoooo? Anong nagawa ko? May babayaran kaya? Wala ako peraaaa halaaa!
Pagkapasok namin sa office, biglang humarap sakin si maam, kaya naman nagulat ako! Aba sinong hindi kabado ka nga tas gulatin kapang ganon. Juskopo.
"M-Maam, bakit ho?" Tanong ko.
"Lilipat ka ng school" simpleng sabi niya. Ahhh yun lang pala eh lilipat lang pal——
"Po!?" Amputcha ano daw? "Bakit po maam? May nagawa ho ba ako? Maam alam niyo naman pong skolar lang ako wala ho akong pang bayad kung sakali po" alanganing sagot ko.
"You don't need to worry Deniz, you'll be fine there, I will take care of whatever you need." What? Ano daw?
"Pero bakit biglaan naman po ata? Tsaka nakakahiya naman ho sainyo"
"Wag kang mahiya, isa ka sa mga pinagmamalaki ng school nato, you always make me proud, kaya naman kapag may nakikita akong nang bubully sayo dito, naawa ako sayo anak, lalo na sa estado ng buhay mo." Wait bakit parang naiiyak ako? Nakakamiss na may tumawag sayo ng anak. Tangina naiiyak ako? Sabi ko hindi nako iiyak eh.
"Ma'am wag ganyan naiiyak ho ako eh haha" nahihiya ako. Pero sa loob loob ko alam kong may sumaya dahil merong tao na kahit isang oras o minuto lang naging nanay ko. Miss kona si mama.
"Wag kang umiyak anak, sa school na yun, bagong buhay ka, walang nakaka alam kung san nang galing, dorm yun kaya mag impake kana ha? Bukas pumunta ka dito 6am dahil medyo malayo. Ako nang bahala sa iba mo pang kailangan huh?" Ang bait bait ni maam para siyang naging anghel sa paningin ko. Syempre masaya akong lilipat nako. Diko man sabihin, pero tao lang din ako, hindi man sa salita kung sa pisikalan naman nasasaktan den ako. Minsan nakong nasasaksak dito dahil lang sa humarang ako sa daan ng reyna nila.
"Maraming salamat po! Salamat po! Hindi kopo alam pano makaka bawi sainyo pero pangako ho hinding hindi ko ho makakalimutan ang kabutihan niyo" naiiyak na saad ko.
"Sige na mag impake kana hindi mona kailangan pumasok ngayon."
"Sige ho salamat ho talaga!"
"Walang anuman Deniz, walang anuman."
Iyon lang at umuwi na ako kaagad para mag impake. Kaso bigla akong may naalala. Wala pala akong bag na malaki! Paktay. Magkano nalang pera ko. 250 pa kasya pa kaya? Di nalang ako manananghalian at gabihan. Bahala na!
Dumertso ako sa ukay ukay na meron lahat. Madaming ganto sa Baguio eh. Sana may mura lang. habang nag titingin tingin ako may nakita akong 150 lang na simpleng black back na medyo pahaba ah basta hirap i describe! Kaya naman binili ko na yun kase 150 lang oh may pang kain pako! Jusko buti naman.
May 100 pa ako, 50 pesos pangkain, tuyo naman ulam ko hanggang bukas. Ano kayang mabibili ng 50 pesos ko pa? Hmmm.... ay pang bayad ko pala sa tubig yon tutal di naman ako gumagamit ng kahit anong ilaw wala din naman akong selpon para i charge. Kaya tubig lang binabayaran ko. Opo nabubuhay po ako sa ganyan. Kaya naman tiyak na maninibago ako kung sakaling susyal ang dorm don sa eskwelahan na papasukan ko.
Bumili nako ng ulam at kanin at dumiretso na pauwi para makapag impake.