TUL 1
UNFAIR LOVE
Prologue:
Kadalasan Ang UNFAIR NG LOVE, Kung sino payung nagmamahal sila pa yung nasasaktan. at yung nambabalewala sya pa yung minamahal.
Minsan tuloy naisip ko, balewalain kaya kita baka sakaling mahalin mo ako - Hope
Ano kaya ang Character Ni Hope sa kwentong ito.
~~~~
Unfair Love (pilot)
Chapter 1
Ansakit sa tainga ng alarm clock ko sa kwarto. Mas malala pa nga yata sa tilaok ng manok ang kalakasan nito.
Hindi pala alarm clock, bunganga 'to ng magaling kong mudrabells!!!
"Isang magandang umaga, na mas lalo pang gaganda dahil na gising ni Hopey Na anak ko"ani ni Papa (Habang hawak hawak ang kamay ko at hinihila ako patayo sa higaan).
"Papa naman eh! Inaantok pa kaya ako" pagmamaktol ko sa kaniya habang pinipinit ko pang humiga.
"Bumangon kana anak, dali na baka malate ka niyan sa klase mo" pangungulit ni papa sa akin sabay kiliti sa beywang ko kaya dahil dun napatayo nya ako at isinaasayaw.
"Pa naman eh, ang kulit mo talaga!" Wala akong ganang sumayae ngayon lalo na't kagigising ko palang. Wala pa'kong energy noh!
Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nagiisang reyna sa buhay ko.
Si mama yun.
"Sinong nagsabi na magkulitan kayo na wala ako, aber?!" Taas kilay na sambit ni mama sabay lapit sa amin ni papa at sumayaw din. Yung sayaw na pang 80's at 90's hindi yung ngayon, alangan namang mag sayaw si mama ng hiphop at mag cracramping si papa.
Yung kaninang walang gana dahil sa antok pa ako ay na palitan ng saya na gusto kong lagi nalang kaming nandito na para bang gusto kung itigil ang oras at kalimutan ang mga problema.
Ayaw ko na sanang matapos tong pag sasayaw namin, kaso nagugutom na rin ako eh.
"Sige na anak bumaba na tayo at kumain" ani ni mama habang bumababa na rin kasabay ni papa.
Nakangiti at masaya kaming bumaba patungong dining hall.
Dumaan mo na ako sa kusina para mag hugas ng kamay, naghilamos na din ako ng may nagbalik na alaala ng kahapon.
~Flash back~
" Bakit di kana nagtetext , bakit wala ka nang pakialam na may relasyon tayo?"
"Ano bang nangyayari sayo ?" Sunod sunod na tanong ko kay Andrew habang pinipigilan kong maiyak. Nasasaktan na'ko ng sobra eh!
"Wala" cold na sagot ni Andrew haabang patuloy kami sa paglalakad sa gilid ng kalsada.
" Andrew ano bang problema mo?" seryosong tanong ko sa kanya, grabe nakakapagod naman yung ganito, bakit lagi nalang akong nag-aadjust sa kaniya.
Isang hakbang sya tig da-dalawa sa akin.
Bigla syang huminto. Hinarap ako
"IKAW" Sigaw nya sa akin "Ikaw ang problema ko, dahil napaka higpit mo sakin." Dagdag pa niya. So lahat-lahat ng mga nangyari ako ang may kasalanan?
"Mahigpit ba sayo yung tipong lahat ng gusto mong gawin, hinahayaan ko?" Gusto ko nang maiyak, pinipigilan ko lang talaga. "Grabe ka naman sa 'kin Andrew"
Ano bang gusto mong gawin ko? Hayaan kang pumunta dun sa isang bar at makipaglampungan dun sa mga babae?
"Edi sana di nalang tayo naging mag-karelasyon kung ganun din naman pala ang ginagawa mo diba? Ano pang silbi ko sa'ting dalawa?"
"DAPAT , Dapat lang na hayaan mo ako, so what kung makikipag s*x ako sa mga babae dun?
Bakla ka naman eh bakit ka nagagalit, ang lalaki para sa babae di para sa bakla na katulad mo.
Dapat nga matuwa kapa dahil nakarelasyon mo ako! Mabuti nalang at di pa tayo nag sesex at tsaka madumi ka at mukhang pera, gusto kong umalis ka na dahil wala na tayong relasyon!!!" hiyaw nya sa akin na nagpakuyom ng kamay ko. Grabe na 'to Andrew!
" Hayop ka! Hayop ka! Bwiset ka.."hinampas hampas ko siya sa iba't ibang parte ng katawan niya sabay nito ang pag agos ng aking mga luha. "Ang sama mo, ang sama sama mo."
Wala akong paki kung kahit saan sya matamaan. Basta galit ako sa kanya.
"Tumigil ka Hope ,tumigil kana!!"pag awat niya sa mga kamay ko. Hinigit nya ako sa wrist ko at hinila.
"Ano bang gusto mo huh? Ito ba?" sabay halik nya sa leeg ko, sa mukha,sa tenga sa kahit saan na pwedeng halikan. Sinusubukan nyang halikan ako sa labi at yun pumapalag na ako, minsan nadadampiaan nya 'yon.
"Ito ang gusto mo diba." Aniya habang walang tigil na pinupupog ako ng halik.
" h..hayop ka, w..walang hiya hmmff" pagpupumiglas ko sabay tulak ng malakas na sanhi ng pagkatumba nya.
Nagulat ako sa nangyari kaya nilapitan ko sya. Akmang tutulungan ko syang tumayo ng bigla nya akong sinikmurahan at sabay sampal sa aking mukha na sanhi para akoy matumba.
Halos di ako makahinga sa sobrang sakit, naninikip ang dibdib ko.
"Wala na tayo, kahit wala naman talagang tayo. BAKLA" sabay dura sa harap ko.
Nangingilid ang mga luhang dumadaloy sa aking mata. Sabay nun ng paglaho ng pigura nya sa paningin ko.
~~~~~~ ~End of Flash back~~~~~
Nabalik ako sa kasalukuyan. Nakita ko ang imahe ko sa salamin na umiiyak. s**t naman oh!
Hindi ko namalayang papalapit na pala si mama sakin kaya dahan dahan kong pinunasan ang mga luha ko.
" Anak, kanina kapa namin tinatawag." Nakangiting sambit ni mama
"Pasensya na ma." Ani ko habang hinahawi ang buhok na tumatakip sa mata ko.
"Sumunod kana anak ah?" Aniya sabay alis ni mama.
Tinitignan ko ang pigura ko na nasa salamin.
Mahaba ang bangs, maiksi lang ang buhok yung normal na hair cut ng boys, matangos din ang ilong ko pero di masyado Yun bang katamtaman lang, Peach yung skin ko, Yung mata ko ang mabait tignan, nagmumukha daw akong babae lalo na't mahaba ang mga pilik-mata ko, Makapal ang kilay at ang labi kung mala rosas, di kasi ang naninigarilyo pero sa kasamaang pa Maliit ako. Para akong 12 years old sa height ko pero bawi naman sa utak dahil topnatcher ako. 17 na ako at college na.
"Ang Panget ko na" bulong ko sa aking sarili at pumunta na ako sa sala para kumain.
***
Natapos ang araw ng walang problema atsaka wala namang pasok bukas pa kaya pahinga nalang ulit ako sabay tulog ng mahimbing.
END OF CHAPTER ONE