6 na buwan na ang nakalipas. Parang normal na ang lahat sa buhay namin. Subsob sa pagaaral at pagaalaga sa pamilya. Masaya ako para kay Gray dahil anlaki ng pinagbago niya mula ng unang makita ko siya at bago minahal. Napakasuwerte ko at ako ang pinili niya. Bigla kong naalala si Kyle. Nakararamdam ako ng awa dahil buntis siya at walang kumakalinga sa kaniya at sa ganito niyang estado ay nakukuha niya pang makipagaway samin ng todo. Bongga ka day! Habang nagmumuni-muni ako ay binasag ni Gray ang katahimikan ng aking loob. "Mahal"-paglalambing niyang tinig sabay halik at yakap sakin. "Panira ka naman ng moment ko eh"-pabebe kong sabi. "Edi tayong dalawa nalang ang magmoment"-aniya at nagpout pa ang gago. Ang gwapo niya talaga. "K"-ani ko sabay halik sa kaniya. "Ang naughty talaga

