Chapter 5 ( The Bully)
Hope's POV
~~~
Naglalakad na ako sa papasok sa school nang may lalaking cute na lumapit sa akin. Ang gwapo't cute niya grabe. Landi mode on!
"Hi, Hope right? pinabibigay sayo"tumango ako sabay abot sa akin ng card at ngumiti sya.
Emeged ang cute nya, Iuuwi ko na kaya 'to kasi umalis agad yung cute guy.
So i decide to open the card and read what is been written...
" WELCOME TO HELL MY BABY, MAGSISIMULA NA ANG KALBARYO." Nagulantang ako sa nabasa ko't isang tao lang naman ang alam kong gagawa ng ganitong sulat para sa'kin.
Palingon lingon ako sa likod. "Subukan lang nya" pabulong ko sa sarili ko habang umaakyat ako ng hagdan pero nung pag apak ko sa ikatlong hagdan.
"WAAH!!" .. Nadulas ko dahil may madulas na bagay dun na parang slime na ewan tas ang sakit pa ng pwet ko, kaasar talaga
SPLASH...
Kasabay ng pagkakadulas ko'y sabay naman nun ang pagsaboy ng tubig sa'kin mula sa taas patungo sa baba. Basang basa ako letse naman oh! Hindi pa nga nagsisimula yung klase haggard na'ko.
"BWISIT!!" sigaw ko at umakyat ako para tignan kung sino ang mga tao dun pero wala kahit isang tao man lang instead sulat na naman.
" How it feels?" Sobrang nag-iinit ang dugo ko sa nabasa ko't pinaggagawa ng buset na lalaking 'to.
"BAKULAW!" Sigaw ko nang malakas at umuwi ako dahil nga sa nanyari nagulat tuloy si mama kung bakit ako nabasa ng todo.
Makakatikim sakin yang bakulaw na yan. Pagkatapos kong makapagbihis ulit ay bumalik na ako sa school pero dumaan muna ako sa isang drug store para bumili ng drugs. Haha di joke lang bibili ako ng gamot syempre.
"Hmmm.. My ritemid ba nitetch?!"sabi ko habang binabasa ang papel pero di ko mabasa so inaabot ko nalang sa lalaking
WHAT THE F?! ANG GWAPO NIYA!
"Ah, akin na?"sabi nang future jowa ko. Feeler nanaman ang lola niyo ngayon. Wahhh natulala pala ako.
Nakakahiya.
So ayun inaabot ko na at ang sabi meron daw. Pupunta ako sa hospital para i bigay yung gamot para sa papa ko. Mabait akong anak noh!
Pagkatapos kong manggaling sa hospital ay dumiretso muna ako sa school at nagpunta muna 'kong canteen dahil nagugutom na ang dyosa nyo.
Di ako matatahimik hangga't di ko magantihan yung bakulaw na yun.
Kumakain ako, di ko masyadong binilisan yung pagkain. Ninanamnam ko ang pagkain kasabay ng pagnamnam ko sa mga lalaking dumadaan.
Shit daming GWAPO.
Ubos na yung kanin pero pag tingin ko sa ulam s**t wala man lang bawas.
Pagtingin ko sa mga lalaking dumadaan. s**t! Nabawasan yung mga katawan nila parang kinain ng mga zombie. Haha joke lang ulit. Dahil nga di nabawasan yung ulam bumili uli ako ng kanin.
Bahala nang tumaba. Nagmamasid na ulit ako sa mga lalaking dumadaan. Pagkarating ko sa hospital may good news agad dahil pwede na daw iuwi si Papa at dun nalang alagaan.
Thank you Lord God bulong ko sa sarili at pag balik ko sa School, hinahanap ko si Layla pero si Daniel ang nakita ko.
"Hope!"tawag niya sa pangalan ko at lumapit sa akin
" Daniel the naked!"bati ko sa kanya na medyo nakatatawa. Ang ganda ng bansag ko sa kaniya lalo na't mayroong potrait na David at nakahubad din ito.
"Grabe di mo talaga malimutan yung pagiging naked ko !"tawa nya't napakamot pa siya aa batok niya. " Btw Gusto mo sumama ?! Punta kami sa Mall maghahanap ng chicks"sabi nya at lumingon sa mga nag uusap na mga Macho gwapitong lalaki.
Lumingon sila sa amin. Shittttnessss ang gagwapo naman!!
So grab the opportunity ba ako? Yes na yes!
"Sige dahil bibili pa ako ng bagong notebook" sabi ko at medyo thankful ako dahil sakto ang alok niya sa'kin dahil na basa nga ni bakulaw ang mga gamit ko.
Naglalakad kami ngayon at pinakilala ako sa mga friends nya.
"Bago kong kaibigan guys, si Hope Hanley"sabi nya at inilahad ko ang kamay ko.
" Hi Hope?!" Ani nila at isa isa silang kumamay sa akin. Ang titigas ng kamay te! Kaloka!
"Ang lambot ng kamay mo tol ah!"sabi ng gwapong lalaki na nasa gilid ko. Shiiittt naka eyeglass sya para syang hot na teacher yung si 'Petro Bosielle ' dali search nyo. Ewan kung yan ba ang tamang spelling nun! Haha!
" Ah, hindi kasi ako laging gumagawa ng gawaing bahay at naglalaba" nahihiya kobng paliwanag sa kanila't lumapit ang isa pang lalaki sa akin at inakbayan ako.
Tae ang bibigat ng kamay!
"Okay tigilan nyo na yang kaibigan ko, baka pagsasapakin pa kayo nyan"sabi ni Daniel sabay alis nya sa mga kamay nila at sya naman ang umakbay at patuloy kami sa paglalakad.
"Tae kapagod naman"mahina kong sabi. Nanginginig na yung paa ko dahil kanina pa kami palakad-lakad dito.
" buhatin kita?" Biglang offer ni Daniel sakin. Nagulat naman ako dun, narinig niya pala ako.
"Wag na Tol! Ano kaba!" Pagdedeny ko pa. Ang talas ng pandinig nang unggoy nato ah.!
Pagkatapos naming maglibot-libot ay pumunta kami sa isang restaurant at kumain, nakakahiya kasi naman wala akong dalang pera at naubos na kasi pinambili ko ng gamit kaya si Daniel na ang nagbayad at syempre kaunti lang inorder ko.
" Subuan kita ?"sabi nya na may ibang ibig sabihin sabay ngiting nakakaloko.
"lalaki ako oy!"sabi ko at kumain sabay kuha ko sa baso ng tubig mabibilaukan sa kagaguhan ng lalaking 'to.
Syempre di na ubos kaunti lang ininom ko. Pagkalagay ko sa baso pabalik sa table biglang kinuha ni Daniel iyon at ininuman.
" Oy, Akin yun! Bat mu ininom?!" gulat kong tanong sa kaniya.
"Pasensya na, nauuhaw ako eh" sagot naman niya
" pero may laway ko na yun!"
"Anong masama eh matitikman ko rin naman yan"- sabi nya na mahina ang boses pero rinig ko talaga.
" anong sabi mo?!"tanong ko para ma klaro yung sinabi nya. Pero iba ang sinabi nya sakin.
Natapos ang lahat kaya bumalik na ako sa school. Sumabay na ako sa kaibigan nyang isa kasi wala na silang pasok at yung isa meron pa kaya sabay nalang kami!
Nag usap kami about sa kaunting bagay. Mabait sya, at Ivan ang pangalan nya. Tahimik type sya. Macho din.
Tsk swerte ko kasi napahawak ako sa balikat nya kaninang nag dadrive sya sa motor nya.
Pagkarating ko sa school na kita ko si bakulaw, nagtatawanan yata sila ng mga kaibigan nya. Pagkakataon ko na 'to! kaya kinuha ko yung sapatos ko at ibinato sa kanya.
SAPUL!
Saktong-sakto sa kaniya ang pagkakahagis ko na ikinalingon niya sa direksyon ko. Patay aketch!
Nakasalubong ang kilay. Omg deadball na aketch kaya tumakbo ako nang mabilis. Hahabulin na niya ako.
Tae di ako sanay na nakapaa at lumingon ako sa kanya.Galit na galit talaga sya, nakakuyom ang kamao at bitbit ang isa kong sapatos.
"Humanda ka sakin, tae ka, maabutan lang kita. Makikita mo! " pagalit nyang sigaw habang hinahabol ako. Shitttnesss maaabutan na talaga nya ako.
ARRRAAAYYY!!!...
Binato nya pala ako ng sapatos kaya na dapa ako. Tae naman oh! Palapit na sya. Galit na galit.
" bakit mo ako binato ha?! "sigaw ni bakulaw sa'kin. Aba nagtaka pa si gago? Eh siya nga yung pinahiya ako kanina.
"Kulang pa'yan sa ginawa mo sa akin sa hagdan tae ka! " pasigaw kong sabi sa kaniya sabay irap at tatayo na sana ako kaso tinulak nya ako.
" Aray naman,! " pasigaw kong sabi at hindi na ako tumangkang tumayo alam nyo na baka kasi itulak ako ulit.
"Wag mo akong kalabanin , magsisisi ka!" pasigaw na pabulong nyang sabi sa'kin at lumayo na sya. Kainis andami nang nanunood sa amin.
Nainis ako kaya ibinato ko sa kanya ang sapatos ulit pero naka ilag sya at pero iba naman ang natamaan ko.
LAGOT IS REAL!!
Promise ayaw ko na sa nangyayari sa'kin ngayon. Kasalanan mo lahat 'to Bakulaw ka!!
END OF CHAPTER FIVE