Two

1135 Words
Nemerrie’s POV Talaga namang hindi kinalimutan ni Miss Loren ang pinag-usapan namin dahil makalipas ang isang linggo ay tinawagan niya ako at agad na pinapunta sa opisina niya para pumili sa mga gown na inihanda niya na siyang susuotin ko sa premiere ng isang movie na ako ang nagsulat ng storyline. At halos malula pa ako sa mga damit na naabutan kong nasa loob ng opisina niya. “Seriously?” iyan ang bungad ko sa kanya. Halos mapuno na ang buong silid ng mga clothes rack na puno din ng mga dresses. “Ang dami ng hinanda mo.” Natawa siya tsaka lumapit sa akin. “Hindi kasi ako makapili dahil alam kong lahat naman ay babagay sayo kaya dinala ko na lang ang lahat.” Bumuntong hininga ako. Siguradong dala ito ng excitement niya dahil noon pa man ay pinipilit na niya akong magsuot ng gown at um-attend ng mga premiere nights na madalas kong tanggihan. Well, Miss Loren is my friend whom I accidentally met when I was in high school. She was five years older than me and she visited my school before to watch our play. Nagustuhan niya iyon at hinanap agad ang nagsulat ng storyline. And that was me. She gave me her business card and offered me a side job as a scriptwriter for commercials. Eksakto naman na kinailangan ko nang umalis sa ampunan na tinitirhan ko noon kaya agad din akong nag-reach out sa kanya. She helped me find a full time job that became my source of income to pay for my bills. Then, iyong kinikita ko sa pagsusulat sa kanya ang ginagamit ko naman para sa panggastos ko araw-araw. She even helped me get a scholarship from HHC Network. Kaya nakapagpatuloy ako ng pag-aaral ng college kahit wala na iyon sa plano ko dahil alam kong hindi na ako susuportahan ng ampunan na siyang kumupkop sa akin nang abandunahin ako ng nanay ko noong bata pa ako. At para makabawi sa lahat ng kabutihan ni Miss Lorenay nagpasya akong magtrabaho dito mismo sa HHC Network kahit na may mas malaking offer sa ibang network. Malaki ang utang na loob ko kay Miss Loren at ang maio-offer ko lang na kapalit sa lahat ng tulong niya ay ang pagtatrabaho dito bilang screenwriter since gustong-gusto niya ang mga kwento na nililikha ko. Malaki din naman ang sinasahod ko dito sa HHC Network. Nakabili na nga ako ng sarili kong condominium, though it was just a studio type since I am just the only one living there. May sarili na din akong sasakyan, hindi man ganoon kaganda ay siguradong tatagal kahit gamitin ko pa sa malayuang byahe. Higit pa doon, we are working remotely. Hindi namin kailangan na laging pumasok sa opisina, minsan lang kapag request ng producer. Kaya kahit na marami pang mag-offer ng malaki sa akin para lumipat sa network nila, hindi ko tatanggapin. “Oh.” Bahagya niya akong tinulak. “Magsimula ka nang maghanap ng magugustuhan mong suotin para sa premiere.” Napakamot ako ng ulo at sinimulang tingnan ang mga damit. “Magkano ba ang babayaran ko para sa mga ito?” “It is actually free.” Natigil ako at marahas na lumingon sa kanya. “Relax, okay?” agad niyang depensa. “Those dresses actually came from the sponsor of the movie. Nang banggitin ko kay Miss Inah na pupunta ka sa premiere, as of their request, at naghahanap tayo ng susuotin, agad niyang pinadala iyan para makapamili.” “Really?” Tumango siya. “Parang compensation dahil ni-request ka pa nila na pumunta doon kahit hindi naman kailangan,” paliwanag niya. “Sobra lang kasi talagang nagustuhan nila ang storyline na gawa mo. At halos wala na silang idinagdag sa script na gawa mo dahil nandoon ang lahat ng element na gusto nila para sa movie.” “Well, I always put my heart into every story that I make.” “And they all felt your heart kaya maging ang mga actors ay talagang nadala sa bawat scene na ginawa mo,” dagdag niya. “They all said that it is thanks to your script, they feel like they are really the characters that you created.” Hearing these kinds of comments really makes my heart flutter. It feels good to know that the emotion that I put in every story that I make reaches other people. They feel what I felt and they love it. Iyon ang pinakamalaking karangalan na natatanggap ko tuwing may nagkakagusto sa mga kwentong isinusulat ko. “Kaya huwag ka nang mahiya at mamili ka na lang ng damit na magugustuhan mo.” Well, if they say that it is free, bakit ko naman tatanggihan? Iginala ko ang mga mata ko sa mga rack hanggang mapansin ko ang isang white dress na nasa pinakadulo. Kinuha ko iyon at agad tiningnan ang kabuuan. It was just a simple white turtleneck, long sleeves and knee length dress. May kaunting designs sa mga laylayan at see-through ang likurang bahagi nito mula batok hanggang balakang. “You like that?” tanong ni Miss Loren na nasa tabi ko na pala. “You have been staring at it for five minutes. At hindi ganoon ang ginawa mo sa mga nauna mong tiningnan.” “It is nice,” I said. “But it is a luxury item. I don’t think I can wear it.” I never dreamed of wearing this kind of brand. Iisipin ko pa lang ang presyo nito ay baka himatayin na ako. “You want it or not?” tanong niya. Nagdadalawang-isip akong sumagot ngunit alam kong hindi ako tatantanan nito kaya tumango na lang ako. “Good,” aniya. “Then, take it.” Tumingin ako sa kanya. “Seryoso? Pwede ba talaga?” Tumango siya. “You want it, then it is yours.” May kung ano siyang kinuha sa mga box na nakapatong sa gilid pagkuwa’y inabot sa akin ang isang box ng sapatos. “Ito ang i-partner mo diyan.” Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang puting high-heels na same luxury brand ng damit na napili ko. “Oh my god.” Naluluha akong tumingin kay Miss Loren. This is too much to take. Baka himatayin ako mamaya kapag sinuot ko ito. “Don’t be so dramatic, Nemi,” ismid niya sa akin. “Just take it, okay? Sponsor naman ang nagbigay niyan kaya huwag ka nang maarte diyan. Huwag kang matakot kung masira mo man o madumihan.” Pinanlakihan ko siya ng mata dahil hindi masamang biro ang masira ang ganito kamahal na damit at sapatos, noh? Pero tinawanan lang niya ako at naglakad na pabalik sa mesa niya. “Sige na, umuwi ka na. Siguraduhin mo na darating ka sa tamang oras sa mismong premiere, okay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD