Three

1243 Words
Nemerrie’s POV Upang makasiguro si Miss Loren na pupunta ako ng premiere night, tulad ng napagkasunduan namin, ipinasundo na niya ako sa isa sa mga driver niya. Kaya grabe ang kabang nararamdaman ko nang makitang nakapila na ang sinasakyan ko sa dami ng mga sasakyan na siyang papasok sa venue ng premiere night. Ang alam ko, maraming bigating personalidad ang imbitado dito kaya hindi na nakakapagtaka na marami ding media na nagkalat. Kahit hindi pa nakakarating sa mismong red carpet ay sinasalubong na ng ibang photographer ang mga kotse upang malaman agad kung sino ang mga dumadating. Binilinan lang ako ni Miss Loren kanina na panatilihing sarado ang bintana nang sa gayon ay hindi agad ako dumugin ng media. Well, let’s just be honest. Hindi naman talaga nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga screenwriters. For people, they are just some background person, not really important part of the film. Kaya ang madalas makatanggap ng recognition sa iba’t-ibang platform ay iyong mga artista, directors at producers lang. Bihirang-bihira para sa mga writers. But the HHC Network is not like that. They made sure that we had the same exposure as the other personalities that were included in the project where we were working. Isa iyon sa isinasama nila sa kontrata sa pagitan ng network at production. Lagi nilang ini-inisist na bigyan kami ng sapat na exposure kami sa mga media. At sinisiguro nila na ipapakilala kami sa mga press conference, lalo na kapag kami ang gumawa ng storyline na ginagamit sa mga projects. With this move, biglang nag-boom ang writing industry sa bansa. Dumami ang mga nagsusulat para sa iba’t-ibang production at network. At hindi lang iyon para sa mga tulad kong screenwriters. Kahit ang mga novel writers ay dumami din dahil maging ang mga online reading application ay dumami na din. Naging maunlad din ang mga traditional publication dahil nahihilig rin sa pagbabasa ang maraming kabataan. Kaya itinuturing na din kaming mga celebrity at kasama sa mga pinagkakaguluhan ng mga media tuwing may ganitong event. “Good evening, Miss Deslain,” nakangiting bati sa akin ni Gavin, isa sa bodyguard ni Miss Loren na siyang nagbukas ng pinto ng kotseng sinasakyan ko. “Hinihintay na po kayo ni Miss Loren sa entrance.” It was already in front of the red carpet and it is now my turn to walk there. Huminga muna ako ng malalim pagkuwa’y ngumiti sa kanya at inabot ang kamay niyang nakalahad sa harap ko. Inalalayan niya akong makalabas ng kotse at tulad ng inaasahan ay agad akong dinumog ng mga reporter. Inaasahan ko na naman ito ngunit dahil ang mga tanong nila ay may kinalaman sa personal kong buhay ay pilit na ngiti lang ang ipinapakita ko sa kanila. Aba, kaya nga ako sa bahay nagtatrabaho dahil hindi ko gustong pinakikialaman ng iba ang personal kong buhay. Sinasagot ko lang ang mga tanong na may kinalaman sa trabaho ko at tingin ko ay hindi iyon nagugustuhan ng ibang reporter pero wala silang magawa dahil kahit anong kulit nila ay hindi ako magpapadala sa kanila. Bahagya akong nakahinga ng maluwag nang makita si Miss Loren na palapit sa akin. Hindi na kasi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa dami ng mga reporter na nakaharang sa amin. Ngunit bago siya tuluyang makalapit sa amin ay isang malakas na pagsabog ang gumulantang sa lahat. Agad nagkagulo ang lahat. Nataranta at nagkatulakan pa. Gavin immediately grabbed me and pulled me back to the car. Iniupo niya ako sa gilid nito upang hindi kami madamay sa mga nagtatakbuhan. Nagsisimula na din kasi ang pag-ulan ng mga bala at wala akong alam kung saan nagmumula ang mga iyon. “Please stay here, Miss Deslain,” mariing bilin sa akin ni Gavin. Inilabas niya ang kanyang baril at nagpalinga-linga sa paligid. “You will be safe here.” Hinawakan niya ang ulo ko at iniyuko iyon. “Keep your head down and cover your ears. Don’t go anywhere, okay?” Tumango ako at agad na tinakpan ang tainga ko. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Wala akong ibang marinig kundi ang patuloy na putok ng baril, sigawan at daing sa paligid. Ni hindi ko nga din alam kung ano ang nararamdaman ko sa oras na ito. Namamanhid ang buong katawan ko, maging ang sarili kong pakiramdam, hindi ko na mahagilap dahil sa labis na pagkabigla sa mga nangyayari at wala akong ibang hinihiling kundi matapos na ang kaganapang ito at manatili akong ligtas sa kinauupuan ko. Parang kanina lang, masaya ang lahat at nag-aabang sa unang gabi ng pagpapalabas ng pelikula. Nagtatawanan, nagkakamustahan at patuloy na pagpa-flash ng camera ang tanging nangyayari sa paligid. Ngunit ngayon, walang na akong naririnig sa paligid kundi ang patuloy na putok ng baril na nanggagaling pa sa iba’t-ibang direksyon. Ano bang nangyayari? Bakit may biglaang ganito? Mataas ang seguridad sa lugar na ito dahil mga bigating personalidad ang narito kaya paanong may mga nakalusot para gumawa ng ganitong karumal-dumal na krimen? I shouldn’t have agreed with this! Wala sana ako sa sitwasyon na ito! Wala na akong ideya kung gaano ako katagal na nakasiksik sa gilid ng kotse kung saan ako iniwan ni Gavin. I just did what he told me and never dared to even look at what was happening around me. Wala din naman akong lakas na umalis dito sa takot na baka kaunting kilos ko lang ay tamaan na din ako ng mga ligaw na bala. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang may biglang humablot sa kamay ko at mabilis akong hinila palayo sa kinalalagyan ko kanina. “W-wait!” sigaw ko. Papalag sana ako dahil madiin ang bilin sa akin ni Gavin kanina ngunit agad ko na lamang ipinikit ang aking mga mata nang muling makarinig ng putok ng baril, hindi kalayuan sa akin at hinayaan ang taong ito na hilahin ako. Hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. Pero kahit labis-labis ang kabang nararamdaman ko ay wala akong nararamdaman na kahit anong panganib sa paraan ng paghawak niya sa kamay ko. Ah, baka si Gavin ito. Siya lang naman kasi ang nakakaalam kung nasaan ako. Tila tumigil ang oras sa paligid ko dahil nang matauhan ako at dumilat ay nakita ko na lang na nasa loob na ako ng sasakyan na mabilis humarurot palayo sa lugar na iyon. At habang unti-unting humihina ang tunog ng putok ng baril dahil palayo na kami doon ay unti-unti ko ding nararamdaman ang panginginig ng katawan ko. Nawala ang pamamanhid ko at unti-unti kong naramdaman ang matinding takot dahil sa nangyari. Idagdag pa ang pagkabigla sa mga nasaksihan ko habang hinhila ako ng taong ito palayo sa kinalalagyan ko kanina. Ang mga duguang katawan sa paligid. Wala akong ideya kung buhay pa ba ang lahat ng mga tinamaan ng bala ngunit karamihan sa kanila ay halos hindi na gumagalaw. Ang mga daing nila na nanunuot sa pandinig ko. Mayroon pang mga umiiyak habang hawak ang kanilang sugat o hindi kaya’y hawak ang mga taong malapit sa kanilang buhay na mayroong tama ng bala. Damn it! Iniling-iling ko ang ulo ko upang alisin sa isipan ko ang mga nakita ko kanina pagkuwa’y ginulo ang aking buhok. “Are you okay?” Muli akong natauhan at dahan-dahang bumaling sa taong humila sa akin palayo sa lugar na iyon. At nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makita kung sino ito. “s**t!” Hindi si Gavin ang taong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD