Four

1064 Words
Nemerrie’s POV “Stay here for a while,” marahang sambit ni Sir Hain matapos akong dalhin sa isang guest room ng mansyon na ito. Mula sa pinangyarihan ng gulo ay dumeretso ang sinasakyan namin sa isang farm na tingin ko ay pag-aari ng pamilya niya. Malawak ang lupain nito na ito. Halos hindi ko nga makita ang dulo nito dahil malayo-layo din ang tinahak ng sasakyan mula sa mismong entrance hanggang sa mansyon na ito. At sa totoo lang ay kanina pa ako hindi makapagsalita, hindi dahil shock pa din ako sa nangyaring barilan sa venue ng premiere night kanina, kundi dahil shock pa din akong malaman na hindi si Gavin ang nagligtas sa akin. Sino nga bang hindi magugulat kung ang makikita kong mukha na siyang humila sa akin palayo sa kaguluhang iyon ay walang iba kung hindi si Mister Hain Canalla? Yeah, ang big boss ng HHC Network kung saan ako nagtatrabaho. Siya ang nagligtas sa akin at ngayon nga ay kasama ko pa sa iisang bahay. “We are still investigating what really happened back there,” dagdag niya matapos buksan ang mga binata kung saan tanaw ang maaliwalas sa tanawin ng likod bahay. “But to make sure that you will be safe, please stay here for a while.” “Hindi ba ako pwedeng umuwi na lang sa apartment ko?” Kanina ko pa gustong umuwi pero dahil sa pagkabigla ko nang makita siya sa tabi ko ay hindi ko na namalayang dito dumeretso ang sasakyan. Ngayon nga lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na makipag-usap sa kanya. Bumuntong hininga siya. “I am sorry for dragging you into this but I am afraid you are not even allowed to leave this land.” Nanlaki ang mga mata ko. “W-why?” “Iniisip ng mga tauhan ko na ako ang target sa pangyayaring iyon at posibleng may nakakita sayo nang hilahin kita palayo doon kaya hindi imposible na hanapin ka din nila sa pag-aakala na may ugnayan tayo.” Shit! Aware ang buong bansa na marami ang nagtatangka sa buhay ni Sir Hain. Bilang isang prinsipe ng bansang ito at bilang may-ari ng pinakamalaking television network na kailanman ay hindi nagawang kontrolin ng kahit sino. Kaya naman marami ang nagnanais na makuha ang lahat ng ito sa kanya. But those attempts in his life all happened with minimum civilians around. Kung siya nga ang target ng gulong ito, nakakapagtaka na bigla na lamang silang nagkaroon ng lakas ng loob na itaon ito sa isang malaking event kung saan maraming malalaking personalidad ang nadamay. Napaupo ako sa gilid ng kama. “This is for your safety, Miss Deslain,” sabi pa niya. “Just a couple of weeks until we finish the investigation.” Well, wala naman akong dapat alalahanin sa condominium ko. Wala akong ibang kasama doon at wala akong alagang hayop. Kakatapos ko lang magbayad ng mga bills at wala ding kaibigan o pamilya na posibleng bumisita doon. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi naman masama ang sitwasyon ko dito. At sa mga ikinilos ni Sir Hain kanina, siguradong hindi niya ako pababayaan lalo na’t siya pa mismo ang nag-offer nito. Pero… Bumaling ako kay Sir Hain. “Hindi po ba parang nakakahiya naman kung iaasa ko pa sa inyo ang kaligtasan ko?” Umiling siya “Ako nga dapat ang mahiya sayo dahil nadamay ka sa posibleng gulo ng buhay ko. Kaya hayaan mo akong pangalagaan ka hanggang masigurong ligtas na ang sitwasyon sa syudad.” Huminga ako ng malalim. Tingin ko, hindi magiging maganda kung tatanggihan ko pa ito. May pera naman ako pero alam kong hindi iyon sasapat upang makapag-hire ako ng bodyguard na siyang magsisiguro ng kaligtasan ko kung pipiliin kong bumalik ng syudad ngayon. At hindi pa ako handang mamatay para hayaang malagay sa panganib ang buhay ko. Kaya kung magiging ligtas ako sa lugar na ito at sa pangangalaga ng boss ko, bakit pa nga ba ako magdadalawang-isip na tanggapin ang offer niya na manatili ako dito? Diretso akong tumingin sa aking boss. “Okay, I will stay here,” sabi ko. “Pero may isang bagay lang akong hihilingin.” “Anything, Miss Deslain.” “Can I borrow a laptop or desktop?” I asked. “Alam kong hindi ito ang tamang oras para sa trabaho pero ang pagsusulat lang kasi ang nakakapagpakalma sa akin.” Writing is the only way I have to escape my reality. Ito lang ang tumutulong sa akin noon upang manatiling kalmado kahit hindi na maganda ang sitwasyon ng buhay ko. It is like a jigsaw puzzle piece at hindi mabubuo ang buhay ko kung hindi ko ito magagawa kaya hangga’t kaya ay gusto kong laging nagsusulat. Tumitig siya sa akin at ilang sandali lang ay unti-unting sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi. “You really love writing, huh?” Tumango ako. “This is my passion. Kaya hangga’t may kakayahan akong makapagsulat ng akda ay hindi ko sasayangin ang oras na iyon.” Tumangu-tango siya. “I will bring a laptop later,” he said. “For now, magpahinga ka muna. Hindi biro ang pinagdaanan mo kanina.” Ngumiti ako. “Thank you, Sir Hain.” “You can just call me Hain, Miss Deslain,” aniya. “Wala tayo sa trabaho para maging pormal ka pa sa akin.” Ngumuso ako. Boss ko siya kaya natural na sanay akong tawagin siyang sir, nasa trabaho man kami o wala. Pero dahil siya naman itong nag-i-insist, wala naman sigurong magiging masama kung tatawagin ko lang siya sa pangalan niya. “Then, you can just call me, Nemi,” sabi ko. “Tulad nga ng sinabi mo, wala tayo sa trabaho para maging pormal ka pa sa akin.” Napakamot siya ng ulo pagkuwa’y bumuntong hininga. “You got a deal, Nemi.” Lumapad ang ngiti ko. Bakit parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang bumabanggit? Iyong tipong parang ang espesiyal nito dahil sa bibig niya nanggaling ang pangalan ko. Geez! Seriously, Nemi? Iyon pa talaga ang pumasok sa utak mo? “Maiwan muna kita.” Nakatayo na siya ngayon sa pintuan at hawak ang sedura ng pinto. “Magpahinga ka na at kung magutom ka, bumaba ka na lang at magsabi sa mga kasambahay ng gusto mong kainin.” Tumango ako. “Thank you, Hain.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD