Tauhan

1526 Words
Migo’s POV Kanina pa ako rito sa tapat ng simbahan, pero hanggang ngayon ay wala pa ang mga tauhan ko. Halos sampung minuto na akong naghihintay, kagabi pa sila sa akin, namumuro na talaga sila. Makakatikim ang mga ito sa oras na makarating dito. Mabuti na lang at medyo good mood ako dahil sa babaeng naka-s*x ko kagabi. Grabe, hindi ko talaga makakalimutan ang mga kakaibang experience na narasanan ko sa kaniya. Pakiramdam ko, hanggang ngayon ay parang pumapasok pa rin sa malambot at mainit niyang bibig ang ari ko. Ang sarap nga palang gawin ‘yun, nakakakiliti at talagang nakakalib*g. Puta, tinigasan na naman tuloy ako bigla. Hindi maganda ito, nasa harap pa naman ako ng simbahan, kung ano-ano ang naiisip ko. Sorry po, Lord. Maya maya pa ay natanaw ko na ang apat habang nagmamadaling tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Naunang nakarating si Julio, dito siya tumabi sa akin, sa tabi ng driver seat. Nakangiwi ito at halos hindi makatingin nang maayos sa akin. Si Julio ang tagahawak ng pera na kinikita nila, I mean namin. At kung tatanungin naman kung saan siya maaasahan, sa grupo kasi nitong mga tauhan ko, si Julio ang magaling gumamit ng mga patalim lalo na sa espada. Kahit malayo na ang kalaban, sa isang hagis lang niya ay hindi puwedeng ‘di niya ito tatamaan. Siyempre, ako ang nagturo sa kaniya noon, siya kasi ang kauna-unahan kong naging bata na ngayon ay tauhan ko na talaga. At bilang siya ang kauna-unahan, siya rin ang inatasan o pinagkatiwalaan kong hahawak ng mga pera na kinikita namin. “Boss Migo, pasensya na ho. Traffic po kasi kaya ngayon lang kami,” sabi niya habang nanginginig ang boses. Maya maya ay isa-isa na ring pumasok sa likod ang tatlo kong pang tauhan na sina Leopoldo, Yukari at Kevin. Ang ginagampanan naman ni Leopoldo ay tagahawak ng mga sandata namin, kaya naman siya ang palaging may dalang malaking bag na palaging nakasukbit sa likuran niya. Pagdating naman sa pakikipaglaban, magaling siya sa paggamit ng baril. Gaya ni Julio, kahit gaano pa kalayo ang kalaban, kayang-kaya niya itong patamaan ng bala ng baril niya. Half Chinese at half Pinoy naman si Yukari, ang singkit na singkit ng mga mata at siya ang hinahabol-habol palagi ng mga kababaihan, may itsura kasi at malaki rin ang katawan. Magaling sa karate ang isang ito, bukod doon, sobrang husay din nito sa paggamit ng pana. Palagi nga siyang napagtatawanan ng mga kalaban niya sa tuwing nilalabas niya ang pana niya, ang hindi alam ng mga ‘yun, katapusan na nila sa oras na nilabas na ni Yukari ang pana niya. Si Kevin, tahimik lang at palaging seryoso, pero lahat ng katangian nila Julio, Leopoldo at Yukari ay kuha niya. Sa madaling salita, siya ang pinaka matinik sa mga tauhan ko. Hindi tumatagal ng isang minuto ay tumba na agad ang nagiging kalaban niya. At minsan, masasabi kong malapit na niyang tumbasan ang mga kakayahan ko. “Ano at kagabi niyo pa pinapainit ang ulo ko?” tanong ko. “Boss Migo, sorry po,” sabay-sabay nilang sabi except kay Kevin. Pakiramdam ko ay itong tatlo na naman ang problema. “Bakit nga pinaghihintay ninyo ako, hindi lang ngayong umaga kung ‘di pati na rin kagabi? Puta, muntik na akong mabaril kagabi, wala manlang akong dala-dalang sandata para ipagtanggol ang sarili ko,” reklamo ko sa kanila. “Boss, pinipilit ko ho kasi nang isang araw na dapat ho kahit pa paano ay tinatabi niyo na po ang maliit na baril o kahit ‘yung four finger ring ninyo para sakali hong may mangyaring masama, handa po kayo,” paalala ni Leopoldo. “Eh, kaya nga nandyan kayo dahil tauhan ko kayo at binabayaran, ano pa ang silbi ninyo?!” bulyaw ko. “Sorry, Bossing,” sagot ni Leopoldo sabay yuko. “Si Yukari ang dapat sisihin dito. Kagabi pa ‘yan,” sabi ni Kevin kaya sabay-sabay na napatingin sa kaniya ang mga kasamahan niya. “Bakit? Ano ba talaga ang nangyari?” tanong ko na, kaya lumipat na ulit ang tingin nilang lahat sa akin. “Sige, inumpisahan mo na, Kevin, tapusin mo na. Ikaw ang magsabi kung bakit kagabi pa kayo nale-late sa kitaan natin?” “May babae kasing dinala si Yukari kagabi sa condo, nag-isa-isa pa ang mga ‘yan. Buong magdamag, pinagsawaan ng mga ‘yan ang mga babaeng ‘yun. Hindi lang ‘yun, tagsa-sampung libong piso pa ang binayad nila kada babae nila,” sumbong ni Kevin kaya napangisi ako. Naalala ko ulit tuloy ang ka-s*x ko kagabi, halos ganoon din ang binayad ko kagabi. Hindi maikakaila ng mga bata ko nga ang mga ito dahil ganoon din ako kagabi. Bigla tuloy akong nahiya dahil alam kong ganoon din ako. “Ang daldal, hindi ka lang nakatikim eh,” asik ni Yukari. “Eh, ayaw naman kasi niya, sobrang tino, kay sarap-sarap ng babae eh,” sulsol pa ni Julio. Sa kanilang apat, si Kevin lang ‘yung bukod tanging hindi nambababae, sa kanilang apat ay siya talaga ‘yung seryoso sa lahat, matino at hindi pala-sinungaling. Kaya naman wala talagang maililihim ang mga bundol na ito sa akin dahil kay Kevin. “Alam niyo na ang mangyayari. Pag-uwi sa probinsya, humanda kayo at may parusa akong ibibigay sa inyong tatlo,” sabi ko kaya sabay-sabay napailing ang mga tauhan ko. Siyempre, ligtas ulit si Kevin dahil kailanman, hindi pa siya nagkakaroon ng mali o kasalanan sa akin. “Epal kasi, sobrang epal,” iritang sabi ni Yukari. “Tara na at naghihintay na si Lili sa akin, tiyak na bubungangaan na naman ako niyon pag-uwi,” sabi ko. “Boss, totoo bang nahulog na ang loob mo sa Ginang na ‘yun?” tanong bigla ni Julio. “Oo, bakit may problema ba?” “Wala lang, sobrang layo po kasi talaga ng agwat ng edad ninyo. Parang hindi ho kapani-paniwala na mai-inlove kayo sa ganoong may edad na. Para ngang nanay niyo na eh,” sabi pa niya kaya natawa ang lahat, except kay Kevin. “Mas mabuti pang wala muna kayong alam. Anyway, dumaan tayo ng banko, mag-withdraw ka ng isang milyon, kailangan ko ng malaking pera,” sabi ko ka Julio. “Ang baba ata ngayon, bossing?” tanong pa niya. Kadalasan kasi kapag nagpapa-withdraw ako sa kaniya ay inaabot ng limang milyon. “Ipapagawa ko kasi ang bahay ni Lili, binagyo kasi nang nakaraang araw, hindi rin ako makatulog sa kuwarto dahil sa tumutulong tubig kapag umuulan kaya ako na ang maglalabas ng pera, tutal ay magtatagal naman na ako roon,” sagot ko. “Bossing, ano po ba talaga ang plano ninyo? Saka, sa dinami-rami ng lugar, bakit doon pa sa wala manlang magagandang babae,” sabi ni Yukari kaya kahit nagmamaneho ako ay nabatukan ko tuloy siya. “Sabi ko nga, sa ngayon ay ayoko munang malaman ninyo ang tungkol kung bakit nandoon tayo ngayon, ang atupagin niyo na lang ay maghanap ng bahay na malapit sa kinakasama ko ngayon. Nang sa ganoon ay kapag handa na at kasado na ang plano ko, madali ko lang kayong matatawagan,” utos ko sa kanila. “Masusunod, madali naman ho ‘yan. Marami tayong pera kaya kahit hacienda, kayang-kaya nating bilhin,” pagmamayabang pa ni Julio. “Kumusta nga pala ang pamilya ninyo? Wala naman bang problema?” tanong ko. “Wala, bossing,” sabay-sabay nilang sagot. Nakakatuwa lang dahil kahit malibag at nakakatakot ang trabaho namin, nabibigyan nila ng magandang buhay ang pamilya nila. Lahat nga sila nakapagpatayo na ng mga malalaking bahay, halos lahat din ay nabibili na dahil sa pagiging mga assassin namin. Hindi ko naman masasabing walangya at wala kaming puso. Hindi naman kasi mga inosente ang mga kinakalaban namin, halos lahat kasi sa natutumba namin ay ‘yung mga taong may malaking atraso, madalas ay ‘yung babaero at may malaking utang sa mga bossing ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko. Iba’t ibang klase ang mga inuutos taong tina-target namin. Depende sa kulay ng folder na pinaglalamanan ng litrato at details nila. Kapag white folder, mababang nilalang lang ng tao ang target namin, kadalasan milyon lang ang utang nito na hindi mabayad-bayaran kaya pinapatumba na. Kapag naman pulang folder, medyo malala na ang kasalanan ng taong ‘yun dahil bukod sa malaki na ang utang, may iba pa itong kasalanan at kadalasan ay sa pangangabit naman may asawa ng may asawa. Pero kapag itim naman na folder, ay dito na ‘yung nakakatakot, mahirap na kapag ganoon. Ang ta-target-in na kasi kapag ganoon ay ‘yung taong assassin na rin. Masasabi kong isang malalang bakbakan kapag ganoon ang mission na binibigay sa akin, kadalasan magaling gumamit ng mga patalim at baril. At ang kadalasan talaga na napupunta sa akin ay ganoon nga, itim na folder. Kaya naman kapag itim na folder ang naibibigay sa akin ng mga bossing ko, hindi ko na sinasama itong mga tauhan ko, delikado kasi. Sinasama ko lang sila kapag puti at pulang folder ang binibigay na mission sa akin. Mahirap ang trabahong ito, pero para sa pamilya namin, gagawin naming lahat para mag-ingat ng todo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD