Elia’s POV
Nagising ako sa lakas nang pagkatok ng kung sino man sa pintuan ng apartment ko. Napakamot agad ako ng ulo dahil alam kong ito na ‘yung may-ari ng apartment para maningil sa upa ko rito. Kapag ganiyan na ang mga pagkatok niya sa pintuan ay galit na galit na iyan dahil sa isang araw na late sa pagbibigay ko ng bayad sa kaniya. Pagbangon ko agad kong dinampot sa may table ang pera na hinanda ko na agad kagabi dahil inaasahan kong bubulabugin niya ako ngayong araw para maningil. Pagtayo ko nga ay naramdaman ko na ang kirot ng ulo ko at kaunting pagkaliyo na rin dahil sa pag-iinom ko ng alak kagabi.
Pagbukas ko ng pinto ay parang dragon ang mukha ni landlady sa sobrang sungit ng pagmumukha niya.
“Ano na, Eli—”
Natigil agad siya sa pagsusungit nang makitang may hawak na akong pera. Hindi ko na need magpaliwanag pa at magbabayad naman na ako. Sa oras naman kasi na makita nitong may hawak na akong pera, titigil na ang mala-baril na bunganga nito. Nakakahiya rin kasi kapag nang-a-award ito tapos ipaparinig pa sa mga kapitbahay namin. Namamahiya talaga siya para hindi mo na uliting ma-late ng bayad. Ganoon ang ginagawa niya.
“B-bakit late ka ng isang araw, Elia?” mahinahon na niyang tanong at saka kinuha ang pera sa kamay ko. Ang kaninang dragon niyang mukha ay kumalma na. Nakangiti pa ito ngayon sa akin.
“Nagdagdag po ako ng two hundred pesos diyan para sa isang araw na late ko,” sabi ko kaya lalong lumapad ang ngiti sa labi niya.
“Naku, hindi mo naman kailangang gawin ‘yan, pero salamat na rin, pang-merienda rin itong two hundred pesos. Salamat, Elia, ha. Maiwan na kita, pasensya ka na rin sa maagang panggigising ko. Sige na, maaari mo nang ituloy ang pagtulog mo,” sagot niya at saka ako tinapik sa balikat ko.
Tumingin ako sa oras pagpasok ko sa loob. Alas sais lang pala ng umaga. Kapag ganitong oras, narito na si Jared para magpaluto ng almusal bago siya pumunta sa sabungan. Nakaka-miss lang na habang pinagluluto ko siya ng almusal ay tinatrabaho naman niya ang perlas ko. ‘Yung habang nagluluto ako ng fried rice, haplit ang pagbabarurot niya sa akin habang nakatayo kaming pareho sa kusina. Ganoon siya kaapg may kailangan. Ganoon siya kapag hihiram ng pera sa akin. Ngayon, hanggang alaala na lang ang lahat. Wala ng babarurot at lulustay ng pera ko dahil patay na siya.
Naupo ako sa sofa ko rito sa maliit kong sala. Napangiwi ako nang maramdaman kong masakit ang kaselanan ko. Napahawak pa ako rito at saka inalala ang nangyari.
“Puta!”
May ka-s*x nga pala akong lalaki kagabi. At siya ang dahilan kung bakit may pera na ako ngayon. Tanda ko ang mga ginawa naming dalawa pero ang mukha niya hindi. Hindi ko talaga maaninag kagabi ang mukha niya sa sobrang kaliyuhan ko. Pero, impyernes, ang sarap ng lalaking ‘yun kagabi. First time kong magkaroon ng ka-s*x na ganoon kalaki ang ari. Grabe, sobrang laki talaga, ‘yung haba at ‘yung taba. Kahit nag lalamunan ko parang ang sakit din. Parang nai-imagine ko pa rin na umaabot sa ginta ng lalamuna ang matabang ulo ng kargada niya. Siguro nga ay kaya malaki ang ari niya ay matanda na siya. Mukhang tito na eh. Ang mahalaga ay hindi ko kilala ang mukha niya kaya sa oras na magkita kaming muli, hindi ako mahihiya kasi hindi ko tanda ang mukha niya.
At dahil pagkakasyahin ko lang ngayong buwan itong natirang pera ko, dahil alam kong sa susunod na buwan pa magpapadala ang mama ko ay kailangan kong dumiskarte ngayong buong linggo.
Naligo na ako at maagang gumayak. Pagkaligo at pagkagayak ko ay kinuha ko ang bayong sa may kusina ko. Bago umalis ay nag-lock muna ako ng pinto ng apartment ko at uso kasi ngayon ang nakawan dito sa street namin. Mahirap na, baka ang mga kagamitan ko naman ang mawala. Pagdating ko sa gilid ng kalsada ay agad akong nakapara ng tricycle.
“Sa wet market ho,” sabi ko sa tricycle driver pagsakay ko roon.
Habang nasa biyahe ako ay nag-iisip na ako nang pagkakakitaan ko. Kailangan kong dumiskarte talaga para mapalago ang pera ko.
Sa totoo lang ay si Jared ang dapat na sisihin dito eh, kahit pa sabihin nating patay na siya eh. Ilang beses ko siyang sinabihan tungkol sa pagkawala ng pera ko pero hindi siya nakikinig, tinatakot niya lang ako palagi na hihiwalayan niya ako. Ako namang si tanga, natatakot. Natatakot na mawala siya dahil guwapo nga at napapaligaya niya ako. Ayan, ngayong mag-isa na lang ako ngayon at ngayong tuluyan na siyang nawala, ako tuloy ang nagdudusang mag-isa.
Simula ngayon, tama na muna siguro. Dapat ko nang baguhin ang sarili ko. Nasisira lang ang buhay ko sa lalaki. Dapat na rin siguro akong magbalik sa school. Aayusin ko ito ng mag-isa. Kahit paunti-unti. Saka na ako magmamahal ulit ng lalaki kapag naayos ko muna ang sarili ko. Kasi, nakukunsensya na rin ako kay Mama. Nagpapakahirap siya sa pera, tapos ako naman parang baklang nagbibigay ng pera sa lalaki ko. Sobrang mali. Tama nga ang mga kasabihan na nasa dulo ang pagsisisi.
Pagdating sa palengke ay nag-grocery muna ako ng kaunti para may makakain naman ako. Ang isang libong piso kasi na matitira ay gagamitin ko para magtinda sa street namin. Bumili ako ng kamote at saging na saba. Bumili rin ako ng ilang de lata na condensed milk at plastic na rin na pambalot.
Naglalakad na ako papunta sa paradahan ng mga tricycle nang makita ako ng mga kaklase ko. Kilala nila ako dahil dalawang linggo nang unag klase ay nagpapapasok pa ako. Nakatingin sila sa akin habang tinitignan pa ako mula ulo hanggang paa. Pinagbubulungan din nila ako. Sigurado akong minamaliit nila ako ngayon dahil hindi ko tinuloy ang pag-aaral ko. Wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang dahil kasalanan ko naman din ito. Kung hindi ako naglumandi, hindi sana ay nag-aaral pa ako. Dahil sa kargada ng Jared na ‘yun naging ganito ako, nagkanda loko-loko ang buhay ko. Ngayon ako parang nagsisisi talaga. Ako kasi ‘yung taong kahit alam kong hindi naman ako totoong mahal, basta nandiyan sa tabi ko, lumalaban pa rin ako. Hindi ko iniisip ‘yung magiging ending nito kaya ngayong mag-isa na lang ako, ngayon ako mas nasasaktan ng husto dahil alam kong sobrang mali ang landas na tinahak ko. Sa lahat ng tanga, ako ‘yung pinaka-tanga talaga.
Pagsakay ko sa tricycle ay bagsak ang balikat ko. Nalulungkot at talaga namang mangiyak-ngiyak. Habang nakatingin tuloy ako sa daan ay hindi ko mapigilang makapagbuga ng hangin dahil sa kalungkutang bumabalot sa sarili ko.
Pag-uwi ko sa apartment, agad ko nang ginawa ang mga dapat kong gawin. Wala na akong oras para mag-emote at hindi ‘yun ang solusyon para magkapera ako. Habang nagbabalat na ako ng mga saging at kamote ay nag-aalmusal ako ng instant noodless.
Pagtapos balatan ang kamote, binilad ko muna ito saglit sa araw para kapag ginawa ko na itong kamote cue mamaya ay matigas at hindi madurog kapag tinusok ko na sa stick. Habang binibilad ko ito, nag-umpisa na akong magluto ng babana cue. Nagpakulo muna ako ng mantika at nang kumulo ito ay nilagay ko na ang pulang asukal. Mainit dito sa loob ng apartment ko dahil walang bintana. Kahit exhaust fan wala rin, kaya nga mura ang upa dahil marami talagang mali sa pamamahay na ito. Kaya habang nagluluto ako ng babana cue ay naliligo ako sa sarili kong pawis. May hang-over pa man din ako dahil sa pag-iinom ko kagabi. Kahit masakit ang ulo ko at nanlalata pa rin ay wala akong choice kung ‘di ituloy pa rin ito dahil kailangan.
Pagkatapos maluto ng banana cue, isa-isa ko na itong tinusok sa stick at sunod ko namang niluto ang kamote na gagawin kong kamote cue. Madali namang lutuin ang mga ito, kaya lang, mainit lang talaga dito sa loob ng apartment sa tuwing nagluluto kaya medyo nakakawala ng lakas. Tubig na malamig ang solusyon ko para kahit pa paano ay napapawi ang init na nararamdaman ko.
Matapos ang lahat, naghanda na ako. Hindi ko na nagawang maligo ulit at nagbihis na ako para ilako ito sa mga kapitbahay namin. Hindi na ako dapat mahiya at kung hiya kasi ang paiiralin ay wala, wala lalong mangyayaring maganda sa buhay ko.
Iisipin kong itong paghihirap ko ngayon ang kapalit sa lahat-lahat ng kasalanan na ginawa ko sa mama ko. Ito na ang karma ko, ito na rin ang paraan ng pagbawi ko.