Chapter 18
Guardian Assembly
SHIN.
I'm at my room sitting at my study table, still thinking about what Erlich told me the other day.
Pinag-iisipan ko din ang sinabi niyang pumunta daw ako sa--what's the name of that residence again? Ah yeah, Maxell's Residence.
But damn, I don't know where is that fvcking residence. Bago lang siya sa pandinig ko. And I didn't even heard a single thing about that place. Tsk.
Naisipan kong bumaba para tanungin si Nay Agatha about that. Maybe she knows it.
I rushed towards the door of my room then immediately go downstairs. It's already seven in the morning, at maaga namang pumupunta si Nay Agatha dito sa bahay. Well oo nandito si Nanay Agatha. Ayaw niya daw magbakasyon at nagpumilit na kahit mag uwian na lang siya. Kaya every evening ay umuuwi pa din siya sa kanila. Kaya pumayag na din ako.
Hindi niya daw kasi maatim na iwan ako mag-isa because she always worry about me. And besides, may kasama naman akong katulong, yung kutong lupa. Para na din kasing anak ang turing niya sa akin and for me, I treated her as my second mom ever since magka-isip ako. And I am very thankful that she didn't leave me when my mom left me.
May naramdaman akong kaunting kirot sa puso ko nang maalala na naman ang tungkol sa mama ko at hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng mga kamao ko. Ayoko nang maalala ang mga pangyayari sa nakaraan so I better move forward because I can never move on. It was my mom we're talking about here, you can't blame me, she's all I've got besides nanay Agatha.
Nung makababa ako, naabutan ko siyang nasa kitchen, preparing breakfast. Agad niya akong napansin kaya siya napalingon sa direksyon ko.
"Good morning, hijo. Ang aga mo ngayon ha?" Nginitian niya ako na tinanguan ko lang.
"Nay Agatha, do you know where's the Maxell's?"
"Bakit mo natanong? Malayo iyon. Mga isang oras ang byahe mula dito. Sa kabilang bayan pa kasi iyon anak. Matatagpuan sa may parte ng Era Town. Kung sasabihin mo yung Maxell's alam na nila 'yun." Mahabang sagot niya sa 'kin.
"Okay, thanks. I'm leaving for a while. Don't wait for me." Then again, I rushed to my room for me to change my clothes. Hindi ko na nga narinig kung may sinabi ba si nanay o wala. Nagmamadali kasi ako.
I don't know what has gotten into me, but my reflexes are unconsciously moving and urging to go to that town. It was Era Town, right? It's sounds familiar though.
Mabilis lang akong nagbihis saka tuluyang umalis. I just took a cab to get there.
OTHER'S POV
"They're coming, I can sense their energy." Ngiting sabi ni Gem.
"Good job everyone. Napapayag niyo silang pumunta."
"E ano nang plano mo niyan ngayon?" Tanong ni Erlich kay Gem na nakatayo sa may tapat ng malaking bintana at nakatingin sa labas.
"Tell the truth ofcourse. They need to know what they are capable of and who they really are."
"This is the right time to begin searching for Era. Dahil hindi pa ganon kalakas ang enerhiyang inilalabas ni Demonica. So we still have time to search. But we need to make it fast, because we still need to awakened Era in her deep slumber so that, we can stop the summoning of Demonica."
***
Isa isa nang nagsisidatingan ang anim na binatang hinihintay nila Gem sa harapan ng Era Shrine.
Naunang dumating si Airon na hindi makapaniwalang sa isang shrine ang sinasabing Maxell's Residence ni Mister Richards kaya ito napangiwi.
AIRON.
'Putspa! Anong klaseng lugar ba 'to?'
Sabi ko sa isip. Ngunit dahil nga sa may kung anong nagtutulak sa akin na umakyat sa mahaba nitong hagdan ay tumuloy na ako sa pag-akyat.
"Nakakatakot naman dito. Nako, sinasabi ko na, kapag talaga niloloko ako nung Richards na 'yun. Ha-huntingin ko talaga siya." Habang papataas ng papataas ang pag-akyat ko. Parang unti-unti akong nakakaramdam ng isang malakas na enerhiya sa loob ko na gustong kumawala.
Nakadating na din ako sa pinakataas nang hagdan. Akala ko pa naman makakakita ako ng magandang bahay dito.
Taena. Niloloko talaga ako nung si Mister Richards na yun e. Tsk. Ipapa-hunting ko na talaga siya.
Isa kasing luma at parang pagiba na maliit na bahay na gawa sa kahoy ang nakikita ko ngayon na nakatirik sa gitna nitong maluwag na espasyong kinatatayuan ko.
Nakakatakot. Makauwi na nga. Nagsayang lang ako ng pagod at pera. Tss. Ipapa-hunting ko talaga yang si Mister Richards. Pero bigla akong tinamad. Maaga pa naman. Literal na maaga dahil alas-otso palang ng umaga. Oh diba? Excited ako.
Nakakita naman ako ng puno sa may gilid nitong lugar. Ang totoo niyan, puros puno talaga ang nasa paligid at wala akong makitang ibang bahay. Ang creepy, taena. Pero mukhang masarap umidlip dun sa nakikita kong puno. Naglakad na ako papunta sa may punong 'yun.
Okay, mataas. Pero sinubukan ko pa ding akyatin, nagbabakasakaling hahaba pa ang mga biyas ko. Hahaha. Parang ang sarap kasi matulog sa matabang sanga nitong puno.
At nagulat ako nung nakaakyat ako. Whoa! Feeling ko tumangkad ako. Haha. Oy! Wag na kumontra, tumangkad ako dahil naakyat ko. At dahil dyan. Matutulog muna ako.
HARVEY.
Pagbaba ko ay agad ko ding pinaalis yung kotse namin na lulan yung driver.
Bumungad sa 'kin ang isang napakahabang hagdan.
'Is this the Maxell's Residence they're talking about? It's like a creepy place full of evil spirits.'
I'm doubting if I'm going to continue or not. But there's this part of me that wants to know what's up there.
Kusang gumalaw ang mga paa ko para umakyat. May kung anong nagtutulak sa akin na tingnan kung ano ang naghihintay sa akin sa taas.
Napapatingin tingin ako sa paligid at puro puno lang ang nakikita ko. I can't even see any single house in this place.
Pagkadating ko sa taas, bumungad sa 'kin ang isang--what do you call this place? Is this the shrine they're talking about?
I've never been to Japan, so I was amazed to see one here in the Philippines. It's kinda cool, but at the same time, creepy.
It was all rotten and kinda old. Mukha na siyang magigiba sa tagal nitong nakatayo.
Mister Luhdwigg said that I'm going to meet my fellow guardians here if he really is telling the truth. Pero mukhang niloloko niya lang ako.
Agad kong kinuha ang phone ko na nasa bulsa para tawagan yung driver ko at pabalikin dito para makauwi na ako.
As I dialled my drivers number, ay siya ding pag-ikot ko pabalik upang maglakad na pababa sa hagdan. But then, someone just showed up infront of me. About five meters away.
He was kinda' scanning the whole place not until our gaze met. Dahil dun ay naibaba ko ang cellphone ko at pinatay ang tawag.
Maybe he is one of us, the guardians? Kung gano'n hindi nagsisinungaling si Mister Luhdwigg.
RYO.
Naglalakad ako papunta sa eksaktong lugar na sinabi sa 'kin nung lalaki kanina. On where that residence is located at.
Malayo kasi yung terminal nung sasakyan na pinagbabaan ko kaya I ended up walking the not so long distance from the said place.
Deretsuhin ko lang daw yung daan at saka lang daw ako huminto kapag narating ko na ang isang mahaba at matarik na hagdan. With a carvings on the post of the entrance saying, 'Era Shrine'. And then there's a hiragana writing on the top.
Agad naman akong napahinto nung marating ko ang sinasabi nung lalaki. Nagtataka lang ako. How come there's a shrine here in the Philippines, when it is not a tradition of Filipino people to go in this kind of place.
It's not my first time seeing a shrine, because I grew up going there when I was still in Japan especially when it's on New Year's eve. Everyone goes there to celebrate New Year with their love ones and watch the fireworks display together.
Nagsimula ko nang akyatin ang hagdan. Kahit nagdadalawang isip ay nagkukusa ang katawan kong gumalaw, makita lang ang itaas na bahagi nitong lugar. And I'm curious too, on what awaits for me there. When I reached the top, I wasn't surprise. I'm expecting that this is what I'm going to see here.
Ofcourse, the shrine that is at the center of this wide place. A forest around this place. It's like I'm in Japan again.
While scanning the place, I noticed something, no, I mean someone. So I squinted my eyes to clearly see who's that person about five meters away from me.
Maybe he is one of those guardians who Mister Travis was trying to tell me. So then, he is telling the truth.
REN.
Kanina pa ako napapagod kakalakad. Ano ba namang buhay 'to. Pinagtripan pa ako ng mga tambay sa kanto kaya ako nawala sa tamang daanan ko.
Pagkamalan ba naman akong babae? s**t lang. Syempre tumakbo ako para makatakas. Akalain mong may mga tambay din pala sa bayan na 'to. Ba't ba kasi punong puno ng tambay ang Pilipinas? Kaya tayo hindi umuunlad e.
Nakakita ako ng hagdan na mauupuan kaya mabilis akong pumunta dun at naupo. Hihinga muna ako at magpapahinga saglit bago tumuloy sa paghahanap ng lugar na yun. Yung Maxell's ata? Haha. Ewan.
Napalibot naman ako ng tingin sa hinintuan kong lugar. Bakit parang malayo na ako sa kabihasnan? I think, I'm surrounded with the forest.
Nahinto ako sa pag-iisip nung may mapansing pamilyar na pangalang nabasa sa isang signage na gawa sa semento. Medyo natatakpan na din siya ng mga lumot dahil siguro sa katagalan na nitong pagkakagawa. Binasa ko ang nakasulat dito at nagulat.
'THE MAXELL'S'
Nandito na ba talaga ako? Hoo! Buti naman. Hindi na ako mapapagod. Sabi naman nung napagtanungan ko kanina, nasa may taas daw sa matarik na hagdan ang hinahanap ko.
Matarik? Totoo kaya yun? Maybe he's just joking.
Hanggang sa bigla kong makita ang dalawang posteng nagtataasan sa magkabilang gilid ko.
And there I saw something's written into both of the post. Halata mong luma na dahil halos lumutin na siya at may mga nakapalibot na baging. But I can still manage to understand what is written.
"Era--Shrine?" Hindi ko sigurading sabi.
Sounds familiar. But I don't know where did I saw or where did I hear that.
Ah, naalala ko na. Sinabi pala nung mamang pinagtanungan ko na nasa taas daw ang Era Shrine. Sa sobrang pagka-excite ko ay agad na akong tumayo at nilingon ang nasa likuran ko.
Halos malaglag ang panga ko nung makita na matarik nga ang hagdan. The shocked that was written on my face turned into a poker face because of the steep stairs. Kaya ko bang akyatin 'to? Sino bang gumawa ng hagdan na 'to? Kahit patay na yun, huhukayin ko sa hukay.
E kung umakyat na lang kaya ako kesa reklamo ako ng reklamo. Kaya nag-umpisa na akong umakyat sa hagdan. Hindi din nagtagal ay nakaabot na ako sa pinakataas. Bakit kaya gano'n? Hindi ko man lang naramdaman ang pagod kahit na ang haba ng hagdan. Bumungad sa 'kin ang isang malawak na lugar, at may isang bahay na maliit na nasa gitna nito.
Ba't parang nagigiba na yung bahay? Ang bango ng pangalan ng residence pero ba't ang bantot at ang pangit naman nung bahay. Napapalibutan pa ng gubat. Ano bang klaseng bahay 'to? Nasa gitna ng gubat?
Until my gaze turned immediately to the two persons whom I saw standing in the middle of this place near that creepy household.
Napagdesisyunan kong lapitan sila para makapagtanong na din. Napatingin silang dalawa sa 'kin nung maramdaman nila ang presensya ko.
Malakas ang kutob kong may kinalaman ang dalawamg 'to sa sinasabi ni Mister White sa 'kin na guardians. Parang gusto ko nang maniwala sa lahat ng sinasabi niyang mahirap paniwalaan.
LUIGI.
Pahirapan akong nagpaalam kay Mama kung saan ako pupunta ngayong araw. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kaya ang ipinalusot ko na lang ay mag-iinquire ako ng school for this incoming enrollment.
She insisted to accompany me, but I refused so she's been disappointed. But she did understand that I'm old enough to be accompanied always.
Kakababa ko lang din sa cab na sinakyan ko at agad nilibot ang tingin sa paligid ng lugar. I felt stiffed when my eyes saw the forest nearby. Napalunok ako sa sariling laway dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko ngayon. But I need to go on. Nandito na ako e. Aatras pa ba ako? I need to face my fear, because I have a strong feeling that all the questions in my head will maybe answered up there.
Kaya nagsimula na akong umakyat sa hagdan. Habang umaakyat ay nag-oobserba ako sa paligid, dahil pakiramdam ko maya maya, may dadamba sa 'king leon o tigre galing sa gubat. Pero hindi din nagtagal ay nakarating na ako sa pinakataas. Nakahinga naman ako ng maluwag nung malamang lumagpas na ako sa magubat na hagdanan. Napatingin na ako sa may harap ko at napalibot ang tingin sa buong lugar. Isang maluwag na lugar. Pero bakit gano'n? May gubat pa din? Pero hindi iyon ang nakaagaw talaga ng pansin ko. Yung isang maliit na bahay sa gitna ang nakita ko.
I think shrine ang tamang term for this. Nabasa ko lang sa mga books na nababasa ko. At may nabanggit din dati si Mister Atkinson about shrines. Baka ito na nga yun? Pero bakit parang napabayaan na siya. Halos nagigiba na siya at halata mong lumang luma na.
"Akalain mong magkikita pa pala tayo sa matagal na panahon na yun. Lalo ka pa atang gumanda. Wahahaha. Walang kupas! Haha."
"Akalain mo ding makikita pa din kita. Kaso sa mahabang panahon ay parang walang nagbago. Maliit ka pa din. Hahaha. Anyare, senpai? Ang panahon umusad, ang height mo hinde! Wahahaha." Isang malakas na tawanan ang narinig ko kaya nabaling ang tingin ko sa kung saan ang direksyon nun.
And there, I saw five person standing facing each other. Sila kaya yung sinasabi ni Mister Atkinson na kapwa ko guardian? Dito na ba masasagot lahat ng tanong ko?
Agad akong lumapit sa kanila para sana makilala sila. Nahihiya man ay ako na ang naunang um-approach sa kanila.
"Uhm, h-hello po?" Bigla silang napalingong lahat sa 'kin na ikinakaba ko naman. Now they're all staring at me. And I don't know what to say.
SHIN.
Agad akong bumaba sa cab na sinakyan ko saka nagbayad. Napalibot ako ng tingin sa kapaligiran.
It's a weird place. Is there any people living in this place? Tss. Talagang si Tandang Erlich, pinaglolo-loko ako e. Lumingon na din ako sa kung saan ko nakita ang isang matarik na hagdan.
You're fvcking kidding me right? I'm not gonna take that stairs. I'm telling you. Tsk.
At dahil nga ayokong umakyat sa napakahabang hagdan, nag-umpisa na akong maglakad papunta sa sakayan pauwi. Not until, I felt some sort of energy coming from the top of this place kaya agad akong napalingon doon.
I could feel a strong energy coming from up there. And I have a feeling that those energy really is connected to me. Kaya napagdesisyunan kong umakyat na lang. Habang umaakyat, hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung ano bang buhay ang naghihintay sa mga guardians. But fvck!? Am I that easy to trust people that's why I am here? Ugh. Such a frustrating thought.
Hindi ko namalayang nakarating na pala ako dito sa pinakataas. At napangiwi ako sa nakita. What kind of place is this? Sabi niya Maxell's Residence? But I am not seeing even a single house standing here. Only a, fvck again. It's just an old, rotten shrine that no one even pray worships and thanks. Tss.
Sa hindi kalayuan, I saw three person on the side at magkakaiba sila nang pwestong kinatatayuan. May kanya kanyang ginagawa at mundo. Agad din akong napalingon sa may puno nung marinig na may bumagsak galing dun.
And it's a guy. Nag-iinat ito at naglakad na palapit sa pwesto nung tatlo.
"Ren?!" Malakas na tawag nito sa--teka? May babae kaming kasama? That's a bullshit!
"Airon-senpai?!" Now what? A girls' face with a male's voice? Are you fvcking kidding me?
"Hahaha. Ikaw na 'yan?" Now that guy is being too noisy. Bakit biglang may bata naman dito? Sino ba ang mga 'yan?
"Akalain mong magkikita pa pala tayo! Lalo ka pa atang gumanda. Wahahaha. Walang kupas! Haha." Malakas na pagtawa nung batang lalaki. Ngayon ko lang din napagtantong nakalapit na pala ako sa kanila.
"Akalain mo ding makikita pa din kita. Kaso sa mahabang panahon ay parang walang nagbago. Maliit ka pa din. Hahaha. Anyare, senpai? Ang panahon umusad, ang height mo hinde! Wahahaha." Ano bang nangyayari ngayon? And who the hell are these people? I can't take to be with them kung ganyan din sila kaiingay.
"Uhm, h-hello po." Since masama ang mood ko, hindi ako nag-abalang lumingon. Imbes ay tumalikod nalang ako sa kanila para makauwi na ako dahil parang walang kwenta ang pagpunta ko ngayon. Hindi naman nila ako napansin kaya hindi na nila malalaman nagpunta ako dito. Sayang ang oras na naco-consumed dito dahil wala namang ginagawa.
"You're all here. Welcome to the Guardian Assembly." Dahil sa narinig na boses ng isang lalaki ay dun ako napahinto at napalingon.
Doon ko nakita si Erlich with six more guys same age as he is.