Chapter 19
Duties of a Guardian
OTHER'S POV.
Sa hindi mapagsidlan na tuwa at galak ng pitong may edad na'ng mga lalaki ay hindi na nga nila naitago pa ang pagsilay ng kanilang ngiti dahil sa nakita nila ang anim na binatilyong kanilang nahanap at magiging bagong tagapagbantay at poprotekta sa mundo. Hindi din maipagkakailang naparoon ang anim na binatilyo upang alamin ang kanilang tunay na pagkatao.
Mabilis din silang lumapit at lumabas sa tagong bahagi ng lugar nang makitang ang isa sa kanila ay akmang aalis na.
"You're all here. Welcome to the Guardian Assembly." Ani Erlich. Napatigil niya din si Shin sa pag-alis at napalingon sa kanila na mahahalata mo ang pagkainip sa kanyang itsura.
"So magkakakilala na pala kayo. At mukhang magkakasundo naman kayo." Tumatango tango pang sabi naman ni Luhdwigg.
"Kung ganoon, sumunod kayong lahat. Kanina pa naghihintay si Gem." Nagsimulang maglakad ang mga nakatatanda. Nagtinginan muna ang mga binata. Tiningnan ang isa't isa na parang nag-oobserbahan.
'Ano bang nangyayari? And who are these guys?'
Tanging katanungan sa mga utak nila. Hindi man sigurado sa pinapasok na g**o ay sumunod na lang din sila. Si Harvey at Ryo na tahimik sumusunod. Si Airon at Ren na nag-umpisa na namang mag-asaran at sila din ang pinakama-ingay sa pangkat. Si Luigi na hindi mapakali dahil sa takot sa kung ano ang naghihintay sa kanila. At si Shin, na tanging pagkairita ang makikita sa kanyang mukha na kadalasan nang pinta nang kanyang mukha.
Nang makapasok sa isang napakalaking gate ay namangha ang anim. Hindi nila akalain na sa likod ng isang nagigiba at sobrang lumang shrine, doon naman nagtatago ang isang magarang mansion na mukhang antigo na at matagal na ding nakatirik sa lupang kinatatayuan nito. Ngunit makikita pa din kung gaano ito iningatan sa matagal na panahon.
Pumasok na din silang tuluyan sa loob ng mansion at bumungad sa kanila ang napakaraming tagapagsilbi at mga butlers. Nakahilera sila at nakayuko habang sila ay dumadaan sa isang malawak na entrada ng mansion.
Walang pakealam ang iba, habang si Airon kumakaway kaway pa at bumabati sa mga taga pagsilbing nakahilera na animo'y isang sikat na celebrity.
"Wow! Ang dami niyo naman. Haha. Hello! Uy ano ba kayo, wag na kayong mag-bow." Masiglang sabi niya sa mga ito na dahilan nang pagngiti ng ilang tagapagsilbi.
Si Luigi na nakayuko lang dahil sa sobrang pagkailang sa nangyayari. Umakyat na sila sa isang napakalaking hagdan at napakahaba kaya hindi na naitago pa ni Ren ang sobrang pagkainis.
"Hagdan na naman? Kelan ba matatapos ang walang hangganang hagdan na 'to?" Reklamo ni Ren habang sinusundan paakyat ang iba at dahilan din nang paglingon ni Shin sa kanya. Kanina pa ito pilit na lumalayo sa kanya, sa pagkakaalam nitong babae si Ren. Pero agad din nitong ibinaling nang diretso ang tingin at patuloy na sumunod sa mga nauuna sa kanila.
Nung makarating sila sa ikalawang palapag ay tinungo naman nila ang isang napakahabang pasilyo na punong puno ng malalaking frames at may mga larawan ng iba't ibang mukha ng tao. Mga sopistikadong tingnan kaya nakamamanghang pagmasdan.
Mukhang mga antigo ang lahat ng makikita kaya mas lalong napahanga ang anim na binata.
May kanya kanya mang nararamdaman at nasa isip sa mga oras na iyon ay hindi pa din maikakaila ang pagkamangha sa mukha ng anim.
"Nandito na tayo," pagkasabi ni Erlich noon ay agad ding nagbukas ang isang napakalaking pintuan.
Pagkapasok ay hindi maiwasang mapalibot nang tingin si Airon sa sobrang pagkamangha. Isang opisina ang bumungad sa kanila. Maluwag at madaming nakapalibot na bookshelf at dahil doon ay nagmumukha na itong silid aklatan. Huminto na ang mga nakatatanda na dahilan din ng paghinto ng mga nakasunod na binata.
"Lady Gem. Nandito na po sila." Isang babae ang lumapit sa office desk kaya napatingin ang mga binata sa kausap ng babae. Nakatalikod ang office chair nito sa kanila at nakaharap sa may malaking bintana.
Pumagilid ang nakatatandang mga lalaki kaya ang anim na binata na ang nakaharap sa mismong office desk.
"Welcome, Guardians." Isang matinis na boses ang narinig nila mula sa likuran ng upuang nakatalikod sa kanila na kasabay nang pag-ikot nito paharap kaya tuluyan nang nakaharap sa kanila ang nakaupo sa office chair.
Tanging pagtataka ang makikita sa mukha ng anim dahil sa nakitang isang batang babaeng nasa edad pito ang kaharap.
"Guardians, meet Lady Gem. The Goddess Guardian of our generation." Halos masamid si Airon sa sariling laway dahil sa sinabi ni Mister Travis sa kanila.
Si Harvey na hindi malaman kung tatawa ba siya o ano. Si Ren na nagpipigil ng malakas na tawa. Si Ryo na napakunot ng noo bago nagkaroon ng maliit na kurba ang isang dulo ng kanyang labi. Si Luigi na natuwa dahil sa batang kaharap na hindi ata naintindihan ang ibig sabihin ni Mister Travis. At si Shin na nakakunot ang noo. Hindi mo malaman kung natutuwa ba o naiinis.
"Are you fvcking kidding? That's only a kid." Halos pasigaw at naiinis na sabi ni Shin kaya napatingin sa kanya si Gem.
"So Mister Russell. Totoo nga ang sinabi ni Erlich tungkol sa 'yo? Isang taong mainitin ang ulo. Masyado atang nasobrahan ang elementong apoy na nasa iyo. Napunta lahat sa ulo." Nakatitig na sabi ng batanfg si Gem kay Shin. At mas lalo pang nalukot ang mukha ng huli.
"What do you know? You're just a kid. Tss." Sa inis nito ay tumalikod na siya at nag-umpisa ng maglakad. Ngunit natigil ito nung marinig ang sinabi ni Gem.
"You can't go. You still need to do your duty as a guardian." Napalingon si Shin kay Gem at hindi nito itinago ang pagkainis sa batang babaeng nakaupo pa din sa kanyang swivel chair.
"s**t that guardian thing! I don't want to hear that anymore. I'm going home." Tumalikod na ulit ito at nag-umpisa na namang maglakad.
But he immediately stopped when he saw his reflection into the glass door of one of the cabinets inside.
"FVCK!" Nakita nito ang itsurang nakita niya noong una siyang tinubuan ng kung ano sa katawan.
Bigla ding nabalot ng ingay ang buong silid. Kaya napalingon si Shin sa iba pang mga kasama.
Halos hindi makapaniwala ang anim na binata sa mga kaganapan. Kung dati ay konting parte lang ng isang hayop ang tumubo sa bawat isa, ngayon ay halos kompleto na. Lahat sila ay nagmukhang kalahating halimaw, kung tawagin ng normal na tao. Pero hindi sila halimaw na tinatawag dahil isa silang…
"Elemental Guardians. Soon to be Guardian Gods." Dahil sa sinabing iyon ni Gem ay napalingon sa kanya ang anim na binata.
"Don't be afraid, it's just normal for you to be like that. Because you're the chosen ones of the seven elements of the world." Sa sinabing iyon ulit ni Gem ay unti unting nabawasan ang ingay at unti unti na ding kumalma ang anim.
"So, can we proceed now? Please be seated on the sofa, so I can start." Agad namang tinungo ng anim ang sofa na nasa mini sala ng opisina.
Ayaw man ni Shin ay wala na itong magagawa pa dahil kung lalabas at uuwi siyang mukhang pusang hindi malaman. Baka katakutan siya ng mga tao.
"I know you're still curious about me."
"Bakit ka nga ba nandito? Sino bang tatay mo sa mga gurang na 'to? Bakit ka niya hinahayaang gumala gala sa opisina niya?" Napapoker face lang si Gem sa tanong ni Airon.
"As you can see, I am not a child of whoever of this rascals." Tila namangha naman si Airon sa ipinakitang angas nitong si Gem.
"Ehem, as I was saying. You are all the guardians of the 20th century generation. You are the chosen ones of the seven elements."
"Seven? As what I see right now, we're just six." Nananantsang tanong ni Ryo na ikinangisi ni Gem.
"You're quite wise Kikumaru-san. I'll tell you that later, but first I will be discussing about the six of you. Siguro naman, alam niyo na kung anong elements ang hawak niyo? But you still don't know what that elements' all about."
"Kayo ang sumunod sa generation namin bilang mga guardians and protector of the elements, especially protecting Era. Who's Era? She's the Goddess of all the Gods. Holding the seven precious stones. And those stones are inside her body. You need to protect her because at the same time, she holds the safety of the world and in able to protect the world from evil gods of the underworld. Or should I say, the fallen gods. They want to get the precious stones, para mamuno sa mundo at maghasik ng kasamaan." Tahimik ang buong paligid. Wala kang maririnig na anumang ingay, at makikita mong nakikinig ang lahat.
"At kapag nakuha nila ang lahat ng batong iyon, mabubuhay nila si Demonica, siya ang pinakamahigpit na makakalaban ni Era. Halos magkapantay ang kapangyarihan nila kung ipagkukumpara sa bawat kuponan na pinamumunuan nila. Pero dahil nga mas malakas ang liwanag kaysa sa dilim, laging kabutihan ang nagwawagi. Pero wag kayong pakampante. Dahil hindi titigil ang devil gods hangga't hindi nila nakukuha ang mga bato. At sisiguraduhin nilang hindi na muling magigising pa si Era sa kanyang mahabang pagkakatulog. Kung sino man ang taong nakatakda na pinaninirhan ng kapangyarihan ni Era, ay nais nilang patayin. Kaya ngayon palang, you need to find her. ASAP."
"Gem?"
"It's Lady Gem, young masters." Pagtatama ng tagapagsilbi ni Gem kay Harvey.
"Sorry. Lady Gem? If we are going to find the person who's Era inside her, how will we know that she is that girl?"
"Wala kasi dito si Thalia, siya ang dating humawak at nangalaga sa kapangyarihan ni Era. Ayon sa nakaraang henerasyon, lahat ng pinagpapasahan ni Era para ipahawak ang kapangyarihan niya, at ayon din sa mga librong isinalaysay ng mga nakaraang henerasyon, they all say that the person who's Era inside her was a beautiful lady with a golden heart. Beautiful like a goddess. And madali niyong makikilala si Era, kapag nalaman niyong nakikita niya ang isang guardian spirit. And she's always with the mother guardian."
"Now who's that mother guardian? Pati ba iyon hahanapin din namin?" Naguguluhang tanong ni Ren.
"No need. Dahil palagi silang magkasama. Parang kami ni Thalia. We used to be bestfriends, nung hindi pa namin alam na we are one of the chosen ones. Because I'm the mother guardian of our generation that evolved into the goddess guardian when all of the guardians were completely reunited."
"Mother guardian? Shut up kid. You're just a child." Napasandal sa sofa si Shin saka niya pinag-ekis ang kamay at binti niya.
"Mr. Russell, I'm not done explaining things yet. So you better just listen to me. Talk when I'm already done." Dahil sa sinabing yun ni Gem ay nakaramdam ng pagkainis si Shin.
'Fvck this kid. Masyadong matalas ang tabas ng dila. Ugh!'
Said in his thought.
"Oo nga, tama yung may tengang pusa." Sa sinabing iyon ni Airon ay mabilis siyang tiningnan ni Shin ng masama. Kaya ngumiti lang si Airon.
"Sorry bro. Hindi ko pa alam pangalan mo e.--E Lady Gem, tulad ng sinabi niya, paano ka naman magiging mother guardian kung bata ka nga lang?"
"I used to be in my normal self. But Demonica cursed me and prisoned me inside a child's body. So I really need Era to make me back to my normal self." Sagot nito na ikinatango ng huli.
"Parehas pala sila ng Mother Guardian na nakakakita ng guardian spirit. Ganun din kasi ako dati. Usually ang itsura ng isang Guardian spirit ay mukhang maliit na hayop. Na pagkakamalan mong pusa pero hindi at may tatlo siyang buntot na may marka sa noo. Ang tanging makakapagpatunay ay kapag nakikita niya ang anyo niyong 'yan. Na kahit nasa labas kayo at hindi nakalabas yan, nakikita niya ang totoong anyo ninyo bilang guardians." Matapos sabihin iyon ay mabili itong napatingin sa gawi ni Shin.
"Shin Tyrone Russell, the Fire Element holder and the First guardian. Who represents the demon white fox spirit." Napatingin naman ang lahat sa kanya. Kung dati ay tenga lang ng alamid ang tumubo sa kanya. Ngayon kompleto na. Kasama ang mabalahibong puting buntot, pangil, matutulis na kuko at violet na mata.
"Harvey Stewart, the Water Element holder and the second Guardian. Who represents the spirit of the demon water snake." Lahat naman ay nabaling ang atensyon kay Harvey. Yung dating mga konting kaliskis sa pisngi at braso at snake eyes ay nadagdagan ng pangil na parang sa ahas. At naging kulay dilaw ang mata niya na parang sa ahas din.
"Airon Twain, the Air Element holder and the third guardian. Who represents the spirit of the demon crow." Sa kanya naman tumingin ang lahat. Yung dating kulay itim na pakpak lang na tumubo sa kanya ay nadagdagan na din. Nagkaroon ito ng matutulis na kuko at naging kulay itim ang dati nitong brown na mga mata na ngayon ay parang sa isang crow na.
"Renjie Tennyson. Baka akalain niyong isa siyang babae. He's a guy. The Nature Element holder specifically, holding the forest and the fifth guardian. Who represents the spirit of a demon black wolf." Ren's hair again turned into black color with his wolf ear, a sharp fangs and nails then a greyish tail of a wolf and a moss green color of his pupil.
Sa narinig na iyon na sinabi ni Gem, imbes na tumingin kay Ren, kay Gem sila lahat napatingin. And this time, si Luigi naman ang nagtanong.
"Bakit niyo nilampasan ang number four? Wala po bang four?"
"Luigi, you're too excited to know about that thing. I will tell it later after you'll know each other." Tumango lang si Luigi na medyo nahihiya.
"Luigi Lawliet. The Wild Life Element holder and the sixth guardian. Who represents the spirit of the king of the wild. Which is the lion. That is why you look like a lion." A golden long hair like a lion's, a sharp teeth just like the lion. Matutulis na kuko na may makakapal na balahibo sa kamay ngunit hindi gaanong makapal sa braso. And an orange eye color which is like a lion's eyes. And a lion's ear at the top of his head has appeared.
"And the last but not the least. Ryo Kikumaru. The Ice Element holder and the seventh guardian. Who represents the spirit of the demon white wolf of the ice land." Sa kanya naman nabaling ang atensyon ng lahat. Yung dating purong puti lang na buhok at tenga, ngayon nagkaroon na ng pangil na parang sa isang puting lobo. Mahahaba at matutulis na kuko. Malagong buntot at kulay asul na mata.
"And these guys here, are our generations' element holders and the guardians." Saka itinuro ang pitong nakakatandang lalaking magkakatabing nakatayo sa may gilid lang ng sofa.
"They will be responsible in guiding you, how you'll be knowing you're real self as a guardian. Kung sino ang mga nagpaliwanag sa inyo kung bakit kayo naging ganyan, sila ang humawak ng elementong hawak ninyo ngayon."
"If you're asking about the fourth guardian, we're not sure yet. Wala pang nagpapakitang signs niya. Pero kayo, wala pa kayo sa mundo, you're all destined to become one of the guardians. Matagal na namin kayong inoobserbahan. Hanggang ngayon na nasa junior and senior high niyo na kayo."
"Pero we're still searching for him. And one more thing. Kapag naging kompleto kayong pito, may magpapakitang mga marka sa iba't ibang parte ng katawan niyo. The japanese term of your element will be appeared like a real tattoo. At yan ay kapag kasama niyo na din si Era. I mean, ang human form ni Era."
"If Era will be awakened, all of you, the elements inside you too will be going to be stronger and all your elements will be awaken too."
"Siguro ngayon, kilala niyo na ang bawat isa. Ang kelangan niyo na lang gawin ay ang matutong makipagkapwa tao. Dahil simula sa araw na ito. Kelangan lagi na kayong magkakasama. You need to immediately find Era. Before it's too late. We will be helping you to find her. Maging ang mga fallen gods ay pinaghahanap na din siya. They want to get the stones and to kill the mortal body of where Era's spirit is staying right now."
"And oh, by the way. Malapit nang mag-start ang pasukan, right? You will all be entering to Sakura High School." Kumunot ang noo ng iba sa narinig at gulat naman ang kay Airon. Literal na gulat.
"Alam kong kagulat gulat. Pero don't be so surprise, hindi ako ang may suggestion niyan."
"Who the fvck did that decision, without any confirmation coming from us?" Hindi na nakapagtimpi pa, kaya naiinis ng nagtanong si Shin.
"Ang mga magulang niyo."