Chapter 20
O~Chan
FELIZ.
Ang sarap pala gumising sa umaga ng walang iniintinding buhok na magulo at kelangang ayusin.
Masaya ang gising ko at maganda din ang mood ko. Bumaba na ako at agad nagtungo sa kitchen. Naabutan ko si Nanay Agatha--o bakit? Masama siyang tawaging nanay? Sinabi niya kaya sa 'kin na yun na daw itawag ko sa kanya. Hehe. Since kaibigan naman daw ako ni Shin.
Friends ba kami? Parang hindi naman e. Hayaan mo na nga kung ayaw niya. Di wag niya. Diba? Madali lang naman ako kausap e. Pero kung gusto niya ako maging friend, kelangan niya ako suhulan ng cake para pumayag ako. Hehe.
"Good morning, nanay Agatha!" Masiglang bati ko sa kanya kaya napalingon ito sa kin na may dala ng isang plater ng pancake. Biglang kumalam yung sikmura ko.
Buti na lang talaga bumalik na si Nanay dito. Kaso ako pa din ang ginagawang tagalinis ni Shin ng bahay niya, ay mansion pala. Huhu. Ang laki laki pa naman, I mean ang lawak lawak. Sorry na po. Tao lang, nagkakamali. Gutom na po kasi ako kaya kung ano ano na pinagsasabi.
"Oh hijo, gising ka na pala. Halika at kumain ka na. Masarap ito, kakaluto ko lang kaya mainit init pa." Saka niya inilapag ang platong hawak niya. Madami pang nakahain sa mesa at lahat bagong luto. Oh my! Busog na naman ako nito. Huehuehue.
"Eh nay? Did you know where Shin go?" Tanong ko sabay hila ng upuan at dun naupo.
"Kakaalis lang. Magkasunod kayong bumaba. Hindi ko alam kung saan ang punta."
"E pero anong oras daw po siya uuwi?" Habang tinitingnan ko siyang hinahalo ang hot choco na katitimpla niya lang.
"Ang sabi, wag na daw siyang hintayin. Baka late na siguro yun makakauwi.---Heto na hijo. Sige na. Kumain ka na riyan at maggo-grocery lang ako." Hijo? Hindi ako sanay e. Hija lang. Hahaha. Yun kasi madalas itawag sa kin ni Mama. E malamang guy na ako ngayon kaya hijo na.
"Saluhan niyo na po ako. Alone po kasi ako. Tsaka hindi ko po mauubos lahat lahat ng 'to. Dami po masyado." Ngumiti siya.
"Anak, ayos lang iyan. Para sayo talaga iyang lahat, kelangan mo daw tumaba sabi ni Tori."
"Tori?" Kunot noo kong tanong bago hinipan ang umuusok na hot choco at humigop ng konte.
"Hindi ba girlfriend mo si Tori?"
"Si Vic po ba tinutukoy niyo?"
"Haha. Oo hijo. Yun kasi ang nakasanayan kong itawag sa kanya. O siya. Aalis na ako ha? Ikaw na ang bahala dito. Ang tanging bilin lang naman ni Shin ay wag magpapasok ng hindi kilalang tao. Kumain ka ng madami riyan, at ng magkaroon ka naman ng laman laman." Saka siya tumawa kaya napakamot ako sa ulo ko.
"Si nanay talaga. Jino-joke joke na naman ako. Sige po. Ingat po." Then after that, she left.
Now I'm totally alone. I roamed my eyes around at ngayon ko lang napagtantong nag-iisa ako sa isang malaking bahay and a deafening silence was all over the place and it's creeping me out!
Waaaaa! Hindi ko kaya ng tahimik! Mabibingi ako. Wala din akong kausap. Huhu.
"Nyaa~" Huh? Ano yun?
"Nyaa~" Lumingon lingon ako pero wala akong makitang ibang tao kundi ako.
"Nyaa~" Hala? May mumu? Eee~ di naman yun totoo e. Wala pa naman akong nakikitang ganun. E di hindi totoo.
"Nyaa~" Not until I saw an odd thing pop up infront of me. I mean it's not a thing. It's like an animal. But I don't know what animal is this. Alien? Tatlo kasi buntot niya e. Pero ang cute! It looks so delicate and charming.
"Nyaa~" Tumagilid yung ulo niya. Ang cute niya talaga. Tapos ngumiti siya sa 'kin. Teka, ngumingiti ba ang mga hayop?
"Saan ka nanggaling? Alaga ka ba ni Shin? Ha?" Curious kong tanong pero tanging 'Nyaa~' lang ang sinagot niya. Nagkakaintindihan talaga kami e.
Isa siyang kulay puting hayop, na may medyo mahabang tengang parang sa pusa. Mas mahaba lang. Kasing laki din siya ng isang kuting. All in all. Para siyang pusa. Yung buntot lang ang naiba. Masyado kasing mabalahibo ang buntot niya e. Tapos tatlo pa.
"Pusa ka 'no? Hehe. Anong pangalan mo? Ako si Feliz. Pero wag kang maingay ha? Feliz talaga pangalan ko. Hindi Philip. Sikretong malupit yun kaya wag mong sasabihin sa amo mong si Shin na nag-a-acting lang akong boy." Bilin ko sa kanya. Pero parang naintindihan niya naman ako kasi sumagot siya.
"Nyaa~"
"Siguro wala ka pang pangalan 'no? Base sa observation ko kay Shin this past four days na kasama ko siya. Hindi niya ugaling maging sweet sa mga tulad mong cute na pet. Baka nga minamaltrato ka pa e. Pagpasensyahan mo na yung amo mo ha? Sa kanya ka pa napunta. Sa sobrang sama ng ugali niya, tingin ko hindi ka talaga niya bibigyan ng pangalan mo. Kawawa ka naman."
"Nyaa~"
"Kung ganon, ako na lang magpapangalan sayo. Hmmm. Ano kaya ang magandang pangalan para sa cute pet na gaya mo?" Napahawak ako sa baba ko at nag-isip. Tinitigan ko din siya, baka sakaling may physical features siyang pwedeng maging pangalan niya.
Then my eyes stock on its forehead. Teka lalaki ba 'to o babae? Mukha naman siyang babae. Huehue.
"Babae ka naman 'no?"
"Nyaa~" Sagot niya.
Hmmm. Nakatitig ako sa noo niya. May marka kasi siya sa noo e. Kulay asul na sobrang pamilyar sa 'kin. Parang nakita ko na siya sa kung saan. Pero hindi ko matandaan. Hanggang sa may bigla akong naalala.
"O-chan! Oo, O-chan na lang ang pangalan mo! Hehe. Parehas kasi kayo ng mark sa noo ni O-chan e." Mula sa pagkakaupo niya sa mesa ay agad siyang tumayo saka ako nilundag. Mula sa kaliwang balikat ay umikot siya sa may batok ko papunta sa kanang balikat. Dahilan para mapatawa ako ng mahina dahil sa naikuskos sa batok ko ang malambot niyang balahibo. May kiliti ako sa leeg e.
Tsaka naalala ko bigla si O-chan dito kay O-chan. Haha. Ang g**o.
"Nyaa~" Nilingon ko siya sa may kanang balikat ko.
"Did you like your name O-chan?" I asked. Ikinuskos niya ang mukha niya sa kanang pisngi ko na ikinatawa ko na naman ng mahina.
"Ang lambing mo naman. Kumain ka na ba? Siguro hindi pa. Hindi ka man lang pinakain nung amo mo bago ka iniwan." Napatingin siya sa hapag.
"Samahan mo akong kumain. Ano ba ang gusto mo?" Tanong ko pero parang ayaw niya. Kasi pumunta siya sa bandang tuktok ng ulo ko.
"Ayaw mo? Hindi ka ba nagugutom?"
"Nyaa~" sagot niya.
"Okay. If you say so. Basta kalabitin mo lang ako kapag nagutom ka ha? Ako na lang magpapakain sayo kung ayaw ka pakainin ng amo mo." Saka ako nagsimulang kumain. Kahit naman sinasabi ni Vic na matakaw ako, syempre hindi ko naman kayang ubusin lahat ng nakahain 'no. Kahit na may hotdog, pancake, bacon, bread, egg, at ham na nasa mesa, hindi ko pa din naubos. Nakalahati lang. Hehe.
Tsaka kelangan ko ipagtira si Nanay Agatha. Hindi kasi siya kumain bago umalis e. Tapos si O-chan din. Ayaw kumain. Si Shin? Hoo! Hayaan mo na yun. Haha. De joke. Siyempre nagtira din ako para sa kanya. Kahit masama ugali niya sa 'kin at lagi niya ako sinisigawan, mabait naman ako. Kaya included na siya. Besides, siya naman nagpapakain sa akin kaya wala akong karapatang pagbawalan siya. Baka kapag nagkataon ako ang pagbawalan niya sa pagkain. Huhu. Ayoko mangyaro yun 'no. Kaya nagpapakabait talaga ako. Ang bait ko kaya. Huehue.
Nung matapos akong kumain ay may nakita akong isang note sa may pintuan ng ref. Kasi iinom ako ng tubig kaya ko nakita.
'Clean the house. Continue what you didn't finish yesterday.--SHIN TYRONE'
Kelangan talaga naka-caps lock yung pangalan? Tsss. E ang hirap kaya bigkasin nung buong pangalan niya. Nakakatamad.
Tsaka, what? Ano? Maglilinis ako? Huhu. Oo nga pala. Kelangan kong pakintabin ang flooring. Kelangan nakikita niya daw ang reflection niya sa tiles at sa wooden tiles sa taas. Yung pwede na daw salaminan. Huhu.
Ang grabe lang? At since mabait ako at sumusunod sa rules dahil tinuruan naman ako ni Mama na dapat marunong makisama sa iba at dapat tumulong sa gawaing bahay.
Kaya...
...kelangan ko nang kumilos para matapos ako ng maaga. Kaya ko 'to!
***
"Aaaaarg! I'm so tired!" Halos pabagsak akong nahiga sa gitna ng sala ng bahay matapos kong linisan ang buong bahay. Waaaa! Kakapagod. Huhu. Nagugutom na din ako. Kanina pa umuwi si Nanay Agatha sa bahay niya. Ni hindi ko nga namalayang gabi na pala. Huhu. Ngayon lang ako nalipasan ng gutom sa buong buhay ko.
Ang rude ng kautusan ni Shin! Pero ambilis ko natapos. Kasi buong araw lang. Yung iba hindi pa natatapos ng isang araw. Parang yung sa bahay. E third floor din yun na parang dito.
Tumagilid ako mula sa pagkakahiga at napatingin sa tiles.
Nakikita ko na ang reflection ko. Hehe. Kung ayaw niya pa ang ganto kalinis, hahampasin ko na siya ng mop.
Hindi kaya ako naglilinis ng bahay namin. Dito lang. Ang sipag ko nga e. Swerte nga siya sa 'kin e.
"Nyaa~" Napangiti ako nung makita ko si O-chan na nakaupo sa tabi ko kaya umupo ako.
"Wag ka mag-alala O-chan. Okay na okay ako." Saka ako nag-thumbs up sa kanya kahit alam kong hindi niya naman alam ang sign na yun.
Okay nang siya ang kausapin ko, kesa kay Shin na laging naka-full volume ang lakas ng boses.
Umakyat ulit siya sa akin at pumunta sa tuktok ng ulo ko saka niya ako tiningnan na paibaba.
"Gutom ka na ba O-chan? Kasi ako gutom na gutom na gutom na. Huhu."
"Nyaa~" Sagot niya naman. Hanggang sa bigla kong marinig ang pagbukas ng pintuan kaya napalingon ako dun.
Pagbukas ng pinto ay bumungad ang pagmumukha ni Shin. At lukot ang mukha. Na naman? Hmm. Bakit na naman kaya?
Lagi naman siyang ganyan. Kung hindi nakakunot ang noo, lukot naman ang mukha. O kaya naman laging nakasigaw.
"Shiiiin! Welcome back!" Masiglang bati ko sa kanya matapos niyang maisara ang pintuan. Pero hindi niya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad.
"Shin, nagugutom na ako." Hindi niya pa din ako pinansin.
"Shin? Saan ka galing?" No response pa din. Napatingin ako kay O-chan na nasa tuktok pa din ng ulo ko. At nakatingin naman din sa akin si O-chan. Nagkibit balikat lang ako sa inasta niyang iyon.
Hanggang sa nung dumaan na siya sa harap ko. Nakasalampak pa din ako sa sahig at patuloy siyang sinusundan ng tingin.
Nung lumagpas siya ng kaunti sa pwesto ko, bigla siyang huminto. Matagal bago niya din ako nilingon. At nung lumingon na siya, kunot noo pa din siya.
"Anong ibig sabihin nito?" Irita niyang sabi na ikinapagtaka ko.
"Ha?" Naguguluhang tanong ko. Bakit kaya nagagalit na naman siya?
"What the fvck is that thing doing in my house?!" Galit na niyang sabi. Pero hindi naman nakasigaw. Malapit lang. Hehe.
"Sino? Ah si O-chan? Hehe. Ang cute nga niya e. Di mo sinabi may cute pet ka pal---"
"Anak ng? Do I look like I'll keep such shitty things in my house? Sino may sabi sayong magdala ka ng mga hayop sa bahay ko? Alisin mo yan dito hangga't mabait pa ako. Kung ayaw mong parehas kayo itapon ko." Naiirita niyang sabi.
Ipinunta ko naman si O-chan sa palad ko at tiningnan siya ng may awa sa mata.
"E hindi naman ako nagdala sa kanya dito e. Nakita ko lang siya dito sa bahay mo kaninang umaga na sumulpot bigla. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Tsaka tingnan mo siyang maigi, kakaiba siya sa lahat ng hayop na nakita ko. Dali tingnan mo."
"HOW MANY TIMES--" Pasigaw niyang sabi pero napahinto din nung in-extend ko yung braso ko para ipakita si O-chan.
"What the hell is that thing?" Huh? Hayop naman si O-chan ah. Magtatanong pa siya? Malabo ba mata niya o nawalan na siya ng common sense? Hayys.
"Animal. Pet. Hehe. Hindi mo ba alam yun? Gusto mo bang i-search natin sa google ang meaning ng cat?" Napaikot siya ng mata sa sinabi ko. Ang sungit sungit talaga nitong taong 'to.
SHIN.
Where did that thing came from?
"Tingnan mo Shin oh. May mark siya sa noo niya. Ang cool diba? Tapos tingnan mo. Tatlo yung buntot niya. Kakaibang pusa diba?" Nakangiti at proud niyang sabi.
What the hell? That's not even a cat. I remember that kind of appearance. Gem showed us a picture and it really resembles it a lot. I mean, it's like the picture became alive. By just looking at the mark on it's forehead, it's not just a normal animal or a cat. At ang tanging nakakapag paisip sa akin ay kung paano? O bakit?
Is he really one of us? Is he one of the guardians?
"You can really see that thing?"
"Hindi naman ako bulag e. Siyempre nakikita ko siya. Diba O-chan?"
"Nyaa~" sagot naman nung maliit na puting hayop. Animal is not the right term.
"Narinig mo yun? Sumagot siya diba?" Parang nang iinis pang sabi niya.
"Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo. Are you one of us? Are you one of the guardians?" Sunod sunod kong tanong kaya natigilan siya at napatitig lang sa 'kin. Hanggang sa bigla na lang itong tumawa ng malakas.
"Wahahahaha! Anong guardians ang sinasabi mo? Wahahaha." Hindi pa din magkamayaw ang pagtawa niya kaya binato ko siya ng bagay na malapit sa 'kin. Tsinelas na suot ko.
"Aray!" Reklamo niya habang nakahawak sa ulo niyang tinamaan.
"Sino nagsabing tawanan mo ako?" Naiinis kong sabi.
"E kasi naman, nakakatawa yung sinabi mo e. Wala naman kasing ganun. Guardian Angel, maniniwala pa ako. Pero kung ikaw magiging guardian angel? Wag na lang." Mas nainis pa ako kasi parang sinasabi niyang napakasama ko. Binato ko siya ulit ng tsinelas na nasa kabilang paa ko.
"Teka? Dalawa na yun ah. Ang daya mo naman!" Now that irritates me. Sarap hilahin ng nguso. Tsk.
Shit. Mukhang wala nga siyang alam about that guardian thing. But how come, he see's that thing? Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko ngayon.
Tanging ang mga tulad lang daw namin ang makakakita sa kanya.
It only means that he is one of us. Pero wala siyang alam at bukod pa doon, hindi din siya nagpunta sa Era Shrine.
Is he the fourth guardian? This is bullshit! This is freaking s**t.
Habang nilalaro niya yung pet daw na tinatawag niyang, ano nga yun? Tsk. Bigla siyang nahinto sa ginagawa at napatingin sa akin dahil sa sinabi ko, asking an explanation of it.
"That's not just a normal animal, that's a guardian spirit."