Chapter 21

1988 Words
Chapter 21 Bothered VICTORIA. Aayain ko sanang lumabas ngayon si Feliz, kaso sabi niya busy daw siyang naglilinis sa bahay ng butihin kong pinsan. Kapag talaga nagawi ako sa bahay ni Shin, kakaltukan ko yun. Umaabuso e. Ngayon, loner ako. Kasalanan ni Shin. Hmp. Ang sama niya talaga. Simula pagkabata ganun na yun. Masyadong sutil. Pero kumpara noon at ngayon? Mas mabait siya noon at naging bugnutin na siya ngayon and it made me worried. Nung nandito pa ang mommy niya. Siyempre halos magkadikit na ang bituka namin niyan dati nung maliliit pa kami. Pero ngayon, hindi na masyado. Ilag na siya sa mga tao. Lalo na sa mga babae. Nagmumukha tuloy siyang bakla. Takot sa babae ang peg? Malamang sa malamang pagkakamalan talaga siya. E kaso ang mga bakla talaga, karamihan sa mga friends ay girls. While walking alone on the side of the street, tumakas lang kasi ako sa driver ko that's why I'm just by myself right now. Mas trip ko kasi maglakad e. Besides, nawalan na ako ng ganang pumunta sa mall, lalo pa at mag-isa lang ako. Ayun nga, naglalakad ako sa may gilid ng daan dahil naghahanap ako ng ice cream. Gusto ko ng dirty ice cream at sabi sa akin ng mga napagtanungan ko, nasa may park daw madami nun kaya dun ako papunta ngayon. Napahinto ako bigla nung may maramdaman akong kakaiba. Para bang nakakatakot na hindi ko maintindihan. Bigla akong naparanoid. I felt someone's watching me. Luminga linga pa ako. Baka kasi may nakasunod sa aking kidnapper, holdaper. Napakunot ako ng noo nung makitang wala namang sumusunod sa aking kahina-hinalang tao. Tanging yung mga naglalakad lang sa paligid ko na walang pake sa mundo ang mga nakikita ko.Napaparanoid lang siguro ako since ngayon na lang ulit ako nag-isang lumabas. Hayys. I just shrugged my shoulders and remove that thought inside my head to remove the feeling of being anxious about something. I turn around and to continue walking, but when I'm about to step forward bigla akong nag-bounce back at napaupo sa semento. Buti sana kung malambot yung bumangga sa akin pero ang tigas. Tinamaan yung chin ko at na-two in one ako. I feel like my hipbone broke because the impact was just too strong. I think I can't stand! Just what the hell? Sino ba 'tong walang matang bumunggo sa akin at nang bigyan ko ng mata galing pinya. Triggered ako e. "Aray," May narinig akong daing na malapit sa akin. I mean kaharap ko lang pala. Isang babaeng nakasuot ng roller skates, helmet at protector sa tuhod at elbow niya. Now I know kung bakit masakit ang chin ko. And it's all because of that freaking helmet. Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya dahil sobrang naiinis ako. Napakabulag naman nito, hindi niya ba nakitang may tao sa harapan niya. Tsk. Nakayuko siya habang hinihimas ang likurang masama din ata ang pagkakabagsak and I could hear that she was in pain. Ha! Serves her right. Bigla siyang nag-angat nang tingin ata nagulat siya nang makita ako. "Hala ate! Ikaw pala yung nabangga ko. Sorry po," gusto ko sana siyang tarayan pero naisip kong bata siya. So nagtimpi na lang ako. Alam ko namang ilugar ang pagiging warfreak ko 'no. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin then inilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan to offer some help. Hindi ko sana tatanggapin dahil masyadong mataas ang pride ko para humingi ng tulong sa iba. Pero since feeling ko that I really can't stand on my own right now, thanks to her, duh? I can't get up on my own and I'm freaking frustrated right now. Ugh! Agad ko namang tinanggap ang kamay niya at tumayo na. "Ate pasensya na po. Na-O.B po kasi ako. Ayos ka lang po ba?" Concerned, she asked. "O.B?" Napakamot siya sa ulo niya. "Hehe. Out of balance po. Ate sigurado kang okay ka lang?" She asked again in a concerned manner. "I'm okay. Don't worry about me." I assured. But to be honest, I'm not. Like who the hell would be okay when you fell hard, butt first. "Sigurado ka po?" Tumango ako. Saka naman siya ngumiti. I just want her to get out of my sight kaya sinasabi ko ang kabaliktaran ng nararamdaman ko. Hindi ko alam pero feeling irritated ako sa kanya. I don't like her vibes. "Sabi mo yan ate ah. Baka mamaya mareport ako ng hit and run. Haha. Sige po. Bye ate. Pasensya na po ulit." Thank goodness, she left. Pero sinundan ko pa siya nang tingin hanggang sa maglaho na siya nang tuluyan sa natatanaw ko. Alam mo yung feeling ng mga girls na kung makakita ng gwapo o nakausap yung crush nila ay mapapasunod pa ng tingin kapag umalis? Ganun ang itsura at pakiramdaman ko ngayon. Alam ko mukha akong tanga. But there's something with that girl. And I don't like this feeling that's bothering me. She somewhat resembles Feliz when she smiles. Pero iba ang vibes niya kung para kay Feliz 'no. Napabusangot ako bigla nung maalala kong wala pala akong kasama. Bigla namang may nahagip yung mata ko kaya agad napabaling ang atensyon ko doon. Mabilis na kumunot ang noo ko sa nakita. "Feliz?" Pabulong at hindi ko siguradong sabi. Naniningkit pa yung mata ko at pilit inaaninag at kinikilala ang taong nakita kong nakatayo sa opposite side nitong kalsadang kinatatayuan ko. Kahit pa mukha na siyang lalaki, I know that it's her. Hindi ako pwedeng magkamali. I swear, I know it's her. And it is really Feliz! Teka? Ba't siya nandito? Akala ko ba naglilinis yun? And she has this attitude na hindi umaalis mag-isa. Lalo na kung unfamiliar siya sa place. But why is she out here? And FYI, mag-isa lang siya. "Feliz?!" Malakas na pagtawag ko sa kanya, pero hindi siya lumingon. "Feliiiiz!?" Mas nilakasan ko pa. At imbes na siya ang lumingon, yung mga taong dumadaan ang tumitingin sa 'kin. Medyo nakakahiya na itong ginagawa ko ah. Nagtatakang tingin at feeling ko nawi-wirduhan na ang mga taong nasa paligid ko sa akin. I forgot he's a guy right now. Ba't ko nga ba siya tinatawag in her girl name? As if lilingon yan. Dumb me. "Philip!?" Minsan ko pang tawag. Lumingon lingon siya kaya akala ko narinig niya ako tapos kumaway kaway ako so she can notice me. But unfortunately, pahiya na naman ako dun. Hindi niya ako nakita na parang balewala tuloy ako at hindi niya kilala. Humanda yang babaeng yan sa 'kin. How dare her ignore me? Hmp. At dahil sa inis ko, napagdesisyunan kong lapitan na lang siya. Tumawid ako ng kalsada… *BEEEEEP!* Shit! Muntik na ako dun. Buti mabilis akong nakaatras. Tiningnan ko ulit si Feliz and I saw her getting inside someone's car. "Feliz, wait up!?" I shouted. But she still didn't notice me. "FELIIIIZ!?" Hindi na talaga ako nakatiis at tumawid na lang ako kahit pa madaming sasakyan ang tumatawid. Busina dito, busina doon. Ugh! *BEEEP!* OTHER'S POV. "Lady Gem? Are you okay?" Tanong ng sekretarya ni Gem na si Thea, nakatayo ito sa kanyang gilid habang nag-aalalang nakatingin sa kanya nang tingnan niya ito. "I'm okay. Don't mind me. Masyado lang siguro akong na-stress sa pag-handle ng treseng kalalakihan. Ugh!" Hinilot hilot niya pa ang kanyang sentido upang ibsan ang sakit na nararamdaman nito. Matapos kasi ang pagpapaliwanag kanina sa anim na binata ay bigla na lamang silang nagalit. At madami ding tanong na ibinato sa kanya. Kung bakit ganon? Kung bakit ganito? Kung bakit sila ang napili ng mga elemental stones. Hindi pa din kasi nila matanggap ang kaanyuan nilang kalahating guardian. At ang pagsilbihan at protektahan ang taong ni minsan ay hindi pa nila nakita at nakilala. Na kahit pangalan at mukha ay wala. Nasigawan ito ni Shin na halos nagwawala na. Si Airon na nagwawala na dahil sa pagrereklamo sa pakpak niyang mabigat sa likuran at ang iba'y nagpoprotesta dahil sa nangyayari sa kanilang kakaiba. Lalo pa at inilipat sila sa eskwelahang ayaw nila, nang walang ni anumang approval mula sa kanila na pati mga magulang daw nila ay idinadawit sa kawalang kwentang katakdaan bilang isang mga guardians. "Kapag nahanap na nila si Era, paano na lang kapag nalaman pa nilang may isa pa silang guardian na hahanapin? Baka kung ano na ang magawa nila sa akin sa susunod. Ngayon nga sinisigawan na ako at puro sila reklamo e." Tila nag-aalalang sabi ni Gem. "I hope they can find Era immediately or the mother guardian. Mas madali ang paghahanap kung nakikita lang sana nila ang totoong anyo ko ngayon." Saka ito napabuntong hininga ng malalim. "Lady Gem, tayo na po. Oras na para umalis." Agad namang bumaba si Gem sa mataas na office chair nito na halos lundagin niya na sa pagbaba dahil sa maliliit nga nitong biyas dala nang isang pagiging bata. "Ugh! Kung bakit sa dinami daming pwedeng isumpa sa akin, ay ito pang pagiging paslit. Tsk." Naiinis na sabi nito saka naunang naglakad nang nakakunot ang noo. "Lady Gem, the seven guardians before said that they already found the person who's holding the spirit of Demonica before." Napahinto si Gem sa paglalakad. "They said, she has a child. And the child was one of the Devil gods chosen by the spirit of the demon god which is Oni." "Oni?" Tila napaisip si Gem sa narinig mula sa sekretaryang si Thea. "Oni, the right hand of Demonica." Sagot nito kay Gem na hindi pa din lumilingon sa kanya at nanatiling nakatalikod. "The King of Demons? So, how's the child? Does the child know it?" "No, he doesn't know." "The child was a boy," "Yes, milady. And the child is also at the same age as the young guardians. And he is related with one of them." Agad nilingon ni Gem si Thea na nakakunot ang noo. "Related? How could that be possible? Hindi ba't bawal ang magkadugong itinakda?" Napayuko na lamang si Thea at hindi na sumagot pa dahil maging siya ay hindi rin alam ang kasagutan sa tanong ni Gem. Mas lalong naguluhan si Gem at napaisip sa ibinalitang iyon sa kanya. 'That can't be possible. If one of the chosen ones have a blood relation with the devil god Oni, especially if he's or she's a sibling. Delikado ang isa sa kanila at maaring maging isa sa nakatakda bilang isang underworld god. I hope that he is not one of the young guardians, but it's not also a good idea if the other one turns into an underworld god. That'll be fatal.' Said in her thought. *** Nasa byahe na sila at papunta sa isang importanteng lugar upang kitain ang isang napakaimportanteng tao. Habang nasa byahe ay patuloy pa ding gumugulo sa isip ni Gem ang lahat ng kanyang nalaman. Prente itong nakaupo katabi si Thea sa backseat ng sasakyan habang nakatingin sa labas. *BEEEP!* Nagulat sila nung biglang nagpreno ang sasakyang kinalalagyan dahil halos sumubsob silang dalawa sa likuran ng driver at passenger's seat. "Ayos ka lang Lady Gem?" Tila nag-aalalang tanong ni Thea habang inaalalayan si Gem na makaupo ng maayos sa kanyang tabi. "Anong nangyari, Henry?" Tanong ni Gem sa driver habang nakahawak sa kanyang ulong nauntog sa likuran ng driver's seat. "Lady Gem, may bigla po kasing tumawid kahit walang stop light." Dahil sa sinabing iyon ni Henry ay napatingin si Gem sa bandang harap ng sasakyan at sinuri kung naroon pa din ang taong tinutukoy ng driver. Tila may gulat sa kanyang mukha nang makita nito ang isang babaeng teenager patawid sa may kabilang bahagi na tila nagmamadali na mukhang may hinahabol habang patuloy sa paghingi ng pasensya sa kanila at sa ibang sasakyang kanyang naabala. Habang papalayo ang babaeng nakita ay patuloy niya pa din itong sinusundan nang tingin. Napangisi ito nang mapagtanto ang nakitang dalaga, "Thea, I found her." Sabi ni Gem kay Thea na agad namang ikinalingon ng isa na may pagtataka sa mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD