Chapter 22
Searching for Era
OTHER'S POV.
Halos araw araw na umaalis sa bawat tahanan nila ang anim na naturingang tagapagbantay upang hanapin si Era.
Araw araw din silang nagrereport sa Era Shrine kung nasaan ang lugar ng Maxell's. Reporting if there's an improvement on their Operation: Searching for Era.
Nasabi na din ni Gem sa kanila na kung hindi nila agad makita si Era o ang mother guardian ay maari din nilang hanapin ang ika-apat na tagapagbantay.
"Makikilala niyo ang fourth guardian, kapag mag-rereact ang elementong nasa loob niyo na kasabay ng paglabas ng kanya kanya ninyong marka." Huling salita at advice na narinig nila mula kay Gem. Dahil simula nung araw na sinabi niya iyon ay hindi pa nakikita ng anim si Gem. Halos sugurin na nga nila ang paslit na si Gem nang malaman nilang bukod sa dalawang makapangyarihang babaeng hahanapin nila ay mayroon pang isa, iyon ay ang ikaapat na tagapagbantay. Na hindi din nila alam kung saan magsisimula sa paghahanap.
May mga nagbalak mag-back out ngunit kahit ayaw nila ay tila ginagambala sila nang kanilang mga elementong hawak kaya napilitan pa din silang sumali sa paghahanap.
Magkakasama silang naglalakad na iisa lang ang iniisip at layunin. Iyon ay ang mahanap ang tatlong taong hinahanap nila upang matapos na ag kanilang paghihirap.
"When will this s**t gonna end?" Naiinis na sabi ni Shin sa mga kasama. Sa araw araw na magkakasama ang anim ay unti unti naman na din nilang nakakasanayan ang ugali ng bawat isa.
"Calm down senpai. You should just be composed and be calm in this kind of situation." Pagpapakalma ni Harvey sa kanya. Kumbaga sa kanilang lahat, siya ang peace maker sa grupo.
"How can I calm down? Tell me? This weird shits are interrupting our own lives? Even sacrificing our own lives just to protect whoever that is. That's insanity!" Kunot noo at naiinis pa ding sabi ni Shin na ni minsan ay hindi pa nila nakitang kumalma sa halos araw araw nilang pagsasama.
"You're too hot headed. That can't be help in searching." Walang emosyong sabi ni Ryo, just like how he casually say a word. A cold one just like an ice.
"Shut up! I'm not asking your opinion." Shin exclaimed to Ryo.
"Ano ba kayo brothers, masyado kayong nagpapadala sa sitwasyon kaya maiinit ang ulo niyo e. Ang mabuti pa, dumaan muna tayo sa isang mamihan, kumain at isantabi muna iyan." Masiglang sabi naman ni Airon habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo at patuloy lang sa paglalakad.
Mahilig kasi itong kumain, kaya madami itong kainang alam puntahan. Na minsan ay ginagawang hobby ang pagkain lalo na kapag siya ay bored.
"Ano? Magsalita kayo. Madami akong alam. Kung ayaw niyo, suggest kayo at magsa-suggest ako ng lugar." Pangungumbinsi niya sa limang kasama. Si Airon ay likas na masigla at laging hyper basta pagkain ang pinag-uusapan. Wag mo lang kakausapin ng ingles, dahil paniguradong hindi kayo magkakasundo.
"Buti naman sana kung iyang mga kinakain mo, nakakapandagdag sa height mo. Kahit araw araw pa kitang ilibre. Wahahaha." Si Ren na halos mangiyak na kakatawa dahil sa reaksyon ni Airon. He frowned on what Ren had said and he is glaring at Ren right now.
Hindi naman nagpasindak ang isa dahil kayang kaya niyang i-handle ang ganoong pangyayari kapag naiinis na si Airon. Kahit pa mas matanda ito sa kanya ay hindi niya ito iniintindi, maasar lang si Airon dahil nga sa sila ay magkababata kaya normal na sa kanila ang ganitong bangayan.
"Hoy ah! Matuto kang gumalang sa nakakatanda sayo!"
"Ay sorry naman. Nakalimutan kong mas matanda ka pala sa 'kin." Gatong pa ni Ren. Likas kasi itong mapang-asar lalo na kay Airon. Si Ren ay may pagkabipolar na ugali. Kumbaga, madaling magchange ng mood. At laging naaayon sa sitwasyon ang nagiging mood niya.
"Putcha! Talagang hindi ka titigil? Baka gusto mong ipagkalat ko yung nangyari nung grade two---uhmp." Mabilis tinakpan ni Ren ang bibig ni Airon na kaagad nagpatigil sa kanya sa pagsasalita.
"Senpai! Don't you dare talk about that!" Banta nito kay Airon na nakatakip pa din ang kamay sa bibig.
Nilingon ni Ren ang mga kasama at nakita niya na nakatingin na ang mga ito sa kanila na may mga nagtatanong na tingin. Tila ba nais alamin kung ano ang naudlot na sinasabi ni Airon.
Ngumiti ito nang alangan, pilit itinatago ang kanyang kaba na baka siya ay mabuko.
"Gutom lang 'to si Senpai kaya nagkakaganto. Wag niyo na kaming pansinin. Hehe." Pinauna na nuyang maglakad ang apat pa nilang kasama at nagpahuli na lang silang dalawa.
Mabilis pinasakan ni Ren ng pulboron ang bibig ni Airon upang hindi ito kaagad makapagsalita na halos mabulunan naman si Airon. Mabuti na lang at nagbaon ito ng gawa ng kanyang ina. Tiningnan niya pa ito nang masama na parang pinagbabantaan kahit ubo na ng ubo ang kanyang kasama ay hindi niya talaga ito binigyan ng tubig. Kapag nagsimula kasi silang mag-usap na dalawa, laging nauuwi sa bangayan.
"Mga senpai, please don't fight. Magkakasakitan lang po kayo." Binalikan ni Luigi ang dalawa nang makitang umuubo si Airon at mabilis inabutan ng tubig.
"Putcha! Papatayin mo ba ako?" Umuubo ubo pa ding singhal ni Airon kay Ren na parang hindi siya narinig. Sa lagay na iyon ay parang naisantabi ang paalala ni Luigi sa kanila at hindi na siya pinansin pa dahil nagsimula na namang magsagutan ang dalawa.
"Luigi, don't mind those two. Malaki na sila. They can handle themselves." Tapik ni Harvey sa balikat niya na ikinalingon niya.
"Pero hindi niyo po kasi sila inaawat. Baka magkasakitan po sila--Senpai, tumigil na po kayo." Awat niya ulit sa naghahampasang dalawa ngunit parang wala silang narinig kaya napabuntong hininga na lang si Luigi.
Si Luigi ay likas na maalalahanin at matatakutin. Lalo na kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa pagpoprotekta nila sa itinakdang si Era. Madaming katanungan ang naglalaro sa isip niya. Na sa sobrang kaduwagan niya ay naiisip niyang bakit siya pa ang napili bilang isang tagapagbantay?
Siguro marahil ay masyado pa siyang bata para sa tungkulin, ngunit kapag nahasa naman ito ay mas hihigit pa sa inaasahan ang magiging resulta.
"Mga senpai, sa halos mag-iisang buwan na po nating paghahanap, hindi pa din po natin alam kung saang lugar ang eksaktong kinaroroonan ng mga taong hinahanap natin." Nag-aalalang sabi ni Luigi sa kanila. Tila stress at nadedepress ang itsura na akala mo wala nang pag-asa. Tanging pag-oobserba lang kasi ang kaya nilang gawin sa ngayon at pakiramdaman ang bawat taong nakakasalubong at nakakasalamuha nila. Iyon lamang ang basehan nila sa ngayon upang malaman nila kung sino ang mga taong hinahanap nila. Na hiniling nila na sana ay may larawan man lang sila upang mas mapadali ang kanilang paghahanap.
"Kung bakit kasi walang basehan na ibinigay yung paslit na yun e. Tsk." Naiinis namang sagot ni Shin.
"Lady Gem said that she already found one of the person we're looking for. She said that we just search in this city's vicinity." Ryo calmly explained.
"That's it. She said she found one. But she didn't tell who the fvck that person is!"
"Senpai, you're sounding scary again. Please calm down." Natatakot na sabi ni Luigi kay Shin na tumahimik na lang at hindi na umimik pa.
Tahimik lang silang naglakad hanggang sa makarating sila sa vicinity ng Era Town.
Halos pagtinginan sila ng mga tao dahil sa dami nila at sabay sabay pa silang naglalakad na akala mo ay isang grupo na susugod sa gyera. Bukod sa pagsasabay na paglalakad, ay hindi maikakailang mapapalingon ka talaga kapag nakita mo sila dahil lahat sila ay may magagandang mukhang maipagmamalaki.
At ang namumukod tangi at nangingibabaw sa anim ay si Ren na ang alam ng mga tao ay isang babae. Dahil sa makikitang reaksyon at naririnig na bulungang sinasabi nilang maganda siya ay ikinaiinis niya naman.
"Geez! I'm getting pissed off." He said, with just a volume that only the six of them can hear.
"Cursed you." Inis niyang sabi kay Airon na tawa ng tawa habang naglalakad.
Nagpatuloy lang sila sa paglalakad. At halos lahat ng taong makasalubong at makita nila ay pinapakiramdaman nila. Hanggang sa makarating sila sa isang parte ng lugar na hindi na masyadong matao dahil kaunti na lang ang nakabukas na mga tindahan. At bukod pa doon, ang iba pang gusaling naroon ay halos luma at abandonado na. May kadiliman na din ang paligid dahil halos pagabi na.
"Now this is all a bullshit! Pinaglololoko lang ata tayo e. Ayoko na. Uuwi na ako." Naalarma ang lahat nang bigla na lang galit na sumigaw si Shin. Nag-umpisa na din siyang maglakad pabalik kung saan sila nanggaling at iniwan ang mga kasama.
"Shin!?" Tawag ni Ryo sa kanya ngunit hindi ito lumingon at parang walang narinig kaya napabuntong hininga na lamang ito at hinayaan na lang nilang tuluyang umalis ang kanilang kasama. Dahil alam nila sa sarili nilang hindi nila kayang baguhin ang isipan ni Shin kapag nakapagdesisyon na ito.
Ngunit hindi pa man nakalalayo sa paglalakad ang binatang paalis na ay may biglaang humarang sa kanyang daraan kaya natigilan siya. Napataas ang kanyang kaliwang kilay nang makita kung ano ang nagtangkang pigilan siya.
"Tsk. Get the fvck out there!" Irita at may kataasan ang boses ni Shin sa pagtataboy sa kung ano man ang kanyang nakita kaya mabilis na napalingon ang kanyang limang kasama sa kinaroroonan niya.
"Anong nangyari?" Tanong ni Airon na kasabay ng paglapit sa medyo may kalayuan nang si Shin.
"Hoy, ano bang problema mo at inaaway mo yang maliit na hayop na 'yan? Tsk." Nakapamewang na pasaring ni Airon kay Shin at tinutukoy ang nilalang na nasa kanilang harapan.
"Anong meron?" Mabilis ang naging paglapit ni Ren at tinanaw din ang kung anong nasa harapan nina Airon at Shin. Tila natuwa ito sa nakita dahil mistulang naging bituin sa pagkinang ang kanyang mga mata. Sa sobrang curious din ng iba ay lumapit na din sila.
"Wow! Ang cute cute niya," tuwang tuwang sabi ni Luigi nang makita na ang pinagkakaguluhan ng kanyang mga senpai ay isang kulay puting maliit na nilalang, kasing laki at nahahawig sa isang kuting at may kulay asul na marka sa noo na may tatlong fluffy na buntot.
"Nyaa~" Tanging narinig nilang sagot ng nakita nilang maliit na nilalang.
"Pusa ba yan? That's sort of animal is kinda' weird? Saan yan nanggaling?" Sunud-sunod na tanong ni Harvey habang nakatitig dito at inaanalisa ang nilalang na iyon.
"Don't come near it. It can be dangerous." Pigil ni Ryo kay Luigi nung akmang lalapit ito sa tinutukoy nilang kakaibang nilalang.
"Nyaa~" sumbat muli nito na nakatingala sa kanilang anim. Tila kinakausap niya ang anim na binatang nasa kanyang harapan at may nais sabihin.
"Wala akong pake kung pusa man yan o anumang hayop. Kanina pa ako ayaw padaanin. Kung saan ako pupunta, haharang siya. Paalisin niyo nga yan. Baka hindi ako makapagtimpi, masipa ko yan." Shin knows that, the little furrball they're talking about was the one he saw at his house so he's just ignoring it's presence.
"You're rude senpai. Be kind to animals po. Ang cute cute niya nga po e." Tuwang tuwang sabi ni Luigi.
"At pakiramdam ko po, may gusto po siyang sabihin."
"Luigi sabihin mo nga, anong hinihithit mo nitong mga nakaraang araw?" Napasimangot si Luigi sa paratang ng kanyang senpai na si Airon kaya nilingon niya ito.
"Senpai, hindi naman po ako nagbibiro e. May gusto po talagang sabihin yung cute na creature na yan." Mas lalo pang napasimangot ang pinakabatang kasama dahil sa paghawak ni Airon sa kanyang ulo na kasabay nang mahinang pagtawa.
"Senpai, remember that Luigi has the spirit of the Lion inside him. That's why he could actually understands animal gestures."
"Pfft. Hahahahahaha. Ano senpai? Pahiya ka 'no?" Hindi pa din magkamayaw sa pagtawa si Ren nang makita ang hiyang hiyang mukha ni Airon.
"Tangina mong bakla ka!" Natigilan si Ren dahil sa itinawag sa kanya ni Airon kaya tiningnan niya ito nang masama at mabilis na sinunggaban upang sapakin.
"Anong sabi mo?! Ha! Bansot?" Mas nag-igting ang inis sa pagitan nang bawat isa dahil mas nagatungan pa ang kanilang bangayan dahil sa paratang sa bawat isa. Ngunit imbes dumapo ang kamao nila sa mukha ng bawat isa ay sa palad ni Harvey ito dumapo na nakatayo na sa pagitan nila. Tila ba nakaramdaman ng kuryente ang buong katawan ng dalawa dahil pakiramdam nila ay sumuntok sila sa matigas na pader gayong palad lang naman ni Harvey iyon.
"Kung hindi kayo titigil, ang mga kaibigan ko na mismo ang makakausap niyo." Nakangiti ngunit may halong pagbabanta ang mga katangang iyon. Kasabay nang sinabi ni Harvey na 'kaibigan' ay ang mabilis na paglitaw ng dalawang maliliit na ahas sa magkabilang balikat niya at nakaharap kina Airon at Ren na halos sabay na umatras.
Maipipinta ang takot sa mukha ng dalawa. Bukod sa nakakatakot na ngiting iyon ni Harvey na may murderous intent ay nakakatakot din ang mga ahas na animal spirit niya.
Naagaw ang pansin ng lahat nang biglang tumakbo ang tinutukoy nilang nilalang nang napakabilis kaya sila nagtatakang sinundan ito ng tingin. Susundan sana nila ito ngunit napahinto sila nung bigla na lamang silang makaramdamdam pare pareho ng kakaibang enerhiyang parang gustong lumabas sa katauhan nila.
Napansin nila ang mga marka sa kanilang balat na unti unting lumilitaw sa bawat isa na labis nilang ikinapagtaka kaya sila nagkatinginan lahat. Nagtataka, natatakot, kinakabahan, nag-aalala. Ngunit lahat nang negatibong pakiramdam na iyon ay napalitan nang may biglang mapagtanto at maalala.
Nanlalaki ang mga mata dahil sa pagkabigla at kasunod nun ang sabat sabay nilang pagsigaw ng, "The Fourth Guardian!"