Chapter 23

1865 Words
Chapter 23 Transferees FELIZ. Mabilis lumipas ang mga araw linggo at ang isang buwan. At ngayon, buwan na naman ng pasukan. Hindi ko alam kung paano ako nakapag-enroll sa isang eskwelahan na ni minsan hindi ko man lang binisita o inalam kung ano ang nakapaloob dun. And besides, I didn't even enrolled myself so how come? My parents didn't even told me anything about what school I am attending to. Kung gaano kadaming araw ang lumipas ay ganun din ang araw ng paninilbihan ko kay Shin. Araw araw sumisigaw tas laging nagagalit. Lagi mang umaalis, pagbalik mainit na naman ang ulo niya na parang inapi siya ng buong mundo nung galing siya sa labas. Parang laging gustong lumiyab e. Huhu. Kaya minsan natatakot ako sa kanya. Pakiramdam ko tuloy, ako ang laging napagbubuntunan. May ginawa ba akong mali? Huhu. Pero hinahayaan ko na lang siya. Tutal mas mabait ako kesa sa kanya, ako na lang ang magpapasensya. Huehue. At ngayon, nakaharap ako sa whole body length na mirror, dito pa din sa maids room. Wearing my short sleeve white polo. Two uniforms kasi ang sinusuot sa papasukan kong school. Yung isa long sleeve white polo shirt and this short sleeve polo shirt. And then a black necktie and black slocks and shoes for the lower part. After fixing my tie, I immediately grab my backpack then rushed into the door. Pagkalabas ko ay sakto namang bumungad si Shin. "Good morning Shin!" Masiglang bati ko habang isinasara ang pintuan. He stop, then turned his gaze to me. Pero saglit lang yun, tapos agad din siyang naglakad papasok ng tuluyan sa dining hall. Parang ang lalim ng iniisip niya. Nagkibit balikat na lang ako sa naisip at dumiretso na lang din sa dining table. "Good morning nanay Agatha!" Masiglang pagbati ko na ibinalik niya naman. "Magandang umaga sayo hijo." Balik niya sa akin pagkalapag nung isang basong gatas sa may harap ko kaya napatingin na ako sa hapag. Lagi talaga akong na-a-amaze kapag humaharap ako sa hapag ng mesa ni Shin. Laging fiesta ang peg e. *0* At dahil dyan, sinimulan ko ng lantakan ang mga pagkaing nang-aakit na kainin ko. SHIN. I've been spacing out since last Friday. That's the day I've been with those five jerks searching for whoever that is. Since then, hindi na ulit kami nagkita kita bukod sa mamaya. Dahil schoolmates kaming lahat. Why do we have to enter the same school? Tsk. Because of our fvcking fate? Such a lame idea. Tsk. Three days have past, nakakulong lang ako sa kwarto ko at pilit iniintindi ang sitwasyon. Ang nangyari nung last Friday. Remember when we saw that weird white cat-like animal with a mark on it's forehead and have three tails? Paanong napunta yun dun e napakalayo nitong bahay ko sa Era Town. At pakiramdama ko pa, that thing is just here somewhere. "Good morning Shin!" Natigil ako sa pag-iisip nung may marinig akong boses. Tsk. Halos makalimutan ko ding may kasama pala akong kutong lupa sa bahay ko. I just look at him once then immediately ignore him. Sa lalim pala ng pag-iisip ko, hindi ko namalayang nandito na ako sa hapag nakaharap. Nakatulala lang ako habang iniisip naman ang hindi natuloy na paglitaw ng kung anong kulay pulang marka sa braso ko. Agad din kasi iyong nawala. Hindi kami tanga o ulyanin para hindi maalala ang sinabi nung batang matanda kung mag-isip na lalabas ang mga marka sa parte ng katawan namin kapag malapit sa amin ang ika-apat na tagapagbantay. And there's a reaction inside my body that wants to go out like a fire from inside me. "Gusto mo ba? Oh. Baka sabihin mo ang damot ko." Kumunot ang noo ko nung bigla niyang ibinigay yung nakatusok sa tinidor na hotdog. "What the fvck? Anong kala mo sa akin? Patay gutom na pati yung hawak mo kukunin ko pa?" "Hala? Hindi naman ako patay gutom e. Madami lang talaga akong kinakain." Ngumuso siya na ikinairita ko. "Idiot! I'm not referring to you. Inaamin mong patay gutom ka dahil guilty ka." Tsss. Such a slow poker. Hindi ko alam kung talagang slow ba siya o bobo. "Ah oo nga 'no? Hehe. Kung ganon, akin na pala iyan. Akala ko kasi gusto mo e. Kanina ka pa kasi nakatingin sa 'kin." Saka niya binawi yung inilagay niyang hotdog sa plato ko. Going back to what he said. Nakatingin ako sa kanya? Ng matagal? s**t! I'm spacing out again. Until I noticed that he became quiet. Parang meron siyang kinakausap. Nagtaka naman ako. "Who are you talking to?" Nagulat ata siya dahil narinig ko ang mahina niyang pagsinghap. "Mamaya na lang? Baka mahuli ka." He said talking to someone. "Who are you talking to?!" Ulit ko. Medyo lumakas na ang volume ng boses ko dahil hindi niya pa ako sinasagot. "He-he. Ahh-ehh. Shin? Maawa ka sa kanya. Wala siyang titirhan na bahay." "What the hell are you talking about?" Naguguluhang tanong ko. "E kasi..." saka niya biglang inilabas ang... "...si O-chan. Please wag mo naman siyang paalisin. Wala siyang titirhan. Kung gusto mo ako na lang ang mag-aalaga sa kanya. At magpapakain kung ayaw mo siyang pakainin." Nagpapaawa niyang sabi. That's the thing he showed me last time. It's the guardian spirit. And it is also the thing I saw at Era Town last Friday. Maaring hindi ko lang nakita ng malinaw dahil madilim na nung mga oras na nagpakita ito. Pakiramdam ko namang siya yung nakita ko nun. Pero, bakit niya naman kaya ako susundan? "Nanay Agatha, gusto po ipatapon ni Shin si O-chan. E kawawa naman po si O-chan." "O-chan? Sino yun hijo?" Nagtatakang tanong ni Nanay Agatha sa kanya matapos namang ilapag ni Nanay ang dalawang lunchbox sa ibabaw ng mesa. "Eto po oh." Saka niya inilahad ang kamay niyang hawak yung mukhang pusa. Gem didn't explained what kind of animal is the guardian spirit. She just showed the picture. "Asan anak? Anong meron sa kamay mo?" Tila nagtataka ng tanong ni Nay Agatha. "E? Hindi niyo po ba nakikita si O-chan?" "Nay, mauna na po kami." Saka ko na siya hinila ng mabilis at sabay dampot nung lunchbox sa mesa kaya hindi na nakapagtanong pa si nanay sa sinabi nitong isa. "Teka? Ba't ka ba nanghihila bigla? Tsaka hindi pa kami tapos mag-usap ni nanay e. Hindi niya pa nakikita si O-chan." I can't tell him yet that normal people don't see guardian spirit like that. I don't have the right to say it dahil maski ako, walang alam sa tunay na kalikaw ng katadhanaang maging tagapagbantay. "We'll be late. Maglalakad pa tayo. Lunchbox mo." Saka ko inihampas sa dibdib niya yung lunch box niya. Saka tuluyang tumalikod. "Ack." Napalingon ako nung marinig ang pagdaing niya. "Para konting tulak lang, umaaray ka na? Tsss. Kung mag-iinarte ka pa dyan, bahala kang pumasok mag-isa at ng mawala ka." FELIZ. Grabe! Ang sakit nung pagkakahampas niya ng lunchbox sa dibdib ko. Syempre napaatras ako at napaaray dahil ang lakas nun. Kahit naman mahina yung paghampas niya, iba pa din ang magiging reaksyon ng katawan ko dun dahil babae pa din naman ako. Kahit medyo masakit pa ang part nung nahampas ay sumunod na din ako. Baka maiwan ako, mahirap na. Mawala pa ako. *** Mabilis lang kaming nakarating dahil malapit lang ang school sa bahay niya. Madami din naman kaming nakakasabay na mga naglalakad din. Pagkabungad pa lang sa gate at harap ng school, napahanga na ako. Ang ganda at ang lawak ng school. Mukhang exclusive school ata 'to. Hehe. Hindi nakasara ang gate. Nakaopen siya at malayang nakakapasok ang mga estudyante sa loob. May guard lang sa magkabilang gilid ng gate. Hindi naman nila chinecheck kung may I.D ba o wala ang mga estudyante. May nakita pa akong mga estudyanteng pinapasok ang bike sa loob. After kasi nung gate, may lalakarin pang mahabang daan papunta sa pinakamain building ng school. At dahil dun, napahanga ako. Nililibot ko ang tingin ko, dahil ibang iba kasi ang style ng mga school dito kung ikukumpara sa California. And I'm loving what I see in here. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa may kinaroroonan ng mga buildings. Pumasok na kami sa loob at bumungad agad ang mga locker. "Ang ganda naman ng school mo. Sana pala, matagal na akong dito nag-aral. Haha." Hindi niya ako pinansin at kinuha lang yung puti niyang sapatos na nasa loob ng locker at saka sinuot at ipinalit yung black shoes niya. Pumasok na siya sa may pinakaloob kaya agad akong tumakbo para habulin siya. Hindi niya kasi ako hinintay. "What are you doing?" He asked when he stopped. "Papasok na." saka ako tumawa ng alangan. "Didn't you see what I did just now? You didn't change your shoes." Napatingin naman ako sa paa ko. Oo nga. "Saan yung locker ko?" "Tss. Why don't you check your form and see your locker number, idiot." Ako na naman yung idiot. Huhu. Hindi niya naman kasi sinabi agad na nasa form pala. Hindi kasi ako mahilig magbasa ng ganto. Tas ang alam ko pag bago, wala pang locker. "Bigla ka kasing umalis e. Hindi ko naman dito kabisado." "Tss. Just make it fast." Bigla akong nagliwanag sa sinabi niya. "Yey! Wait mo ako ha?" Saka ko dinalian ang pagpapalit at nagdali daling bumalik. Dumiretso kami sa may pintuan na ang nakasulat ay 'Faculty Room'. Kumatok muna siya bago kami tuluyang pumasok. "Good morning, miss." Bati niya sa isang babaeng nakasalubong namin na parang palabas na din ng faculty. "Can we ask if where is Miss Clarkson?" "Oh? You must be the transferee's? I'm Ms. Elise Clarkson by the way. Tamang tama, I'm going to our class. We can all go together. So, let's go?" Saka kami tuluyang lumabas ng faculty at sinusundan siya. Ang ganda ganda naman ni Miss Clarkson. Tapos mukhang mabait pa. Dream girl kumbaga. I wish I can be like her. Pero mukhang malabo yun ngayon, lalaki nga ako diba? Hayys. "Who among you is Mr. Philip Shivell?" "That's me, ma'am." I answered politely. Kahit nakatalikod siya, alam kong nakangiti siya. "You're from states, can you understand filipino language?" "Yes, ma'am. I can understand and speak fluent filipino." "That's good to hear. Hindi ka mahihirapang mag-adjust dito." Nilingon niya ako saka siya ngumiti. Pero agad din niyang ibinaling ang tingin sa daan. "So for sure, this other young man here is Mr. Shin Tyrone Russell. From an All Boys School." Agad akong napalingon kay Shin na nasa tabi ko. All boys? Anong all boys daw siya nanggaling? "So we're here. Mauuna ako, then when I call you. You'll come in." Tumango naman ako. Oo, ako lang ang tumango. Pumasok na siya sa loob ng room at nagbatian sila sa loob. Hanggang sa tinawag na kami. Bakit pala kasama ko si Shin na nandito sa labas? Diba dapat nasa loob na siya ng room dahil dito naman siya nag-aaral? That's weird? "Class, this is Philip Shivell and Shin Tyrone Russell. And they are our transferee's." At dahil sa gulat kong transferee din pala si Shin, napalatak ako ng malakas na nambulabog sa buong room. Na ikinatawa ng lahat. "Transferee ka din?" Seriously? Hindi ko alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD