Chapter 10
House Rules
FELIZ.
I'M STILL standing and my heart was pounding so fast because of this nervousness. s**t.
Para akong napako sa kinatatayuan ko nung marinig ang isang boses.
"I'm asking you, what are you doing here?" The voice again repeated.
Huminga muna akong malalim bago tuluyang nilingon ang taong nasa likuran ko.
Nanlaki ang mata ko sa gulat nung makita kung sino ang nakatayo sa may pintuan.
SHIN.
I immediately rushed into one of the guess room's door. Having a feeling that there's someone inside. Who the hell could this be?
Iisa lang naiisip ko. Tsk. Nainis tuloy ako nung mapasok sa isip ko yung kutong lupa na yun. I already told him not to enter any rooms here. Ugh!
Pinihit ko na yung door knob ng pinto. When the door opened up, my eyebrows formed into a straight line because of annoyance as I entered the room.
FELIZ.
"SIN----" Natigil ako sa pagsigaw at nagulat na lang ako nung bigla niyang pinatay ang switch ng ilaw at sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya, nakatakip ang mga kamay niya sa bibig ko.
"Ssshh!" Nakalapat pa ang index finger niya sa labi niya. Hindi ko alam kung paano kami napunta dito sa may tabi ng pinto na parang nag-i-sneak.
Para kaming assassin sa posisyon namin ngayon kaya natuwa ako. Pero bakit kelangan pang nakatakip sa bibig ko yung kamay niya? Hmp. Hindi na tuloy ako mukhang assassin, mukha akong hinoholdap eh.
SHIN.
Naiinis ako nung makita kong wala naman tao pero bukas ang ilaw. Tsk. Sino ba kasing nagsindi nito? Ayaw na ayaw ko pa naman ng bukas ang ilaw pero walang tao. Sayang sa kuryente.
Agad ko ding pinatay ang ilaw at saka insinara ang pinto. Nakakunot noo akong naglakad papunta sa hagdan ng may maramdaman akong kakaiba at parang may nakatingin sa 'kin. I stopped from walking at pinakiramdaman ko ang paligid.
Parang nanggagaling sa--agad akong napalingon ulit sa kanang bahagi ng hallway nung maramdaman kong parang nasa isa sa mga kwarto iyon.
Pero bigla namang nawala. So I just shrugged my shoulders, baka guni guni ko lang.
Tsk. Epekto ba 'to ng mga kung ano anong naglalabasan sa akin kahapon? Umalis na lang ako at tuluyan ng bumaba para kausapin na yung kutong lupa.
FELIZ.
Pinipilit kong tanggalin yung kamay niya dahil kanina pa ako naiirita at kating kati na din yung dila ko magsalita. Pero, ayaw niyang tanggalin. Para siyang nakaglue sa bibig ko. Huhu.
"Keep down Miss Feliz. He already noticed us. Baka mahuli tayo, mahirap na." Warning niya sa 'kin ng hindi tumitingin sa direksyon ko at nakatuon lang sa may direksyon ng pinto.
Sinong tinutukoy nitong makakahuli sa amin? Hala?! Baka may nakikita siyang spirits? Hindi kaya totoo yun. Pero anong sinasabi niyang makikita?
Agad niya din akong binitawan at sabay kaming nagpakawala ng malalim na paghinga.
"We're safe." She looked at me and then she smiled as if she was totally relieved from some sort of danger coming ahead of us.
Bumukas na din ang ilaw na dahilan upang makita ko siya ng malinaw.
"Sino ka?" Tanong ko nung makita ang kabuuan niya.
She's a short but cute girl. Oo super. Ang cute cute niya na ang ganda. Kumbaga, ang sino mang makakita ay hihilinging maging little sister siya. Ang sarap niyang ampunin. Huehue. Sabihin ko kaya kay mama na ampunin siya kung wala siyang mapuntahan. Wala kasi akong kapatid e. Hehe.
She has a long curly hair at parang may kung anong kulay asul na marka ang nasa noo niya. Parang hena na nasa noo niya na parang tattoo? Haha. Hindi ko alam. Basta may markang weird? All in all, hindi ko siya kilala.
Ngayon ko lang siya nakita e. May kapatid ba si Shin? Sa pagkakaalala ko, sabi sa 'kin ni Vic, mag isa lang siyang nananahan dito sa mansion niya. O baka talagang hindi lang ako nakikinig?
She smiled before answering.
"Ako si O-chan, miss Feliz." O-chan? Weird huh? At the same time, cute. Parang siya, weird pero cute.
Then she smiled again. May kakaiba sa ngiti niya. Hindi ko malaman kung ano, pero may kakaiba talaga e. May bigla akong narealize kaya .edyo nanlaki ang mga mata ko.
"Kilala mo ako?" Gulat kong tanong saka ko tinuro ang sarili ko. Ngumiti ulit siya.
"Ofcourse. Lagi mo akong kasama." Naguluhan ako sa sinabi niya. Ano daw?
"Ha? E bakit hindi kita nakikit---Multo ka? Waaaaa! May ghost! Huhu. Pero hindi kaya totoo ang ghost. Sino ka ba kasi?" Nakangusong tanong ko sa kanya.
"Saka na yan miss Feliz. Malalaman mo din. Ang importante ngayon ay maunahan mo si Master Fox sa pagpunta sa sala niya. 7:15 na kaya."
"Master Fox? Sino yun? Tsaka...Waaaaaa! 7:15 na? Huhu. Lagot ako. Sa kalsada na ako matutulog." Nagulat na lang ako nung bigla niya akong hilahin. At sa hindi ko malamang dahilan, pakiramdam ko, ang bilis namin? Parang kami si Flash. Ang galing!
E kasi nakita ko si Shin. Naglalakad pababa ng hagdan. At ngayon nilampasan na namin siya nang hindi kami nakikita. Para siyang nag-slow motion tapos kami yung mabilis gumalaw.
"Nandito na tayo." Dun ko lang napagtantong, nasa loob na pala kami ng maids room. At naalala ko na naman ang food. Huhu. Promise mamaya. Lahat ng makita kong food, kakainin ko. Lalamon ako mamaya.
Oo, lamon talaga kasi kanina pa nagwawala yung alaga ko sa tiyan.
"Bilisan mo na lang miss Feliz ha? Kelangan maunahan mo si Master Fox sa sala. Magbihis ka na." Tsaka siya lumabas ng pinto.
"Teka O-chan?" Pagbukas ko naman ng pinto, bigla siyang nawala.
Huh? Ano yun? Magic? Bigla siyang nawala e. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
Nanlaki bigla ang mata ko nung makitang pabungad si Shin kaya agad kong sinara ang pinto saka ini-lock. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Grabe. Akala ko mahuhuli na ako.
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang simulan ang pagbibihis.
***
Nang matapos ako magbihis, agad na akong lumabas ng pinto. Pero syempre, nagfi-feeling assassin na naman ako dahil sa naglalakad ako ng nakasandal sa wall ng bahay. Sneaking and checking if the coast is clear.
Buti na lang din talaga at may pabaon na extra wig si Vic. Nakasuot na siya sa 'kin ngayon. Kaya tuloy na tuloy ang pagpapanggap scene ko. Nakarating na ako sa dulong bahagi ng wall at saka sumilip kung may tao na ba sa sala.
Abot abot ang tuwa ko ng makitang wala pang tao dun. Thank you Lord! I love you very much. Mahal Mo talaga ako. Hehe.
"Sabi ko na nga ba, hindi din lang nasusunod mga sinasabi nung si Shintaro. Tinatakot lang ako ni Vic. Tsk." Bulong ko sa sarili habang nakasilip pa din sa sala.
"You're late!"
"Ay Shintaro ka!" Nagulat ako nung may biglang bumulyaw sa likod ko.
At dahil sa gulat, at siguro dahil sa boses na narinig, inaatake na naman ako ng kaba. Nakakatakot kasi yung boses niya. You know? At alam niyo na kung sino yung tinutukoy kong nakakatakot.
"He-he. Hello Shintaro?" Saka ako kumaway sa kanya nang magkaharap kami. Nakacross arms siya at naka nakaaimangot. Masama din ang tingin niya kaya napanguso na lang ako.
"What the fvck?! Quit calling me Shintaro. That's not my freaking name. Idiot! It's Shin Tyrone, you squirt." Huhu. Sumisigaw na naman siya. Hobby niya na ba yun? Ang grabe niya noh? Hindi na naawa sa tenga ko.
"E mas madaling bigkasin tsaka nakakalimutan ko e. Shintaro. Hehe." Pagdadahilan ko pa.
"Shin will do. Just quit calling me that weird name, squirt. Tsk. You mentally retarded idiot." Squirt na nga, mentally retarded pa. Tapos may idiot pa. E kung kutusan ko kaya siya? Hehe. Wag na lang. Baka sa labas ako patulugin nito.
Siya nga 'tong madaming itinatawag na pangalan sa akin e. Tapos unrelated pa sa name ko. Samantalang yung itinawag ko sa kanya, halos same lang ng name niya. Hmp.
"Dalian mo! Masyado kang mabagal. Pumunta ka na nga sa sala and I need to discuss to you my house rules."
"House rules? Bakit? Teacher ka na ba ngayon Shintaro? Asan yung mga students mo?" He frowned on what I said. Kaya ayun, nasigawan na naman ako. Grabe talaga siya.
***
Kanina pa siya dyan. Nahihilo na ako. He's pacing back and fort at pakiramdam ko, maya maya, magiging isang direksyon na lang ang galawan ng mata ko. Pacing back and fort na din. Umiling ako para matanggal ang pagkahilo ko habang nakahawak sa ulo.
"Kutong lupa," natigil ako sa ginagawa ko nung magsalita siya kaya napatingin ako sa kanya.
He's pinching the bridge of his nose na parang super stress na siya bago masamang tumingin sa 'kin kaya napalunok ako ng sarili kong laway dahil sa tensyon ng tingin niya. Kahit tingnan niya lang ako, nakakatakot na. Para kasing umaapoy yung mata niya at parang any time masusunog ako. Huhu.
"Listen squirt." Napanguso ako sa sinabi niya.
"Anong squirt? May name kaya ako!"
"Rule number one," he raise his index finger, indicating his first rule.
"Ayoko sa maingay."
"Ha? Ayaw mong maingay? So bawal huminga kasi may sound din yun? Tapos paano kapag maglalakad ako? Tapos pag kakain ng crunchy--"
"At ayoko ng madaldal."
"E ba't ka nagsasalita kung ayaw mo ng madal----"
"Rule number two," he then raise his middle finger after the other. "Wag kang magsasalita hanggang hindi ako natatapos at hindi ko sinasabi." Napanguso na lang ako. I need justice! Bakit bawal ako magsalita? Huhu. Ang sama sama niya talaga. Tiradurin ko ulo niya e.
"Naiintindihan mo ba?" Hindi ako nagsasalita. Sa iba kasi siya nakatingin. Baka hindi ako yung kausap, masigawan na naman ako.
"NAIINTINDIHAN MO BA?!" Napapitlag ako bigla sa kinauupuan ko nung bigla siyang sumigaw kaya agad akong napatingin sa kanya. Ang sama niya makatingin.
"Sagot!" Bulyaw niya ulit.
"E sabi mo wag akong sasagot kapag hindi mo sinasabi. Tas parang hindi ako yung kinakausap mo kaya---"
"Reasons. I hate those." Sinamaan ko na lang siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Hmp.
"Rule number three," raising his ring finger now after his middle finger. Hmp. Why does he need those rules e mabait naman ako.
"Since wala ng libre sa panahon ngayon, hindi libre ang pagtira mo dito. Gagawin mo lahat ng i-uutos ko. Naiintindihan mo ba, kutong lupa?"
"Bakit ba kutong lupa tawag mo sa 'kin ha, Shintaro?" Naiinis na'ng sabi ko. Hmp. Kasi naman e.
"Rule number one," Pagpapaalala niya at pinandilatan niya din ako ng mata. Ngumuso ulit ako. E di wag magsasalita.
"And I said, quit calling me that weird name!"
"E tinatawag mo din kaya ako sa hindi ko pangalan. Tapos magrereklamo ka kap---"
"Rule number two," okay, fine. Tatahimik na nga diba?
"Marunong ka ba magluto?" Napatingin ako sa kanya. Mukhang ako naman ang kausap niya kaya umiling ako.
"Rule number four," this time, he raised his pinky finger for the fourth rule.
"Wag na wag kang pupunta sa kusina. Baka masunog mo ang buong bahay ko. Ipapasunog kita pag nangyari yun."
"Saka ka lang makakapasok ng kusina kapag kukuha ng pagkain. You can eat, whatever you want." Biglang nagningning ang mga mata ko sa narinig. Para akong kandilang nilagyan ng apoy upang magliwanag. Waaaa~ Fooooood! Okay din pala ang pagtira ko dito. Hehe. Humanda kayo foods. Magtutuos tayo mamaya.
"JUST DON'T TOUCH THE CAKE. Nang walang pahintulot ko." Yung kaninang maliwanag na mood ko, ngayon nandilim bigla. Nalungkot. Naiiyak. Huhu. Bakit yung cake pa yung pinagbawal?
Yung favorite ko~ Ipinagkait na naman.
"Rule number five," raising his thumb and final finger from his right hand.
"Don't you dare enter the guess rooms. Except if I said so. You're not a guess here, so bawal ka matulog dun."
"And lastly, rule number six," ngayon ay nakataas na ang kanang kamay niya, kompleto ang limang daliri and he raised his left hand while his pinky finger was raised that indicates number six. "Wag na wag na wag na wag na wag kang papasok sa KWARTO ko! Naiintindihan mo? Kapag pumasok ka dun, hindi ka na makakalabas ng buhay." Napalunok ako sa sinabi niya. Banta yun hindi ba? Nakalimang 'huwag' siya e.
Tapos napansin ko din na nung sinabi niya yun, naging green yung mata niya. Nakatitig kasi ako sa kanya kanina. At parang may something na lungkot sa mga mata niya? I dunno. Not sure though.
"Are you listening?" Tumango tango naman ako.
Natigilan kami pareho nung biglang umepal ang tiyan ko. Napalakas ang pagpoprotesta kasi ang tagal tagal niyang dumaldal. Sabi niya ayaw niya sa madaldal tapos siya naman ang daldal ng daldal. Hayys. Kanina pa umiiyak yung tiyan ko at namamalimos ng pagkain. Huhu. Bigla tuloy akong nanghina nung makita ko pa yung oras. Gabi na. Hindi pa din ako kumakain. Hustisya sa mga tiyan na gutom!
Nakita ko namang umikot yung mata niya bago tumalikod sa 'kin at sinenyasan niya akong sumunod.
Pagdating ko sa kusina, halos tumalon ang mga bulate ko sa tuwa at halos maglaway ako sa dami ng pagkain sa mahabang hapag. Waaaa~ ang daming foods! May party ba? Huehue.
Agad kong sinunggaban yung pagkain saka kumuha ng tig iisang putahe. I don't know this foods.
I think these are Filipino foods kaya hindi ako familiar. At isa lang ang alam ko dito na paborito ko pa. Adobong madaming potatoes!
Nakaconcentrate ako habang lamon pa din ng lamon. Haha.
"Tss. Patay gutom." Yun lang ang narinig ko kay Shin. Kahit paano pala, may natitira ding kabutihan sa kalooban nitong nilalang na 'to.
I'm in the middle of eating when he said something that made me stop from eating and immediately turned my gaze to him.
"Two hours ago, you have a golden yellow color hair. But now, you just have the shade of it and with an over all light brown color." s**t! Napansin niya? Magkaiba kasi ng kulay yung wig ko kanina at ngayon.
"I just colored my hair kaya ako natagalan. Hehe." Palusot ko.
Nanghihinala pa din ang mga binabato niyang tingin sa 'kin. Parang hinuhuli niya ako kung magsisinungaling ba ako o ano.
Waaaaa! Vic, help me!