Chapter 11
Air Element and the Third Guardian
AIRON.
Kanina pa ako nabo-bobo. Por da pers taym! Naghawak ako ng libro at encyclopedia na nandito sa bookshelf dito sa sala ng bahay namin.
Potek! Kanina pa sumasakit ulo kong umintindi ng mga bagay na pinagsasabi nung matandang hilaw na 'yun. Putcha talaga!
+FLASHBACK+
Kanina pa ako nabo-bobo dito kung alam niyo lang.
E kanina pa kami nagtititigan nitong si Tanda e. Tsk. Mamumuti na mata ko kakatitig sa matanda niyang mukha.
Nakaupo lang ako sa gilid ng kama ko habang naka-indian sit. At siya, nasa harap ko. Nakatayo while his arms are crossed across his chest. Wengya! English! Na-no-nose bleed ako. Tanginang yan. Nakakahawa ata itsura ng matandang hilaw na 'to.
Para nga siyang tatay ko na nagawan ko ng kasalanan dahil sa itsura namin ngayon. Problema ba niya? Tapos pinoproblema ko din kung paano siya nakapasok dito sa kwarto ko. Sabi ng nanay ko, bawal magpapasok ng ibang taong hindi ko kilala.
Nako! Sinasabi ko na. Kapag ako hindi binilhan ng nanay ko ng bagong sapatos. Konyat di kalimot 'tong si Tanda sa 'kin.
Nagpapakabait nga ako e. Tas bigla siyang papasok sa eksena? Pusang gala diba?
Titig na titig siya sa 'kin na parang ino-obserbahan ako. Hindi ko din malaman kung napapangitan ba siya sa 'kin. Kung naliliitan---teka? Ba't nasali yun sa naiisip ko? Please lang! No talking about heights! Nasasaktan ang dwende.
Oo na! Ako na. Ako na ang dwende. E di kayo na ang matangkad. Ano?! Suntukan na lang oh! Haha.
"Airon Twain," natigilan ako nung banggitin niya ang buong pangalan ko. Kilala niya ako?
"Sino ka ba?" Naiinis nang sabi ko.
"Relax, kiddo. I won't harm you. I'm just here to help you understand what's going on with your appearance." Nose bleed! Shet!
Hoy! Naintindihan ko yun ah! Anong kala niyo sa 'kin? Bobo sa english? Hindi kaya. Pero wengya lang? Ayoko mag-english ngayon.
"I know you're still wondering who I am, right?" Tumawa siya ng mahina kahit walang nakakatawa. Baliw na siya.
"Sydney Richards. And nice meeting you, Mister Air Element Holder." Sobra talagang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Naintindihan niya siguro ang reaksyon ko kaya siya sumagot.
"Mister Twain, all that I'm going to say is true. So I need your cooperation to trust me." Hindi ako umimik, nakatingin lang ako sa kanya at naghihintay ng mga sasabihin niya. Gusto ko sumeryoso ngayon, wag kayong magulo. Haha.
"There are seven elements of the world. And you're holding one of those elements. That's the air element, and it's within you. Your a yokai that was classified under the demons, although you're a demon, you still have the duty of one of the guardians." Natigilan siya bigla at nag-isip sandali. Para siyang may biglang naalala sa ekspresyon ng mukha niya.
"I will just tell you a brief information about that elements. Then Gem will do the rest. I will only tell about your appearance." Sa sinabi niyang yun, bigla akong napatingin sa likod ko. Wengya! Kaya pala masakit at mabigat ang likod ko, tinutubuan pala ako ng pakpak.
Matutuwa na sana ako kung puti 'to. Kala ko angel na ako. Pero bakit itim? Fallen angel? Ganon? E sabi niya demonyo daw e.
Pinaglolo-loko ata ako nito ni Tanda e. Kahit loko loko ako, hindi ako masama, so bakit niya sinasabing demonyo ako? Tao kaya ako. Hindi ba halata?
Pero sa nakikita ko ngayon, parang naniniwala na ako sa mga maligno. Minamaligno na ako. Kaya siguro maliit ako. It's ampeyr! Sa lahat ng pwedeng ipagkait. Height pa!
At ngayon, hindi ko alam kung paano matatanggal 'tong pakpak ko. Tapyasin ko kaya? Pero feeling ko masakit, wag na lang.
"Still wondering why your wings did appear?" Naiinis na ang tenga kong nakakarinig ng english niya. Tsk.
"Because, those wings will only appear if the elements will be reacting when they encounter some negative or evil energy. At magpapakita lang ang lahat ng senyales ng pagiging isang yokai mo o guardian kapag nasa boundary ka ng shrine." Bigla tuloy umusok ang ilong ko nung marinig ko siyang magtagalog.
"Ba't di mo sinabi nagtatagalog ka pala? Pinasakit mo pa ulo ko at pinadugo ang tenga at ilong ko." Prostesta ko sa kanya kaya natawa siya. Napatayo kasi ako sa kinauupuan ko at nakaduro sa kanya. Okay, ako na mukhang tanga.
"Hahaha. I'm sorry. Nadala lang ako."
"Niloloko mo 'ko e tanda." Tumawa na naman siya. Sabi sa inyo, takas 'to sa mental. Baliw na talaga.
"Those wings, is part of you. A crow's wings. And to that, you are representing the crow's spirit that's within you." Ibinaba ko na yung kamay ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Crow ay uwak 'di ba?
"Sinasabi mong kalahating hayop ako hindi fallen angel?" Umiling iling siya na medyo natatawa. Tawa pa more. Tss.
"Nope. Haha. At hindi ka half animal. You have inside you the crow spirit. Kaya hindi ikaw mismo. That's only a small part of you. Because you're still a human being. Dapat hindi pa iyan lalabas kasi masyado pang maaga. Pero sa tingin ko, kaya napaaga ang paglabas niyan, napaaga din ang paglapit ng mga devils sa kanya at hindi magandang senyales 'yon." Sinong 'siya' ba ang tinutukoy niya? Ang hilig niya magpabitin. Gilitan ko na kaya 'to sa leeg? Grr.
"Makokontrol mo lang iyan nang maayos kapag tuluyan na kayong napagsama samang pito."
"Pito? Ang ibig mong sabihin--" Tumango siya.
"Yes Mister Twain. There are other elemental holders, that you'll be meeting soon. There are still six of them. You are the third guardian that we're looking for and be ready. Kelangan mong ihanda ang sarili mo kapag nakaharap mo si Gem. Dahil sa kanya mo malalaman ang lahat lahat. Ang buong pagkatao mo."
+END+
Ang g**o niya diba? So sa lagay ko pa palang 'to, may ikakaloko loko pa ako? Wahaha. Joke lang.
Pero seryoso? Talaga bang madami pa akong hindi alam tungkol sa sarili ko?
E si Mama kaya? May alam? Hindi ko sigurado. Masyadong O.A si Mama kung magreact, kapag sa mga bagay tungkol sa supernaturals. Nag eexid yung mga eksaktong nangyari. O.A nga diba? Haha. Pero kahit ganun, mahal ko siya 'no.
Sabi niya nga, kaya maliit ako, pinaglihi niya daw ako sa dwende. Tss. Pwede ba yun?
Grabe naman nanay ko. Hindi lang ako ganun katangkad na gaya ni Leonardo De Caprio na crush niya e. Dwende na agad? Sumbong ko siya kay Papa na ipinagpalit siya kay De Caprio e.
Hindi lang talaga ako katangkaran. Kaya lagi ako pinagkakamalang mas bata sa actual kong edad. Masakit man, kelangan tanggapin. Iyak na! Haha.
"Oh 'nak? Baka ma-over ka dyan. Ikakatangkad mo yan. Haha." Oh kitams. Diba? Ang suportib ng nanay ko. Number one sa pambubully sa 'kin.
"Ano ba iyang binabasa mo?" Saka niya kinuha yung binabasa kong book na hawak ko at saka niya pinasadahan ng tingin.
"Mama naman. Binubully mo na naman ang unico hijo mo. Ma, wag ganun." Pagbibiro ko sa kanya pero nagulat ako nung hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa book na hawak ko kanina.
Nakabuklat kasi sa page kung nasaan ang description ng Demons and Spirits na kasalukuyan kong binabasa bago niya kunin sa 'kin.
"Ma? May problema po ba?" Nagtatakang tanong ko. Hindi niya na naman ako sinagot.
Bakit kaya? Kadalasan kasi makikipaglokohan pa siya sa 'kin kapag kakaiba ang ginagawa ko sa mga nakasanayan kong ginagawa. Tulad ng pagbabasa'ng hindi ko ginagawa. Sabi ko nga, ngayon ko lang nahawakan ang mga libro sa book shelf namin.
"Ah anak. Halika oh. Merienda ka muna." Agad niyang iniabot sa 'kin ang libro saka biglang naging busy sa pagserve, kahit pa kaya ko naman pagsilbihan ang sarili ko.
"Sige anak. Aakyat lang si Mama. Bigla kasing sumama pakiramdam ko e." Tsaka siya tumayo nung matapos niya akong abutan ng sandwich.
"Ma? Okay ka lang?" Lumingon siya saka ako nginitian. Ngiting hindi abot mata.
Sa tanang buhay ko na nakasama ko si mama, ngayon palang ako nakakita ng plastic na pagngiti.
Parang nakaramdam ako ng awa kay mama dahil sa nakita ko.
"Ma? Inom ka pong gamot kung masama pakiramdam mo."
"Sige 'nak. Iinom si Mama." At saka siya tuluyang umalis.
Kanina ko pa napapansing naiiyak din siya. Oo O.A si mama pero bakit siya iiyak ngayon? Wala naman dapat iyakan diba?
"Your mom is involved." Nagulat ako nung may marinig na isang malalim na boses ng lalaki.
"She knows everything." And again. I heard that deep voice. It's not scary though, pero ang nakakatakot ay kung saan yun nanggagaling.
"Sino ka? Magpakita ka. Wag mo akong ginag*go." Naiinis na natatakot kong tanong. E kasi, hindi naman normal yung may boses pero mag-isa mo lang. Hindi naman ako naghahallucinate 'no.
At mas kinilabutan ako sa narinig nung magsalita ulit ang boses.
"I am you."