Chapter 12
Short Hair
FELIZ.
Kahit talaga sobrang gutom ako, natigil ako sa paglamon. Siya lang ang kauna unahang taong nakapagpatigil sa 'kin kumain.
Si Vic, Mama at Papa. Kahit anong gawin nila, hindi nila ako mapatigil sa pagkain kung nasimulan ko na.
Napatingala ako ng tingin sa kanya. Nakatayo siya sa harap ko, while his arms was crossed across his chest at nakatitig din sa 'kin na parang hinuhuli ako kung magsasabi ba ako ng totoo.
"He-he. Halika Shin. Kain tayo. Nagugutom ka siguro 'no?" Alok ko sa kanya.
"Thanks but no thanks. I don't need that. Are you hiding something from me?" Nanghihinalang sabi niya sa 'kin at todo iling naman ako at todo tanggi. Mahirap na kung mahuli niya ako. Baka 'tong pagkaing kinakain ko, ipagkait pa sa 'kin. Tapos ipaluwa yung mga nalunok ko na. Masakit sa tiyan na sumuka. Tapos manghihina ka pa. Baka mag-end up akong mamatay. Huhu.
"Speak!"
"Ay namatay ka!" Sa gulat ko dahil sa pagbulyaw niya ay naibulalas ko yung huli kong naisip. Kaya ngayon, nakatingin siya ng masama sa 'kin. Nag-peace naman ako kaya napaikot siya ng mata. Suplado talaga.
"Magsasalita ka o magsasalita ka? Sabihin mo kung ayaw mo mismo ako ang makadiskobre niyan. Hindi mo magugustuhan kapag ako mismo ang nakaalam niyan." What the? Is he threatening me? And that's not even a choice.
"Is that even a choice?" I pouted while saying that.
"Darn it. Are you gay?" Marahas akong napatingin sa kanya nung marinig kong sabihin niya ang salitang 'gay'.
"What? Are you insulting me?" Waaaa! Hindi pa ako tapos kumain e. Nagpoprotesta na naman yung mga bulate ko.
"Why do you keep on pouting? It's so irritating and it's so gay. Tsk. Don't tell me iyan ang tinatago mo sa 'kin? Na bakla ka? Ngayon pa lang, pinapalayas na kita! Layas!" Sigaw niya na naman kaya napapikit ako sa sobrang gulat. I cleared my throat before saying a word.
"Ehem. Dude! Walang ganyanan. Iniinsulto mo 'ko e. Kita mong may girlfriend ako tas sasabihin mong bakla ako? Huwag ganun dude." Sabi ko na mas pinababa ko pa yung boses ko para maging lalaking lalaki.
Pero waaaaaaa! Ang sama pa din ng tingin niya sa 'kin kaya napangiwi ako. Huhu. Ayaw ata maniwala. Atleast, natanggal yung topic about sa color ng wig ko.
Sinubukan kong wag siyang pansinin at kumain nalang, kaso nung pasubo na ako ng isang kutsarang kanin hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.
At ang sama pa din ng tingin niya. Para bang sinasabi niyang, 'Don't you dare eat.' Huhu. Kaya binaba ko na yung kutsara.
Napayuko na lang tuloy ako. At nadako ang tingin ko sa may basket ng fruits sa ibabaw ng table. Yung apple una kong nakita.
Dumampot ako ng apple, pero napatingin na naman ako sa kanya. Ayun, ibinalik ko ulit. With matching paawa. Malay mo maawa. Kaso wala talaga siyang pake kahit magutom ako.
"Waaaaaaa! Hayaan mo akong kumain! Please?" Since malapit siya sa 'kin, ay agad ko siyang nilapitan at napayakap sa bewang niya habang nakaluhod ako at nagmamakaawa.
"The hell are you doing? Get away from me, small runt!" Pilit niya akong inaalis sa pagkakakapit ko sa bewang niya pero hindi ako bumitaw.
"Get off me! Who told you to touch me?!" Pilit niyang ipinagtutulakan yung ulo ko pero dahil may lahi akong linta, ay hindi ako umaalis hanggang hindi niya ako hahayaan na kumain nang tahimik.
SHIN.
Fvck! Yung feeling na gusto mo nang pumatay ng tao dahil sa sobrang buwisit?
Tanginang kutong lupa na 'to. Talaga ngang may lahing kuto. Lakas makakapit. Dinaig pa ang linta. At wala naman akong sinasabing bawal siyang kumain ah?
I'm just asking for Pete's sake! Ugh. I'm starting to get annoyed again. Wala akong pake kung lamunin niya buong ref ko. Wag niya lang idamay ang cake ko. Papasakan ko talaga siya ng semento sa bibig kapag nangyari yun. Ayaw ako lubayan ng lintek! Ayaw na ayaw ko pa namang nahahawakan ako. Tsk.
Sa sobrang inis ko, napahawak ako sa buhok niya. At parehas kaming natigilan nung maramdaman kong parang biglang humiwalay yung buhok niya sa ulo niya.
Napatingin pa ako sa kanya ng nagtataka at maging siya ay nakatingin na din sa 'kin habang nakahawak pa din ako sa buhok niya. Hihilahin ko na sana nung bigla siyang tumayo at lumayo sa 'kin.
Something's weird on his head. And I'm not that idiot for me not to find out that he wears a wig.
Anong akala niya sa 'kin? Tanga? Na hindi ko malalamang wig yung buhok niya?
Ang ikinakapagtaka ko lang talaga, why is he wearing such a weird thing? Kalbo kaya siya? Tsss. I don't care anyway. All I care now is, why is he wearing a wig?
Kung kanina, grabe kung makadikit sa 'kin. Ngayon, ang layo layo niya na, na akala mo may nakakahawang sakit ako. At nakahawak sa ulo niya.
What the hell is this guy's problem? Hindi ko malaman kung ano ba talagang gusto niyang mangyari!
Lalo tuloy umiinit ang ulo ko sa kanya.
FELIZ.
Waaaaaa! Yung buhok ko. I mean yung wig ko. Nahawakan niya. Huhu.
Hala?! Nalaman niya kayang nakawig lang ako? Tas nalaman niya kayang babae ako? O my gas! This can't be happening.
Papalayasin niya na ba ako? E paano na yung pagkain ko? Hindi pa kaya ako natapos kumain. Huhu.
Magagalit sa 'kin si Vic kapag nalaman niya 'tong nangyari. Panigurado sisigawan na naman ako nun. Hindi ko nga alam kung sadyang palasigaw lang si Vic. Kasi parehas sila ni Shin e. Namamana kaya ang pagsigaw? Magpinsan sila e.
Hanggang ngayon nandito pa din ako nakaupo sa sulok habang nakahawak sa ulo ko. Naramdaman ko talagang umangat yung wig ko kanina.
I almost died in nervousness. s**t! Until now, my heart was still beating so fast.
He's looking at me irritably. Oh scratch that. He's glaring at me. Kung nakakasunog lang ang tingin, kanina pa ako sunog dito. Para kasing laging nag aapoy yung tingin niya.
Alam niyo, nagtataka din ako e. Kanina ko palang nakasama si Shin pero parang may weird sa kanya na hindi ko ma-explain. I mean, a weird feeling. Feeling of a strong bond connecting us. Bukod kasi kay Vic, nakaramdam din ako sa kanya ng ganun.
"What the fvck are you doing?!" He then asked in his loud voice. Dahil nasa sulok pa din ako at nakalayo sa kanya. Hindi naman ako bingi para sigawan niya e.
Sasagot na sana ako nung biglang mag-ring ang phone ko na nasa,
...lamesa! At malapit kay Shin. Hindi lang malapit. Actually, sa harap niya mismo. E ayoko lumapit. Mamaya hilahin niya na naman yung wig ko.
Napatingin siya sa nagriring kong phone, kumunot din yung noo niya. Nakita kong kukunin niya na ito kaya agad kong tinakbo ang three meters na layo ko at mabilis na inagaw ang phone na nasa lamesa saka mabilis tumakbo palayo. Buti na lang mabilis akong tumakbo.
Dederetso na sana ako sa may maids room para makipag chika chika kay Vic, oo si Vic. Nakita ko na yung screen ko matapos kong hablutin ang phone ko.
Ayun pala. Bago ako tuluyang makapasok sa maids room ay bumalik pa ako sa kusina at dumampot na ng madaming prutas para kainin mamaya kasi hindi nga ako pinatapos ni Shin e.
Ngumiti muna ako sa kanya bago tuluyang pumasok. He frowned on what I did.
Nainis ata sa pagngiti ko. Haha. Ang ganda kaya ng ngipin ko. Ah baka naiinggit siya kasi maganda ngipin ko. Siya pangit. Baka bungi siya o kaya one seat apart ang ngipin niya.
Pangit nga kaya ngipin niya? Hindi ko pa nakikita e. Hindi kasi ngumingiti. E kung kilitiin ko kaya siya? Haha. Magawa nga minsan. Gusto ko makita ngipin niya. Baka naman madaming tartar kaya ayaw ngumingiti? Yuck diba? Haha.
Feeling ko hindi naman ganun. Gwapo tas may tartar? Kaka-turn off. Wahahaha----
"Aww!" Daing ko nung mapahalik ako sa pinto ng kwarto ko. Hehe. Kwarto ko na siya. Dito na ako natutulog e. E kasi hindi ko nakitang nakasara pala yung pinto. Ang sakit ng nguso ko. Ang tanga kasi ng pinto! Agad na akong pumasok sa loob at sinagot ang tawag.
"Ba't ang tagal mong sagutin?!" Inilayo ko muna yung phone sa tenga ko tas ibinalik ko ulit. Ang ganda ng bungad sa 'kin 'no? Bulyaw agad.
"E kasi yung si Shintaro e."
"Sinong Shintaro?" Nagtatakang sabi niya.
"Hala? Hindi mo kilala? Si Shintaro na pinsan mo?"
"It's Shin Tyrone, Feliz! Not Shintaro!" Napanguso ako dahil pagpapaliwanagin niya na naman ako. E ipinaliwanag ko na yan dati.
"I know! Mas madali kong mabigkas pag ganun. Wag na madaming tanong. Ba't ka ba tumawag?"
"Wow ha? Kelan ka pa natutong magmataray? Dukutin ko mata mo!"
"Dali na. Sabihin mo na. Kakain pa ako oh. Di mo ba alam na nakakaistorbo ka?" Saka ako kumagat sa mansanas. Nilakasan ko pa ang pagnguya para marinig niya.
"Tsss. Oo na! Kelangan pinaparinig ang pag-nguya?" Hulaan ko, umikot na naman mata niyan. Mga three hundred sixty degrees.
"I have a good news though." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Feeling ko magiging everybody happy kapag nasabi niya na yung good news. Huehue.
"Remember those guys who are following you?"
"Oo. Bakit?" Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.
"Hindi na sila tumatambay dito sa labas ng bahay. Nawala na ata kasi alam nilang wala ka na dito." Siguradong sigurado niyang sabi.
"Vic? Di tayo sure. Malay mo babalik pa pala yung mga yun. Sabi mo nga sa 'kin. Too early to celebrate."
"Sabi ko nga. Oh ikaw? Ano balita dyan?" Sa tanong niyang iyon, lahat ng nangyari kanina ay pumasok agad sa utak ko saka nagsimulang magkwento.
***
"Ang tanga mo!" Naiinis na sabi niya sa kabilang linya.
"Aray! Grabe ka naman. Hmp. Tanga agad? Di ba pwedeng nagkataon lang?"
"E sino kasi may sabi sayong maligo ka sa guess room nang walang ibang dala kundi ang bathrobe? Kung hindi ka ba naman eng-eng." Hmp. Kasalanan ko pa? Dapat sisihin niya si Shin. Hindi man lang kasi i-check kung nagfa-function ba ng ayos lahat ng faucet. Medyo may pagkatanga din yun 'no? Kaltukan ko kaya minsan para matauhan? Hehe.
"Sino din kasi may sabi sayong lumapit ka sa kanya? Doble ingat sabi ko, hindi doble engot! Kita mo, ilang oras ka palang dyan dami mo na kapalpakan. Paano nalang sa mga susunod na araw at linggo? Talaga ngang palpak ka sa pinakapalpak."
"Kanina mo pa ako nilalait ah? Pwede bang magbigay ka ng mga dapat kong gawin para hindi na siya maghinala ng kung ano? 'Di yung dada ka ng dada, wala namang katuturan."
"Act manly din kasi. You're too childish for a guys' perspective. Tsaka tama si Shin, ang bakla ng laging ngumunguso. Mga girls lang kasi usual na gumagawa nun. Mga pa-cute." Nagpapacute ba ako? Hindi kaya. Napanguso na lang ako.
Pwe! Kainis. Ngumuso na naman ako. Tsk. 'Kay fine. I'll try not to pout again. Especially, I'm a guy right now. Need to act according to my gender I'm representing.
"Wag ka na mag-wig. Delikado pala. Paano na lang kung humangin ng malakas? O nagkamot ka tas natanggal." Ang O.A ha? Ganun na agad agad? Di ba pwedeng hindi lang maayos pagkakakabit?
"E di ano pala? Magpakalbo na ba ako?"
"Exactly!" Nanlaki ang mata ko sa kompirmasyon niya.
"Magpapakalbo ako? E ayaw ko ngang ipaiksi ang buhok ko tas kalbo pa?"
"No, I mean, you need to sacrifice your hair in this matter. Lalo pa't hindi natin alam ang pwedeng gawin ni Shin."
"Ano bang kaya niyang gawin?" I asked confused.
"Don't mention it. Just telling what's best for you. Until we're still unsure about those bastards following you."
"I advice you to cut your hair short. Know the consequences, bestfriend. Maybe this is the best thing you should do." Hindi ako nagsalita. Napaisip kasi ako sa sinabi niya ng bongga. Kung magpapa-cut ako, mawawala na ang long hair kong matagal kong inaalagan at pinahaba. Huhu. Kaiyak.
But when I'm thinking about the consequences of my long hair, baka nga hindi ko kayanin. Lalo na kung hindi ako makakakain. Mamamatay na ako!
So, should I cut my hair into a short hair? What do you think?