Chapter 13

1699 Words
Chapter 13 Nature Element and the Fifth Guardian REN. Almost all day, I spent my whole time infront of my laptop. Searching, browsing and reading some files and documents in google. Hindi lang laptop ang kaharap ko, kundi mga libro din. I'm at the veranda of our house, and I can see the lawn garden. Mas gusto ko dito dahil gustong gusto kong nakikita ang mga halaman namin sa garden. Believe it or not, ako ang nagtanim ng lahat ng laman ng garden. Especially the flowering plants. Because I love flowers. Err, don't you dare think that I'm a gay. I will gonna kick the hell your a*s if you dare say that infront of me. I can't see any info's and even in books, wala akong makitang ni isang description of what that old man just said to me yesterday. Naiinis ako dahil buong buhay ko, ngayon lang ako naguluhan ng ganito. Ang g*go lang. Tsk. +FLASHBACK+ Kanina pa ako naiinis dito sa matandang lalaking 'to. Na hindi ko alam kung paano nakapasok sa kwarto ko. At ang matindi. Hindi ko siya kilala. At ang kapal ng mukha. Pinapakealaman ang mga gamit ko tapos tatawa siya. Tss. Nakakainsulto. Yung totoo? Matanda ba talaga 'to? Potek. E ba't parang akala mo teenager kung umasta. "Sigurado ka bang ikaw si Renjie Tennyson?" "Kanina mo pa HO iyan tinatanong manong. Paulit ulit HO tayo e." In-emphasize ko talaga yung 'Ho' para ramdam niya. Napaikot ako ng mata dahil tumawa na naman siya. "Hindi pa din talaga ako makapaniwala. Akala ko, maling tao at lugar ang napuntahan ko. Haha. Hanggang ngayon, I'm still confused." He's insulting me. Alam kong sa itsura ko siya natatawa. Kasalanan ko bang ganto ang binigay sa 'king mukha? Lumapit na siya sa 'kin. Kanina kasi hinahalungkat niya yung drawers ko na madaming laman na curlers, plantsa ng buhok at blowers. Akala niya siguro akin yun. Sa magaling kong nanay yun 'no. Lumapit siya sa 'kin saka ako inobserbahan. Tumango tango pa ito. Saka niya ako pinatayo. Ayoko nga. Tsss. Sino nagsabing utusan niya ako? At dahil ayokong tumayo, nagulat na lang ako nung bigla niya akong hinila patayo. "Ano ba? Sabi ng--" Natigilan ako sa pagsasalita nung may hilahin siya sa bandang likuran ko. Putek! Masakit! "Fvck! Don't you know that it hurts?!" Sigaw ko saka siya tiningnan sa likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "The fvck?! Anong ginawa mo sa 'kin?" Natatakot na ako but I tried to compose myself not to be noticed. Pero parang hindi ko na kayang itago pa ang takot ko. "I know you're shocked about this. And at the same time. You're scared." "Based on your appearance right now, I can tell that you're the person I'm looking for. Akala ko talaga babae ka. Because you really look like a girl. And wala namang guardian na babae. Kaya nagdadalawang isip ako at paulit ulit kong tinatanong kung ikaw ba si Mister Tennyson." "What are you talking about? What's that guardian thingy?" Hindi pa din ako makahupa sa nakita kong tumubo sa likod ko. Imagine, ano magiging reaksyon mo kung tinubuan ka ng buntot? Sige nga!? "Dideretsuhin na kita Mister Tennyson. You're a guardian. The guardian of the forest. A holder of the nature element. And you're the fifth guardian." What kind of s**t is this? Niloloko niya ako, right? Baka isang masamang panaginip lang 'to. Itong tenga ng hindi ko malamang hayop na tumubo sa ulo ko. Ang pagiging kulay itim ng buhok kong kulay blonde. At ang malala, ang pagtubo ng buntot kong kulay itim na mabalahibo. Ang samang panaginip hindi ba? Kung kayo ba ang tinubuan ng mga kakaibang bagay sa katawan, matutuwa kayo? Siyempre hindi. "Wala akong naiintindihan. At ano bang sinasabi mo? You're telling me that I'm different from any other humans? Sinasabi mong abnormal ako? Na alien ako na nanggaling sa ibang planeta? Ha? Tell me the truth!" Naiinis na may halong takot ang nararamdaman ko. "I'm telling you the truth kiddo. And that's not all. I'm just telling you a brief info's about your true self. Baka kapag nalaman mo yung pinakamalalim na rason, mas lalong hindi mo matanggap." Hindi ako umimik. Imbes ay napayuko lang. Walang gustong tanggapin ang utak ko sa mga sinasabi niyang kahibangan. "You're a yokai kid. An evil spirit, classifying under demons who has a duty of a guardian. Sounds weird, but yes. You're a demon at the same time a guardian. You represent the spirit of the black wolf because you're the guardian of the forest. That's why you have those. The ears, your black hair color that should be blonde. And your tail. A tail that a black wolf owns. Hindi ka pa kompleto. And I believed that soon, lalabas na ang lahat ng signs ng pagiging guardian mo." Nakatitig lang ako sa kanya. Nakatitig na may sobrang pagtataka sa mukha. "Dapat 'yang mga signs na yan, hindi pa lalabas hanggang hindi kayo napupunta sa mismong boundary ng shrine. And I think, kaya nagsilabasan lahat ng signs sa 'yo, and also on the other guardians ng masyadong maaga, because the elements connecting all of you that's inside her reacted because of the evil energy near her. So that means, you need to find and protect her from the devils that she already encountered. And she really is in danger. " "Who's this 'she' you're talking about now? Mister I don't know who." I sarcastically said. But then again, he giggled. Kanina pa siya ha? Ganto na ba ang mga matatanda this days? Sabagay, di na ako magtataka. Ganyan din kasi nanay ko e. "I forgot to introduce myself. By the way, I'm Frank White. And it's a pleasure to meet the Fifth and the Forest Guardian and the Nature Element holder." Kahit papaano, medyo nagsisink in na sa akin yung mga sinasabi niya. Pero mahirap tanggapin. "So, about the she? Who's that?" "You'll know soon kid. Gem will explain all to you. About the element you're holding and the 'she' I'm talking about. It's not my part though. Just telling you your real identity. I mean, the small part of your identity. And I'm hoping, that you'll all become a better guardian than the last generation of guardians." "You need to protect her. Kahit anong mangyare. Treat her as precious as a Gem Stone." +END+ That last words he just said really stick in my mind. I keep on analyzing what's the meaning of that. But hell, nagkabali-baliktad at nagkanda unat unat na yung kulot ng utak ko, wala pa din akong makuhang sagot tungkol sa 'she' at sa precious stone na sinasabi niya. Sino ba yun? I'm not even interested in girls though. I don't feel them. Masyado kasi silang maarte. At ayaw ko sa mga ganun. Nakapangalumbaba na ako sa may mesa habang tamad na tamad nang nakaharap sa laptop ko at scroll lang ng scroll. Until I saw a description that definitely caught my attention about the Elements and Guardians. Iki-click ko na sana siya kaso... "Hi baby ko? Mommy's here! I have something for you dear." "Ma? Why did you close my laptop? I'm searching something important here." Nakatingin ako sa kanya habang isa isa niyang pinaglalabas ang mga binili niya. She closed my laptop kaya hindi ko nabasa. "Hay naku baby ko. Mas mahalaga pa ba yan kesa sa mommy mo?" Hindi nakatinging sabi niya. "Look baby Ren. I bought so many facial products. And a hair treatment for you. Sayang naman kung papangit yang hair mo. Tapos gusto ko alaga din ang skin ng baby ko." Nilalapag niya na sa may mesa yung mga bb creams, sunblock, facial wash, facial cleanser, lotion. Napabuntong hininga ako dahil sa ginagawa niya. Until now ata she's still treating me as her daughter even though alam niyang boy ako. Well, gustong gusto niya kasi magkaanak ng girl. Kaya siguro ganto ang naging itsura ko. Isang lalaking may babaeng mukha. That only means kamukha ko si Mommy ko. Now you know. Mas mukhang babae pa sa tunay na babae. Tsk. Kaya minsan, hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil may maganda akong mukha o mainis dahil hindi naman ayon sa gender ko ang mukhang binigay sa 'kin. Tss. "Mom? Later na lang po yan. I really need to make a research about this thing I'm doing." Napatigil siya sa paglalagay ng kung ano anong anik anik sa may mesa at tumingin sa akin. "E anak, summer vacation, bakit ka nag-aaral dyan. Excited ka na ba pumasok?" Nagbiro pa siya. Seryoso kaya ako. "Mom? I'm serious here." Ngumiti lang siya sa 'kin saka agad tumabi sa 'kin at iniangat yung screen ng laptop ko. "Bakit baby, ano ba 'yang sinesearch mong mas mahalaga pa kay Mommy ha?" Nakangiti at natatawa pang sabi niya. Tanggapin niyo ng ganyan na ang generation ng mga matatanda ngayon. Mas bata na sila umasta sa 'ting mga fifteen years old. Napapailing na lang ako dahil dun. "Alam mo na?" Natigilan ako sa sinabi niya, napatingin pa ako sa kanya at sa screen ng laptop. Na-click na pala yung dapat na iki-click ko kanina. Nung tumingin ako para sana basahin yung contents nun, kaso biglang binaba ni Mommy yung screen ng laptop at inilayo sa 'kin. "Ma? Give me that." Nakatayo na siya at hawak pa din yung laptop ko. Lumayo siya sa 'kin. Ano na naman kayang problema nito ni Mommy? Sinusumpong na naman kaya ng pagiging childish niya? "Dyan ka lang anak. Hindi ko 'to ibibigay hanggang hindi mo pa alam ang buong katotohanan." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "Ano po ma? Anong sinasabing mong totoo?" Parang nagulat siya sa tinanong ko. Alam ko na nga ang totoo diba? Na I'm not a normal human. "Ma? Alam ko na po---" Napatigil ako nung maalalang hindi nga pala niya alam na nagtransform akong half wolf. Kaya hindi ko dapat sabihin. Baka magulat siya. Pero ano kaya yung sinasabi niyang totoo? This time, mas lalo akong naguluhan sa mga sumunod niyang sinabi. "Wala ka pang alam anak. You still have to meet her and she will tell you everything." What the? May alam si Mommy?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD