Chapter 14

2017 Words
Chapter 14 Freedom and Slavery FELIZ. Nakatulala ako at lumilipad ang utak. Iniisip ang mga posibilidad kung anong mga pwedeng mangyari kapag nalaman niyang babae ako at niloloko ko siya. Hala? Baka ipatapon ako nun pabalik sa California? Huwag muna please? Nag-eenjoy pa ako dito sa Philippines e. O kaya, ipatapon ako sa imbakan ng basura? O kaya sa kanal? Tapos magiging taong kalye na ako. Kasi mawawala ako, tapos pagkakamalan akong baliw dahil magmumukha na akong dugyot? Tapos hindi na ako makaka-kain ng madaming foods. Hindi na ako sisikatan ng araw kapag hindi ako napakain. No! Ayoko! Napailing iling ako sa naisip ko. Kelangan makaisip ako ng paraan para mag-stay pa ako dito. Kung bakit kasi kelangan ko pa magtago e. Nakatitig din ako sa wig ko na kaharap ko ngayon. Kaya malayang nakalugay ang mahaba kong buhok. Naguguluhan na ako kung ipapagupit ko ba 'tong buhok ko. E one month na lang naman ako dito sa Pilipinas, so why bother to cut my hair? Right? Pero baka hindi na ako abutan ng tatlong araw dito. Lalo pa't sobrang clumsy ko nga na sabi ni Vic at hindi marunong mag ingat. Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko sa kama ko nung biglang mag-ring ang phone ko. Hindi nga ako sanay ng maliit na kama e. And small room space. Makalat kasi talaga ako. Hindi ko din alam kung bakit ang konti lang ng gamit ko, e parang ang dami kasi nagkalat sa buong kwarto. Napatingin naman ako agad sa cellphone kong nasa harap ko din. Sinilip ko yung caller I.D if who could that be. My forehead automatically creased upon seeing the name of the caller. Dinampot ko ang phone ko habang nagriring. Hindi ko din mapag isipan kung sasagutin ko ba o i-rereject. Ireject ko na lang kaya? "Fvck!?" I hissed upon realizing that I swipe the wrong key. s**t! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at kaisipang nasagot ko yung tawag. Waaaa! Ang engot ko talaga! Unti unti kong inilapit ang phone sa tenga ko at pinakinggan kung ano ang sasabihin ng kabilang linya. "Feliz~!" Ee? Anyare sa nanay ko? Oo, si mama yung tumatawag. "Ma? What's this insanity again? Are you gonna lecture me again? Well mother, I'm not in the mood. Can we just talk later?" Kalmado pero wala sa sarili kong sagot. "Feliz~!" Problema ba ni Mother? Makatili wagas. Dinaig pa ako. "I'm gonna tell you a good news na siguradong ikatutuwa mo, dear." Napakunot ulit ako ng noo. "Then what is it, Mom? Be sure that it is a good news. Kundi, hindi na ako babalik dyan." "Feliz baby. Talagang hindi ka na babalik dito." Ano daw? Hindi na ako babalik? Hala? Seryoso ba 'yun? Pinapalayas na nila ako dahil ayaw na nila sa akin? "Ma? Joke lang po yun. Babalik na po ako dyan. Bukas na bukas din. Promise. Hindi na po ako magiging pasaway." Nagtaka naman ako nung tumawa siya sa kabilang linya. "Baby ko, hindi ka namin pinapalayas. What I mean is, okay na kami ng Papa mo na mag-stay ka dyan. And wala na 'yung mga butlers mo na sumusunod sayo. I told them to stop following you." Halos mapalundag ako sa tuwa nung sabihin niyang wala ng susunod sa akin kahit saan ako magpunta. "Talaga Ma? Waaaa~ I love you! Pero, ano po 'yung sinasabi niyong mag-i-stay ako dito?" "You're going to stay there. Nang matagalan. You're going to finish you're junior and senior high there. And after you finished your duty." Masayang masaya niyang sabi. "Ano pong duty? May trabaho po ba akong papasukan dito? Ma?! Don't tell me self-support na ako? Babalik na lang po ako dyan kung ganun." Nakangusong sabi ko kahit hindi niya ako nakikita. Kaya natawa na naman siya. "Feliz dear, that's not what I meant. Soon baby. You will know it. Dyan ka na namin pag-aaralin. So behave okay?" "But why so sudden? Nakakapagtaka naman po ata?" "Basta baby. Mag-iingat ka dyan ha? Behave ka kung ayaw mong palayasin ka dyan. Panatag na ako dahil nasa mabuting kamay ka ngayon. At naniniwala akong ligtas ka sa kanya. Sige baby, I love you. Take care always." "Pero ma---" *toot.toot.toot.toot* Okay? Nice talking. Siya naman ang nambaba ng tawag. Ano na naman ba ang sinasabi ni Mama? Tsaka anong mabuting kamay? Kay Shin? Parang hindi nga e. Naalala ko na naman yung pagpapalayas niya sa 'kin. Nagulat ako at nalaglag sa kama nang dahil sa malakas na kalampag ng pintuan ko. "Ouch!" Ansakit. Agad naman akong tumayo nung sunod sunod na naman ang pagkalampag ng pintuan. Si Shin ba 'yun? Hala? Galit na naman siya. Patuloy pa din ito sa pagkalampag na akala mo masisira na yung pintuan. "Wait----" Natigilan ako sa paglalakad papuntang pinto nang marealize kong hindi ko suot yung wig ko. Agad naman akong napalibot ng tingin para hanapin yung wig at buti na lang malapit sa 'kin. Pero s**t! Ang hirap ilagay. Sa haba ba naman ng buhok ko. "OPEN THE GODDAMN DOOR, SMALL RUNT!" Bulyaw niya na sa may labas ng pinto at mas lalo pang lumakas ang pagkalampag nito na mas lalo kong ikinataranta. "s**t. s**t. Shit." Hindi ko maikabit yung wig ko. Waaaaa! Nakita ko yung kumot ko kaya agad ko itong binuklat at saka isinaklob sa ulo ko para takpan yung mahaba kong buhok. Mabilis akong napatakbo sa may pinto. At kung minamalas ka nga naman. Huhu. Nadapa pa ako. Feeling ko tuloy may mga pasa na ako sa katawan dahil kanina pa ako naibabalibag. Agad agad akong tumayo para pagbuksan ng pinto si Shin. "What the fvck are you doing? Ba't ang tagal mong buksan ang pinto? Ayaw na ayaw kong naghihintay!" Sigaw niya na naman nung pagbukas ko ng pinto habang hingal na hingal pa din ako sa pagmamadali. Ngunguso na naman sana ako dahil nakakainis ang pagiging mainipin niya kaso naalala kong magagalit na naman siya at baka hilahin niya na yung nguso ko kapag nagkataon. Masakit kaya 'yun. Yung inis na ekspresyon niya ay biglang napalitan ng pagtataka. Na ikinapagtaka ko din. "Why are you looking at me like that?" Maangas kong tanong. Syempre lalaki nga ako diba? Bawal lalamya lamya. Baka makahalata na naman siya. "What the hell's on your head? Para kang tanga. Tss." Umirap na naman siya. Nakapatong nga kasi yung kumot sa ulo ko at mukha ko lang ang nakikita. Yung mala Mama Mary na may belo. Hehe. "The hell you care." Oh diba? Taray?! Ehem, I mean ang ANGAS! "Bakit ka ba nandito?" Tanong ko. "Sino nagsabing sumagot ka ng ganyan? Baka gusto mong matulog sa labas ngayong gabi?" Hindi ko na napigilan ang pag-nguso. Ang mean niya kasi. "E ano ba kasi yun? Maka-kalampag ka naman kasi, parang wawasakin mo na yung pinto e." Sinamaan niya lang ako ng tingin. "Gumising ka ng maaga bukas. Madami kang gagawin." Saka siya tumalikod at naglakad na palayo. Yun lang yun? Kung maka-kalampag, akala mo may sunog na. "Kapag hindi ka nagising ng six bukas, hihilahin kita palabas ng bahay ko." Kainis talaga 'yun. Panakot niya yung wala akong titirhan. Huhu. Kung hindi lang talaga ako gugutumin, nako! Lalayas ako dito. Lalo pa ngayon at free na ako sa mga butlers na pinadala ni Mother Earth ko. Ipabaon niya yung ref niya, aalis ako. Hehe. Sinara ko na din agad yung pinto at saka napadausdos nalang sa sahig at huminga ng malalim. Dahil sa totoo lang? Grabe ang kaba ko kanina nung kaharap ko siya. Akala ko mabibisto na naman ako. Shit lang talaga! Ngayon, final na ang decision ko. Since mag-i-stay na ako dito sa Philippines ng matagal, at nandito na din naman ako nakatira sa lalaking may phobia sa babae. Siya siguro bakla, takot sa babae e. I really need to sacrifice my hardship. Charot. Hardship? Haha. Syempre, ang hard kaya magpahaba ng buhok. Pero I need to. Maybe ayain ko na lang si Vic. Hehe. Oo, ipapaputol ko na kahit masakit sa loob ko. SHIN. Matagal ko ng napapansin. Something's weird in him. Parang may malaki siyang sikretong tinatago na hindi ko pwedeng malaman. Malakas ang pakiramdam ko kapag mga ganyang bagay. Well, I'll just observe until I'll find out what that is. But I don't know, kung namamalik mata lang ba ako o totoo. He really do look like a girl in some angles. But fvck! Hindi yun pwedeng mangyari! I hate females not related to me. That's all. So don't you dare come near me. Kahit babae, papatulan ko. Putcha! Ba't ba puro tungkol sa babae sinasabi ko? Tsk. Just saying, baka isipin niyo I'm a gay. And you're wrong if you think of me as that. I will not hesitate to place you ten feet under the ground if you said that. *** Kainis. Six na, hindi pa din nagpapakita yung kutong lupa na yun. And again, he's late! Hindi niya ba alam na mahalaga ang bawat segundo ng oras ko? At dahil nga ayokong naghihintay at lahat ng oras ay mahalaga, I need to let this small runt do his job on time. And punish him whenever he commits mistake. Para matuto. FELIZ. "HOY!? KUTONG LUPA. BUMANGON KA NA NGA DYAN. MADAMI KA PANG GAGAWIN. TUMAYO KA DYAN KUNG AYAW MONG KALADKARIN KITA PALABAS NG BAHAY KO." Naalimpungatan ako sa narinig kong ingay. Ano ba 'yun? "KAPAG DI KA BUMANGON DYAN, HINDI KITA PAKAKAININ NG AGAHAN." Agad akong napabalikwas sa narinig kong sinabi ng boses. Akala ko nananaginip ako. Totoo pala. Huhu. "Five minutes. Fix yourself. Bumaba ka sa may veranda. At may naghihintay sayo dun. BILISAN MO!" Saka siya tuluyang umalis. Bakit kelangan laging bulyaw? Gravity lang? Bingi na ata ako e. Teka? Paano yun nakapasok dito? Ugh! I forgot to lock the door. Tsk. Nanlaki ang mga mata ko nung maalala ang buhok ko kaya agad ko itong kinapa. I felt a sudden relief when I realize that my hair was not freely lying at my shoulders. Natulugan ko pala ang pagkakabit ng wig. *** Grabe na 'to! Iyak tawa ako ngayon. Huhu. May hawak kasi akong malaking gunting na pinanti-tream sa grass. May machine naman kung bakit ayaw niya ipagamit sa 'kin. Gusto daw niya mano mano para daw alam ko. Hindi ko naman alam na nag-apply pala ako bilang maid nitong si Shintaro. Pangatlong gawain ko na nga 'to e. Una kasi, nagbuhat ako ng madaming madaming madaming malalaking bato. Ilalagay daw sa garden. Pati pinagdilig niya ako ng mga halaman at nagbunot ng mga masasamang d**o, parang siya. Tapos siya, ayun, paupo upo lang. Pabasa basa ng maliit niyang libro. Kumakain pa. Samantalang ako, kelangan munang tapusin lahat bago kumain. May freedom nga ako sa parents ko. s*****y naman kay Shin ang labas ko. Wala din! Umuwi na lang sana ako. Huhu. Tas sabi niya pa, pupunasan ko daw lahat ng alikabok ng mga cabinets and floorings. Ang saklap ng life ko dito. "O ano? Tutunganga ka lang dyan? Hindi yan magkukusang gumalaw para matanggal. Tss." Sabi niyang nakatingin pa din sa book habang umiinom ng juice. Nang-inggit pa. Kainis! Tsaka grabe siya. May lahi ata siyang pinya. May mata sa gilid ng ulo at nakikita kung ano ang ginagawa ko. "Shintarooo~ gutom na ako! Huhu. Please, charge muna. I need some fuel for me to work again." Nagpapaawa ako baka sakali. BAKA lang naman. Hehe. Napatingin siya sa 'kin. Tingin lang. Walang salita. Effective kaya yung paawa effect ko? At dahil nakatitig siya sa 'kin, feeling ko naman naawa na siya. "The hell I care." Sabay balik sa binabasa niyang libro. "Waaaaa~ Shin! Please!? I need to be recharge." Hindi niya din ako pinapansin. Kaltukan ko kaya 'to? Natigilan ako sa pag-eemote nung may maramdamang kakaibang enerhiya. Automatic akong napatingin sa gawi ni Shin, hindi ko din alam kung bakit. Baka kasi naramdaman niya din yung naramadaman ko. Baka lang naman. At hindi ko inasahang tumingin din siya sa gawi ko. Nagkatinginan kami dahil dun. Napakunot noo pang parehas saka luminga linga. Ano yung enerhiyang iyon? I feel a little pain in my head. It's a familiar energy, coming from... ...the underground.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD