Chapter 15
Wildlife Element and the Sixth Guardian
LUIGI.
Kahit na nagbabasa ako ng mga poetry na paborito kong binabasa, ay hindi ko ito maintindihan.
Kahit anong pilit kong intindihin, wala pa din talaga. Ang tanging laman kasi ng isip ko ay yung sinabi ni Mister Atkinson kahapon sa 'kin.
Magulo at mahirap intindihin, pero pilit ko siyang iniintindi. Hindi ko nga din sinabi kay Mama yun, kahit na gustong gusto ko ng sabihin sa kanya. Kasi lahat ng bagay na hindi ko maintindihan, kay Mama ko lahat sinasabi. Tapos ipapaliwanag niya sa 'kin.
Pero yung tungkol lang sa nangyari sa 'kin kahapon ang hindi ko sinabi. Baka kasi hindi niya ako maintindihan.
Sabi din kasi ni Mister Atkinson, huwag na huwag ko daw ipagsasabi yun.
At dahil hindi na nga ako makatiis sa gumugulo sa isip ko ay agad akong nagtungo sa isa sa mga book shelf sa kwarto ko. Dumampot ako ng book about yokai, spirits and guardians.
+FLASHBACK+
"Luigi Lawliet." Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nakayuko kasi ako kanina.
"P-po? Kilala niyo po ako?" Ngumiti lang siya saka tumango. Magkaharap kasi kami ngayon. Siya nakaupo sa swivel chair ng computer ko habang nakadekwatro ang mga binti at naka-ekis ang braso sa may tapat ng dibdib saka siya nakatingin ng deretso sa 'kin at ako naman ay nasa may dulo ng kama ko tahimik na nakaupo. Kinakabahan at nanginginig sa takot.
"There's nothing to be afraid of kid. Just relax. Hindi ako masamang tao. By the way, I'm Ver Atkinson. It's a pleasure to meet the new holder of the wildlife element." Hindi ko siya maintindihan. Ano yung sinasabi niya?
Hindi ako umimik. Imbes ay nakatingin lang ako sa kanya. Bigla naman siyang tumawa.
"Stop staring at me that way. Para mo akong pinagsusupetsahan na hindi ko maintindihan. Haha. Alam kong hindi mo maintindihan lahat ng mga sinabi ko pero later on. Maiintindihan mo din siya kapag nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. And if may gusto kang linawin at hindi pa din naintindihan, feel free to ask me. Are we okay with that?" Hindi man sigurado ay tumango na lang din ako.
"So? Are you ready to listen to me? Please be open minded okay? I really need to tell you this as soon as possible. Because of that," napatingin naman ako sa tinuro niya. Dun ko napagtantong, hindi pa din pala natatanggal ang mga tumubo sa 'kin kanina.
"A-ah, ano po bang nangyari sa 'kin? Bakit po ako may ganito? Kinukulam po ba ako? O isinumpa?" Kinakabahang tanong ko pero tumawa na naman siya kaya parang mas lalo akong na-down kasi pakiramdam ko ay hindi siya mapagkakatiwalaan.
"No. No. No. Masyadong malawak ang imagination mo hijo. Actually, kaya may ganyan ka sa katawan ay dahil isa kang Guardian. The Sixth Guardian who will be protecting something very precious to the world. To each and everyone. To every living things here on earth."
"Wait. Masyado na akong nag-exid sa limitation ng info's na dapat kong sabihin. Hindi dapat yun ang sinasabi ko." Nag-isip ito saglit saka nagpatuloy sa pagsasalita.
"I'm not responsible in explaining your duties. I'll just explain the reason why your appearance change." Napatingin ulit ako sa may braso kong may mga makakapal na balahibo ng kung ano mang hayop. Pati kuko ko, actually I feel a little bit scared about my nails. It is a sharp nails.
"Don't be afraid Luigi. It's just a bit part of you. Hindi pa yan lahat lumalabas." Sa sinabi ni Mister Atkinson na 'yun ay agad akong napatingin sa kanya. Full of confusion, doubts and anxiety. Mas lalo din akong natakot kasi sabi niya, hindi pa daw ito lumalabas lahat. That means, may mga kasunod pa?
"Luigi, all that I'm going to say are true. Please, try to understand it kid. Kahit alam kong mahirap. But you need to." Huminga ako ng malalim para kahit kaunti ay maibsan ang kabang nararamdaman ko. Iniisip ko din kung dapat ko na ba siyang paglatiwalaan kahit na hindi ko siya kilala? Kasi ang sabi ni mama na huwag daw basta basta magtitiwala sa mga bagong kilala.
Napapikit ako at napabuga ng hangin bago tumingin ulit sa kanya at saka tumango na lang. I guess I could atleast give him a little bit of chance?
"Now Luigi, listen carefully. You're the Sixth Guardian. Uulitin ko. Yes, you're the sixth one. You are all seven element holders. Therefore, there are still six that we still need to find. And you're the wildlife element holder. You represent the King of the Wild. The spirit of the Lion King. Who is full of courageousness." Magulo. Oo, at mahirap intindihin. Na ni isa sa mga sinabi niya, walang mag-sink in sa akin.
"At yung sa tanong mo kung bakit may ganyan kang tumubo ngayon sa katawan? Actually, dapat hindi pa iyan lalabas e. I'm going to answer that question of yours. Iyang mga balahibong iyan sa braso mo ay balahibo ng Lion. The sharp nails, owned by the Lion. Also you're fangs. It's a Lion's sharp teeth. Hindi pa kompleto ang appearance mo. Pero lalabas din yan pagdating ng tamang panahon. Dapat nga lalabas lang ang mga senyales ng pagiging guardian mo kapag nasa may boundary lang kayo ng shrine at kung nasa panganib siya." Napatawa siya saka umiling. Wala naman akong nakikitang nakakatawa.
"Ang hirap naman magpaliwanag ng brief lang ang kailangan sabihin. Haha. Pero don't worry, in the coming days malalaman mo din ang lahat." He cleared his throat then speak again.
"I think the elements, your elements that was inside her was threatened by some devil's energy, that's why it reacted and those signs of yours appeared. Dapat ngayon na pinapahanap kayo ay hindi pa iyan magpapakita. Hayy, nakakapagod naman 'tong pinapagawa ni Gem." Saka siya napakamot sa ulo niya.
"Kid? You understand the other half of you? That half of you, I mean, inside of you was a yokai? In laymans term, an evil spirit that was classified into a demon with a guardian's responsibility?" Hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung dapat ba akong tumango o umiling. Dahil ang totoo niyan, patuloy ko pa ding inaanalisa lahat ng sinabi niya.
"A-ahh, hehe. Opo."
+END+
Kahit pa parang hindi ako sang-ayon o kumbinsido sa mga sinabi ni Mister Atkinson sa akin, parang there's a part of me that really want to know what does he really mean.
I need an explanation to all of this. Maybe I can just ask mama? Kung magtanong man siya, sabihin ko na lang na nabasa ko. Hayy ano ba 'yan, kelangan ko pang magsinungaling para lang dun.
Agad akong nagtungo sa pinto ng kwarto ko at lumabas dala ang tatlong librong nakita ko kanina. Naabutan ko si Mama na nagluluto sa kusina para sa dinner namin.
"Mama?" Tawag ko sa kanya pagkabungad ko sa kusina habang dala ko pa din ang mga libro medyo may kakapalan. Lumingon naman siya habang may hawak pang sandok saka ngumiti sa 'kin.
"Lui? Gutom ka na ba? Sandali na lang ito anak. Maupo ka na dyan at kapag naluto na ito, kakain na tayo." Tapos bumalik na siya sa ginagawa niya.
Umupo na din ako sa may dining table na kasabay ng paglapag ko ng mga librong hawak ko.
"Late makakauwi si Papa kaya hindi na natin siya makakasabay." Pagpapatuloy niya sa pagsasalita. Hindi naman ako sumagot kaya napalingon siya sa 'kin.
"Lui? May problema ba anak?" Ngumiti ako saka umiling. Pinatay niya muna yung shellane at ibinaba ang hawak na sandok bago tuluyang umupo sa katapat ko.
"O ba't may dala kang libro dito? Summer break palang. Nag-aaral ka na agad? Excited ka na bang pumasok sa Junior High?" Natatawa niyang tanong kaya napakamot ako sa batok ko.
"E ano ba itong mga binabasa mo? Kelan ka pa nahilig sa greek gods and goddesses? Naalala ko tuloy nung araw, paborito ko din ito e." Habang binubuklat buklat niya ang pahina ng librong hawak niya.
"Ma?"
"Hmm?" Sagot niya habang naglilipat pa din ng pahina ng libro.
"Meron po ba talagang wildlife element at ano po ba ang duty ng mga guardians?" Hindi ko alam kung paano, pero biglang nabitawan ni Mama yung hawak niyang libro at dire-diretsong bumagsak sa sahig kaya agad niya itong pinulot pero nabagsak niya ulit.
"Ma? Ayos ka lang po ba?" Matara-taranta niyang inilapag ang libro sa mesa at agad tinungo ang kaninang niluluto.
"Kain na tayo 'nak. Gutom ka na siguro." Nagtataka lang ako kung bakit biglang nataranta si Mama. Ang alam ko nga magtatanong siya kung bakit ko yun tinatanong pero bakit wala siyang response?