Chapter 16

2903 Words
Chapter 16 Goodbye Feliz, Hello Philip FELIZ. That energy. It feels so familiar to me. Pero ano yun? Naramdaman din kaya ni Shin yung energy na yun? Napatingin siya sa 'kin e. "Shin!? Shin!? Shin?!" Tumatakbo ako palapit na akala mo nasunugan sa pagtawag ko ng pangalan niya. Malayo kasi siya sa 'kin e. "Will you stop screaming? You're so noisy!" Huminto na ako sa pagtakbo nung makalapit ako sa kanya. "E ikaw kaya laging bumubulyaw? Tapos sasabihin mo, ako yung maingay?" "Rule number one. I hate noisy and talkative." Napanguso na lang ulit ako. E totoo naman kasi. Siya kaya yung maingay. Hampas ko sa kanya 'tong malaking gunting na hawak ko e. Hmp. "And stop pouting. You look like a gay!" Saka siya umirap. Hmp. Sungit sungit niya. "Ituloy mo na nga yung ginagawa mo! Diba sabi ko, walang pagkain kapag hindi mo natapos 'yan?" Nanlalaki ang mga matang sabi niya. "E itatanong ko lang naman kung may naramdaman kang kakaibang energy na nanggaling sa ilalim ng lupa e." Hindi siya sumagot. Akala ko sisigawan niya na naman ako kasi baka isipin niyang kung ano ano sinasabi ko. Nakatingin din siya sa kawalan na parang nag-iisip na sobrang lalim. Anyare sa kanya? Hala? Baka pinag-iisipan niya na kung papakainin ba niya ako o hindi. Oh no! Bigla akong nagpanic dahil baka nga hindi niya na ako pakainin. Kasi naman, ang ingay ingay ko. Bad mouth, ang daldal mo kasi. Nanganganib pa tuloy kung kakain ka o hindi. "Waaaa! Shintaro, sorry na. Itutuloy ko na ang ginagawa ko. Promise hindi na ako magiging pasaway. Basta itira mo sa 'kin, madaming hotdogs ha? Alis na ako." Tsaka ako tumakbo palayo sa kanya para ituloy ang ginagawa kong paggupit ng grass. SHIN. "E itatanong ko lang naman kung may naramdaman kang kakaibang energy na nanggaling sa ilalim ng lupa e." Natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin, naramdaman niya din yun? That kind of familiar energy coming from underneath the ground? Pero bakit? Sabi ni Tandang Erlich, ang mga nakakaramdam lang daw ng mga nararamdaman naming kakaiba ay ang mga guardians na katulad namin. It isn't an earthquake or just something from the underground. I'm sure that it's an energy. A negative energy coming from underneath this fvcking ground. But why did he felt it? Don't tell me, he's one of the guardians too? Ibig sabihin makakasama ko siya? Hell no! "Waaaa! Shintaro! Sorry na! Itutuloy ko na ang ginagawa ko. Promise hindi na ako magiging pasaway. Basta itira mo sa 'kin, madaming hotdogs ha? Alis na ako." Natigil naman ako sa pag-iisip dahil sa malakas na pagsigaw niya. Napalingon ako sa kanya ng irita, pero mabilis na siyang tumatakbo pabalik sa kung saan siya nanggaling kanina. Tss. What the heck? Hindi ko ma-identify kung bading ba siya o talagang childish lang. Tsk. *** "Ba't ganyan itsura mo?" Tanong ko nang naiinis. Ang dugyot niya kasi. Mukha siyang gumulong sa putikan sa itsura niya. "E sabi mo i-tream ko yung grass tas sabi mo magbungkal ako ng mga lupa ng halaman para gumanda pa ang tubo nila. Ang g**o mo din." Napaikot ako ng mata sa sinabi niya. Tsk. Ang tanga! FELIZ. "Tss. Tanga! Ang sabi ko magbungkal. Hindi ko sinabing gumulong ka sa lupa. Magpalit ka nga ng damit at naiirita akong nakakakita sayo." Sigaw niya na naman. Konti na lang talaga, mabibingi na ako. Tsaka grabe siya makatanga. E hindi nga ako marunong mag-handle ng gantong trabaho e. Feeling ko nga mamamatay lang lahat ng pinatanim niya sa 'kin. Kasi since childhood, hindi ako nakakapag patubo ng mga halaman dahil agad namamatay. Nakanguso akong naglakad papasok sa bahay niya at agad nagtungo sa kwarto ko para magbihis ng malinis na damit. Minutes later... "Kakain na ako?!" Omg! Kakain na ako. Sabi niya na kumain na daw ako e. Pero napasimangot ako nung wala akong makitang hotdog na nakahain. "Ba't walang hotdog? Sabi ko tirhan mo ako e." Pagmamaktol ko pa. "Quit acting that way! It irritates the hell out of me." "Bawal magdemand, nakikitira ka lang. Pasalamat ka, may grasya sa mesa." Sabi niyang hindi nakatingin sa 'kin at patuloy lang sa pagbabasa. Nasa may veranda pa rin kasi itong pwesto niya. Paanong hindi ako magrereklamo, e toasted bread lang yung nandito. Kahit sana egg lang or butter na palaman, wala. Plain na toasted bread lang talaga. Tapos tubig. Padabog akong umupo sa harap niya. Parang sa unang pagkakataon, nawalan ako ng ganang kumain. Kainis e. Akala ko pa naman, free akong kainin ang gusto ko. Akala ko pa naman, generous siya. Ang damot niya! "Good morning everyone!" Nung marinig ko ang pagbati at boses niya, ay biglang nagliwanag ang mood ko. Waaaa~ Thank you Vic! You save me from dying out of hunger. "Viiiiiiic!?" Agad akong napayakap sa kanya nung pagkalapit niya. "What the hell is your problem Philip? Can you just let me sit first? Saka tayo mag-usap? And besides, kakakita mo lang sa 'kin kahapon ah." Saka niya ako pilit hiniwalay sa kanya. "Nagugutom na kasi ako," protesta ko. Umupo muna siya bago ako sinagot. "E di kumain ka. Ang daling sagot Philip. Huwag tanga ha?" Hala? Grabe! Ang sakit naman nung tanga. Hindi ko na ipagkakailang magpinsan nga sila. Pinagsama pa silang dalawa, lalo na akong naging kawawa. "Gusto kong kumain ng pagkaing tao. Tingnan mo nga oh! Mukha ba akong mabubuhay sa ganyan?" Sabay turo ko sa toasted bread at tubig na nakahain. Parang nagulat naman siya nung makita ang nakahain sa mesa. "Shin? Bakit ganyan? I said take care of him, not kill him!" Sigaw nito kay Shin. Lihim naman akong napapatawa sa isang tabi. Muhahaha. Bleeee! Buti nga sayo Shin. Gahaman ka kasi masyado. VICTORIA. Ang kulit din nitong pinsan ko e. Napag-usapan na nga namin ang tungkol dito e. Alam kong hindi naman siya madamot sa pagkain, pero anyare? And I also told him that Feliz eats many food at hindi madaling makuntento. Tingnan mo 'tong lalaking 'to. Hindi man lang ako lingunin. Ang ganda talagang kausap. "Para matuto siyang sumunod sa rules." Kumunot ang noo ko. "Rules?" "Since he's staying here, I have my house rules. At kapag sinabi ko, sinabi ko. You know me Vic." Sabi niyang hindi pa din lumilingon sa 'kin. Mabilis ko namang binalingan ng tingin si Feliz na nakaupo sa tabi ko. "Ano ba kasing hindi mo sinunod? Diba I already told you na once na sinabi niya, gawin mo." Pabulong kong sabi kay Feliz. "E ginawa ko naman yung mga sinabi niya. Ang hihirap pa nga e. Tas hindi niya ako pakakainin? Ang unfair kaya." "You didn't do everything." Halos sabay kaming napalingon ni Feliz kay Shin nung magsalita siya. Alam niyo, ang hina hina na ng bulungan namin, pero narinig niya pa din. May lahi bang pusa 'tong pinsan ko? Lakas ng pandinig e. Binaba niya 'yung book na hawak niya saka tumingin sa 'min? O kay Feliz lang? "You left all the materials you used. Look. Ang kalat. And I already told you that. Lahat ng ginamit mo, dapat ibalik mo sa kung saan mo kinuha." Now that's what I'm talking about. Tsk. Ang pasaway talaga nitong si Feliz. "Ayun lang ba? Uhm, pwede bang mamaya na lang? Kakain muna ako. He-he." Matapos niya sabihin yun ay bigla niya na lang akong hinila. FELIZ. "What the hell Feliz?! Why are you dragging me?" Bulyaw ni Vic. E di sila na ang mahilig bumulyaw. "Quiet! He might hear you Vic." Sigaw ko din. "Quiet sasabihin mo e sumisigaw ka din! Ang engot mo talaga. Tsaka paano niya pa maririnig e kanina pa tayo nandito sa labas. Sa bilis mo ba namang kaladkarin ako. Tsk." Napatingin naman ako sa paligid at oo nga. Nasa labas na kami ng gate at nasa tapat na namin yung kotse ni Vic. Buti pa 'to, pinapayagan magdrive kahit underage pa. Napalingon naman ako sa kotse niya nung bigla itong bumukas. At may lumabas na malaking lalaking nakauniform na parang mga body guards. Akala ko naman pinayagan na. May driver naman palang kasama. "Ba't mo ba ako hinila dito? Saan ba tayo pupunta?" Hindi ako nagsalita. Imbes ay tinulak ko na lang siya papasok ng backseat ng kotse niya. "Ano ba?! Saan ba tayo pupunta?" Naiinis na tanong ni Vic nung matapos kong maisara ang pinto ng backseat. "Kuya, sa mall po tayo." Utos ko sa driver niya. "Wow ha? Makautos? Ikaw ang amo?" "Pasensya na. Nagugutom na talaga ako. Kaya manong, pakibilis na lang po ha? Baka mamaya sa hospital na deretso natin tapos ma-dead on arrival pa ako." "Aray!" Sabay nguso ko habang hinihimas 'yung ulo kong binatukan niya. "Tanga ka na lang kapag namatay ka sa gutom. Pwede naman kasing kahit konte kumain kanina tas saka mo na ituloy sa mall. E yayayain naman talaga kita dun!" Ganun? E hindi niya naman sinabi agad. Hmp. *** Kakatapos lang namin kumain ng lunch niya, brunch ko naman. Ngayon ko lang pinag isa ang dalawang meal. Pero masaya pa din kasi, libre niya! Kaya madami na naman akong nakain. Nandito pa lang kami sa Shakey's tapos kumakain palang ako ng dessert ko ngayon na banana split habang si Vic abala sa pagdutdot ng cellphone niya. "Saan tayo susunod na pupunta Vic?" Hinihintay ko siyang sumagot pero wala akong nahintay. Bingi ba 'to o nagbibingi bingihan lang? Palibhasa laging sumisigaw kaya ganyan, bingi na ata. Habang nakatingin sa kawalan na ngumunguya at kunwaring nag-iisip ay may naalala ako. "Vic? Sa salon tayo pagtapos nito ha?" Nakita kong napalingon siya sa gawi ko kaya napatingin na din ako sa kanya. Kumunot ang noo niya sabay lapag ng phone sa may mesa. "Salon? What are you going to do there?" She asked confused. "Ngayon lang kita narinig mag-aya sa salon. Are you planning what I'm thinking?" "I don't know what your thinking, so it isn't my plan." Nakatingin pa din ako sa kanya saka sumubo. "Ang ganda mo talaga kausap 'no? Tss. What I mean is, plano mo bang gawin 'yung idea ko na sinuggest ko yesterday?" Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa kanya. Sumubo ulit ako at ngumuya. Huminga siya ng malalim out of frustration at napa 'Ugh!' lang siya sabay irap. "You don't get it, do you?" Nag-isip pa ako bago umiling ng isang beses sabay ngiti. "Oh brother! Ugh. Kaltukan na kita e. Ang ibig kong sabihin, plano mo bang ipa-cut 'yang buhok mo?" Tumango ako ng walang alinlangan. VICTORIA. Like, seriously? Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. "You're joking, right?" Umiling siya na parang siguradong sigurado. "Or you didn't understand what I said?" "I understand. Inaamin ko slow ako at may konting ka-engotan sa buhay. Pero nakakaintindi naman ako." So hindi nga siya nag-jo-joke? "Are you serious?!" Halos pasigaw kong tanong sa kanya at napatayo na din ako. "Keep it down Vic. Nakakahiya ka. People are looking at you. Tsaka ba't ka ba nagugulat? Ikaw kaya nag-suggest nun." Patuloy pa din siya sa pagkain habang ako pinapakalma pa din ang sarili ko. Umupo na ako baka mahimatay pa ako. Charot lang. Medyo O.A. Sabagay, ako naman nagsabi, so bakit pa ako magugulat? Base sa reaction niya, decided na talaga siya sa desisyon niya. "But wait, ipapa-cut mo hair mo, e one month ka na lang dito?" "Ay oo nga pala, hindi ko pa nasabi sayo 'no?" Kumunot ang noo ko. Now what is it? Tumayo na siya at parang nag-aayos na ng gamit. "You'll stay here for good, right?" Tanong niya kaya napatango ako. Tumingin siya sa 'kin tapos ngumiti ng malapad. "Then, I'll stay here for good too." Wait! Hindi mag-sink in sa 'kin. O nabibingi lang ako? "Pardon?" I asked in confusion. "Ang bingi mo naman. Next time, don't shout okay? Kaya siguro nabibingi ka na. Tsk. Ehem. I'll repeat. I'm gonna stay here for good. And finish my high school here." "Seriously? I mean, hindi nga?" Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Sa sobrang tuwa ko, halos mapatili ako at mapayakap sa kanya kahit na may pagitan kaming lamesa dahilan para mapatingin ang mga tao sa loob ng kainan. I don't care. Mind there own business. "Omygad! Waaaaa~ Totoo? Feliz! Kala ko talaga, maghihiwalay na tayo." "Shh. Quit calling me Feliz, starting this day, and onwards, call me Philip okay?" Saka siya kumindat. Shet! Bakit ang gwapo niya? Omg! Babae siya pero bakit mas mukha pa siyang lalaki sa ibang boys diyan? Naku, kung lalaki lang talaga si Feliz. Gogora na ako. Ako pa manliligaw sa kanya. I'm wishing na may boy version si Feliz. Kaso wala, mag-isang anak lang siya e. Sayang 'no? Sayang lahi kung ganyan kaganda ang lahi. Dapat kasi may kapatid na lang siya na lalaki e. FELIZ. Lumabas kaming tumatawa habang nag-uusap ni Vic. E siyempre masaya kami kasi mag-i-stay na nga ako dito. Sa kalagitnaan ng pagtatawanan namin, napatigil ako bigla. Parang may naramdaman akong energy, it's like it's the same as mine. I don't know pero parang kaparehas ko nga. Napalingon tuloy ako. Luminga linga pa ako kasi parang malapit siya sa 'kin na parang katabi ko lang. Pero ba't biglang nawala? "Feliz? Is something wrong?" Nilibot ko pa din ang mga mata ko sa paligid at pinakiramdaman ulit kung meron pa yung energy. Pero wala na. "Ah wala. Tara na." Pag-aaya ko na lang. "Okay," sabay kibit balikat niya na lang at saka kami tumuloy sa dapat naming puntahan. *** "Ninang!" Agad namang bumeso si Vic nung makita yung magandang babae na mahaba ang buhok at mukhang model. Ang ganda niya naman, nakakastar struck. "Ateng, may fafabol!" Tili nung mga bakla? Na nandito sa loob ng salon kaya napangiwi ako. Anong fafabol? Tsaka ba't kung makatingin sila, para nila akong lalamunin ng buhay? Natakot tuloy ako. "Inaanak? Hindi mo sinasabi, may ganyan ka ka-gwapong kaibigan. Pakilala mo sa mga baklitang 'to oh." Sabi nung babae na ninang ni Vic. "Hay nako ninang, kung alam niyo lang. Hoy mga ate! Huwag niyo siyang takutin. Natatakot siya oh." Tumawa sila pareho nung si ninang niya. Grabe, pinagtatawanan ata ako. "By the way, ninang and mga ate. Meet my boyfriend Philip." Saka niya ako nilapitan at umakbay sa 'kin. Bigla namang nalungkot yung mga bakla. "Ay ganern bagets? Ba't di mo sinabing taken na pala si pogi." "Si Ate Fiona talaga. Syempre joke lang yun. Hindi ko siya boyfriend." Aba! Natuwa ang mga bakla. "Again, ninang at mga ateng. Meet my bestfriend, FELIZ!" Sabay tanggal niya sa wig ko na ikinagulat ko at ikinagulat din ng mga tao sa loob ng salon. Pasalamat ako, kami lang ang customer. Tinanggal niya din ang mga clip sa buhok ko saka inilugay ang buhok ko na mas lalo nilang ikinasinghap. "Motheeeeeeer!" Tili nung isang bakla. "Nagkakaubusan na ng gwapo sa mundo!" Pag-iinarte pa nung isa. "Why oh why, you didn't tell us earlier na you're one of them hijo." Nalulungkot na sabi nung ninang ni Vic. Kanina ko pa sila hindi maintindihan sa sinasabi nila e. "Ninang? Mga ateng? Mali po kayo. Babae po talaga si Feliz. Look." Saka niya itinaas yung damit ko kaya hinampas ko siya dahilan ng pag-aray niya. At dahilan din ng mga bakla na tumili. Tumili na akala mo may makikitang abs. Tss. May abs kaya ako. Kaso maliit lang. "Ang bastos mo ha?" Saway ko sa kanya. Ipakita ba naman yung binder ko. At saka ipinaliwanag na ni Vic lahat lahat kung ano ba talaga ang nangyayaring g**o sa buhay ko. Haha. Pinaupo na ako sa harap ng salamin. Mahabang paliwanagan ang ginawa niya. Na siyempre, habang ginugupitan ako. Nung una, ayaw niyang gupitin kasi sayang daw. Pero napapayag din namin kaya ayun. Ginupitan niya na. Nalaman kong siya pala si Tita Rio. Tita na lang daw itawag ko sa kanya. Iipunin niya din daw yung buhok ko kaya dapat daw itago ko yun. Pero nag-offer din siya na i-donate ko na lang daw sa isang charity for cancer institute. Kasi magiging malaking tulong daw iyon para sa mga patients na may cancer. Bigla akong nalungkot para sa mga patient na lumalaban sa sakit nila, kaya para makatulomg kahit papaano ay pumayag na akong i-donate yung buhok ko. Sinabi ko ding try kong kausapin ang parents ko para makapag-donate kami ng kaunting tulong for them. Dahil sa sinabi ko, sobrang natuwa si tita Rio kasi isa pala siya sa founder nung institute na yun. Ang bait niya naman. Minutes later... "Ayan na hija. Tapos na. Confuse tuloy ako sa itatawag ko sayo. Alam mo, kung naging lalaki ka lang sana. Irereto ko sayo yung anak ko." Nakatalikod ako sa salamin at nakaharap sa kanya. "Ang gwapong prinsesa naman nitong batang 'to." Saka niya ipinaikot ang upuan ko at ipinaharap na sa salamin. Kahit pa alam ko na ang magiging itsura ko na short hair, nagulat pa din ako. Kasi iba pala talaga kung totoong buhok mo na. Kesa sa wig. Ngayon ko lang din napagtantong gumaan ang pakiramdam ng ulo ko at kahit nasasayangan sa mahaba kong buhok ay natutuwa pa din naman sa kinalabasan. At syempre may patutunguhan ang kaunting sacrifice na 'to para sa ibang tao. It's not bad having a short hair like this. The truth is, I love it. Pero bakit parang mas nagmukha naman akong lalaki kumpara nung wig pa ang gamit ko? "Gwapo natin ah." Lumapit si Vic sabay pat sa balikat ko. "So paano 'yan? For now, goodbye Feliz, hello Philip."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD