Chapter 8

2682 Words
Chapter 8 Meeting The Cousin FELIZ. "Philip, meet my cousin Tyrone." Matapos ipakilala ni Vic sa akin ang penman niya ay nakita kong kumunot ang noo ni Tyrone. Tapos yung tingin niya parang anytime bigla na lang akong liliyab. Ang sama ng tingin niya e. Huhu. Galit ba siya sa akin? Wala naman akong ginagawa sa kanya e. Hmp. Masyado naman siyang high blood. Siguro lagi siyang kumakain ng mga fats ng baboy or maybe mahilig siya sa chicken skin. Nabasa ko kasing masama 'yun sa kalusugan. Hindi naman siya mataba kung bakit siya high blood. Haha. Hmm. Nagutom tuloy ako. Naalala ko palang hindi pa ako kumakain ng totoong pagkain. Huhu. "Quit calling me that name. It's Shin! S-H-I-N. SHIN!" Nagulat ako nung bigla siyang sumigaw. Grabe talaga siya. Bingi ba siya kaya siya nakasigaw? "Teka bakit Shin? Pero diba Vic, sabi mo Tyrone pangalan niya? Ano ba talaga?" It wa a bit confusing though. Vic chuckled before saying anything. And that cause her cousin to frown. "Oh sorry. Shin Tyrone Russell kasi whole name niya." Tumango lang ako. "Shintaro?" Inulit ko. Then Tyrone, I mean Shin's gaze immediately diverted to me with a matching death glare. What did I do? Wala naman ah? Why is he glaring again? Hmp. *** Gabi na at hindi pa din ako kumakain! Huhu. Tapos giniginaw na din ako. Ganto pala kagrabe ang sungit niya. Huhu. Biro niyo, he didn't let me change my clothes even though I'm soaking wet! Grrr. Nakatayo ako ngayon sa tabi ng sofa niya na inuupuan ni Vic at kakaupo niya din lang sa opposite side na sofa at bagong ligo. With a towel covering his silver white hair and then looking, I mean glaring at me. Again. Now what? Basa kasi kami pareho, pero hindi niya ako pinagpalit dahil ayaw niya daw madumihan yung banyo niya ng dumi galing sa katawan ko. How dare him! Anong akala niya sa 'kin? May nakakahawang sakit? Hmp. He didn't even let me sit into the fvcking sofa. Basa daw kasi ako. E malamang. Hindi niya ako pinagpalit e. Medyo bobo lang? +FLASHBACK+ And because he said that I'm the one at fault, it is my responsibilty to help him change the aquarium water. "Ang bagal bagal mo!" Sigaw niya na naman. Hindi naman ako bingi kung bakit lagi niya akong sinisigawan. Si Vic naman, wala. Nasa labas. May kausap sa phone. Huhu. Dalawa lang kami dito nitong higanteng 'to. Wala akong kakampi! "Oh! Ilagay mo dun!" Utos niya ulit, sabay bigay sa akin nung basin na may lamang isda. Pangalawang basin na 'tong hawak ko. Uhm, there are, 5 fish in each basin. Hehe. Ganto pala maglipat ng mga fish. Nagugutom tuloy ako. E kung iprito ko kaya si Dory? Tas sabawan ko si Nemo saka si Gold fish? Haha. Pero wag na, baka ako gawing isda nitong si Shintaro. Hindi ako makakahinga sa tubig, e di namatay ako. "You're too slow!" Bulyaw niya ulit kaya nagulat ako at hindi nakita ang basa sa harap ko, kaya ang nangyari, napahiga ako sa sahig dahil sa pagkakadulas kaya ko nabitawan yung basin na hawak ko. At hindi ko alam kung saan naglanding nung nabitawan ko. Hala! Nasaan na yun? Lumingon lingon ako para hanapin yung basin, natuwa ako nung makita ko na kung saan siya naglanding pero mabilis nawala ang ngiti ko at napalitan ng panlalaki ng mata at pag-awang ng bibig. Hinihiling na sana ay hindi na lang ako lumingon. And s**t. I'm doomed! "You'll pay for this." He said it with his low and composed voice yet scary that I felt shiver run through my spine upon hearing him. Nakataklob kasi sa ulo niya yung basin. Waaaa! Paglalamayan na ba ako mamaya? Hindi nga nakasigaw, mamamatay ka naman sa takot dahil mas hihilingin ko na lang na sumisigaw siya kesa ganyan. Huhu. *END* Now you know why we're soaking wet. "What do you want?" He irritably asked Vic. And the girl beside me just smiled like she's planning something na hindi maganda. "At bakit may kasama kang kutong lupa? Sino ba 'yan?" Masama niya akong tinapunan ng tingin at gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon. Pero ano ba yung kutong lupa? "Cous, ano ka ba? Relax, okay? Lagi kang high blood eh." Sabi sa inyo. High blood si Shintaro e. Hehe. Nakita ko namang nandilim ang mata ng isa. "Diba I told you that he's my boyfriend? Kaya uhm, can I asked a favor? Hehe." He frowned on what Vic just said. "Ano bang nakita mo dyan? Napakawalang utak na lalaki at napakalamya pa. Tss." Masama pa din ang tingin niya sa akin. Ano na naman ba ang ginawa ko? Hmp. I know that I have done something na hindi niya nagustuhan kanina at nag-sorry na ako. But all my apologies were just left into deaf ears. "And it's a no. Umuwi na kayo." Ngumuso lang si Vic, na kasabay ng pagtayo mula sa pagkakaupo si Shin. "Please cous? I really need your help. This is very important." Natigilan naman si Shin sa pag-alis dahil sa sinabi ni Vic. "Important?" VICTORIA. Dugtong kilay niyang tanong. Alam kong hindi naman niya ako matitiis e. Hehe. Kelangan ko lang daanin sa santong paspasan para hindi na makapalag ang pinsan kong ubod ng sungit. Alam niya kasing kapag humingi ako ng favor, hirap siyang tuparin kaya lagi niya akong tinataboy kapag humihingi ako. "Yes! Something important. So please do me this favor. Just for a month. Hehe. Alam kong hindi mo ako matitiis cous," nakatingin lang siya sa 'kin with that not so convinced facial expression of him, pero kahit anong gawin niyang mukha sa harapan ko ay hindi pa din ako titigil. "Can I----" Natigil ako sa pagsasalita nung may mapansin akong tumakbo sa may sulok ng bahay. Napakunot ako ng noo at nagtaka. May pusa pala si Shin na alaga? Hindi niya sinabing mahilig pala siya sa pets. Aww, he's so adorable. Hindi ko akalaing may ganitong side pala ang cousin ko. Napangisi tuloy ako. "Can you what? And stop smirking, you look like a creep." Naiinis na namang sabi niya at umirap pa. I know right, magpinsan talaga kami dahil para siyang babae kung mag-inarte and maarte din ako. Like, duh? Pero hindi ako mainipin, siya lang. "Can I---" "What are those?" Natigilan muli ako sa pagsasalita nung magtanong siya. Napatingin na din ako kung saan siya nakatingin at natuwa ako. Nandito na pala yung mga gamit ni Feliz na pinakuha ko kina kuya Dennis. May dalawang lalaking dala ang mga gamit ni Feliz at isa isa nilang inilalapag sa malapit sa pintuan. "Wait?! Kanino yan?" He attemptedly stop them, pero hindi sila tumigil. Imbes ay sa 'kin na siya nakatingin, nang masama. "Ano 'to, Victoria Flinn?" He said in a gritted teeth. And I know he has now the slightest idea kung anong meron sa mga maletang kadarating lang. Magaling cous, naintindihan mo kaagad ang nais kong hinging pabor sa 'yo. "Maleta, Tyrone Russell!" I mockingly imitated him. Haha. Lalo siyang nainis dahil napahilamos na ito sa mukha niya. "Kanino 'yan?!" "Hehe. Cous, that's my favor. Kay Philip yan lahat. Could you let Philip stay here for a month? Paampon ko muna siya sayo. Thank you cous, beat me up next time. Sige mauuna na ako ha? Bye!" Then nag-flying kiss pa ako bago tuluyang tumakbo palabas. "VICTORIA RUSSELL FLINN!" That's the last word I heard from my oh-so-bait and gwapong cousin. Wahahahaha. SHIN. Shit. s**t. s**t. Putangina talaga! Kanina pa mainit ang ulo ko tapos iiwan niya sa 'kin 'tong kutong lupang boyfriend niya? Tsk. "Aaah, Shin---" "Shut up!" I shouted not looking at him. What the hell is his name again? Oh, forget it. I don't care anyway. "But---" "Shut up!" Sigaw ko ulit kaya napahinto siya. Kanina ko pa iniisip kung ano bang gagawin ko dito sa kutong lupa na 'to. Tsk. Alam na nga ni Vic na ayoko na may kasama sa bahay. Gustung-gusto niya talaga akong binibwisit. Humanda sa akin yun kapag pumunta siya ulit dito. Kung tutuusin nga pwede ko nang paalisin dito yang lalaking yan. Pake ko naman sa kanya. At ang sobra ko pang ikinaiinis ay may pumipigil sa akin na gawin yun. What the fvck lang talaga? Napasulyap lang ako sandali sa kanya bago ibalik ang tingin sa sahig. Upon looking at him, I felt that very familiar vibe to me. Knowing na ngayon ko lang siya nakita at nakilala. It feels like we have a very strong connection with each other. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang pakiramdam na 'to at naguguluhan na ako lalo pa at bilang lang sa kamay ang mga kilala ko. Para bang nakita ko na din siya, but I don't know where and when. Tsk. Oh, just forget it. I let out an exasperated sigh because of annoyance. Now, I need to deal with these things right now kahit pa labag sa loob ko. That cousin of mine is a true deceiver. That two-faced woman, I'll surely make her pay the next time she comes here. "Ang cute~" parang nagpanting ata yung tenga ko sa narinig ko. Ano daw? Cute? Kinginang 'yan. Bakla ba siya? Nagtaka naman ako dahil sa sinabi niyang yun. Ano bang cute ang sinasabi nito? I turned my gaze to him, nakatayo pa din naman siya sa kinatatayuan niya kanina. He's smiling. And it looks creepy. What is he smiling at? Tiningnan ko naman yung tinitingnan niya. Mas lalo akong nagtaka dahil wala namang tao o anumang cute na bagay dun. Because I don't have fvcking cute staff inside my house. "Shin? Ang cute nung pet mo. Anong name?" My brows formed into a straight line looking annoyed. What pet is he talking about? I hate pets and I don't have that s**t he's talking about. FELIZ. Nagulat na lang ako nung bigla niyang inihagis sa mukha ko yung tuwalyang ginamit niya. Ang bastos niya! Close na ba kami at kung makabato naman ng tuwalya? Hmp. "Magpalit ka. Mag-uusap tayo mamaya." Kasabay ng pagtanggal ko ng tuwalya sa mukha ko ang pagsabi niya nun. "Stay at the maids room. Don't you dare go into the guest room. You're not a guest here." Saka siya tumalikod at nagsimulang maglakad. Pero huminto ulit siya tapos nagsalita ng hindi lumilingon. "7:00 p.m. sharp. You should be here at the living room." Tapos tuluyan na siyang umalis. Galit na naman ba siya? Wala naman akong ginagawa sa kanya. Hmp. O baka nainis kasi nakita kong may pet siya na cute? Baka nahihiya siyang ipakita yun kaya nagalit, kasi nakita ko. Hihi. Sus, nahiya pa siya. E sa amin amin lang naman, 'di ko naman ipagkakalat e. Naramdaman ko bigla ang pagkalam ng tiyan ko. Waaaa! Gutom na ako. Halos makalimutan kong gutom pala ako. Napatingin ako sa wall clock to check the time, 6:45 p.m. Kaya naman pala kanina pa ako gutom. I need some food! Tatakbo na sana ako papuntang kusina, akala mo bahay ko e. Haha. Pero, asan ba ang kusina dito? Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Nakita ko na yung kusina. Natigilan ako nung may maalala. '7:00 p.m. sharp. You should be here at the living room.' Napatingin ako ng mabilis sa wall clock. 6:47. Fvck! 13 minutes na lang. Nagmadali na akong pumunta sa maids room na sinasabi niya para makaligo na. But s**t! Where the hell is that maids room? Hindi niya man lang sinabi kung nasaan yun. Mukha ba akong may mapa ng bahay niya? Kahit sa loob lang ng bahay ay nawawala pa din ako, hindi niya ba alam yun? Malamang hindi niya alam, hindi naman kami magkakilala. Engot lang. Hayys. Patuloy pa din ako sa pagtakbo at paghahanap nung maids room nung mapadaan ako sa kitchen. May nakita akong apple. Kahit yun lang! Huhu. Baka hindi na ako maka-survive kung hindi pa ako kakain ng kahit prutas lang. Kukunin ko na sana yung apple nung magpakita ulit sa 'kin ang wall clock. Nakakaiyak, bakit ang bilis naman ng oras? Kinokontrol ba niya? 6:50 na! Umiling na lang ako para maibsan ang gutom ko at nag about face na lang. Baka sakaling makalimot ako. Kunyare hindi ko nakita yung apple. Pero walang epekto. Gutom talaga ako. Foooood! Bakit ka ipinagkakait gayong gusto ka ng gilingin ng tiyan ko? Habang nag-eemote ako, bigla ko namang nakita yung maids room na nasa pagitan pala ng kitchen at living room. Nagliwanag ang mukha ko at nagningning ang mata sa nakita. Nandyan ka lang pala, hindi ka nagsasalita. Pinapahirapan pa ako. Hay nako ka! Agad agad akong tumakbo papunta dun at pumasok. Bumungad sa kin ang malalaking maleta ko at agad na kinalkal iyon. Dahil nagmamadali na talaga ako ay pinagkakalat ko na ang laman na damit ng maleta ko. Nung makita ko ang blue robe ko at bathroom towel ay agad ko na itong dinampot saka dumiretso sa may banyo. "Hala! Bakit sira ang faucet?" Ang tanging naisip ko lang ay ang guess room. Pero wag daw akong papasok sa may guest room e. Tsk. I have no choice. I immediately rushed outside this room and run as fast as I could to reach the guess room at the second floor. Waaaa! Ang haba ng hagdan. Kelan pa ako makakaligo? Huhu. Kelangan ko ding sumunod sa sinabi niyang oras. Sabi kasi ni Vic, kelangan ko daw gawin yun para hindi siya matrigger at palayasin ako dito, ang masaklap pa nun ay baka maligaw pa ako. E diba nga hindi ako madaling makatanda ng lugar. Tapos sabi pa ni Vic, pag sinabi niya dapat sumunod ka agad. Katakot ba? Haha. Hindi kaya. Takot lang ako mapatapon sa labas baka dun pa ako matulog. Buong lakas kong inakyat ang mahabang hagdan at sa wakas! Nakaakyat din ako. Napatakbo ako sa isa sa mga rooms na nasa harap ko na ngayon. Pinihit ko ang door knob ng pinto ng kwarto na malapit sa hagdan at bukas. Yehey! Pumasok na ako agad agad at dumiretso sa banyo. SHIN. 6:59 p.m. nung mapatingin ako sa wall clock na nakasabit dito sa may wall ng library. Kaya natigil na ako sa ginagawa kong pagbabasa nung mga tungkol sa sinasabi nung tandang Tomy na yun. Tss. Upon seeing the time, I immediately stand up and walk towards the door to get out of the library. Naglalakad na ako papuntang hagdan para makababa na at kausapin yung kutong lupang yun. Tsk. What a troublesome guy. Kung bakit kasi--- I halted when I saw something's not right. Umatras ako ulit to check if I was right. My forehead automatically creased again when I saw a light coming from one of the doors of the guess room. Sa pagkakatanda ko. Kanina pa umalis si Nanay Agatha. Pinagbakasyon ko muna siya ng isang buwan simula sa araw na 'to. She deserve to have a long leave since she always took care of me. Kung wala na siya dito, bakit nakasindi ang ilaw ng isang kwarto? Don't tell me-- FELIZ. Napapakanta pa ako habang naliligo sa sobrang pag eenjoy ko. Huehue. Nung matapos ako, agad kong tinuyo ang katawan ko gamit ang towel na dala ko then I immediately wrapped the robe into my shivering body. Ang lameeg! Brrr. Kinuha ko na din lahat ang pinagbihisan ko. Teka? Wait. Wala akong dalang damit pamalit!? Waaaa. Hindi ako pwedeng lumabas ng nakaganto! Baka mahuli ako. Kauna unang araw na pag stay ko pa naman dito. Tapos mahuhuli agad ako? Ang saklap. Huhu. Lumabas na ako ng banyo at naglalakad habang pinupunasan ang buhok kong basa. Nabasa yung wig ko, baka hindi ko siya magamit ngayon. Hindi ako pwedeng lumabas ng nakalaylay ang buhok ko. Ipatapon ako nun sa labas pag nahuli niya na isa akong Eba! Tarantang taranta na talaga ako ngayon at hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalo pa at... Nanlaki ang mga mata ko nung makitang 7:05 na! Waaaa! Ipapatapon na talaga ako sa labas ng bahay. Huhu. "What are you doing here?" I was stunned upon hearing a voice from behind me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD