Chapter 6

2388 Words
Chapter 6 Confuse FELIZ. All my life, I haven't felt this way before. I know, that feeling a pain is necessary since I'm still a mortal that still have the right to feel the pain. But not this pain I'm feeling right now. This is different. Even bruises and cuts can't compete with the pain. Mas lalo akong nanghina nang maramdamang may sasakit pa pala sa naramdaman ko kanina. Then I saw her smiled at me, and I smiled back. "Philip? Are you okay?" Asked Vic, so I turned my gaze to her and smiled, saying I'm okay. "You look pale, hijo. May sakit ka ba?" The lady asked. "I'm okay po," after saying that, hindi ko na napigilang mapahawak sa ulo ko at biglang napaupo sa sofa sa likuran ko. "Hala! Anong nangyari sa 'yo? Okay ka naman kanina ah?" Natatarantang tanong ni Vic sa 'kin saka ako dinaluhan sa pagkakaupo sa sofa. "No. I'm fine. Really," feeling ko mawawalan na ako ng malay maya maya. Inaabot ko na din ang paghinga ko. s**t! Ano bang nangyayari sa 'kin? Agad naman nila akong binigyan ng tubig para pakalmahin ako. But damn, it didn't work. Yung kaninang medyo masakit na ulo ko, biglang lumala kaya ako napadaing sa sobrang sakit. Fvck! "Feliz? Anong nangyayari sayo?" Pabulong at may nanginginig na boses na tanong ni Vic sa 'kin. "I'm ok---Arg!" Daing ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya napasandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa. "V-Vic? C-can we go home?" I weakly pleaded then she nodded. "I'm sorry tita. Pero mauuna na po kami. Fel---I mean Philip is not feeling well po." "I understand hija. It's okay." Hindi ko sila nakikitang nag-uusap dahil nakapikit ako habang nakasandal pa din ang ulo ko sa sandalan ng sofa pero malinaw ko pa din silang naririnig na nag-uusap. And still breathing heavily like I have a damn fever and still feeling dizzy. "Maybe next time, come and visit again. I'm sure Jae will be here." "Thanks tita. Uhm, tita? Can I asked a favor?" "Sure thing dear. What is it?" "Can I borrow one of your cars?" "Go ahead. Feel free to choose." *** Nandito na kami sa labas ng bahay at hindi pa kami tuluyang nakakalabas ng gate. My right arm was around her shoulder for her to carry me. I feel so weak and I don't know why. Ugh! Halos hindi ko na maihakbang mga binti ko sa sobrang panghihina. Para akong lantang gulay na hindi kayang maglakad sa sariling mga paa. And I feel so frustrated because of it. I feel so guilty for Vic dahil ngayon lang niya nabisita ang tota niya tapos naging sagabal pa ako. Binuksan ni Vic ang pintuan ng sasakyan at ipinasok niya ako sa loob sa may passenger seat na nandito sa may garahe nitong bahay. And maybe about fifteen minutes before she also got inside the car and sat at the driver seat. "Where'd you go?" I weakly asked. My eyes were slightly open for me to be able to see what's going on. And my sight was being hazy. "I just checked if the coast is clear outside. And thank God, wala na yung mga humahabol sa 'yo dun." Gusto ko man itanong kung bakit biglang nawala yung mga humahabol sa 'kin, but I'm too weak to say a word. "Hindi tayo didiretso sa bahay." That's the last word I heard before I can see a total block out. VICTORIA. Hindi ko maintindihan at malaman kung bakit nagkaganun si Feliz kanina. Kahit naman lagi ko siyang nasisigawan dahil sa pagiging makulit at minsan may pagka-childish siya, syempre concern ako. I almost panicked when I saw her pale face earlier. Ngayon ko lang siya nakitang ganun. She looks like, she's almost dying. Kaya mas kinabahan ako. And now, we're heading to a place where those bastards won't follow us. I think she already fall asleep, and all I see was a painful expression. Upon seeing her, hurts me like hell. Because I love this girl, she's like a real sister to me. While in her sleep. She's still breathing heavily. At lagi siyang dumadaing na mas lalong nagpapakaba sa 'kin. I can feel that she's in a total pain. And damn, I can't do anything. My tears unconsciously fell on my cheeks on that thought. My grip on the steering wheel tightened at mas lalo ko pang binilisan ang pagda-drive. *** At exactly six in the evening kami nakaalis sa bahay nina tita Lauren at seven na ng gabi kami nakarating dito sa isang maliit na bahay kung saan muna kami mag-i-stay ni Feliz. Maybe saka na kami tutuloy sa bahay nung pinsan ko. We can't go to my house because of those bastards following her. Si Kuya Dennis at Ate Faye muna ang nag-uwi nung gamit naming car kanina and they used to be the decoy, so Feliz can totally escape from them. ++The Next Day++ (9:00 a.m) "Nay Dolores, tama po ba 'tong ginagawa ko?" Agad namang napatingin si Nanay Dolores sa 'kin. Nanay siya ni Kuya Dennis. "Naku hija, sinabi ko naman sa 'yo ako na diyan. Baka tuluyan nang masunog 'to." Humagikhik si nanay Dolores kaya napanguso ako sa sinabi niya habang hinahalo na niya yung niluluto kong lugaw. Maganda daw kasing pampainit ng sikmura 'to. Tsaka syempre, may sakit si Feliz, baka hindi pa yun makakain ng maayos. "Oh eto, pwede na siya." Habang tinitikman yung lugaw. "Masarap po ba? Hehe. Ang galing ko na po magluto diba?" Tumawa siya ulit. Si Nanay talaga, ginagawa akong clown. "Sige na, sige na. Pwede ka nang mag-asawa kung ganoon." Napakamot na lang ako sa ulo. Ang totoo kasi niyan, hindi naman ako ang nagluto e. Ako lang ang naghalo. Feelingera kasi ako. Kumuha si Nanay ng isang malaking mangkok at pinunan ng lugaw saka ipinatong na sa isang platong malaki. "Pakainin mo na yung kaibigan mo pagkagising niya ha?" Tumango ako saka ngumiti. Binuhat ko na yung tray na lulan ang isang mangkok at isang basong tubig. Naglakad na ako papuntang room kung saan nakatulog si Feliz. FELIZ. Nagising ako dahil sa sobrang pagsakit ng ulo ko. Kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil do'n. "You're awake." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Vic pala. Kakapasok niya sa pinto at may dalang tray na may lamang bowl and a glass of water. Palapit na siya sa pwesto ko. Habang palapit ay napalibot naman ang tingin ko sa lugar. I think this is a room? Ofcourse it is a room, dumb me. Haha. A small room that's not yet fully furnished. Just exposing the hallow blocks, this bed and a small table beside was the only furnitures inside. This environment is very new to me. Nasaan ba kami? Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sumakit na naman na parang may hang over pa. E ni hindi nga ako umiinom. "Here. Maglugaw ka muna. Pampainit ng tiyan." Kumunot naman ang noo ko. "What's that? Pardon me?" "Lugaw nga. Ang kulit." Saka siya napairap. Kahit may sakit na ako't lahat, uma-attitude pa din siya. Hmp. "What the hell is lu--what?" "It's a rice porridge! Okay? Now eat! Kung ayaw mong ibuhos ko 'tong mainit na lugaw sa iyo!" VICTORIA. Nakita ko ang pagnguso niya sa sinabi ko. Now she's being childish again. A part of me was relieved when I saw that she's okay now. Napangiti ako ng lihim. Ayoko ipakita, mang aasar lang yan. "E kulang 'to Vic e." Reklamo niya. I know right. Now that's the Feliz I'm talking about. Akala ko pa naman ay mawawalan siya ng appetite dahil may sakit siya pero mukhang walang makakahadlang sa katakawan niya. Hayys. "Mamaya ka na lumamon. Ang importante, mainitan yung mga dragon mo sa tiyan!" Pinandilatan ko siya para manahimik na. Napasimangot na naman siya at pinilit na kinain yung lugaw. Nakaka-isang subo palang siya ay huminto na siya at tumingin sa 'kin. "Bakit? Hindi ba masarap?" "Ang saraaaap! Ngayon lang ako nakatikim na ganto." Ang ingay niya kaya pinandilatan ko ulit siya ng mata kaya ngumuso na naman. Hilahin ko kaya nguso niya 'no? Tsk. "Pero ang sarap kasi e. Sa susunod ipagluto mo ako ha? Huehue." "Oo na, sige na. Matigil ka lang." Malakas akong napabuntong hininga at napatingin ulit sa kanya nung magsalita siya. "Daan tayong doctor mamaya ha? Papa-check up ako." Sabi niya habang sumusubo. Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa din malinaw sa 'kin ang lahat ng sinabi ng doktor kanina. Masyadong imposible. "No need." She immediately turned her gaze to me with a confusion on her face. "Ha? Bakit? E diba may sakit ako? Gusto ko malaman kung ano---" "You're not sick." I cut her. At mas lalong kumunot ang noo niya. "The truth is, you're very healthy." "Paano nangyari yun? Minagic mo ba ako?" Napairap na lang ako sa sinabi niya. "Kung ano ano na naman naiisip mo. Tsk. There's no such thing as magic or sorcery. May pinapunta akong doctor dito kagabi. Actually, she's our family's doctor." Bago ko kasi siya pina-check sa family doctor namin, binalik ko muna siya sa pagiging girl niya. Syempre che-check up-in e. Malaman pa nung doktor yung kalokohan namin. "She checked on you while you're asleep. And she said, wala naman daw mali sa 'yo. You're completely healthy. Hindi din daw yan fatigue o vertigo o high blood o ano man. As in healthy ka. At yun ang ikinakapagtaka ko." FELIZ. After hearing those what she said made me got into a deep thought. How come am I that healthy kung halos mamatay na ako kahapon? How can they explain that? Kahit saang anggulo ko isipin, hindi ko pa din maintidihan. Alangan namang kinulam ako? E hindi nga yan totoo. Maging ang magic na pabirong tanong ko kanina. Huehue. "Feliz?" Paano niya nasabi yun? E hindi pa nga siya nagtry na magbigay sa akin ng mga tests. "Feliz?" O baka naman manloloko yung doktor kasi hindi ako dinala sa ospit---- "FELIZITY SHIVELL!" "Ay ospital!" Napakislot ako sa pagkakaupo nung sumigaw si Vic. "What the hell Vic? Ba't ka ba sumisigaw?" "Paanong hindi, e you're spacing out!" Bigla naman akong may naalala. "Kelan pala tayo pupunta sa bahay ng pinsan mo?" "Saka na. Magpalakas ka muna. Madami pang araw." "Ha? E diba nga sabi ng doktor healthy ako. Tsaka diba, darating na yung parents mo bukas? Tapos gutom na din ako." Hinimas ko yung tiyan ko pagkasabi ko nun. "Ubos mo na?" Gulat niyang tanong habang nakatingin sa malaking bowl na nasa tray at nakapatong sa lap ko. Maging yung tubig ubos ko na. Huehue. Nauhaw ako e. Ngumiti ako ng malapad saka tumawa. E kulang pa yung kinain ko. Hanggang lalamunan pa lang yun. "Grabe ka. I don't know what kind of stomach you have." *** (3:00 p.m) Bumaba kami sa tapat ng isang bahay. I mean, another mansion. Wow! Lahat ng kamag-anak ni Vic, mayaman. Huehue. Madami sigurong pagkain dito. Agad akong bumaba sa driver seat at nagdali daling pinagbuksan ng pinto si Vic na nasa passenger seat. Umaabuso ah. Wala naman na yung mga sumusunod sa 'kin, kung bakit. Tsk. Syempre, balik pag-arte bilang mag-boyfriend girlfriend kami. Guy in disguise ulit ako. Wearing a black shirt na pinatungan ng white button-up shirt and then a guy's shorts pairing with a black vans shoes. Ang galing ata ng stylish ko. "C'mon," then she wrapped her arms into mine and pulled me immediately towards the large wooden gate. She pushed the doorbell then turned her gaze at me. And smiled at me assuringly. Nung marinig ko ang kalampag ng gate dahil may nagbubukas na dito ay nagsimula na din akong salakayin ng kaba. Namamawis ang kamay. Not like yesterday. It's just a normal sweating, especially if you're nervous. "Vic hija? Napadalaw ka?" Bumungad ang isang matandang babae. Mga nasa edad 60 pataas na siguro siya. May gulat itong expression pero makikita mo ang pagka-excited niya. "Hi Nanay? Si Pinsan po ba nandyan?" "Ah oo. Sige, pasok kayo." Agad naman kaming pumasok. She closed the gate first before leading our way to enter the house. Ang ganda ganda din nitong bahay, este mansion. Tulad nung bahay nung tita ni Vic. Pero mas gusto ko ang energy dito sa bahay na 'to. Parang ang daming positive energy sa buong bahay. Hehe. A white and black theme house is infront of my eyes. With a well treamed lawn grass surrounding the ground of this house. So many flowering plants, especially orchids. There's also a fountain and a small garden infront of the house. And it looks so elegant. Pumasok na naman sa isip ko yung pagkain. Kumalam na naman kasi itong tiyan ko. Huehue. "Upo ka muna dyan. Tulungan ko lang si Nanay na kumuha ng merienda sa kitchen." Nakapasok na pala kami sa loob. Tumango lang ako at nagdidiwang ang mga bulate ko sa tiyan dahil sa narinig. "At huwag mong gagalawin ang anumang bagay na nandito. Okay?" Napalibot ang tingin ko sa paligid. Sa may ceiling may chandelier, hindi ganun kalaki. Hmm. May hagdan na mahaba, pero mas mahaba yung dun sa pinuntahan namin kahapon. Black and white theme din ang sa loob na may slight shade ng gold. Ang sarap tingnan. Tapos ang luwag pa ng space nitong bahay. Pwede akong tumambling dito. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Vic na mag-isa lang daw na nakatira dito yung pinsan niya. Grabe lang noh? Hindi kaya siya natatakot? Bukod kasi dun sa nanay na tinawag ni Vic na nakita ko kanina, wala ng ibang tao. Kahit pa sinasabi ni Vic na masungit yung pinsan niya, maybe we can be friends. Lalo pa ngayon at, ehem, *insert deep voice* lalaki na ako. Hoho. Nadako ang tingin ko sa aquarium na nasa side ko. Natuwa ako bigla nung makita ko ang madaming naglalanguyang isda. "Pwede ko ba lapitan yung aquarium? Tas pakainin yung mga isda?" Huminga muna siya nang malalim bago pumayag. Matapos nila umalis ay nagmadali akong lapitan yung aquarium at ang ganda. May nakita akong pagkain ng mga fish sa tabi ng aquarium. Gusto ko sila pakainin. Hehe. Kinuha ko na yun at inumpisahang ibuhos paunti unti yung food nila habang natutuwa akong pinagmamasdan kung paano sila mag agawan sa pagkaing nilalagay ko. "Who are you?" "Ay who are you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD