4

2430 Words
NAIILING na napatitig si Ella sa mga paper bag sa ibabaw nang kama. Sa totoo lang hindi na nga siya nahirapan dahil si Gael halos lahat ang pumili nang mga pinamili nila. And even her underwear. Bigla ay nag-init ang mukha niya. Wala naman siyang planong magtagal sa poder nito, gusto na nga niyang umuwi pero hindi pa raw siya maaring umalis dahil sa kidnappers niya. Naisip niyang may punto rin naman ito. He even bought her new phone. Kaya lang naguguluhan pa rin siya sa dahilan kung bakit siya kinidnap. "Bakit ang dami, paano ko babayaran ang mga 'yan." Plano niyang bayaran ito kapag nakauwi na siya. Pero halos lahat signature items ang binili nito. Baka maubos ang kaunting perang natitira niya dahil doon o baka kulang pa ata. "Hindi mo kailangan bayaran ang mga 'yan. Pero ayos lang naman kung gusto mo, hindi nga lang pera ang gusto ko." Parang may bolta-boltahing kuryente ang gumapang sa katawan dahil sa kakaibang titig nito sa kanya. Pakiramdam niya ay gumapang ang mga kamay nito sa katawan niya dahil sa mga titig na 'yon. The she could feel butterflies in her stomach. Bagay na hindi naman dapat niya maramdaman. He was acting like a dirty old man at her, for Heaven sake! Napailing siya dala nang tila pagkakagulo nang sistema niya. Well Gael save her life. Kaya siguro ganun na lang ang epekto nito sa kanya. Dahil kung hindi siya nito niligatas baka kung napaano na siya. Inabala na lang niya ang sarili sa pag-aayos sa closet nang mga damit niya. When someone knock at her door. It was Rowan. Kumpara kay Gael hindi ito mahirap kausap. Masaya pa siyangsa company nito, kahit unang beses pa lang niya ito nakikilala. "Nagpaluto ako nang pagkain baka gusto mong sabayan akong maglunch." Mabilis naman siyang tumango, hindi kasi sila kumain kanina pagkatapos nilang mamili. "Lunch lang ba ito o fiesta?" Hindi niya maiwasang itatanong nang makababa siya, ang dami kasi nang pagkain na ipinahanda nito. "I'm not sure, kung anong gusto mong pagkain kaya nagpaluto na ako nang iba-ibang putahe." "Grabe, gaano ba talaga kayo kayamang dalawa?"Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Ipinaghila siya nito nang upuan. Saka ito naupo sa tabi niya. "Well, Gael is a CEO of Dela Vega Empire, at ako naman----" "A certified happy go lucky." Sabay pa silang napalingon sa may-ari nang tinig na 'yon. He looks dazzling on his dark blue jean, white rubber shoes and printed light blue t-shirt. Parang lahat ata nang sout nito hindi maipagkakailang may sinasabi sa buhay. "Huwag kang maniwala sa kanya." Agaw pansin ni Rowan. "Ayos lang 'yon hindi mo kasalanan kong ipinanganak ka sa mayamang pamilya. Ang importante, mahusay kang makisama sa mga tao sa paligid mo. Kahit madami sa kanila ang mapagmataas." "Pinagriringan mo ba ako?" Nagtangis ang bagang nito. "Naku, hindi ah, bakit ko naman iisipin 'yon sa taong, nagligtas sa buhay ko." Sinamahan pa niya nang matamis na nangiti. "I'm trying to be patience with you Ella, pero huwag mong sagarin ang pasensya ko. You sound sarcastic with that smile. Kaya mas nakakapikon." Kulang na lang ay sungaban siya nito. "Masyado ka namang advance mag-isip," she snap. "sige hindi na nga lang ako magsasalita." Sumensyas pa siyang isinizipper ang bibig. "Pero naisip ko, din, bakit mo mga ba ako niligatas?" Kitang kita niya tila pag-iwas nang tingin nito. "Did he save you?" Di makapaniwalang tanong ni Rowan sa kanya. "Talaga ba! Hindi mo porte, ang tumulong sa mga tao hindi ba?" Makahulugan ang tinging ibinigay nito kay Gael. "So dapat ba hinayaan ko siya sa mga kidnappers. Baka pinaglalamayan na 'yan ngayon." Parang nagtayuan ang balahibo niya dahil doon. She's not ready to die yet. Ang bata pa kaya niya marami pa siyang pangarap. Sakabilang banda she was thankful na iniligtas siya nito. "Siya nga pala, darating dito ang pamilya mo."Biglang nasabi nito. "Si Tita?" Parang nagliwanag ang boung mundo niya. Pinasundo ba nito ang tiyahin para sa kanya? "Sweet naman pala.." "At ikaw hanggang kailan mo planong gawing tambayan ang bahay ko," baling nito kay, Rowan. "Dito ako hanggang gusto ko." Pansin niya ang pagsusukatan nang tingin nang mga ito. "Sinugod daw sa hospital si Uncle, di ka raw matawagan nang mommy mo." "Ano---" "Tawagan mo kung di ka naniniwala sa akin, " mabilis na tumayo ito. "Ella, babalik agad ako." Iyon lang at tuluyan na itong nawala sa paningin niya. Noon naman naupo si Gael sa kabisera. He sat like a king, idagdag pa ang napakaraming pagkain sa harap nito. Pero nagulat niya nang sumilay ang nakakalukong ngiti dito. "Nagsinungaling ka kay Rowan?" "So! Disappointed ka ba na umalis na siya." Bakas ang iritasyon sa mukha nito. Sa totoo lang hindi niya maintindihan ang ugali nito. "Hindi rin totoo na darating ang Tita ko?" "Mukha ba akong sinungaling nang sinabi ko 'yon." Hindi nagtagal ay narinig niya ang tunog nang sasakyan. "I think they're here." Anunsyo nito. Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. Excited na lumabas siya. Upang salubungin ang kanyang tiyahin. Pero isang may edad na lalaki ang naroon na sa tantiya niya ay nasa late forty ang edad. Halatang may sinasabi sa buhay. Naisip niyang baka isa sa mga bisita ni Gael. Pabalik na siya nang bumanga ang mukha niya sa matigas na bagay na nasa likod pala niya. Nanoot sa ilong niya ang kaaya-ayang amoy nang katawan nang may-ari nang malapad na dibdib na 'yon. Muntik nang tumalon ang puso niya nang tingalain niya ito. He was intently looking at her, with a smile at the end of his lips. "Hin---hindi siya ang kamag-anak ko." Nagawa niyang sabihin dito. Pero hindi siya nito pinansin. "Salamat sa pagdating Mr. Monreal." Napatingin siya sa bagong dating. Magkaapelyedo pala sila. "ANO BANG sinasabi mo d'yan. Hindi nakakatawa." Tiim bang asik nito sa kanya. He just told her that Gustavo Monreal was her real father. " We already run the DNA test. At siya nga ang ama mo." Seryosong turan niya dito saka inabot sa kanya ang brown envelop. Kitang kita niya ang tensyon sa mukha nito. Nang basahin nito ang laman nakasaad sa report. "Matagal ko kayong hinanap anak, wala akong nagawa nang ilayo ka sa akin nang'yong ina." Bakas ang kasiyahan sa maluha-luhang mata ni Gustavo. Truly Mrs. Monreal know how to play her cards. Hindi niya alam kung paano nito ibinalita kay Gustavo ang tungkol sa anak nito. But things go well as planned. Sisiguruhin niyang pagsisihan ni Ella panunubok nito sa kanya. He can't let anyone talked back at him, tulad nang ginagawa nito sa kanya. "Hindi ko ho kayo maintindihan. Walang sinabi sa akin ang Mama ko tungkol sa inyo. Kaya ang alam ko matagal n'yo na kaming inabandona. Kaya hindi ko na rin hinangad na makilala pa kayo." He could sense bitterness in her words. Pero hindi nakaligtas sa mata niya ang munting luhang nagbabadyang sumungaw sa mata nito. "Ang Mama mo ang babaing dapat pakakasalan ko, pero hindi pumayag ang pamilya ko. Noong panahong 'yon bagsak ang negosyo nang pamilya ko, at ang tanging paraan lang para maisalba ko 'yon ay ang pagpapakasal sa anak kasosyo nang aking ama. Wala akong nagawa, anak patawarin mo sana ako. Pero maniwala ka, hinanap ko kayo. Walang araw na hindi kita naisip anak. Lalo na ang malaman kong, namatay sa aksidente ang iyong ina. "Sobra akong nasaktan noon, dahil wala akong nagawa para sa inyo. Pero nahanap na kita, ipinapangako kong babawi ako sa 'yo anak." He held her hand. "Ang hiling ko lang bigyan mo ako nang pagkakataon. Salamat sa Tita Constance mo at hinanap ka niya para akin." "Gael, maraming salamat sa tulong mo," baling nito sa kanya. "Nagkataon lang ang lahat." So that was her alibi. "Cunning wench, sa tingin ko kailangan ni Ella nang panahon para mas makilala kayo. Mahalaga sa'kin na makitang masaya si Ella." Sinigurado niyang nakatingin siya dito sa sinabi niyang 'yon. And he was right, she's attracted to him, dahil biglang namula ang mukha nito dahil sa sinabi niya. He just needs a little effort to get her. Maya maya ay may dumating na isa pang sasakayan. It was Brendon at kasama nito ang Tita ni Ella. She went emotional as she sees her, niece. So he excuse himself, hindi niya gusto ang mga ganung eksena. NAPASUNOD NANG tinging si Ella nang magpaalam ni Gael sa kanila. "Mahalaga sa'kin na makitang masaya si Ella," parang musika sa pandinig niya ang sinabing 'yon ni Gael. Seryoso at magaspang itong magsalita sa kanya. Wala pa atang pagkakataon na hindi tumaas ang boses nito kapag may hindi ito gustong ginagawa o sinasabi niya. "But he wanted your happiness." Tudyo nang makulit na bahaging 'yon nang utak niya. "Kumusta ka na Julie?" Narinig niyang tanong ni Gustavo dito. "Salamat sa pag-aalaga mo sa anak ko sa nakalipas na taon." "Hindi mo kailangang ipagpasalamat 'yon, anak si Ella nang kapatid mo, siya na lang ang tanging pamilyang mayroon ako, kaya walang dahilan para pasalamatan mo ako." Seryosong sagot nito. Halatang may hindi nito gustong naroon ang kanyang ama. "Kung maari sana, gusto kong makasama ang anak ko...."nasa mata nito ang pakiusap. "Hindi ako ang magpapasya n'yan." Binalingan siya nang kanyang Tita Julie. Sympre kahit paano gusto rin naman niyang makilala ang sariling ama, pero kapag sumama siya dito. Maiiwan niyang mag-isa ang Tita Julie niya. "Kung maari lumipat ka kasama nang anak ko, alam kong mas mapapanatag siya kung kasama ka niya." Anang nitong tila nauhulaan ang iniisip niya. "Pagbalik natin sa maynila---" "She can't leave here without my permission---" sabay-sabay silang napalingon sa lalaking nakatayo sa may hagdan. Nakapamulsa ito saka naglakad pababa. Parang biglang nagwala ang t***k nang puso niya habang nakatitig sa kanya si Gael. He seems to be different person, she saw sadness in his eyes. Bagay na tila nagpagulo sa isip niya. At bakit siya hindi mamaring umalis sa poder nito. Kung kasama naman niya ang kanyang pamilya. Parang mas delikado pa ata ang buhay niya kapag kasama ito. " At bakit hindi?" Wala sa sariling tanong niya dito. Pumalatak ito. "Bakit ako magsasayang nang panahon na iligtas ka kung paalisin lang kita. Iniligtas kita dahil interesado ako sa'yo, " Parang gusto niyang malaglag sa kinauupuan dahil doon. And she could feel her blood, rush all over her face. Ganun pala ang pakiramdam kung may lalaking papakita nang interest sa'yo sa harap mga tao. Gusto niyang isiping pinagtitripan siya nito. But that look in his eyes made believe he was serious. "I planned to marry her, the soonest possible time, kaya ko kayo pinapunta dito." "Ano bang---kasal?" bakit parang bigla siyang natuwa. "No!" Wala pa siyang planong mag-asawa marami pa siyang planong gawin sa buhay. Kailangan pa niyang bumalik sa pag-aaral. Nakapagtapos at magkaroon nang sariling trabaho. "Totoo pala ang sabi nang ilan tungkol sayo, Mr. Dela Vega, agresibo kang tao." It sound a compliment to her mula sa kanyang ama. "I wouldn't be here if I were not what I am, Mr. Monreal." Walang gatol na sagot nito. "I'm a businessman, I don't have time for dilly-dallying." "Pero hindi pa naman kayong ganung nagkakakilala hindi ba, baka masyadong maaga para sa kasal. Hindi naman negosyo ang pagpapakasal, Mr. Dela Vega." Anang Tita Julie. Pero parang walang epekto dito ang narinig. "I should have find you sooner, Ella," anang nang kanyang ama. "Pero hindi ka na bata, ikaw ang magpasya para sa sarili mo. Alam kong wala akong karapatang magdesisyon para sa'yo." She decided to excuse herself para kausapin si Gael. Oo may utang na loob siya dito pero hindi ata tamang basta na lang siyang magpaksal dito. Kahit gaano pa ito kayaman. At interesado ba talaga ito sa kanya? "Ano namang ginagawa mo ha?" Naiilang na tanong niya kay Gael naroon siya sa malaking opisina nito. He was comportable sitting on the long black couch in his office. "I'm proposing a marriage, ano pa ba?" walang emosyong saad nito. Parang gusto niyang maglupasay sa harap nito. Isang walang kuwentang marriage proposal mula sa isang walang puso ng lalaking tulad nito. His cold as an ice. Wala man lang siyang nakikitang emosyon sa mga mata nito. Pero kanina, she was sure she saw sadness in his eyes. "Alam mo sa totoo lang, guwapo ka, mayaman, at halata naman na hinahabol ka nang mga babae. Pero ako... gusto kong magpakasal sa lalaking kahit hindi man kasing yaman mo ay mararamdaman ko naman na mahal ako at mahal ko rin. Para maging masaya kami pagdating nang araw." "So typical of you, Ella. Aanhin mo ang pagmamahal kong masasaktan ka lang." Tumayo ito at lumapit sa kanya. So close that she can almost breathe his scent. Her heart starts pounding like crazy when he pulled her closer. She could feel his warm breath that made butterflies play on her abdomen. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman sa puson niya ang nawawalang p*********i nito. She tried to push him away dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinadadama nito sa kanya sa sandaling 'yon. His deep black eyes was like a burning fire of desire. Ramdam niya ang pag-init nang kanyang mukha kasabay nang tila pagkawala nang hangin sa dibdib niya. Halos gahibla lang ang pagitan nang mga labi nila. " Sa totoo lang hindi naman kita kailangan pakasalan para lang makuha ko ang gusto ko sa'yo. Pero dahil mabait ako sa'yo kaya, pakakasalan kita. " He was staring at her eyes as he spoke. Para iyong magnet na hindi niya magawang iwasan. "I don't like you." She was lying, this man has affected her in so many ways. "Liar, shall I prove it you?" He was teasing him. Pero nagulat niya ng tuluyang sinakop nito ang nakaawang niyang mga labi. His hand held her head, then his kissed becomes too demanding. Being her first time to be kissed like that, made her heart want to explode. Sinubukan niya itong itulak pero parang walang lakas ang mga kamay niyang panlabanan nito. His kissing was making herself loose her wits. Then she found herself kissing back at him. Matagal, mainit at mapusok ang bawat halik nito. Hindi niya kayang paniwalaan sa sariling, dahil sa halik na 'yon, nabubuhay ang init sa boung pagkatao niya. She was savoring the moments when she had tastes her blood--- he bit her lips. The he stop, kung kailang nagwalala na ang utak niya, wanting for more. Bigla ay nakadama siya ang hiya sa sarili. "Never lie on my face again. You'll end up being punished... At wala kang choice kundi tangapin ang kasal. Cause I don't take no for an answer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD