3

2233 Words
PARANG sasabog ang tiyan ni Ella matapos siyang magpakabusog sa pagkaing inilatag sa kanya nang dalawang maid na naroon. Sobrang gutom na talaga siya. Halos dalawang araw na pala siyang hindi kumakain. Ang mga ito na rin ang nagdala sa kanya sa kuwartong tutulugan niya. May sariling banyo ang kuwarto. Kailangan na rin niyang maglinis nang katawan. Binuksan niya ang closet na naroon, kailangan na rin niyang magpalit nang damit. Pero walang lamang kahit ano 'yon. Kahit ata alikabok wala siyang nakita. Napaupo na lang siya sa kama. Mukhang kailangan pa niyang tiisin na 'yon ang sout niya. Napatingin siya sa mamahaling coat na hinubat niya . Nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang masungit na lalaki, bitbit sa isang kamay nito ang magkakaibang kulay na sexy lace underwear. Saka ibinato sa kanya ang mga 'yon. Mukhang bago pa ang mga 'yon dahil nakasabit pa ang ang tagcard. At muntik na siyang malula sa presyo nang underwear. "Wear this, I don't have female clothes here, unless you want to borrow from the maids." Isang white long sleeve polo ang ibinigay nito na nakatago pala sa likod nito. Sa laki noon alam niyang ito ang may-ari nang damit. He was almost six feet tall, kaya mahaba 'yon sa kanya. She was only five three. "May pambabaing underwear pero walang damit nang babae." Pabulong na turan niya. Pero nagulat siya humakbang ito palapit sa kanya sabay yuko ito ilapit ang mukha sa tainga niya. "I don't let my woman wear clothes inside my house. Kaya nga hindi nagamit ang underwear." Sunod-sunod siyang napalunok dahil sa kakaibang kiliting hatid nang pagbulong nito sa kanya. Lihim na sinaway niya ang sarili. Ipinagpasalamat niyang umalis na lang ito nang walang paalam. Napawak pa siya sa dibdib niya nang tuluyang sumara ang pinto. "Pervert talaga!" Wala sa sariling usal niya. Nakaligo at nakapagbihis na siya nang magpasya siyang bumaba. Manghihiram siya nang cellphone para makausap nang tiyahin. Kaagad naman siyang ipinahiram nang Manang Adela. Nakadalawang ring nang sumagot ang Tita Julie niya. Para siyang nabunutan nang tinik nang marinig ang boses nito. "D'yos ko, Ella ikaw ba yan, iha?" Naiiyak na tanong nito. Ayon dito ay sinabi ni Rica ang nangyari. "Kumusta ka naman, ayos ka lang ba?" "Ayos naman na po ako, may tumulong sa 'kin kaya po nakaligtas ako. Sisikapin ko hong maka-uwi agad." Pag-aassure niya dito. Sinabi niya ditong nanghiram lang siya nang cellphone kaya kinailangan na niyang magpaalam dito. Kaagad naman siyang nagpasalamat kay Manang Adela. "SA TINGIN ko namuhay siyang hindi nakikilala ang sarili niyang ama kaya siya naghihirap." Anang ni Brendon, naroon sila sa verandah nang bahay bakasyonan niya sa Ilocos. It was all part of his plan to trick Ella and made her believe that he was her savior. Siya ang magiging susi para makuha niya ang Monreal Industries. Pagkatapos ay saka niya ito i-dedispatsa. Abala ang diwa niya nang biglang magring ang cellphone niya. Nag-isang linya ang kilay niya nang makilala ang numero nang caller. Bukas pa niya ito dapat kausapin. Pero nagmessage siya dito kanina. "What are you saying that you change your plan?" Malakas ang sigaw nito. "Hindi na ako interesado sa pera mo." May ngiti sa labing sagot niya. Bakit siya tatangap nang barya kong may mas malaking balon siyang mapapakinabangan. "What did you say you, bastard!" Nakikita na niyang galit nito sa boses nito."You'll pay for this--" "Huwag mo akong takutin Mrs. Monreal. Hindi mo ako kilala, kayang kaya kitang wasakin kung gugustuhin mo. At ang tungkol sa pagpapakasal ko sa anak mo, hindi na ako interesado. Mas interesado ako kay Ella, mas magandang nasa akin totoong tagapagmana hindi ba?" "What are you planning to do? Irereport kita----" "Go on, pero sisiguraduhin ko sayo na malalaman nang ama ni Ella ang ginagawa mo---- pati ang ang ginagawa mo noon--- I know your little secret Mrs. Monreal." He could hear her breathing harshly. "How dare----!" "Relax, Mrs. Monreal, gawin nating mas maganda ang relasyon natin. Masaya 'yon, diba?" Nakangising turan niya. She bite her own bait. Nakasisiguro naman siyang hindi ito magsasalita pa. "And you have to do something for me." "What---baka masyado namang makapal ang mukha mo Mr. Dela Vega?" "Gusto mo bang subukan ang kaya kong gawin?" An evil smirk came out on his lips. "Mas malaki ang mawawala sa'yo kapag ako ang kumilos." Malumanay ang tinig niya pero hindi maipagkakailang natakot ito. NAALIMPUNGATAN si Ella nang gabing 'yon nang maramdaman niyang tila may nakatingin sa kanya. At ganun na lang ang gulat niya nang mapansin ang bulto nang katawang nakaupo sa one seater chair na naroon sa kuwarto. Mabilis na binuksan niya ang lampshade. At ang masungit na lalaking ayaw magpakilala sa kanya ang naroon, nalaman niya mula kay Manang Adela na Gael ang pangalan nito. Mataman itong nakatitig sa kanya na tila i-noobserbahan ang pagtulog niya. Alas tres na nang madaling araw ayon sa relos na naroon sa kuwarto. "Bakit nandito ka?" Tanong niyang hindi ipinahahalata ang takot. "Hindi ka ba natutulog?" "Bahay ko 'to kaya puwede akong pumunta kahit saan ko gusto. Dapat nga magpasalamat ka pa." Tumayo ito, bitbit ang maliit na medicine kit. "Bukas palitan mo nang benda ng paa mo." Anito saka inilapag sa lamesita ang box. "At matuto lang maglock nang pinto kung ayaw mong pasukin ka nang kung sino-sinu sa kuwarto." Sermon nito bago siya tuluyang iniwan. Napatingin siya sa paa niyang may benda na. Mukhang may tinatago rin palang kabaitan ang lalaking 'yon. Sa totoo lang mababaw siyang matulog, dala marahil nang pagod kaya hindi man lang niya naradaman na ginagamot na pala nito ang sugat niya. Pero sigurado siyang pinagmamasdan siya nito. Sa isiping 'yon parang biglang nag-init ang mukha niya. Kaagad niyang pinagalitan ang sarili. Ni hindi nga niya kilala ang totoong pagkatao nito. Pakiramdam niya ay may kung anong mysteryong nagtatago sa katauhan nito. Sukat doon ay hindi na siya nakatulog pa. MEDYO nawewerduhan si Gael sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit pa niya pinag-aksayan nang panahon gamutin ang sugat ni Ella. He was not the type to care for anyone. Sanay siyang sarili lang niya ang iniisip. Kaya lalo siyang naiinis sa babae. Pero kailangan niya ito kaya dapat niya itong pakitaan nang maayos. At sa kakaisip ay hindi na siya halos nakatulog. He was in his deep thought when he heard a knock on his door. Then it open. Naroon si Brendon na mukhang kagigising lang. His thirty six years old right hand man was the only person he trust. Bente ayos pa lang siya nang una niya itong makilala. He was almost half beaten to death. Binugbog at sinaksak ito ng mga tauhan nang ama ng fiance nito. Saka itinapon sa talahiban. Mayaman kasi ang pamilya nang babae samantalang anak ito nang magsasaka. At hikahos sa buhay. Kung hindi niya ito nadala agad sa hospital noon baka namatay ito dahil sa saksak sa tagiliran nito. Pagkalipas nang dalawang taon ay nakita niya itong isa sa mga applicante nang kanyang ama sa Dela Vega Empires. At doon na nagsimula pagiging assistant s***h driver nito sa kanya. Then he become his trusted right hand man. "Hindi ka ba natulog Boss?" Anito. "Hindi ako makakatulog kong nag-iisip ako." "Baka may maitulong ako." Presenta nito. "Alam mo ba kung paano mo mapapayag si Ella na pakasalan ako." Napangiti ito, saka tumawa. Masamang tinging ang isinagot niya dito kaya bigla itong sumeryoso. "Huwag mong sabihing tinamaan ka rin sa kanya---" "What, bakit ako magkakagusto sa babaing katulad niya," sa sinabing 'yon bigla siyang nainis. "Mas interesado ako sa Monreal Industries, pagnakuha ko na ang kailangan ko saka ko siya didispatsahin." "Kung ganun, hindi mo na dapat isipin pa 'yan. Kung di mo makuha sa magandang usapan, daanin mo sa puwersahan." "Well, hindi rin naman ako sanay sa magandang usapan." Aniya dito na tumango pa. "Gusto mo nang kape?" Aluk nito. "Hindi, I need to sleep." Iyon lang iniwan na niya ito. Lingid sa kaalam ni Gael, may kakaibang ngiting namutawi sa labi ni Brendon. Alas otso nang umaga nang magising siya. Dumiretso siya sa banyo at naligo. Pero pagbaba niya ay hindi niya inaasahang ang bisita sa ibaba. Si Rowan, at malapad ang ngiti nito habang nakikipag usap kay Ella. Panay naman ang tawa nang huli sa mga kayabangan nang kausap. Nakaramdam siya nang inis. "Puwede kitang ibili nang mga damit mo." Narinig niyang sabi ni Rowan pagbaba niya nang hagdan. Ano sa tingin nito hindi niya kayang gawin 'yon? Naglakad siya patungo sa mga ito at naupo sofa kung saan naroon ang mga nito. Dinampot niya ang magazinesa ilalim lamesita, saka prenting naupo at nagsimulang buklatin ang magazine. "What brings 'you here?" "I heard your here kaya pumunta ako. At nakita ko ang maganda babae dito bahay." Kitang kita niya ang pamumula nang mukha ni Ella dahil doon. "Nag-eenjoy ba siyang purihin nang mga lalaki." "Siya nga pala, isama ko si Ella para makabili nang mga damit niya---" "Bakit sa tingin mo hindi ko kayang gawin 'yon. Nasa poder ko siya kaya hindi mo dapat problemahin kung anung isususot niya." "Ahm---hindi na, pahihiramin na ko ni Manang Adela nang mga luma niyang damit. Isa pa ang gusto ko lang makauwi na sana." Nagpalipat lipat nang tingin nito sa kanila ni Rowan. "Kung ganun ako nang maghahatid---" "Kanina ka pa. Do you think I can't send her home?" Singhal niya dito. "Bakit ba bad mood ka, ka aga-aga. Buti pa kumain ka muna, baka gutom lang 'yan." Pagtataboy sa kanya ni Rowan. "Hayaan mo kaming mag-usap dito. I'm trying to get to know our pretty housemate." "Bakit kumain na kayo?" "Oo maaga kasi akong nagising, pinakain na ako ni Manang Adel kanina." Dahil naiirita na siya sa mga ito, nagpasya siyang umalis at dumiretso sa dinning table. Kaagad naman siyang ipinaghain nang maid. Pero nang bago ang isip at sinabing sa lawn siya mag-aalmusal. Then he walk past the living roon kung nasaan ang mga ito, saka siya pumuwesto paharap sa garden. Mula doon, ay dinig niya ang tawanan ng mga ito, at kitang kita rin niya ang nakakairitang tingin ni Rowan dito. "Kung ganun, hindi ka talaga dancer nang club." "Hindi." Ikinuwento pa nito ang pamimilit nang Manager para maging kapalit na dancer. Natakot umano itong mawalan nang trabaho kaya napilitan itong gawin 'yon. "Eh, may boyfriend ka na ba Ella?" "Ah, naku wala." "Kung ganun siguradong maraming nanliligaw sa'yo. Puwede rin akong manligaw?"Preskong tanong ni Rowan dito. Na tinawanan lang nito. "Sa totoo lang wala pa sa isip ko yan, kasi kailangan kong tuparin ang pangako ko sa Mama ko na magtatapos ako nang pag-aaral. Sa hirap nang buhay, dapat unahin ko muna kung anong mahalaga diba." Paliwanag nito na ikinangiti niya. "Hay, dapat kasi mayamang lalaki ang piliin mo, parang ako. Hindi ka na mahihirapan pa." "Gago talaga! "Napatayo siya. Kung ano-anung sinasabi nito kay Ella, paano kung bigla itong maniwala. "Sir tapos na kayo?" Tanong ni Lucy sa kanya. Pero hindi niya ito pinansin. "Ella let's go." Sabay itong napatingin sa kanya. "Umalis na tayo." "Ha-- teka saan tayo pupunta?" "Stop asking question." Saka siya naglakad palabas. "Sama rin ako, "habol ni Rowan. "No." Anito saka matalim ang matang ipinukol niya dito. WALANG NAGAWA si Rowan kundi ang sundan nang tanaw ang papalayong sasakyan ni Gael. Pansin niyang binabakuran nito si Ella. He seems interested in her too. Pero hindi siya papayag na magpatalo dito. Gael always is ahead of him. Kahit ang mga magulang niya ay mataas ang tingin nang mga ito kay Gael. Madalas siyang ikompara nang mga ito kay Gael. Why can't he be like him? That made him hate him sometimes. Pakiramdam niya ay anino lang siya nito. For once he wanted to beat him. Hindi dahil galit siya dito. They had been friends for so long. Pero iba talaga ang dating ni Ella sa kanya. The first time she saw her, alam niya sa sariling nagkagusto agad siya sa dalaga. At hindi pa 'yon nangyayari sa tanang buhay niya. Napangiti siya nang mula kong saan ay lumitaw ang magandang imahe nito sa isip niya. Her face look innocent kahit pa napakadaring nang sout nito. She has that seductive looks any man would make her, his. At sa kabila nang maraming babaing dumaan sa buhay niya. Ito lang ang nagdulot nang ganung pakiramdam sa kanya. His heart was pounding hard every time she stare back at him. Lalo na kanina nang makita niya ito. His heart was about to jump out his chest when he saw her smiling. Kaya naman talagang disidido siyang makuha ito. Kailangan niyang maunahan si Gael sa pagkakataong 'ito. Wala siyang paki-alam kung natatalo siya nito sa maraming bagay. Pero sa pagkakataong'yon he wanted to win Ella. Iyon ang unang pagkakataon na may hinangad siya na kay Gael. Alam niyang may dahilan kung bakit bigla na lang itong umalis sa Villa. Iyon ang kailangan niyang alamin. Kung bakit nasa Villa ang dalaga. Gael never takes a woman in his private place. "Paano kung interesado talaga ito kay Ella," tudyo nang bahaging 'yon nang utak niya. Umiling siya. "No!" His not the type to take woman seriously, para kaya Gael laruan lang ang mga babae. Pain has made him like that. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya saka tinawagan ang right hand man niyang si Luca. "I need you to do something for me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD